ELENA POV“Tatlong taon na tayong kasal, Marco. Ni minsan ba… minsan ba minahal mo man lang ako?”Dahan-dahan kong ibinaba ang hawak kong baso ng tubig sa ibabaw ng mahabang marmol na hapag-kainan. Tumaginting ang marahang pagtama ng babasagin sa ibabaw nito, basag ang katahimikan sa loob ng napakalaking dining room. Ang boses ko ay bahagyang nanginginig, hindi dahil sa lamig ng aircon sa mansiyon namin, kundi dahil sa bigat ng katotohanang matagal ko nang pinipigilang lunukin.Si Marco Montecillo—ang asawa ko, ang nag-iisang tagapagmana at CEO ng Montecillo Group of Companies—ay dahan-dahang nag-angat ng tingin mula sa kanyang mamahaling laptop. Ang mga mata niya ay kasing-lamig ng yelo. Walang bakas ng pagmamahal, ni kaunting awa man lang. Nakakagago lang na umabot pa ako sa puntong ito, nagbabaka-sakaling baka sakaling magbago ang lahat porke’t tatlong taon na kaming magkasama sa iisang bahay.“Elena,” malamig niyang wika, ang boses ay pamilyar na sa akin dahil sa gaspang at kawala
Huling Na-update : 2026-11-08 Magbasa pa