LOGIN"Are we seriously putting the future of Go Global Holdings in the hands of a cakeshop owner? Look, wala naman tayong personal na galit kay Mrs. Go. But, yan ba ang ihaharap natin sa private meeting with VillaTech mamaya? Baka imbes makapag-deal ng agreement, aatras na lang sila."
"Why can't we just resched the meeting habang nasa coma pa si Mr. Lucian? Mas mabuti siguro kung i-drop na lang natin ang ibang major business deals kaysa umasa sa isang taong walang alam sa tech industry. Nakakahiya if magmamagaling lang siya." Ito agad ang bungad sa akin ng ilang board members pagpasok ko pa lang sa boardroom. Pinag-uusapan na pala nila ako este si Mitsy, and the worst? Minamaliit nila siya. Tumingin muna ako kay Michael, and he even smiled back at me. Yung ngiting nagsasabing kaya ko ito. Naramdaman ko pa ang pagtapik niya sa likod ko, trying to give me support, pero naririnig ko na rin ang mga bulung-bulungan nila. "Guys, give her a chance. She's still the legal wife of Mr. Lucian. Authority-wise, may karapatan siya." "Chance? Chance to be a fool at ipahiya ang Go Global? Magbe-bake lang ba siya ng cakes kapag bumagsak ang stocks natin sa global market? High-stakes tech deals ang nakasalalay rito, hindi pagde-decorate ng frosting!" Hindi ko tuloy mapigilang mapakuyom ng mga kamao sa gigil. Amoy na amoy ko ang condescending energy nila! Mga bilib na bilib sa sarili! Sa isip ko, bakit ganito ang tingin nila kay Mitsy? Iniisip nilang mangmang porket aesthetic cakeshop owner lang siya, and they didn't even respect her as Lucian's wife man lang! Well, humanda kayo sa akin. Dahil ang kaharap niyo ngayon ay hindi ang Mitsy na kaya niyong tapak-tapakan! "After careful consideration and a thorough assessment of the company's current position in the global market," putol ko, sinalubong ang bawat paningin nila na ikinatikom-bibig nilang lahat. "I will not accept the position offered. Nakakahiya maging CEO sa kompanyang ito na may board of directors like you." Nagulat sila. Pati si Michael ay napasinghap sa gilid, hindi makapaniwala sa naging desisyon. May ilan pang napangiti na parang sinasabi sa akin na tama na ipabahala ko na lang ang Go Global sa mas expert like them. Then, isang matandang board member ang sumingit at nagtanong ng specific reason kung bakit hindi ko tinanggap ang posisyon. "Look at your global performance metrics for the last two quarters." pagsisimula ko na, boses ay unti-unti na ring tumataas. "Do you call this a thriving tech company? Sablay ang market expansion niyo sa Southeast Asia, down by 34% ang stock valuation ninyo. Nakikipag-agawan na lang kayo sa kangkungan habang nilalamon kayo ng mga competitors. That is a massive flop, and it happened under your watch." Tahimik lang silang nakikinig. Para bang mahirap iproseso sa kanilang mga utak ang pinagsasabi ko. Kita ko pa ang pagyuko ng isang member na parang nahihiya habang ang ibang mga kasamahan ay hindi man lang kayang tumingin sa akin. Well, nagulat ba kayo dahil may ibubuga pala ang cakeshop owner na ito? "High-stakes tech deals daw ang nakasalalay," paggagad ko sa sinabi ng isa sa kanila kanina, habang dahan-dahan kong inilalapag ang dalawang kamay ko sa mesa. "True. Pero anong deal ang iko-close ninyo sa VillaTech mamaya kung ang financial health sheet niyo naman ay parang bangkay na nag-aagaw buhay?" "So, ano ba dapat ang kailangang gawin para hindi lalong bumagsak ang Go Global sa market?" "It's none of my business since it's not within my authority to step in. I am not the CEO after all. I am just a cakeshop owner. Besides, kayo naman ang mga experts dito, hindi ba? Surely, you know better than I do. So, good luck convincing VillaTech to invest in a sinking ship run by a board of directors who only know how to panic and protect their fragile egos." Kitang-kita ko ang hitsura ni Michael na napabilib, yung gulat na hinaluan ng paghanga habang nakatitig sa akin na para bang ibang-iba na talaga ang Mitsy na kaharap nila ngayon. Walang gustong kumibo, nag-iisip silang lahat, hanggang sa may ilang members ang nagsitayo at seryosong hinikayat ang ibang board members. "I move to nominate her. I will vote for her as temporary CEO." Nagkatinginan muna sila, saka sunod-sunod nang nagsitayo ang iba hanggang sa nakuha ko ang majority votes at tiwala ng karamihan. Sabi pa nung isa, hindi nila inakalang may ganitong husay at talino ang isang Mitsy Go. Dumugtong naman yung isa na may tiwala siya sa kakayahan na harapin ang VillaTech mamaya. Ngayong may chance na akong singilin sina Cairo at Bianca sa lahat ng ginawa nila sa akin, hinding-hindi ko talaga sasayingin ang bawat oras to seek vengeance and justice! Sisiguraduhin kong gagapangin nila ang lupa sa bagsik ng paghihiganti ko! At kahit parehong masusunog ang mga kaluluwa namin sa impyerno, hinding-hindi ko pa rin sila titigilan doon! Magdusa na kung magdusa, dahil kulang na kulang ang kamatayan para pagbayaran nila ang ginawa nila sa akin! At simula sa araw na ito, pagsisisihan talaga nilang nabuhay pa ako! After that, dire-diretso na ang lakad namin ni Michael. Ngayon ko lang din nalaman na parehong nagkasundo ang dalawang kumpanya na idaos ang private meeting sa isang neutral venue, particularly sa isang five-star hotel. Habang nasa biyahe kami, halos mapasigaw sa tuwa si Michael dahil sa ginawa kong paglalampaso kanina sa board at sa paraan ng pagpapamukha ko sa kanila. "Siguradong-sigurado akong proud na proud sa inyo si Mr. Lucian, Ma'am Mitsy. Akalain mo? Hindi sila nakapagsalita! Kitang-kita mo talaga sa mga hitsura nila kung gaano sila nagulat nang mapatunayan nilang may ibubuga rin pala ang isang simpleng cake shop owner!" "I will be meeting one of the most prominent business figures in the industry, right?" tanong ko sa kanya, nakatingin lang sa kawalan. "Baka mamaya mapahiya lang ako, kasi silang Lucian lang ang magkakakilala. I hope they'll consider me in behalf of my husband." Pagkarating namin sa VIP lounge, agad kaming sinalubong ng isang hotel staff na siyang mag-a-accommodate sa amin. Buong akala ko, isa lamang itong simpleng private meeting sa pagitan ng dalawang malalaking kumpanyang nagkasundo na sa isang business deal. I had no idea that, in just a matter of moments, my world would crumble even further. "Kayo po ba si Mrs. Mitsy Go of Go Global Holdings for today's private meeting? Please, this way po, Ma'am." Nakangiting bati nito sa amin ni Michael habang magalang na itinuturo ang direksyon na aming pupuntahan. "Naghihintay na po sa Executive Pavilion si Mr. Cairo Villamorth, accompanied by his trusted executive, who also happens to be his wife, Mrs. Bianca Villamorth." Natigilan ako. Para bang sabay-sabay na nag-ingay ang lahat ng alarm bells sa katawan ko nang marinig ang dalawang pangalang hindi ko kailanman inasahang maririnig sa araw na ito. What? Sina Cairo at Bianca? Sila ang mga business figures na imi-meet ko right now for VillaTech and Go Global dealership? What the fvcking shit! Hindi ko akalaing ganito kabilis magtagpo ulit ang mga landas namin! Nang makarating kami sa mismong Executive Pavilion, sinalubong agad ng mga mata ko ang naglalakihang mga poster ng VillaTech sa labas, na may mga pagmumukha ng dalawang taong kailanman ay hindi ko naisip na muli kong makikita sa ganitong paraan. Nagbalik tuloy sa isip ko ang lahat ng ginawa nila sa akin habang hindi ko mapigilang manggigilaiti sa sukdulang galit. Well, well, well. You were waiting inside the pavilion, expecting to meet Lucian Go, only to find there the woman you burned alive instead. This is it! Heto na yun, Stacy! Ipakita mo kung sino na ang babaeng pinagtaksilan nila noon. Dahil sa sandaling ito? Panahon na para sa paghihiganti!"Ma'am Mitsy, okay lang po ba kayo?" tanong ni Michael habang paulit-ulit niyang kinakatok ang pintuan ng ladies restroom. Hindi kasi muna ako pumasok sa pavilion, hindi dahil kinakabahan ko, kundi dahil nalilito ako sa timeline. Kausap ko ngayon ang sarili ko sa harap ng salamin, thinking about the timeline kung bakit parang ang dali ng lahat. Kung iisipin ko, hindi naman CEO si Cairo nung kami pa. Bakit bigla nalang pumutok ang pangalan niya being as the representative of our private meeting later? Dahil nalilito talaga ako, dito ko na sinearch ang info about the company.Laking gulat ko nalang nang nalaman kong limang taon na pala siyang naging CEO at dalawa na ang anak nila ni Bianca. Wait. What? Five years? I was even more surprised nung nalaman ko pang matagumpay na nakuha ni Cairo ang death benefit ng insurance ko, at yun ang ginamit niyang funds para itayo ang VillaTech. Lintik talaga! Pinalabas niyang accident ang nangyari wherein fact, it was attempted murder! Gosh! At anon
"Are we seriously putting the future of Go Global Holdings in the hands of a cakeshop owner? Look, wala naman tayong personal na galit kay Mrs. Go. But, yan ba ang ihaharap natin sa private meeting with VillaTech mamaya? Baka imbes makapag-deal ng agreement, aatras na lang sila.""Why can't we just resched the meeting habang nasa coma pa si Mr. Lucian? Mas mabuti siguro kung i-drop na lang natin ang ibang major business deals kaysa umasa sa isang taong walang alam sa tech industry. Nakakahiya if magmamagaling lang siya."Ito agad ang bungad sa akin ng ilang board members pagpasok ko pa lang sa boardroom. Pinag-uusapan na pala nila ako este si Mitsy, and the worst? Minamaliit nila siya. Tumingin muna ako kay Michael, and he even smiled back at me. Yung ngiting nagsasabing kaya ko ito. Naramdaman ko pa ang pagtapik niya sa likod ko, trying to give me support, pero naririnig ko na rin ang mga bulung-bulungan nila."Guys, give her a chance. She's still the legal wife of Mr. Lucian. Auth
I couldn't believe how quickly everything had happened. After kong magising from a coma at ma-discharged sa hospital a week ago, nandito na ako ngayon, nakaupo sa nakakalulang opisina ng asawa ko o mas tamang sabihing asawa ni Mitsy. This time, masyado akong abala sa panonood ng CCTV footage at mga news report tungkol sa mismong road accident nilang dalawa. May gusto lang akong linawin at i-sure.At dito ko naintindihan kung bakit hindi naniniwala sa akin si Michael na Stacy ang pangalan ko. Dahil based sa mga nakikita ko, iisang mukha kami ni Mitsy. Para bang pinapanood ko ang sarili kong road accident? One hundred percent, napaka-identical talaga namin. Nagtaka tuloy ako kung nasaan din siya ngayon at kung na-reincarnate ba rin siya bilang ako? Or what?"Kanina niyo pa pinapanood yan nang paulit-ulit," komento ni Michael, hindi na mapigilan ang sarili. "Hindi nga po kayo si Stacy. Kita niyo naman siguro ang mukha ninyo sa footage. It was really you, Mitsy Go."Oo na. Oo na! Ako na!
"Mrs. Go! Finally, gising ka na!" bungad sa akin ng isang lalaking hindi ko kilala. Halos patakbo siyang lumapit sa kama, bakas sa mukha ang matinding tuwa nang makitang nagkamalay ako.Napakunot-noo naman akong pinagmamasdan siya, saka salit-salit na sinusuri ang paligid. I even checked my hands, my face, and my entire body. At dito ko na na-realize I was in a hospital room. And the shocking part? I'm alive. Impossible! Nasunog ang sasakyan ko at sumabog iyon kasama ako. I was inside that car. I should be dead! Pero bakit nandito ako? Sino ang lalaking kaharap ko? At bakit tinawag niya akong Mrs. Go?"Nagbibiro ka ba?" pagtatakang tanong ko habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. "Kung nasa purgatoryo man ako at hospital ang naging set-up and design ninyo rito, please, be blunt. Si St. Peter ka ba? Ayokong mabaliw kaiisip kung buhay pa ba ako o hindi. I'm dead! Do you hear me? I know I died! Nasunog ako sa loob ng sasakyan ko!"Agad nawala ang ngiti sa mukha nya, na parang hindi ni
STACY"What's wrong with you, Stacy? I told you I want a divorce! Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na wala na tayo! Na tapos na! Na hindi na! Na ayoko na!" bulyaw agad ni Cairo sa akin nang sumugod siya rito sa bahay. Marahas pa niyang inihampas ang divorce paper sa harap ko. "Kahit ano pa ang gawin mo, kahit pilitin mo pa ang sarili mo, at kahit lumuhod ka pa at magmakaawa sa harapan ko, hinding-hindi mo na talaga mababago ang katotohanang may mahal na akong iba! Mahal na mahal ko si Bianca!""Stacy, please. Maawa ka naman sa magiging anak namin ni Cairo." dugtong naman ni Bianca, medyo mababa ang boses niya na parang nakikiusap. Kita ko pang hinahaplos niya ang maliit niyang tiyan bago ipinulupot ang mga kamay niya sa braso ng asawa ko. "Ayokong lumaki ang anak ko nang walang ama. Lumalabo naman ang relasyon niyo ni Cairo, eh. Pareho na kayong hindi masaya, kaya dapat palayain mo na siya. At kung mahal mo talaga ang asawa mo, Stacy? Magparaya ka."Dito na bumagting ang tainga ko







