“First rule: don’t call Adrian ‘yung asawa mo’ in front of his family.”Napatingin ako kay Celestine sa screen ng laptop.“Bakit? Technically, asawa ko naman siya.”“Call him Adrian. And don’t sound like you’re meeting him for the first time.”“Eh technically, first time ko nga siyang makilala.”“Mara.”“Okay, okay. Adrian. Got it.”Nasa guest room ako ng Valmores mansion, nakaharap sa laptop na puno ng photographs, documents, at kung anu-anong detalye tungkol sa buhay ni Celestine. Nagsimula ang training namin kahapon, at ngayong umaga, pakiramdam ko ay nag-e-exam ako sa subject na wala sa curriculum ng kahit anong school.How to Pretend You’re Someone Else 101.Walang certificate pagkatapos. Posibleng kulong.“Let’s start with the basics,” sabi niya. “You know my full name, my background, and the reason for the marriage. Now you need to know Adrian.”Nag-share siya ng folder.Mga litrato ni Adrian. Sa isang formal event, sa golf course, kasama ang pamilya niya, at sa ilang larawan k
Last Updated : 2026-11-05 Read more