BREANNA POVTatlong araw na lang at kasal na namin ni Tristan Montenegro. Sabi ko sa sarili ko, okay na ito. Apat na taon akong nagtiis sa pamilya nila na halos pandirihan ako dahil lang hindi kasing-yaman ng mga Montenegro ang pangalan ng mga Buenavista. Akala ko, kapag ikinasal na kami, matatapos na ang pagiging mababa ko sa paningin nila. Akala ko, worth it ang lahat ng pagpapakumbaba ko.Yan ang aking maling akala.Hatinggabi na nang pumasok ako sa penthouse unit na binayaran ko gamit ang sarili kong ipon para sana sa unang tahanan namin ni Tristan. Hawak ko ang supot ng paborito niyang kape at mga pastry mula sa bakeshop malapit sa opisina ko. Napuyat na naman ako kailang trabaho para habulin ang deadlines, pero naisip ko, maayos din ang lahat kapag natapos na ang kasal.Pagkabukas ko ng pinto, may narinig akong ingay mula sa kwarto. Hindi ito pamilyar na tunog ng telebisyon o radyo. Boses ng babae at lalaki na pilit nilalamas ng malisya."Tristan, ang bilis mo namang mapagod," b
Last Updated : 2026-11-06 Read more