Share

How to Be Celestine

last update Petsa ng paglalathala: 2026-11-05 15:30:01

“First rule: don’t call Adrian ‘yung asawa mo’ in front of his family.”

Napatingin ako kay Celestine sa screen ng laptop.

“Bakit? Technically, asawa ko naman siya.”

“Call him Adrian. And don’t sound like you’re meeting him for the first time.”

“Eh technically, first time ko nga siyang makilala.”

“Mara.”

“Okay, okay. Adrian. Got it.”

Nasa guest room ako ng Valmores mansion, nakaharap sa laptop na puno ng photographs, documents, at kung anu-anong detalye tungkol sa buhay ni Celestine. Nagsimula ang training namin kahapon, at ngayong umaga, pakiramdam ko ay nag-e-exam ako sa subject na wala sa curriculum ng kahit anong school.

How to Pretend You’re Someone Else 101.

Walang certificate pagkatapos. Posibleng kulong.

“Let’s start with the basics,” sabi niya. “You know my full name, my background, and the reason for the marriage. Now you need to know Adrian.”

Nag-share siya ng folder.

Mga litrato ni Adrian. Sa isang formal event, sa golf course, kasama ang pamilya niya, at sa ilang larawan kasama si Celestine.

Sa unang tingin, mukha siyang typical rich guy. Maayos manamit, confident, at sanay na napapansin ng mga tao.

Pero sa mga litrato nila ni Celestine, may kakaibang intimacy. Hindi sila laging nakangiti sa camera. Minsan, nakatingin lang siya kay Celestine na tumatawa. Sa isang larawan, nakahawak si Adrian sa likod ni Celestine habang palabas sila ng restaurant.

“Gaano na kayo katagal?” tanong ko.

“Including the time he’s comatosed, 7 years.”

“Love na love mo ba?”

Hindi siya agad sumagot.

“Why does that matter?”

“Kasi kung magising siya at tanungin ako kung ano ang paborito mong memory ninyong dalawa, hindi ko puwedeng sagutin na ‘yung time na nag-order kayo ng extra rice.”

“Adrian doesn’t ask sentimental questions.”

“Lucky me.”

“I’m serious, Mara.”

Nawala ang ngiti ko.

“I’m serious too. Hindi sapat na alam ko kung saan siya nag-aral at kung anong kulay ng kotse niya. Kailangan kong malaman kung paano ka niya kilala.”

Saglit siyang natahimik bago itinuloy ang lesson.

Mahilig daw si Adrian sa black coffee. Ayaw niyang may humahawak sa personal documents niya nang walang pahintulot. Kapag galit, mas lalo siyang tumatahimik. At kapag may problema, hindi niya basta sinasabi sa ibang tao.

“Mayabang?” tanong ko.

“Confident.”

“Same-same.”

“Not the same.”

“Okay, Miss Dictionary.”

Napabuntong-hininga siya.

May mga bagay na hindi niya kailangang sabihin. Kita sa paraan ng paghawak niya sa mga litrato na matagal na niyang kilala si Adrian. Pero habang tumatagal ang usapan, mas lalo kong napapansin na parang may bahagi ng kuwento nilang dalawa na ayaw niyang galawin.

“Tell me about the accident,” sabi ko.

Tumigil siya sa pag-scroll.

“Why?”

“Dahil asawa ko siya. Kahit hindi ko siya pinili, kailangan kong malaman kung ano ang nangyari sa kanya.”

“His car crashed on the way home from a business meeting. It was raining. He suffered a severe head injury.”

“May ibang sasakyan?”

“According to the report, no.”

“May nakakita?”

“Some witnesses. Nothing conclusive.”

“May problema ba siya bago ang accident? May kaaway sa business?”

“Mara, you’re not investigating the accident. You’re learning how to be me.”

“Puwede namang both. Multi-tasking.”

Tinitigan niya ako nang matagal.

“Adrian was about to make changes in the company. He’d been reviewing some of the old contracts. That’s all you need to know for now.”

“For now?” ulit ko.

“Focus on the marriage.”

Iyon ang unang pagkakataong nakaramdam ako na may tinatago siya sa akin.

Hindi ko siya pinilit. Hindi pa ako handang makipag-away sa babaeng may limang milyong piso sa kamay niya at may kakayahang gawing impiyerno ang buhay ko.

Pero hindi ibig sabihin noon ay nakalimutan ko na.

Bandang tanghali, tumawag ako sa ospital.

“Good morning po. Si Mara Villanueva ito, apo ni Elena Villanueva. Gusto ko lang pong malaman kung may update sa treatment plan niya.”

Pinaghintay ako habang kinukuha ng nurse ang chart ni Lola.

“Your grandmother is stable, Miss Mara. The doctor would like to proceed with the recommended treatment as soon as the financial arrangements are settled.”

“Okay po. May kailangan ba akong pirmahan? May bagong tests? Kahit ano, sabihin n’yo lang.”

Ipinaliwanag niya ang mga kailangang gawin. Isinulat ko ang lahat sa notebook ko, pati ang pangalan ng doktor at oras ng susunod na tawag.

Pagkatapos, tinawagan ko si Lola.

Ilang ring lang bago niya sinagot.

“Apo?”

“Lola! Kumusta ka na?”

“Okay lang ako. Ikaw, kumain ka na ba?”

Napatingin ako sa tray ng pagkain sa mesa. May soup, salad, at kung anu-anong hindi ko alam ang pangalan.

“Oo naman,” pagsisinungaling ko. “Ang dami ngang pagkain dito. Parang may birthday araw-araw.”

“Bakit parang malungkot ka?”

“Pagod lang, La. Maraming inaasikaso.”

“‘Wag mong pabayaan ang sarili mo dahil lang sa akin.”

Napakagat ako sa labi.

Iyon ang problema kay Lola. Kahit siya ang nasa ospital, ako pa rin ang inaalala niya.

“Opo lola, magpagaling ka na rin po agad ha” sabi ko. “Promise. Gagawin natin lahat para makauwi ka na.”

“Salamat apo. Lagi mong gagalingan diyan sa bago mong trabaho ha.” Iyon ang sinabi ko kay Lola, na may nahanap akong trabaho sa isang malaking kumpanya bilang sekretarya.

“Lola, mahal na mahal kita.”

“Mahal din kita, apo.”

Pagkababa ng tawag, ilang segundo akong nakatitig sa cellphone ko.

Pagkatapos, bumalik ako sa laptop.

Dahil kahit gusto kong umiyak, hindi naman mababawasan ang hospital bill kapag ginawa ko iyon.

“Now, your relationship with Adrian.”

Bumalik si Celestine sa video call nang hapon. May hawak siyang maliit na notebook na halatang pinaghandaan niya.

“Before the accident, we were engaged. The wedding was supposed to happen that year.”

“Bakit hindi na lang kayo nagpakasal bago ang accident?”

“Because we had other priorities.”

“Like?”

“Family and business.”

“Romantic.”

She ignored me.

“Adrian used to call me ‘Celine’ when we were alone.”

Napatingin ako sa screen.

“Celine?”

“Yes. Never use that nickname in front of anyone else unless he does first.”

“May secret nickname kayo. Cute.”

“Mara.”

“Sorry. Continue.”

She told me about their first date, a restaurant overlooking the city, and the trip they took to Baguio. She described the watch Adrian gave her for their anniversary. She even showed me a photograph of them sitting inside a car, laughing at something outside the frame.

For the first time, hindi ko nakita si Celestine bilang babaeng gustong tumakas sa kasal.

Nakita ko ang isang babaeng may nakaraan kay Adrian. May memories. May mga bagay na sa kanila lang.

At ako ang papalit sa lahat ng iyon.

“May tanong ako,” sabi ko.

“What?”

“Kung mahal mo siya dati, paano mo nagawang iwan siya ngayon?”

Nanigas ang mukha niya.

She closed the notebook.

“Feelings don’t change the reality of a situation. Adrian has been unconscious for five years. I cannot put my life on hold indefinitely.”

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

Sa isang banda, naiintindihan ko. Sa kabilang banda, may bahagi sa akin na gustong malaman kung may lungkot ba sa likod ng malamig niyang boses.

“Do you think he’ll wake up?” tanong ko.

“I don’t know.”

“At kung magising siya?”

“Then you’ll still be his wife.”

Walang pag-aalinlangan ang sagot niya.

“Remember our agreement. This isn’t a temporary arrangement. I’m not asking you to pretend for a few weeks. I’m giving you the chance to live my life permanently.”

“Your life,” ulit ko. “Hindi lang kasal. Lahat?”

“You’ll have access to the resources that come with being Mrs. Valmores. You’ll have responsibilities, too. You’ll be expected to stay by Adrian’s side.”

“At ikaw?”

“I’ll be gone.”

Simple lang ang pagkakasabi niya, pero ramdam kong matagal na niyang pinag-isipan ang desisyong iyon.

“Then why do I feel like you’re still worried about what happens here?” tanong ko.

Saglit siyang natahimik.

“Because if Adrian wakes up, everything changes.”

Hindi niya na dinagdagan.

Bago matapos ang call, ipinakita ko sa kanya ang litrato at ang note na nakita ko sa ilalim ng p***o.

Sa unang pagkakataon mula nang magkakilala kami, nawala ang kontrol sa mukha niya.

Hindi matagal. Isang segundo lang.

Pero nakita ko.

“Where did you get that?”

“Sa kwarto ni Adrian. May nagpasok sa ilalim ng p***o kagabi.”

“Did you show it to anyone?”

“No.”

“Good. Don’t tell anyone about it. Not the staff, not the doctors, and certainly not Adrian’s family.”

“Bakit?”

“Because we don’t know who sent it.”

“Exactly. Kaya nga dapat—”

“Mara, listen to me. You don’t know these people. Don’t go looking for answers on your own.”

“Paano kung alam nila yung tungkol sa akin?”

Hindi siya sumagot agad.

Then she said, “I’ll look into it. Keep the photograph somewhere safe.”

Bago niya ibaba ang tawag, may huli siyang sinabi.

“And Mara? Don’t assume that everyone who wants Adrian to recover has good intentions.”

Napatingin ako sa litrato.

Sa likod nito, nakasulat ang parehong babala.

Celestine, what happened five years ago was not an accident.

At ngayon, alam kong hindi lang ako ang natatakot sa maaaring mangyari kapag nagising si Adrian.

May ibang tao ring ayaw siyang bumalik.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Wrong Wife    My Husband Is Awake

    Hindi ako nakatulog nang maayos buong gabi.Tuwing pipikit ako, nakikita ko ang mukha ni Damian.There are people who would do anything to protect the Valmores name.Gusto kong tawagan si Celestine at hingin ang lahat ng impormasyong hindi niya pa sinasabi.Pero may isang bagay akong natutunan sa mga nakaraang araw.Sa mundong ito, maraming taong may pera at kapangyarihan. At kung hindi mo alam kung sino ang kalaban mo, ang maling hakbang ay puwedeng magdulot ng mas malaking problema.Kaya kinaumagahan, tumawag muna ako sa ospital.“Good morning po. Si Mara Villanueva, apo ni Elena Villanueva. Gusto ko lang pong malaman kung okay ang lola ko.”Pinaghintay ako nang ilang minuto.“She’s stable, Miss Mara. The doctor will see her today.”Napahinga ako nang maluwag.“Thank you po. Maaari ko ba siyang bisitahin mamaya?”“Of course. Please coordinate with the nurses when you arrive.”Pagkababa ko, agad akong nag-book ng sasakyan papunta sa ospital para sa hapon. Kailangan kong makita si Lol

  • The Billionaire's Wrong Wife   The Price of Staying

    “Hindi ko na kaya.”Iyon ang unang sinabi ko nang sagutin ni Celestine ang tawag ko.“Good morning to you, too, Mara.”“May nag-iwan ng threatening note sa kwarto. Si Damian, parang iniinterrogate ako. Tapos may nakita akong document tungkol sa route ni Adrian noong gabi ng accident. Gusto mo pa bang dagdagan ko ang listahan?”Tahimik siya sandali.“Where’s the note?”“Nasa akin.”“Keep it. Don’t throw it away.”“Wow, thank you. Hindi ko naisip ‘yon.”“Mara.”“Sorry. Kinakabahan ako. Kapag kinakabahan ako, madaldal ako. Kapag mas kinakabahan, mas nagiging bastos. Congratulations, nasa second stage na ako.”“Listen to me. You agreed to this arrangement knowing it would be permanent. You can’t walk away every time something goes wrong.”Napahinto ako.“Hindi ako nagsasabing gusto kong umatras. Gusto kong malaman kung ano ang pinasok ko.”“Then keep your head down. Don’t investigate Adrian’s accident. Let me handle it.”“Paano kung may mangyari sa akin?”“Nothing will happen to you if yo

  • The Billionaire's Wrong Wife   The Man in My Dreams

    Hindi ko alam kung anong mas nakakahiya: ang panaginip ko kagabi o ang fact na nagising akong nakangiti.Sa panaginip ko, gising si Adrian.Nakaupo siya sa kama, nakatingin sa akin na parang matagal na niya akong hinihintay. Tinawag niya ako palapit, at dahil apparently wala akong survival instinct kahit sa panaginip, lumapit naman ako.Hinawakan niya ang kamay ko.Tapos sinabi niya, “Come here, Celine.”At bago ko pa malaman kung ano ang susunod na mangyayari—Nagising ako.“Bwisit,” bulong ko sa unan.Bakit naman si Adrian? Sa dami ng puwedeng mapanaginipan, bakit ang lalaking hindi man lang ako kayang tanungin kung kumain na ako?Umupo ako at kinusot ang mukha.“Hindi ka pa nga niya nakikita, Mara. Behave.”Tiningnan ko ang orasan. Alas-sais pa lang ng umaga.Sa kabilang bahagi ng silid, tahimik na nakahiga si Adrian.Agad nawala ang kalokohan sa isip ko.May tawag ako sa ospital nang alas-otso para sa update kay Lola. Kailangan ko ring basahin ang notes na ibinigay ni Celestine. P

  • The Billionaire's Wrong Wife   How to Be Celestine

    “First rule: don’t call Adrian ‘yung asawa mo’ in front of his family.”Napatingin ako kay Celestine sa screen ng laptop.“Bakit? Technically, asawa ko naman siya.”“Call him Adrian. And don’t sound like you’re meeting him for the first time.”“Eh technically, first time ko nga siyang makilala.”“Mara.”“Okay, okay. Adrian. Got it.”Nasa guest room ako ng Valmores mansion, nakaharap sa laptop na puno ng photographs, documents, at kung anu-anong detalye tungkol sa buhay ni Celestine. Nagsimula ang training namin kahapon, at ngayong umaga, pakiramdam ko ay nag-e-exam ako sa subject na wala sa curriculum ng kahit anong school.How to Pretend You’re Someone Else 101.Walang certificate pagkatapos. Posibleng kulong.“Let’s start with the basics,” sabi niya. “You know my full name, my background, and the reason for the marriage. Now you need to know Adrian.”Nag-share siya ng folder.Mga litrato ni Adrian. Sa isang formal event, sa golf course, kasama ang pamilya niya, at sa ilang larawan k

  • The Billionaire's Wrong Wife   Five Million Pesos

    Kung may award para sa pinakamahal na desisyon na ginawa ko sa buong buhay ko, sure akong panalo na ako.Five million pesos.Iyon ang presyo para maging asawa ng isang lalaking hindi ko pa nakakausap kahit isang beses.Correction: isang lalaking limang taon nang walang malay.At ngayon, nakatayo ako sa harap ng kama niya, suot ang wedding ring na hindi naman dapat para sa akin.“Congratulations, Mrs. Valmores,” bulong ko sa sarili ko. “Nagawa mong mag-asawa nang hindi man lang nakipag-date. Achievement unlocked.”Tiningnan ko ang lalaking nakahiga sa kama.Si Adrian Valmores.Thirty years old. Billionaire heir. Isa sa mga lalaking nakikita ko lang dati sa business articles at online news kapag may bagong property na binili o may charity event na pinuntahan.Five years ago, naaksidente siya sa kotse. Severe head injury. Coma.At ngayon, ako ang legal niyang asawa.“Hindi pa rin ako makapaniwala,” sabi ko.Walang sagot.Obviously.Huminga ako nang malalim at umupo sa sofa sa tabi ng kam

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status