Share

My Husband Is Awake

last update Petsa ng paglalathala: 2026-11-05 15:30:23

Hindi ako nakatulog nang maayos buong gabi.

Tuwing pipikit ako, nakikita ko ang mukha ni Damian.

There are people who would do anything to protect the Valmores name.

Gusto kong tawagan si Celestine at hingin ang lahat ng impormasyong hindi niya pa sinasabi.

Pero may isang bagay akong natutunan sa mga nakaraang araw.

Sa mundong ito, maraming taong may pera at kapangyarihan. At kung hindi mo alam kung sino ang kalaban mo, ang maling hakbang ay puwedeng magdulot ng mas malaking problema.

Kaya kinaumagahan, tumawag muna ako sa ospital.

“Good morning po. Si Mara Villanueva, apo ni Elena Villanueva. Gusto ko lang pong malaman kung okay ang lola ko.”

Pinaghintay ako nang ilang minuto.

“She’s stable, Miss Mara. The doctor will see her today.”

Napahinga ako nang maluwag.

“Thank you po. Maaari ko ba siyang bisitahin mamaya?”

“Of course. Please coordinate with the nurses when you arrive.”

Pagkababa ko, agad akong nag-book ng sasakyan papunta sa ospital para sa hapon. Kailangan kong makita si Lola. Kailangan kong marinig mula sa sarili niyang bibig na okay siya.

Pagkatapos, tumingin ako kay Adrian.

“May problema tayo, Mr. Valmores.”

Tahimik siyang nakahiga.

“May nagbabanta kay Celestine na technically ay ako na ngayon. Ginagawa ko lang naman trabaho ko. So, kung may alam ka sa mga nangyayari sa buhay mo, sana naman magbigay ka ng clue.”

Umupo ako sa tabi ng kama.

“Hindi ko naman hinihingi na magising ka agad. Kahit mag-blink ka lang, okay na. One blink for yes, two blinks for no.”

Napatawa ako nang mahina sa sarili ko.

“Wow, Mara. Kinausap mo na ang comatose husband mo na parang naglalaro kayo ng twenty questions.”

Pero nang tumingin ako sa mukha niya, nawala ang ngiti ko.

Limang taon siyang nakahiga roon. Limang taon na hindi niya nakita ang araw, hindi niya nakakausap ang pamilya niya, at hindi niya alam kung ano ang nangyari sa mundo habang wala siya.

At ngayon, ako ang asawa niya.

Ako ang babaeng nakikita niya, kung sakaling magising siya.

Ako ang taong may hawak ng lihim na hindi niya naman dapat pagdusahan.

Napatingin ako sa wedding ring ko.

“Adrian,” bulong ko. “Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag nagising ka. Pero sana, kapag dumating ang araw na iyon, bigyan mo ako ng pagkakataong magpaliwanag.”

Hindi ko alam kung bakit ko sinabi iyon.

Siguro dahil sa mga nakaraang araw, unti-unti kong nakilala ang isang lalaking hindi ko pa talaga nakakausap. Sa pamamagitan ng mga litrato, kuwento ni Celestine, at mga dokumentong iniwan niya, may nabuo akong ideya kung sino si Adrian.

Pero alam kong hindi iyon sapat.

Hindi ko siya kilala.

At hindi niya ako kilala.

Nang hapon, dumalaw ako kay Lola.

Pagpasok ko sa kuwarto niya, agad niya akong tinawag.

“Apo!”

Lumapit ako at niyakap siya nang maingat.

“Hi, La.”

“Ang ganda mo naman ngayon. May lakad ka ba?”

Napatingin ako sa suot kong damit. Pinili iyon ng stylist ni Celestine, at kahit gusto kong magreklamo sa presyo ng bawat piraso, aminin kong maganda ang pagkakagawa.

“Wala, La. Ganito lang talaga ako kaganda.”

Napatawa siya.

“Aba, mayabang na ang apo ko.”

“Mayaman na kasi ang mga kasama ko. Baka nahawa.”

Nawala ang ngiti ko nang mapagtanto ko ang nasabi ko.

“Anong ibig mong sabihin?” tanong niya.

“May bagong trabaho lang ako, La. Mahirap ipaliwanag, pero okay naman.”

Tinitigan niya ako.

“Sigurado ka bang okay ka?”

Hinawakan ko ang kamay niya.

“I’m okay. Promise. Ang importante, gumagaling ka.”

Hindi ko kayang sabihin sa kanya ang totoo. Hindi pa ngayon. Ayokong mag-alala siya, lalo na’t may sarili na siyang laban sa kalusugan niya.

Kailangan kong protektahan siya.

At kung ang tanging paraan ay ang manatili sa mansion at alamin kung sino ang nagbabanta sa amin, gagawin ko iyon.

Hindi ko na puwedeng basta tumakbo palayo.

Pagbalik ko sa mansion, sinalubong ako ng nurse sa hallway.

“Mrs. Valmores, the doctor would like to speak with you about Adrian’s condition.”

Agad akong kinabahan.

“May nangyari po ba?”

“His responses have changed slightly. Nothing conclusive yet, but the team wants to continue monitoring him closely.”

Tumango ako at mabilis na pumasok sa silid.

Nandoon si Adrian, tahimik pa rin sa kama.

Lumapit ako sa kanya at tiningnan ang mukha niya.

“Adrian?”

Wala.

“Okay. Hindi pa tayo nag-uusap. Gets ko.”

Umupo ako sa tabi niya.

“Pero may sasabihin ako. Nakita ko si Lola kanina. Stable siya, at may plano na ang doktor para sa treatment niya. So, one problem down.”

Hinawakan ko ang kamay niya.

“Yung isa, ikaw.”

Napabuntong-hininga ako.

“Hindi ko alam kung anong mangyayari sa atin. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag na ako ang babaeng nasa tabi mo, kahit ibang babae ang inaasahan mong makita.”

Napatingin ako sa wedding ring ko.

“Pero kung magigising ka, gusto kong malaman mo na hindi ko ito ginawa para saktan ka. Ginawa ko ito dahil kailangan kong iligtas ang lola ko. At ngayon, may mga taong gustong manahimik ako este si Celestine.”

Dahan-dahan kong ibinaba ang kamay niya sa ibabaw ng kumot.

“Kung may alam ka tungkol sa nangyari sa iyo, sana maalala mo. Dahil kailangan kong malaman kung sino ang kalaban natin.”

Tumayo ako para tawagin ang nurse.

Pero bago pa ako makalayo, naramdaman kong may gumalaw sa kamay ko.

Napahinto ako.

Dahan-dahan akong lumingon.

Ang mga daliri ni Adrian ay bahagyang nakahawak sa akin.

“Adrian?”

Hindi ako gumalaw.

Nanginig ang mga labi niya. May lumabas na mahinang tunog mula sa kanyang lalamunan.

Agad kong pinindot ang call button.

“Help! Nurse!”

Bumalik ako sa tabi niya.

“Adrian, can you hear me?”

Bahagyang gumalaw ang kanyang ulo.

Pagkatapos, bumuka ang mga labi niya.

“Ce…”

Napahawak ako sa bibig ko.

“Celestine?”

May lumabas na mahinang hinga.

“…lestine.”

Napuno ng luha ang mga mata ko.

Limang taon.

Limang taon na walang nakarinig sa boses niya, at ngayon, iyon ang unang pangalan na tinawag niya.

Hindi Mara.

Hindi ang babaeng nasa tabi niya.

Celestine.

Dumating ang nurse kasama ang doktor. Agad nilang sinimulang suriin si Adrian habang pinapakiusapan akong umatras.

“Please wait outside, Mrs. Valmores.”

Pero hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya.

Nang ilabas ako sa silid, nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ang cellphone.

Tinawagan ko si Celestine.

Isang ring.

Dalawa.

Tatlo.

Hindi niya sinagot.

Tinawagan ko ulit.

Wala pa rin.

“Please, Celestine,” bulong ko. “Sagutin mo naman.”

Bumukas ang p***o.

Lumabas ang doktor.

“Mrs. Valmores, your husband is regaining consciousness. We need to run more tests, but he appears to be waking up.”

Napatakip ako sa bibig ko.

“Gising na po siya?”

“Not fully. He’s responding, and we need to monitor him carefully. You can see him briefly, but please remain calm. He may be confused.”

Tumango ako, kahit hindi ko alam kung paano ako magiging kalmado.

Pumasok ako sa silid.

Nakahiga pa rin si Adrian, pero iba na ang mukha niya. Bahagyang gumagalaw ang kanyang mga talukap, at tila sinusubukan niyang intindihin ang liwanag sa paligid.

Lumapit ako sa kama.

“Adrian?”

Dahan-dahang bumukas ang kanyang mga mata.

Napahawak ako sa gilid ng kama.

Limang taon siyang natulog.

At ngayon, nakatingin siya sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang nakita niya sa mukha ko. Pagkalito? Takot? Pag-asa?

Pero nang tuluyan niyang maituon ang tingin sa akin, bahagya siyang napakunot-noo.

“Celine?”

Hindi ako nakasagot.

Dahil alam kong sa sandaling iyon, nagsimula na ang pinakamahirap na bahagi ng kasinungalingan ko.

Tinitigan niya ako nang matagal, tila sinusubukang alalahanin kung sino ako.

Pagkatapos, mahina siyang nagsalita.

“Why…”

Napayuko ako nang bahagya para marinig siya.

“Why are you looking at me like that?”

Nanlamig ang buong katawan ko.

Dahil sa unang pagkakataon mula nang tanggapin ko ang limang milyong piso, hindi ko na alam kung ano ang dapat kong sabihin.

Nagising si Adrian Valmores.

At ang babaeng nasa tabi niya ay kamukha ng babaeng minahal niya. Parehong mukha. Parehong mga mata. Parehong labi.

Pero may kung anong hindi tama.

Tinitigan niya ako, tila sinusubukang alalahanin ang mga taong nagdaan habang wala siya.

“Celine?”

Pinilit kong ngumiti. “I’m here, Adrian.”

His eyes stayed on mine.

Nanlamig ang buong katawan ko.

Dahil ang problema pala, hindi kung kaya kong magmukhang si Celestine.

Ang problema, baka mas kilala ni Adrian ang tunay na Celestine kaysa sa inaakala ko.

At kung ganoon, limang milyong piso man ang bayad sa akin, wala akong perang makapagliligtas sa akin kapag nalaman niya ang totoo.

The wrong wife had finally met her billionaire husband.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Wrong Wife    My Husband Is Awake

    Hindi ako nakatulog nang maayos buong gabi.Tuwing pipikit ako, nakikita ko ang mukha ni Damian.There are people who would do anything to protect the Valmores name.Gusto kong tawagan si Celestine at hingin ang lahat ng impormasyong hindi niya pa sinasabi.Pero may isang bagay akong natutunan sa mga nakaraang araw.Sa mundong ito, maraming taong may pera at kapangyarihan. At kung hindi mo alam kung sino ang kalaban mo, ang maling hakbang ay puwedeng magdulot ng mas malaking problema.Kaya kinaumagahan, tumawag muna ako sa ospital.“Good morning po. Si Mara Villanueva, apo ni Elena Villanueva. Gusto ko lang pong malaman kung okay ang lola ko.”Pinaghintay ako nang ilang minuto.“She’s stable, Miss Mara. The doctor will see her today.”Napahinga ako nang maluwag.“Thank you po. Maaari ko ba siyang bisitahin mamaya?”“Of course. Please coordinate with the nurses when you arrive.”Pagkababa ko, agad akong nag-book ng sasakyan papunta sa ospital para sa hapon. Kailangan kong makita si Lol

  • The Billionaire's Wrong Wife   The Price of Staying

    “Hindi ko na kaya.”Iyon ang unang sinabi ko nang sagutin ni Celestine ang tawag ko.“Good morning to you, too, Mara.”“May nag-iwan ng threatening note sa kwarto. Si Damian, parang iniinterrogate ako. Tapos may nakita akong document tungkol sa route ni Adrian noong gabi ng accident. Gusto mo pa bang dagdagan ko ang listahan?”Tahimik siya sandali.“Where’s the note?”“Nasa akin.”“Keep it. Don’t throw it away.”“Wow, thank you. Hindi ko naisip ‘yon.”“Mara.”“Sorry. Kinakabahan ako. Kapag kinakabahan ako, madaldal ako. Kapag mas kinakabahan, mas nagiging bastos. Congratulations, nasa second stage na ako.”“Listen to me. You agreed to this arrangement knowing it would be permanent. You can’t walk away every time something goes wrong.”Napahinto ako.“Hindi ako nagsasabing gusto kong umatras. Gusto kong malaman kung ano ang pinasok ko.”“Then keep your head down. Don’t investigate Adrian’s accident. Let me handle it.”“Paano kung may mangyari sa akin?”“Nothing will happen to you if yo

  • The Billionaire's Wrong Wife   The Man in My Dreams

    Hindi ko alam kung anong mas nakakahiya: ang panaginip ko kagabi o ang fact na nagising akong nakangiti.Sa panaginip ko, gising si Adrian.Nakaupo siya sa kama, nakatingin sa akin na parang matagal na niya akong hinihintay. Tinawag niya ako palapit, at dahil apparently wala akong survival instinct kahit sa panaginip, lumapit naman ako.Hinawakan niya ang kamay ko.Tapos sinabi niya, “Come here, Celine.”At bago ko pa malaman kung ano ang susunod na mangyayari—Nagising ako.“Bwisit,” bulong ko sa unan.Bakit naman si Adrian? Sa dami ng puwedeng mapanaginipan, bakit ang lalaking hindi man lang ako kayang tanungin kung kumain na ako?Umupo ako at kinusot ang mukha.“Hindi ka pa nga niya nakikita, Mara. Behave.”Tiningnan ko ang orasan. Alas-sais pa lang ng umaga.Sa kabilang bahagi ng silid, tahimik na nakahiga si Adrian.Agad nawala ang kalokohan sa isip ko.May tawag ako sa ospital nang alas-otso para sa update kay Lola. Kailangan ko ring basahin ang notes na ibinigay ni Celestine. P

  • The Billionaire's Wrong Wife   How to Be Celestine

    “First rule: don’t call Adrian ‘yung asawa mo’ in front of his family.”Napatingin ako kay Celestine sa screen ng laptop.“Bakit? Technically, asawa ko naman siya.”“Call him Adrian. And don’t sound like you’re meeting him for the first time.”“Eh technically, first time ko nga siyang makilala.”“Mara.”“Okay, okay. Adrian. Got it.”Nasa guest room ako ng Valmores mansion, nakaharap sa laptop na puno ng photographs, documents, at kung anu-anong detalye tungkol sa buhay ni Celestine. Nagsimula ang training namin kahapon, at ngayong umaga, pakiramdam ko ay nag-e-exam ako sa subject na wala sa curriculum ng kahit anong school.How to Pretend You’re Someone Else 101.Walang certificate pagkatapos. Posibleng kulong.“Let’s start with the basics,” sabi niya. “You know my full name, my background, and the reason for the marriage. Now you need to know Adrian.”Nag-share siya ng folder.Mga litrato ni Adrian. Sa isang formal event, sa golf course, kasama ang pamilya niya, at sa ilang larawan k

  • The Billionaire's Wrong Wife   Five Million Pesos

    Kung may award para sa pinakamahal na desisyon na ginawa ko sa buong buhay ko, sure akong panalo na ako.Five million pesos.Iyon ang presyo para maging asawa ng isang lalaking hindi ko pa nakakausap kahit isang beses.Correction: isang lalaking limang taon nang walang malay.At ngayon, nakatayo ako sa harap ng kama niya, suot ang wedding ring na hindi naman dapat para sa akin.“Congratulations, Mrs. Valmores,” bulong ko sa sarili ko. “Nagawa mong mag-asawa nang hindi man lang nakipag-date. Achievement unlocked.”Tiningnan ko ang lalaking nakahiga sa kama.Si Adrian Valmores.Thirty years old. Billionaire heir. Isa sa mga lalaking nakikita ko lang dati sa business articles at online news kapag may bagong property na binili o may charity event na pinuntahan.Five years ago, naaksidente siya sa kotse. Severe head injury. Coma.At ngayon, ako ang legal niyang asawa.“Hindi pa rin ako makapaniwala,” sabi ko.Walang sagot.Obviously.Huminga ako nang malalim at umupo sa sofa sa tabi ng kam

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status