LOGINCLAIREAng building na lilipatan ko ay hindi lang basta bastang building kung saan. Titira ako sa Penthouse ng main office ng Rockefeller Industries. Ang building na pinapasukan ko rin sa trabaho. At ang parehong building na tinitirhan ng arogante kong boss.Ang tingin ko ay nakatuon sa makintab na tiles na sahig habang naglalakad ako sa likuran ni Sir Max. Hindi ko naisipang iangat ang tingin hanggang sa tumigil siya sa isang pader. Nasa labas ng kanyang penthouse ang nasa singkwenta na maliliit at malalaking kahon na naglalaman ng mga kagamitan ko galing sa apartment.Nakatayo ang mga ito na kasing taas ko at nadadagdagan pa ito sa pagdaan ng minuto dahil hindi pa tapos ang paghakot nito mula sa ibaba ng building.Gumalaw ang malapad na balikat ni Sir Max habang nilalagay ang kaliwang kamay sa screen ng fingerprint scanner. Lumangitngit ang pagbukas ng p***o, sabay pumasok si Sir Max na parang wala lang sa kanya ang pagtira sa isang marangyang penthouse.Sa tunog ng kanyang palakpa
CLAIRE Linggo. Nagising ako sa malakas na tunog ng makina at sa kalabog ng pinto. Pinilit kong buksan ang aking mga mata nung may sumigaw rito.Knock. knock. knock.“Claire, may naghahanap sa'yo sa labas.” boses iyon ni Manong Caloy na isang tentant din rito.Tumayo ako. Tunog nga iyon ng makina ng malaking sasakyan. Hindi ako nananaginip.“Claire!”“Opo, manong. Lalabas na ho.”Narinig ko ang yapak ni Manong palayo.Nilagay ko sa isang bun ang buhok ko. Nilagyan ko ng jacket galing sa drawer ang saplot ko na sleeveless. Binuksan ko ang pinto na may inalala. Wala naman akong inagrabyadong tao kaya wala akong dapat ipag-alala. Lumabas ako, nalilito.Pagtapak ko sa labas, mas malakas pa sa tunog ng mga truck na nakaparada sa kalye ang bulong bulongan ng mga tao.“Sino kaya yun? Parang si Dao Ming Si.”“Mas gwapo pa kaya ‘yan ni Dao Ming Si” “Agree.”“Hinahanap daw si Claire.”“Ay bongga, nakaahon sa hirap.”“Baka buntis.” “Shhhh, lumabas na siya.”Sa common area, nakaupo si Sir Maxwell
CLAIRE Nakahiga kami pareho ngayon ni Sir Max sa kwarto niya. Gamit ang mahabang kumot, hinati namin ang kama sa dalawa. Siya sa kanan, ako sa kaliwa. Pinipilit kong sarhan ang mga mata kasi hindi ako nakakatulog kapag bukas ang ilaw. Si Sir naman, ayaw niya ng naka patay. “Should we try it?” Tumingin ako sa kanya. Binawi ko din naman ito dahil nakalimutan kong naghuhubad siya kapag natutulog. Dahil nandito ako, pang itaas lang ang hinubad niya. “Date me for real.” May epekto ata sa boses niya ang pag-inom ng maraming kape. Ang gaspang nito at ang baba. “Ayoko,” sagot ko kaagad. Lumundag ang kama. Nakaharap ang buong katawan niya sa akin. Ang kanyang ulo ay sinandal niya sa kanyang kamay. Parang modelo. “Hindi ka na lugi sa akin, Claire. I'm handsome, rich, gentleman, perfect. I can give you a perfect life.” Nilipat ko ang tingin mula sa kisame patungo sa mga shelf sa magkabilang dulo ng flatscreen TV. Umaapaw ito sa mga medalya at mga tropeo. Kung may similaridad m
CLAIRE Naalala ko ang unang pagkikita namin at unang araw ko sa trabaho sakay ang kotseng ito. Patay na patay pa ako sa kanya noon. Hindi ko alam na isa pala siyang kampon ng kadiliman. “Why are you staring at me, Lopez?” sabi niya sa likuran ng sasakyan. Ngayon ko lang napansin na nakadikit ang titig ko sa salamin ng sasakyan. Inalis ko naman kaagad ito at binaling ang tingin sa daan. Pagdating namin sa property niya, may mga team agad ng mga makeup artist at stylist na naghihintay sa sala. Hindi ko alam kung kaninong vanity ang dinala nila at paano nila iyon pinasok sa loob ng bahay pero hindi naglalaro ang styling team ni Sir Max. Para silang sasalang sa gyera, handang handa. May dala pa silang mga ilaw at kung ano-ano pa. “I’ll entrust you with her care,” sabi niya sa buong team. “Makakaasa po kayo, Sir. At nandun na rin sa taas ang team na mag-aasikaso sa’yo, Sir.” “Good.” Tumingin siya sa akin at umakyat sa taas. Walang thank you as expected. At ang hindi ko maintindih
CLAIRE “Are you drunk Miss Lopez?” Nawala ang antok sa katawan ko. Agad akong napatayo kaya tumilapon ang laptop sa dulo ng kama. Hindi ako nakapagsalita kaagad. “N-no, Sir.” Agad kong inabot ang laptop at binuksan ito saka tiningnan ang send history ng email account ko. Recipient: Maxwell Rockefeller III Bumagsak sa lupa ang isang napakalakas na nuclear bomb. ‘HINDI PALA KAY MAX VILLALUNA KO NA SEND ANG EMAIL?' P*TANGINAAA!!! “High?” Kumilabot ang buong spinal cord ko sa boses nya. “H-hindi rin, Sir.” “Are you sure?” tumaas ang boses niya. “Yes S-sir.” “Ah… Then I assume may reasonable explanation ka sa email na sinend mo sa akin.” Ipinikit ko ang mata at hinawakan ang noo. “A-hh ehh b-baka administrative error lang po ‘yon sir.” “Administrative Error?” matawa-tawa niyang sabi. Lumayo ang boses niya pero rinig ko pa rin ito, “She’s really drunk.” Lumapit ulit ang boses niya, “I thought administrative errors involves typos lang sa mga documents at hin
CLAIREGumigewang-gewang ang katawan ko na parang inflatable tube man (yung sumasayaw na may hangin sa labas ng tindahan) habang naglalakad sa kalye ng Ermita papunta sa inuupahan kong apartment.Pagkarating sa gate ay tinulak ko ito pero nauna ang ulo ko kaya ito nakipag headbutt sa riles ng bakal. “Aray!” pumikit ako.Pagkapsok, ay dumiretso agad ang mga paa ko sa hagdanan sa dulo ng gusali. Nakaakyat na ako sa gitna ng hagdanan nang maalala na may elevator pala sa baba. Bumaba ako at pumasok sa elevator. Pagsara ng elevator, naalala ko na nasa first floor pala ang inuupahan kong kwarto.‘Ano ba ‘to?’ bulong ko sa sarili. Parang naging muscle memory ko na ang pag-akyat ng hagdan at pagsakay ng elevator. Pinindot ko ang button para makaalis sa loob.Ginawa ko na ang lahat ng balanse sa mundo para hindi matumba. Ang isang kamay ko ay nakakapit sa dingding habang tinutunton kung nasaan ang kwarto. Pagdating ko sa kwarto,“Sh*t ang susi.” Gumana ang ininom kong memory plus gold kanin







