ANMELDEN"Ma'am Mitsy, okay lang po ba kayo?" tanong ni Michael habang paulit-ulit niyang kinakatok ang pintuan ng ladies restroom. Hindi kasi muna ako pumasok sa pavilion, hindi dahil kinakabahan ko, kundi dahil nalilito ako sa timeline. Kausap ko ngayon ang sarili ko sa harap ng salamin, thinking about the timeline kung bakit parang ang dali ng lahat. Kung iisipin ko, hindi naman CEO si Cairo nung kami pa. Bakit bigla nalang pumutok ang pangalan niya being as the representative of our private meeting later? Dahil nalilito talaga ako, dito ko na sinearch ang info about the company.Laking gulat ko nalang nang nalaman kong limang taon na pala siyang naging CEO at dalawa na ang anak nila ni Bianca. Wait. What? Five years? I was even more surprised nung nalaman ko pang matagumpay na nakuha ni Cairo ang death benefit ng insurance ko, at yun ang ginamit niyang funds para itayo ang VillaTech. Lintik talaga! Pinalabas niyang accident ang nangyari wherein fact, it was attempted murder! Gosh! At anon
"Are we seriously putting the future of Go Global Holdings in the hands of a cakeshop owner? Look, wala naman tayong personal na galit kay Mrs. Go. But, yan ba ang ihaharap natin sa private meeting with VillaTech mamaya? Baka imbes makapag-deal ng agreement, aatras na lang sila.""Why can't we just resched the meeting habang nasa coma pa si Mr. Lucian? Mas mabuti siguro kung i-drop na lang natin ang ibang major business deals kaysa umasa sa isang taong walang alam sa tech industry. Nakakahiya if magmamagaling lang siya."Ito agad ang bungad sa akin ng ilang board members pagpasok ko pa lang sa boardroom. Pinag-uusapan na pala nila ako este si Mitsy, and the worst? Minamaliit nila siya. Tumingin muna ako kay Michael, and he even smiled back at me. Yung ngiting nagsasabing kaya ko ito. Naramdaman ko pa ang pagtapik niya sa likod ko, trying to give me support, pero naririnig ko na rin ang mga bulung-bulungan nila."Guys, give her a chance. She's still the legal wife of Mr. Lucian. Auth
I couldn't believe how quickly everything had happened. After kong magising from a coma at ma-discharged sa hospital a week ago, nandito na ako ngayon, nakaupo sa nakakalulang opisina ng asawa ko o mas tamang sabihing asawa ni Mitsy. This time, masyado akong abala sa panonood ng CCTV footage at mga news report tungkol sa mismong road accident nilang dalawa. May gusto lang akong linawin at i-sure.At dito ko naintindihan kung bakit hindi naniniwala sa akin si Michael na Stacy ang pangalan ko. Dahil based sa mga nakikita ko, iisang mukha kami ni Mitsy. Para bang pinapanood ko ang sarili kong road accident? One hundred percent, napaka-identical talaga namin. Nagtaka tuloy ako kung nasaan din siya ngayon at kung na-reincarnate ba rin siya bilang ako? Or what?"Kanina niyo pa pinapanood yan nang paulit-ulit," komento ni Michael, hindi na mapigilan ang sarili. "Hindi nga po kayo si Stacy. Kita niyo naman siguro ang mukha ninyo sa footage. It was really you, Mitsy Go."Oo na. Oo na! Ako na!
"Mrs. Go! Finally, gising ka na!" bungad sa akin ng isang lalaking hindi ko kilala. Halos patakbo siyang lumapit sa kama, bakas sa mukha ang matinding tuwa nang makitang nagkamalay ako.Napakunot-noo naman akong pinagmamasdan siya, saka salit-salit na sinusuri ang paligid. I even checked my hands, my face, and my entire body. At dito ko na na-realize I was in a hospital room. And the shocking part? I'm alive. Impossible! Nasunog ang sasakyan ko at sumabog iyon kasama ako. I was inside that car. I should be dead! Pero bakit nandito ako? Sino ang lalaking kaharap ko? At bakit tinawag niya akong Mrs. Go?"Nagbibiro ka ba?" pagtatakang tanong ko habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. "Kung nasa purgatoryo man ako at hospital ang naging set-up and design ninyo rito, please, be blunt. Si St. Peter ka ba? Ayokong mabaliw kaiisip kung buhay pa ba ako o hindi. I'm dead! Do you hear me? I know I died! Nasunog ako sa loob ng sasakyan ko!"Agad nawala ang ngiti sa mukha nya, na parang hindi ni
STACY"What's wrong with you, Stacy? I told you I want a divorce! Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na wala na tayo! Na tapos na! Na hindi na! Na ayoko na!" bulyaw agad ni Cairo sa akin nang sumugod siya rito sa bahay. Marahas pa niyang inihampas ang divorce paper sa harap ko. "Kahit ano pa ang gawin mo, kahit pilitin mo pa ang sarili mo, at kahit lumuhod ka pa at magmakaawa sa harapan ko, hinding-hindi mo na talaga mababago ang katotohanang may mahal na akong iba! Mahal na mahal ko si Bianca!""Stacy, please. Maawa ka naman sa magiging anak namin ni Cairo." dugtong naman ni Bianca, medyo mababa ang boses niya na parang nakikiusap. Kita ko pang hinahaplos niya ang maliit niyang tiyan bago ipinulupot ang mga kamay niya sa braso ng asawa ko. "Ayokong lumaki ang anak ko nang walang ama. Lumalabo naman ang relasyon niyo ni Cairo, eh. Pareho na kayong hindi masaya, kaya dapat palayain mo na siya. At kung mahal mo talaga ang asawa mo, Stacy? Magparaya ka."Dito na bumagting ang tainga ko







