STACY"What's wrong with you, Stacy? I told you I want a divorce! Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na wala na tayo! Na tapos na! Na hindi na! Na ayoko na!" bulyaw agad ni Cairo sa akin nang sumugod siya rito sa bahay. Marahas pa niyang inihampas ang divorce paper sa harap ko. "Kahit ano pa ang gawin mo, kahit pilitin mo pa ang sarili mo, at kahit lumuhod ka pa at magmakaawa sa harapan ko, hinding-hindi mo na talaga mababago ang katotohanang may mahal na akong iba! Mahal na mahal ko si Bianca!""Stacy, please. Maawa ka naman sa magiging anak namin ni Cairo." dugtong naman ni Bianca, medyo mababa ang boses niya na parang nakikiusap. Kita ko pang hinahaplos niya ang maliit niyang tiyan bago ipinulupot ang mga kamay niya sa braso ng asawa ko. "Ayokong lumaki ang anak ko nang walang ama. Lumalabo naman ang relasyon niyo ni Cairo, eh. Pareho na kayong hindi masaya, kaya dapat palayain mo na siya. At kung mahal mo talaga ang asawa mo, Stacy? Magparaya ka."Dito na bumagting ang tainga ko
Última actualización : 2026-11-10 Leer más