LOGINCLAIRE
Nakahiga kami pareho ngayon ni Sir Max sa kwarto niya. Gamit ang mahabang kumot, hinati namin ang kama sa dalawa. Siya sa kanan, ako sa kaliwa. Pinipilit kong sarhan ang mga mata kasi hindi ako nakakatulog kapag bukas ang ilaw. Si Sir naman, ayaw niya ng naka patay. “Should we try it?” Tumingin ako sa kanya. Binawi ko din naman ito dahil nakalimutan kong naghuhubad siya kapag natutulog. Dahil nandito ako, pang itaas lang ang hinubad niya. “Date me for real.” May epekto ata sa boses niya ang pag-inom ng maraming kape. Ang gaspang nito at ang baba. “Ayoko,” sagot ko kaagad. Lumundag ang kama. Nakaharap ang buong katawan niya sa akin. Ang kanyang ulo ay sinandal niya sa kanyang kamay. Parang modelo. “Hindi ka na lugi sa akin, Claire. I'm handsome, rich, gentleman, perfect. I can give you a perfect life.” Nilipat ko ang tingin mula sa kisame patungo sa mga shelf sa magkabilang dulo ng flatscreen TV. Umaapaw ito sa mga medalya at mga tropeo. Kung may similaridad man kami ni Sir Max, yun ay ang pagiging achiever sa murang edad. Yun nga lang, hindi niya ako maiintindihan kailanman. Kasi ako, kailangan maglaba para may pangkain. Siya, magde-demand lang. “Hindi ko kailangan ng perfect life, Sir Max. Ang kailangan ko ay buhay na mapayapa. At gusto ko ang lalaking papakasalan ko ay magbibigay sa'kin ng kalma.” Hindi stress. “Look. Saan ako kulang? Am I not enough for you?” Tinignan ko ang kanyang malalim na mata saka umiling. “No sir, you're… too much.” Tumalikod ako papunta sa dulo ng kama at pinikit ang aking mata. Lumundag ang kama at narinig ko siyang huminga ng malalim. Kinabukasan, maaga kami nagpaalam sa pamilya niya matapos mag agahan. Tinanong pa ako ng grandparents niya kung saan ko gustong magpakasal. Ang sabi ko na lang na sa simbahan. Totoo din naman yun. Sa utos ni Sir Max, bumalik kami sa Metro Manila by land kasi wala naman kaming pasok ngayon. Nakaupo ako sa harap ng SUV kasama ang driver habang sa likod naman si Sir. Tahimik siyang nagbabasa sa kanyang ipad as usual. Sa kasamaang palad, mahigit limag oras akong nagtiis sa tugtugin niyang masakit sa tenga dahil naabutan kami ng rush hour. Alas dose singkwenta na ako nakarating sa apartment. Hindi na ako nagtanghalian. Diretso ako sa pag update ng schedule ni Sir para sa susunod na linggo. May mga emails pa na dapat kong asikasuhin. Bumalik sa akin ang sinabi ng kaibigan kong si Max na concierge sa isang hotel. Biglang nag cancel ang chairman ng WhiteBerry ng private dinner at nag order ng maraming pagkain papunta sa isang suite, noong mismong gabi na inupload namin ang report. Hindi ako pinanganak ngayong araw para hindi ito pagtuunan ng pansin. Tumunog ang tiyan ko. Lumubog na ang araw noong natapos akong mag book ng mga flights at reservations. Tumayo ako sa office chair at nag unat ng katawan nang may dumating na email galing kay Sir Max. Subject: Re: ANG BOSS KOMG PSYCHOPATH GRRRR!!! Recipient: Maria Isabella Lopez I'm afraid I won't let you go, Sec. Lopez. My family is looking forward to our next family gathering and our wedding. May attachment itong larawan. Iyon ay ang resignation letter ko at screenshot ng drunk email na ngayon ko lang nalaman, naiwan ko yata ‘to sa kotse niya noong isang araw. Ang hirap kapag dito sa email nakikipag-usap. Yung gusto mo siyang murahin pero professional dapat ang dating. At saka, gusto ko kung magpapakasal ako, may kilig. May proposal kahit hindi magarbo, at dapat siyempre mahal din ako ng lalaking pakakasalan ko. Yung email niya nga sa akin walang ka sweet-sweet. Corporate na corporate ang dating. Na para bang marriage of convenience ganon. Ayaw ko nung ganong buhay. Nireplyan ko siya. Yung klaseng reply na tumigil na siya sa pangungulit. Subject: Re: ANG BOSS KOMG PSYCHOPATH GRRRR!!! Recipient: Maxwell Rockefeller III You'll have to grant me access to the report before I will let that happen, Sir. Kala mo ha! Wala iyang tiwala sa akin kaya di na niya ako rereplyan. Lumabas muna ako ng bahay para bumili ng chicken inasal. Pagbalik ko, dumiretso ako sa lababo at nilipat ang pagkain sa plato. Naghugas rin ako ng kamay. Dinala ko ang plato sa desk na nasa kabilang bahagi ng kwarto, sa paanan ng kama ko. Malapit kong nabitawan ang plato matapos kong makita ang reply ni Sir. Subject: Re: ANG BOSS KOMG PSYCHOPATH GRRRR!!! Recipient: Maria Isabella Lopez Present your analysis on monday's meeting. The executives will be present. If your conclusions are not correct, then we will be discussing your future with the company. I kept my end of the bargain. I hope you do the same, Secretary. Naka attach dito ang financial report ng Oracle Analytics na wala dapat akong access. Nawalan ako ng ganang kumain. Hindi ko alam kung saan ako dapat kabahan. Sa kasal? Sa presentation sa susunod na bukas? Sa resulta ng presentation? O sa pag open ng confidential na report? Dalawang taon pala akong walang kamalay-malay kung ano ang pakiramdam na nasa recieving end ng mindgames niya. Ngayon lang pumasok sa isip ko kung bakit siya binansagang ‘The Mindplayer’ sa business world. Walanghiya. Ang talino mo talaga, Maxwell Rockefeller! Pagbukas ko ng spreadsheet, tama nga ang hinala ko. Tinaasan nga ng WhiteBerry ang bid nila. Magiging resulta ito sa pwersahang paglagpas ng threshold namin. Hindi iyon maganda. Nag vibrate ang cellphone ko katabi ang laptop. Galing ito sa number na hindi naka save sa device o sa sim ko. Pero dahil sanay na akong makatanggap ng tawag galing sa mga hindi ko kakilala dahil sa trabaho, iniswipe ko ito upang sagutin. Nilagay ko ang cellphone sa aking tenga. Sumikip ang lalamunan ko nang marinig ang isang pamilyar na boses. “If I were you, hindi ako maghuhukay pa, Secretary Lopez.” Naputol ang tawag. Uminit ang buong katawan ko dahilan ng pagpapawis ng aking noo. Devon de León. Ang dating Chief Financial Officer ng Prime Capital Holdings. Ang taong nawala sa radar matapos bumagsak ang Prime Capital Holdings. At ang taong naging dahilan ng pagkawala ko ng trabaho at pagka blacklist ko sa mga kompanya. Isa lang ang alam kong dahilan kung bakit nagpaparamdam siya galing sa pagkakatago sa anino. At iyon ay ang Rockefeller Industries.CLAIRE Linggo. Nagising ako sa malakas na tunog ng makina at sa kalabog ng pinto. Pinilit kong buksan ang aking mga mata nung may sumigaw rito.Knock. knock. knock.“Claire, may naghahanap sa'yo sa labas.” boses iyon ni Manong Caloy na isang tentant din rito.Tumayo ako. Tunog nga iyon ng makina ng malaking sasakyan. Hindi ako nananaginip.“Claire!”“Opo, manong. Lalabas na ho.”Narinig ko ang yapak ni Manong palayo.Nilagay ko sa isang bun ang buhok ko. Nilagyan ko ng jacket galing sa drawer ang saplot ko na sleeveless. Binuksan ko ang pinto na may inalala. Wala naman akong inagrabyadong tao kaya wala akong dapat ipag-alala. Lumabas ako, nalilito.Pagtapak ko sa labas, mas malakas pa sa tunog ng mga truck na nakaparada sa kalye ang bulong bulongan ng mga tao.“Sino kaya yun? Parang si Dao Ming Si.”“Mas gwapo pa kaya ‘yan ni Dao Ming Si” “Agree.”“Hinahanap daw si Claire.”“Ay bongga, nakaahon sa hirap.”“Baka buntis.” “Shhhh, lumabas na siya.”Sa common area, nakaupo si Sir Maxwell
CLAIRE Nakahiga kami pareho ngayon ni Sir Max sa kwarto niya. Gamit ang mahabang kumot, hinati namin ang kama sa dalawa. Siya sa kanan, ako sa kaliwa. Pinipilit kong sarhan ang mga mata kasi hindi ako nakakatulog kapag bukas ang ilaw. Si Sir naman, ayaw niya ng naka patay. “Should we try it?” Tumingin ako sa kanya. Binawi ko din naman ito dahil nakalimutan kong naghuhubad siya kapag natutulog. Dahil nandito ako, pang itaas lang ang hinubad niya. “Date me for real.” May epekto ata sa boses niya ang pag-inom ng maraming kape. Ang gaspang nito at ang baba. “Ayoko,” sagot ko kaagad. Lumundag ang kama. Nakaharap ang buong katawan niya sa akin. Ang kanyang ulo ay sinandal niya sa kanyang kamay. Parang modelo. “Hindi ka na lugi sa akin, Claire. I'm handsome, rich, gentleman, perfect. I can give you a perfect life.” Nilipat ko ang tingin mula sa kisame patungo sa mga shelf sa magkabilang dulo ng flatscreen TV. Umaapaw ito sa mga medalya at mga tropeo. Kung may similaridad m
CLAIRE Naalala ko ang unang pagkikita namin at unang araw ko sa trabaho sakay ang kotseng ito. Patay na patay pa ako sa kanya noon. Hindi ko alam na isa pala siyang kampon ng kadiliman. “Why are you staring at me, Lopez?” sabi niya sa likuran ng sasakyan. Ngayon ko lang napansin na nakadikit ang titig ko sa salamin ng sasakyan. Inalis ko naman kaagad ito at binaling ang tingin sa daan. Pagdating namin sa property niya, may mga team agad ng mga makeup artist at stylist na naghihintay sa sala. Hindi ko alam kung kaninong vanity ang dinala nila at paano nila iyon pinasok sa loob ng bahay pero hindi naglalaro ang styling team ni Sir Max. Para silang sasalang sa gyera, handang handa. May dala pa silang mga ilaw at kung ano-ano pa. “I’ll entrust you with her care,” sabi niya sa buong team. “Makakaasa po kayo, Sir. At nandun na rin sa taas ang team na mag-aasikaso sa’yo, Sir.” “Good.” Tumingin siya sa akin at umakyat sa taas. Walang thank you as expected. At ang hindi ko maintindih
CLAIRE “Are you drunk Miss Lopez?” Nawala ang antok sa katawan ko. Agad akong napatayo kaya tumilapon ang laptop sa dulo ng kama. Hindi ako nakapagsalita kaagad. “N-no, Sir.” Agad kong inabot ang laptop at binuksan ito saka tiningnan ang send history ng email account ko. Recipient: Maxwell Rockefeller III Bumagsak sa lupa ang isang napakalakas na nuclear bomb. ‘HINDI PALA KAY MAX VILLALUNA KO NA SEND ANG EMAIL?' P*TANGINAAA!!! “High?” Kumilabot ang buong spinal cord ko sa boses nya. “H-hindi rin, Sir.” “Are you sure?” tumaas ang boses niya. “Yes S-sir.” “Ah… Then I assume may reasonable explanation ka sa email na sinend mo sa akin.” Ipinikit ko ang mata at hinawakan ang noo. “A-hh ehh b-baka administrative error lang po ‘yon sir.” “Administrative Error?” matawa-tawa niyang sabi. Lumayo ang boses niya pero rinig ko pa rin ito, “She’s really drunk.” Lumapit ulit ang boses niya, “I thought administrative errors involves typos lang sa mga documents at hin
CLAIREGumigewang-gewang ang katawan ko na parang inflatable tube man (yung sumasayaw na may hangin sa labas ng tindahan) habang naglalakad sa kalye ng Ermita papunta sa inuupahan kong apartment.Pagkarating sa gate ay tinulak ko ito pero nauna ang ulo ko kaya ito nakipag headbutt sa riles ng bakal. “Aray!” pumikit ako.Pagkapsok, ay dumiretso agad ang mga paa ko sa hagdanan sa dulo ng gusali. Nakaakyat na ako sa gitna ng hagdanan nang maalala na may elevator pala sa baba. Bumaba ako at pumasok sa elevator. Pagsara ng elevator, naalala ko na nasa first floor pala ang inuupahan kong kwarto.‘Ano ba ‘to?’ bulong ko sa sarili. Parang naging muscle memory ko na ang pag-akyat ng hagdan at pagsakay ng elevator. Pinindot ko ang button para makaalis sa loob.Ginawa ko na ang lahat ng balanse sa mundo para hindi matumba. Ang isang kamay ko ay nakakapit sa dingding habang tinutunton kung nasaan ang kwarto. Pagdating ko sa kwarto,“Sh*t ang susi.” Gumana ang ininom kong memory plus gold kanin







