공유

Girlfriend For A Day

작가: Rio
last update 게시일: 2026-11-02 12:00:27

CLAIRE

Naalala ko ang unang pagkikita namin at unang araw ko sa trabaho sakay ang kotseng ito. Patay na patay pa ako sa kanya noon. Hindi ko alam na isa pala siyang kampon ng kadiliman.

“Why are you staring at me, Lopez?” sabi niya sa likuran ng sasakyan.

Ngayon ko lang napansin na nakadikit ang titig ko sa salamin ng sasakyan. Inalis ko naman kaagad ito at binaling ang tingin sa daan.

Pagdating namin sa property niya, may mga team agad ng mga makeup artist at stylist na naghihintay sa sala. Hindi ko alam kung kaninong vanity ang dinala nila at paano nila iyon pinasok sa loob ng bahay pero hindi naglalaro ang styling team ni Sir Max. Para silang sasalang sa gyera, handang handa. May dala pa silang mga ilaw at kung ano-ano pa.

“I’ll entrust you with her care,” sabi niya sa buong team.

“Makakaasa po kayo, Sir. At nandun na rin sa taas ang team na mag-aasikaso sa’yo, Sir.”

“Good.” Tumingin siya sa akin at umakyat sa taas.

Walang thank you as expected.

At ang hindi ko maintindihan sa lahat, hindi pa ito ang buong team? HINDI PA ANG BUONG TEAM. Akalain mo ‘yun? Sa amin nga, isang makeup artist at isang hairstylist lang, maganda ka na dun.

Naawa ako sa sarili ko sa pinanggagawa ng team sa akin.

Para akong dressed chicken na inihanda para ihawin.

Una, hinubaran ako at nilagyan ng bathrobe.

Pinahiga ako sa lamesa para simulan ang aking kalbaryo. Hinilamusan nila ang aking mukha at nilagyan ng mga kung ano-anong elemento.

Niligo din nila ang buhok ko na parang isang daang taon akong ‘di naliligo. Pagkatapos ay binanlawan ito na parang wala nang bukas.

Pinaupo nila ako sa harap ng salamin habang bino-blowdry ang buhok ko.

In fairness. Malapit ko nang hindi makilala ang sarili ko. Nawala lahat ng masamang energy sa aking mukha dahil sa pagtatrabaho.

Akala ko malapit nang matapos pero simula pa lamang ito. Saka nila ako nilagyan ng makeup, binigyan ng hairstyle at binihisan.

Pagtingin ko sa salamin, nakita ko si Marian Rivera na nakasuot ng Rose Quartz na sleeveless dress. Pak. Sa lahat ng nandiri nung nag confess ako sa kanila sa highschool, pwes. Who you kayo sa’kin.

Pati ang team ay hindi tumitigil sa pag compliment sa akin. Tumigil ang aming pictorial nang nagsalita si Sir Max malapit sa pínto. Hindi ko alam na kanina pa pala siya naghihintay roon.

“That’s enough, we need to go.” Huminto kaming lahat. Nagpaalam ako sa team at sinundan si Sir Max palabas ng bahay.

☆○☆○☆

Gabi na noong nag private plane kami papunta sa Ancestral House nila sa Quezon Province. Dumating kami doon bago mag alas otso. Pumasok ang kotseng sinasakyan namin sa isang gate na hamak na mas malaki pa sa buong building ng apartment ko.

Pagpasok namin doon, hindi ko pa natatanaw ang Ancestral House. Namangha ako noong dumaan kami sa isang lake na kumikintab sa dami ng fireflies. Gusto kong tumalon sa sasakyan at hulihin ang mga ito ngunit nawala na ito sa aking paningin sa bilis ng takbo ng sasakyan.

Sa unahan ay may fishpond. Pagkatapos ay dumaan kami sa isang gubat, isang garden, isang lugar na parang resort, isa pang garden na patag. Marami itong bulaklak at mas manicured ito kumpara sa garden kanina na hinayaan lang sa lupa lumaki ang mga iba’t ibang uri ng halaman.

Mula rito ay tanaw ko na ang Ancestral House o masasabi kong Mansion. Gawa ito sa bato na pinagpatong-patong. Kung ide-describe ko ang bahay, isa itong lumang arkitektura na minodernize.

Bumaligtad ang aking sikmura habang lumalapit sa paningin ko ang mataas na hagdan. Huminto ang sasakyan rito. May naka standby kaagad na nagbukas ng pínto.

Hinintay ako ni Sir Max sa harap ng hagdan. Pinatong niya sa braso niya ang aking kamay. Para kaming haharap sa harap ng altar.

Ay mali!

Para akong magigisa sa mga maiinit na tanong ng mga matapobre niyang pamilya.

‘Di ba mag rerehearse pa ng sasabihin kapag pinakilala sa mayaman na magulang? Gusto yata akong mapahiya ng bw*set na ‘to. Kasi gusto niyang maghiganti sa akin dahil sa sinabi ko sa email.

Pwes, hindi ako mapapahiya. Habang naglalakad kami sa malawak nilang bahay ay nagrerehearse na ako sa isip ko.

Galing ako sa mayamang pamilyang may tailoring business. Graduate ako ng Fashion Design sa Fashion Atelier sa UK na Magna Cumlaude.

Pagdating namin sa Dining Hall, nakaupo ang mestizo na lolo ni Sir Max sa ulo ng lamesa. Ginabayan ako ni Sir Max sa upuan kaharap ng nakababatang kapatid niya na lalaki at katabi ang nanay niya na mukhang Chinese.

Bale Si Sir, ako, at nanay niya. At sa kabila naman, lola ni sir, kapatid niya na cute version niya, in-law at mga apo.

Binati agad ako ng nanay niya at nag beso kami. Habang si Sir, umikot at nagmano sa mga nakakatanda sa kanya. Tapos bumalik siya sa tabi ko at nilagay ang kamay sa aking beywang.

“Everyone, meet my girlfriend.” Tinignan ako ng lahat mula ulo hanggang paa.

“Good evening po, ako po si Maria Issabella Lopez. Nakatira po ako sa Ermita, Manila. Nice to meet you po.”

Isa-isa ring nagpakilala sa akin ang miyembro ng pamilya ni Sir Max. Bago kami umupo, tinanong ako ng lolo ni Sir Max.

“Lopez from Lopez and Lopez law firm?”

Bumuka ang bibig ko. Umupo ang lolo at umupo na rin kami lahat. Nagsimula nang i-serve ang mga appetizer.

“Lopez from Lopez Industrial Farm of Spain?”

“Ah-” hindi ako nakapagtapos magsalita dahil sinapawan niya ako.

“Alam ko na! Lopez from Mexico! Hindi? Portugal?”

“Ah, sa Butuan po ang probinsya namin. Ang nanay ko, naglalaba. Ang tatay ko naman, Presidente ng Derby Club.”

Natapos nang ma-serve ang mga appetizer ngunit wala pang kumakain.

“Ah.” Tumawa nang nagkakahalaga ng limang milyong dolyar si lolo Maxwell Sr. “I thought you're from one of the families. Sorry about that, iha.”

Sumubo si Lolo Max. Nagsimula na rin kaming sumubo.

“Ah, hindi okay lang po.”

Biglang nahulog ang confidence ko from positive one to negative infinity. ANG OA. Pero totoo talaga yun.

“She’s working as my secretary,” paliwanag ni Sir. Tumango si Lolo habang kumakain.

“Ah, ikaw pala iyon,” ani ng mama niya. “Kaya ka pala tumagal. Dahil naakit sa’yo ang anak ko.”

“Mom,” si Sir.

“So kailan ang kasal, bro?” Lumuwa ang mata ko sa sinabi ng kapatid ni Sir. “Ngayon pa lang iyan pumayag na mag-uwi ng babae. Kaya we know that it’s serious.”

Naging kamatis ang mukha ko teh!

“Soon,” sabi ni Sir.

G*GO! Fake girlfriend lang ang usapan. Umabot sa kasal? Pashneya!

Naubos na ni Lolo ang appetizer. Tumigil ang lahat sa pagsubo. Ibinaling ng Lolo ang atensyon kay Sir.

“Arrange it as soon as possible, apo. That’s non-negotiable. Look at your younger brother, may pamilya na. At para naman may papasahan ka sa mga mana mo galing sa amin, ‘diba, love?” Tumango ang lola ni Sir.

“At saka iho, iha, konting oras na lang ang natitira namin sa mundo. Para naman makita pa kami ng magiging anak niyo.”

Nabulunan ako sa sariling laway. Binigyan naman ako ng tubig ni Sir.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • I Fell In Love With My Arrogant Boss   Penthouse

    CLAIRE Linggo. Nagising ako sa malakas na tunog ng makina at sa kalabog ng pinto. Pinilit kong buksan ang aking mga mata nung may sumigaw rito.Knock. knock. knock.“Claire, may naghahanap sa'yo sa labas.” boses iyon ni Manong Caloy na isang tentant din rito.Tumayo ako. Tunog nga iyon ng makina ng malaking sasakyan. Hindi ako nananaginip.“Claire!”“Opo, manong. Lalabas na ho.”Narinig ko ang yapak ni Manong palayo.Nilagay ko sa isang bun ang buhok ko. Nilagyan ko ng jacket galing sa drawer ang saplot ko na sleeveless. Binuksan ko ang pinto na may inalala. Wala naman akong inagrabyadong tao kaya wala akong dapat ipag-alala. Lumabas ako, nalilito.Pagtapak ko sa labas, mas malakas pa sa tunog ng mga truck na nakaparada sa kalye ang bulong bulongan ng mga tao.“Sino kaya yun? Parang si Dao Ming Si.”“Mas gwapo pa kaya ‘yan ni Dao Ming Si” “Agree.”“Hinahanap daw si Claire.”“Ay bongga, nakaahon sa hirap.”“Baka buntis.” “Shhhh, lumabas na siya.”Sa common area, nakaupo si Sir Maxwell

  • I Fell In Love With My Arrogant Boss   Unknown Caller

    CLAIRE Nakahiga kami pareho ngayon ni Sir Max sa kwarto niya. Gamit ang mahabang kumot, hinati namin ang kama sa dalawa. Siya sa kanan, ako sa kaliwa. Pinipilit kong sarhan ang mga mata kasi hindi ako nakakatulog kapag bukas ang ilaw. Si Sir naman, ayaw niya ng naka patay. “Should we try it?” Tumingin ako sa kanya. Binawi ko din naman ito dahil nakalimutan kong naghuhubad siya kapag natutulog. Dahil nandito ako, pang itaas lang ang hinubad niya. “Date me for real.” May epekto ata sa boses niya ang pag-inom ng maraming kape. Ang gaspang nito at ang baba. “Ayoko,” sagot ko kaagad. Lumundag ang kama. Nakaharap ang buong katawan niya sa akin. Ang kanyang ulo ay sinandal niya sa kanyang kamay. Parang modelo. “Hindi ka na lugi sa akin, Claire. I'm handsome, rich, gentleman, perfect. I can give you a perfect life.” Nilipat ko ang tingin mula sa kisame patungo sa mga shelf sa magkabilang dulo ng flatscreen TV. Umaapaw ito sa mga medalya at mga tropeo. Kung may similaridad m

  • I Fell In Love With My Arrogant Boss   Girlfriend For A Day

    CLAIRE Naalala ko ang unang pagkikita namin at unang araw ko sa trabaho sakay ang kotseng ito. Patay na patay pa ako sa kanya noon. Hindi ko alam na isa pala siyang kampon ng kadiliman. “Why are you staring at me, Lopez?” sabi niya sa likuran ng sasakyan. Ngayon ko lang napansin na nakadikit ang titig ko sa salamin ng sasakyan. Inalis ko naman kaagad ito at binaling ang tingin sa daan. Pagdating namin sa property niya, may mga team agad ng mga makeup artist at stylist na naghihintay sa sala. Hindi ko alam kung kaninong vanity ang dinala nila at paano nila iyon pinasok sa loob ng bahay pero hindi naglalaro ang styling team ni Sir Max. Para silang sasalang sa gyera, handang handa. May dala pa silang mga ilaw at kung ano-ano pa. “I’ll entrust you with her care,” sabi niya sa buong team. “Makakaasa po kayo, Sir. At nandun na rin sa taas ang team na mag-aasikaso sa’yo, Sir.” “Good.” Tumingin siya sa akin at umakyat sa taas. Walang thank you as expected. At ang hindi ko maintindih

  • I Fell In Love With My Arrogant Boss   Dressing Room

    CLAIRE “Are you drunk Miss Lopez?” Nawala ang antok sa katawan ko. Agad akong napatayo kaya tumilapon ang laptop sa dulo ng kama. Hindi ako nakapagsalita kaagad. “N-no, Sir.” Agad kong inabot ang laptop at binuksan ito saka tiningnan ang send history ng email account ko. Recipient: Maxwell Rockefeller III Bumagsak sa lupa ang isang napakalakas na nuclear bomb. ‘HINDI PALA KAY MAX VILLALUNA KO NA SEND ANG EMAIL?' P*TANGINAAA!!! “High?” Kumilabot ang buong spinal cord ko sa boses nya. “H-hindi rin, Sir.” “Are you sure?” tumaas ang boses niya. “Yes S-sir.” “Ah… Then I assume may reasonable explanation ka sa email na sinend mo sa akin.” Ipinikit ko ang mata at hinawakan ang noo. “A-hh ehh b-baka administrative error lang po ‘yon sir.” “Administrative Error?” matawa-tawa niyang sabi. Lumayo ang boses niya pero rinig ko pa rin ito, “She’s really drunk.” Lumapit ulit ang boses niya, “I thought administrative errors involves typos lang sa mga documents at hin

  • I Fell In Love With My Arrogant Boss   Ang Boss Kong Psychopath

    CLAIREGumigewang-gewang ang katawan ko na parang inflatable tube man (yung sumasayaw na may hangin sa labas ng tindahan) habang naglalakad sa kalye ng Ermita papunta sa inuupahan kong apartment.Pagkarating sa gate ay tinulak ko ito pero nauna ang ulo ko kaya ito nakipag headbutt sa riles ng bakal. “Aray!” pumikit ako.Pagkapsok, ay dumiretso agad ang mga paa ko sa hagdanan sa dulo ng gusali. Nakaakyat na ako sa gitna ng hagdanan nang maalala na may elevator pala sa baba. Bumaba ako at pumasok sa elevator. Pagsara ng elevator, naalala ko na nasa first floor pala ang inuupahan kong kwarto.‘Ano ba ‘to?’ bulong ko sa sarili. Parang naging muscle memory ko na ang pag-akyat ng hagdan at pagsakay ng elevator. Pinindot ko ang button para makaalis sa loob.Ginawa ko na ang lahat ng balanse sa mundo para hindi matumba. Ang isang kamay ko ay nakakapit sa dingding habang tinutunton kung nasaan ang kwarto. Pagdating ko sa kwarto,“Sh*t ang susi.” Gumana ang ininom kong memory plus gold kanin

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status