Bumaba na kami sa elevator pagdating sa penthouse floor. Magkahawak-kamay kaming naglakad ni Andrew papunta sa unit ng kuya niya, pero hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaibang kaba na hindi ko maipaliwanag.Curious akong makita at makilala ang stepbrother ng boyfriend ko. Sa penthouse siya nakatira, which was understandable dahil anak siya ng may-ari ng napakagarang hotel na ito. Isa rin siya sa nagpapatakbo ng hotel bilang CEO, at one day, for sure, siya rin ang magmamay-ari ng lahat ng ito.Huminto kami sa harap ng isang malaking pinto at pinindot ni Andrew ang doorbell.Maya-maya, humarap siya sa camera ng intercom, itinaas ang gitnang daliri, at tumawa."Fuck you!"I heard a voice coming from the intercom.Hindi ganoon kalinaw ang tinig dahil nanggagaling iyon sa speaker, pero may kakaibang sensasyong gumapang sa buong katawan ko nang maisip kong familiar ang boses na iyon.Agad ko ring iwinaksi sa isip ang kung anumang naiisip ko nang bumukas ang pinto at pumasok na kami ni And
Last Updated : 2026-11-11 Read more