LOGIN
STACY
"What's wrong with you, Stacy? I told you I want a divorce! Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na wala na tayo! Na tapos na! Na hindi na! Na ayoko na!" bulyaw agad ni Cairo sa akin nang sumugod siya rito sa bahay. Marahas pa niyang inihampas ang divorce paper sa harap ko. "Kahit ano pa ang gawin mo, kahit pilitin mo pa ang sarili mo, at kahit lumuhod ka pa at magmakaawa sa harapan ko, hinding-hindi mo na talaga mababago ang katotohanang may mahal na akong iba! Mahal na mahal ko si Bianca!" "Stacy, please. Maawa ka naman sa magiging anak namin ni Cairo." dugtong naman ni Bianca, medyo mababa ang boses niya na parang nakikiusap. Kita ko pang hinahaplos niya ang maliit niyang tiyan bago ipinulupot ang mga kamay niya sa braso ng asawa ko. "Ayokong lumaki ang anak ko nang walang ama. Lumalabo naman ang relasyon niyo ni Cairo, eh. Pareho na kayong hindi masaya, kaya dapat palayain mo na siya. At kung mahal mo talaga ang asawa mo, Stacy? Magparaya ka." Dito na bumagting ang tainga ko. Magparaya? Ako? Kailan ba ako hindi nagparaya? Siya na nga itong nakisawsaw sa relasyon namin ni Cairo, ako pa ngayon ang dapat mag-adjust? The nerve of this gurl! Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo, saka binigyan sila ng malalalim na tingin. Kumuyom pa ang mga kamay ko sa gigil, habang nanginginig ito sa sobrang galit. Nagtaksil na nga sila sa akin, pinalampas ko na nga ang paulit-ulit na panlolokong ginagawa nila, tapos parang ako pa yung kontrabida? Mga hayop! Ang kakapal ng mukha! "Bianca, sweetheart. Easy things are easy to get, especially when they're cheap." malumanay kong sambit, pilit nilalabanan ang mga luhang kumawala sa mga mata ko. Then, hinarap ko si Cairo. "At ikaw? Ang kapal mong hilingin sa akin ngayon na permahan ang divorce paper na yan, samantalang hiningi mo noon ang kamay ko para magpakasal sa iyo! Ginawa ko naman ang lahat para lang maging sapat. Pero ano ba talaga ang wala sa akin na natagpuan mo sa babaeng yan? Saan ba talaga ako nagkulang, Cairo? Sabihin mo. Sabihin mo! Para maitama ko at mapunan ko! Hindi yung mabubuang ako kaiisip kung bakit kusa ka na lang nanlamig, habang unti-unti akong nauubos kahihintay sa asawa kong malabo na palang magbalik!" Natawa siya, very sarcastic na tawa. "Pwede ba, Stacy? Wala akong panahon para makinig sa mga drama mo! Permahan mo na lang yang divorce paper para wala ng gulo! Ayoko na nga sa'yo! Hindi na nga kita mahal! Why can't you just move on and let me go? Just let me go!" Hindi ko na napigilan, tuloy-tuloy nang nagsibagsakan ang mga luha ko sa harap nila. Sumumpa ako sa altar noon na mamahalin ko nang tapat ang asawa ko at ipaglalaban ko siya kahit anong mangyari, na sa hirap at sa ginhawa, magsasama pa rin kami! Pero ano ito? Anong klaseng pagmamahal ito? Bakit nag-exist pa ang mga manloloko sa mundo? Bakit! "Huwag mong ipasa sa akin ang responsibilidad na tapusin ang relasyong ako lang naman talaga ang lumalaban, Cairo." sagot ko sabay lapit pa, buong tapang na sinalubong ang kanyang mga mata. "Kailan ba kita pinigilan sa mga gusto mo? Kailan! And now you want me to let you go? Feel free! Umalis ka kasama si Bianca! Pero ang permahan ko yan? Manigas kayong dalawa!" Tumingin ako kay Bianca one last time, bago ko tuluyang nag-walk out sa harapan nila. Shit! Ang sakit! Sinusubukan ko namang isalba ang relasyon namin, pero ano pa nga ba ang saysay ng paglalaban ko kung siya na mismo itong sumusuko? Dali-dali kong pinaharurot ang saksakyan ko at nagpunta sa kung saan-saan para maglabas lang ng sama ng loob. Hindi ko matanggap! Ayoko! Ayokong ibigay sa kanila ang lahat nang ganun kadali! They will be happy to each other habang ako ay naiwang sawi! That's unfair! Niloko niya ako. Pinagtaksilan! Pinaniwala niyang mahal na mahal niya ako, at pinakasalan! Ngayong legal pa rin siyang nakatali sa akin, maghabol sila! Hinding-hindi ko palalayain si Cairo dahil wala silang karapatang maging masaya! Wala. Wala! Hindi ko tuloy maiwasang sisihin ang sarili ko sa nangyari. Na baka kaya siya nambabae dahil hindi na ako kasing-kinang ng dati. And that time? Cold na cold na siya sa akin, but I still chose to remain silent, dahil naniniwala akong may mga bagay na hindi na kailangang painitin pa kapag pareho nang pagod ang dalawang taong minsan nang nangangakong magsasama habambuhay. Pero ang pinakamasakit sa ginawa niya? Sa lahat ng babaeng pwede niyang ipalit sa akin, bakit ang bestfriend ko pa? Si Bianca! *bogsh* Automatic nag-black out ang paningin ko nang sumalpok ang sasakyan ko sa isang malaking puno. Then, marahan akong nagising at agad kong napansin ang mga dugong sumasakop nang mabilis sa katawan ko. Basag na basag pa ang windshield, maging ang harapan ng sasakyan ay wasak na wasak rin. Buti na lang, nakasunod sa akin sina Cairo. Dali-dali naman niyang pinahinto ang sasakyan niya para tulungan ako. Kaya lang, akala ko siya ang unang taong makikita ko paglabas. Pero ang lumantad sa paningin ko? Si Bianca! "Oh my ghad! Stacy!" sigaw ni Bianca habang halos manginig ang mga kamay na pilit na binubuksan ang p***o ng sasakyan. "Cairo! Si Stacy! Please, come over here! She's severely injured!" Patuloy na umaalingawngaw ang malakas na busina ng sasakyan habang nakahandusay pa rin ang katawan ko sa loob. May kung anong likidong tumutulo sa ilalim, habang ang usok ng makina sa harap ay unti-unti nang lumalapot at kumakapal. Ngunit sa halip na magmadaling iligtas ako, kalmadong lumapit si Cairo sa kinaroroonan namin. Walang bakas ng pag-aalala ang mukha niya, ni katiting na pagkabigla ay wala akong nakita. Marahas pa niyang winakli ang braso ni Bianca at inilayo ito sa sasakyan. "Stop it! Hayaan mo siya! She deserves this kasi hindi niya pinirmahan ang divorce paper. Kaya mas makabubuti kung iwan na lang natin siya rito hanggang sa huli niyang hininga!" Doon tuluyang nanlaki ang mga mata ni Bianca, napaatras siya. "Cairo! She needs our help! Ano bang pinagsasasabi mo? Asawa mo pa rin siya!" "I said leave her!" bulyaw ni Cairo, umiigting ang panga sa tindi ng galit. "Heto na ang hinihintay nating pagkakataon, Bianca. Do you understand? If she can't sign those papers, then we better end it here!" Biglang natahimik si Bianca. Ilang segundo siyang nakatitig sa asawa ko bago dahan-dahang bumaling sa akin. Then, kaagad nagbago ang ekspresyon niya. Ang kaninang pagkataranta ay napalitan ng isang nakapangingilabot na ngiti. "Oh. I see." Lumapit pa siya sa nasirang windshield, yumuko upang mas makita ako. "Mukhang tadhana na ang gumawa ng paraan para tuluyan kang mawala sa buhay ni Cairo, Stacy." "Bianca." garalgal kong tawag. "Please, help me." Ngumisi lamang siya. "Tama siya, eh. Kapag wala ka na? Magiging malaya na kami. Wala nang divorce, at hindi na magiging complicated ang lahat dahil wala nang hahadlang sa pagmamahalan namin." Saglit siyang tumingin kay Cairo bago muling ibinalik ang tingin sa akin. "May you rest in peace, bestie." "Cairo," panghihingalo ko pa habang pilit binibigkas ang pangalan niya sa huling pagkakataon. "Please, help me." Pero imbes na tulungan ako, ginawa nila ang isang karumaldumal na krimen. Binuhusan nila ng gasolina ang buong sasakyan, pati na rin ang nanghihina kong katawan sa loob. Then, in just a split second, they set it on fire. Mabilis itong nagliyab habang nagsisisigaw ako sa sakit. Narinig ko pa ang malalakas nilang halakhak while I'm begging them for help. Hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari. Basta ang huling naaalala ko? Sumabog ang sasakyan kasama ako. At sigurado akong na-cremate ako nang buhay at naging abo."Ma'am Mitsy, okay lang po ba kayo?" tanong ni Michael habang paulit-ulit niyang kinakatok ang pintuan ng ladies restroom. Hindi kasi muna ako pumasok sa pavilion, hindi dahil kinakabahan ko, kundi dahil nalilito ako sa timeline. Kausap ko ngayon ang sarili ko sa harap ng salamin, thinking about the timeline kung bakit parang ang dali ng lahat. Kung iisipin ko, hindi naman CEO si Cairo nung kami pa. Bakit bigla nalang pumutok ang pangalan niya being as the representative of our private meeting later? Dahil nalilito talaga ako, dito ko na sinearch ang info about the company.Laking gulat ko nalang nang nalaman kong limang taon na pala siyang naging CEO at dalawa na ang anak nila ni Bianca. Wait. What? Five years? I was even more surprised nung nalaman ko pang matagumpay na nakuha ni Cairo ang death benefit ng insurance ko, at yun ang ginamit niyang funds para itayo ang VillaTech. Lintik talaga! Pinalabas niyang accident ang nangyari wherein fact, it was attempted murder! Gosh! At anon
"Are we seriously putting the future of Go Global Holdings in the hands of a cakeshop owner? Look, wala naman tayong personal na galit kay Mrs. Go. But, yan ba ang ihaharap natin sa private meeting with VillaTech mamaya? Baka imbes makapag-deal ng agreement, aatras na lang sila.""Why can't we just resched the meeting habang nasa coma pa si Mr. Lucian? Mas mabuti siguro kung i-drop na lang natin ang ibang major business deals kaysa umasa sa isang taong walang alam sa tech industry. Nakakahiya if magmamagaling lang siya."Ito agad ang bungad sa akin ng ilang board members pagpasok ko pa lang sa boardroom. Pinag-uusapan na pala nila ako este si Mitsy, and the worst? Minamaliit nila siya. Tumingin muna ako kay Michael, and he even smiled back at me. Yung ngiting nagsasabing kaya ko ito. Naramdaman ko pa ang pagtapik niya sa likod ko, trying to give me support, pero naririnig ko na rin ang mga bulung-bulungan nila."Guys, give her a chance. She's still the legal wife of Mr. Lucian. Auth
I couldn't believe how quickly everything had happened. After kong magising from a coma at ma-discharged sa hospital a week ago, nandito na ako ngayon, nakaupo sa nakakalulang opisina ng asawa ko o mas tamang sabihing asawa ni Mitsy. This time, masyado akong abala sa panonood ng CCTV footage at mga news report tungkol sa mismong road accident nilang dalawa. May gusto lang akong linawin at i-sure.At dito ko naintindihan kung bakit hindi naniniwala sa akin si Michael na Stacy ang pangalan ko. Dahil based sa mga nakikita ko, iisang mukha kami ni Mitsy. Para bang pinapanood ko ang sarili kong road accident? One hundred percent, napaka-identical talaga namin. Nagtaka tuloy ako kung nasaan din siya ngayon at kung na-reincarnate ba rin siya bilang ako? Or what?"Kanina niyo pa pinapanood yan nang paulit-ulit," komento ni Michael, hindi na mapigilan ang sarili. "Hindi nga po kayo si Stacy. Kita niyo naman siguro ang mukha ninyo sa footage. It was really you, Mitsy Go."Oo na. Oo na! Ako na!
"Mrs. Go! Finally, gising ka na!" bungad sa akin ng isang lalaking hindi ko kilala. Halos patakbo siyang lumapit sa kama, bakas sa mukha ang matinding tuwa nang makitang nagkamalay ako.Napakunot-noo naman akong pinagmamasdan siya, saka salit-salit na sinusuri ang paligid. I even checked my hands, my face, and my entire body. At dito ko na na-realize I was in a hospital room. And the shocking part? I'm alive. Impossible! Nasunog ang sasakyan ko at sumabog iyon kasama ako. I was inside that car. I should be dead! Pero bakit nandito ako? Sino ang lalaking kaharap ko? At bakit tinawag niya akong Mrs. Go?"Nagbibiro ka ba?" pagtatakang tanong ko habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. "Kung nasa purgatoryo man ako at hospital ang naging set-up and design ninyo rito, please, be blunt. Si St. Peter ka ba? Ayokong mabaliw kaiisip kung buhay pa ba ako o hindi. I'm dead! Do you hear me? I know I died! Nasunog ako sa loob ng sasakyan ko!"Agad nawala ang ngiti sa mukha nya, na parang hindi ni
STACY"What's wrong with you, Stacy? I told you I want a divorce! Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na wala na tayo! Na tapos na! Na hindi na! Na ayoko na!" bulyaw agad ni Cairo sa akin nang sumugod siya rito sa bahay. Marahas pa niyang inihampas ang divorce paper sa harap ko. "Kahit ano pa ang gawin mo, kahit pilitin mo pa ang sarili mo, at kahit lumuhod ka pa at magmakaawa sa harapan ko, hinding-hindi mo na talaga mababago ang katotohanang may mahal na akong iba! Mahal na mahal ko si Bianca!""Stacy, please. Maawa ka naman sa magiging anak namin ni Cairo." dugtong naman ni Bianca, medyo mababa ang boses niya na parang nakikiusap. Kita ko pang hinahaplos niya ang maliit niyang tiyan bago ipinulupot ang mga kamay niya sa braso ng asawa ko. "Ayokong lumaki ang anak ko nang walang ama. Lumalabo naman ang relasyon niyo ni Cairo, eh. Pareho na kayong hindi masaya, kaya dapat palayain mo na siya. At kung mahal mo talaga ang asawa mo, Stacy? Magparaya ka."Dito na bumagting ang tainga ko







