"What for? Bakit gusto mo akong pakasalan, Alexander?" gulat kong tanong. "This is my promise ring to you. Kapag naayos ko ang meroon sa amin ni Serena. Ikaw ang papakasalan ko, Isabella."Isusuot na sana ni Alexander ang singsing sa kamay ko pero na windag kaming dalawa sa pamilyar na sigaw ng isang babae. "Alexander?"Napalingon kami sa babaeng biglang pumasok sa marangyang restaurant. Magulo ang buhok niya, namumugto ang mga mata, at halatang ilang oras nang umiiyak. Dalawang guard ang sumusubok na pigilan siya, pero patuloy siyang pumipiglas habang pilit na lumalapit sa mesa namin."Bitawan ninyo ako! Asawa ko ang nasa loob! Wala kayong karapatang pigilan ako!" sigaw niya.Si Serena Blackwood iyon, ang legal na asawa ni Alexander at ang babaeng isinulat ko sa nobelang 'The Forbidden Mistress'Napatingin ako sa kaniya at hindi ko maiwasang mapangiti sa loob-loob ko.Wow, eksaktong-eksakto ang eksena! Kung paano ko ito gustong isualat, iyon din ang nangyayari ngayon.Sa orihinal
Dernière mise à jour : 2026-11-06 Read More