Inicio / Romance / Wild Night With Kuya Zac / 4. Zachary Vercelli

Compartir

4. Zachary Vercelli

Autor: Cham Astoria
last update Fecha de publicación: 2026-11-11 08:46:30

Bumaba na kami sa elevator pagdating sa penthouse floor. Magkahawak-kamay kaming naglakad ni Andrew papunta sa unit ng kuya niya, pero hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaibang kaba na hindi ko maipaliwanag.

Curious akong makita at makilala ang stepbrother ng boyfriend ko. Sa penthouse siya nakatira, which was understandable dahil anak siya ng may-ari ng napakagarang hotel na ito. Isa rin siya sa nagpapatakbo ng hotel bilang CEO, at one day, for sure, siya rin ang magmamay-ari ng lahat ng ito.

Huminto kami sa harap ng isang malaking p***o at pinindot ni Andrew ang doorbell.

Maya-maya, humarap siya sa camera ng intercom, itinaas ang gitnang daliri, at tumawa.

"Fuck you!"

I heard a voice coming from the intercom.

Hindi ganoon kalinaw ang tinig dahil nanggagaling iyon sa speaker, pero may kakaibang sensasyong gumapang sa buong katawan ko nang maisip kong familiar ang boses na iyon.

Agad ko ring iwinaksi sa isip ang kung anumang naiisip ko nang bumukas ang p***o at pumasok na kami ni Andrew.

Namilog ang mga mata ko nang bumungad sa akin ang lawak at karangyaan ng penthouse. Napakalinis at napakabango rin ng buong lugar.

Halos mapanganga ako habang inililibot ang paningin sa paligid. Modern at eleganteng-elegante ang interior nito. Malalaking glass windows ang bumabalot sa isang bahagi ng sala, kung saan tanaw na tanaw ang buong siyudad. Mula sa kinatatayuan ko, kitang-kita ang matataas na gusali at ang mga kalsadang tila maliliit na guhit sa ibaba.

May malawak na living area na may mamahaling leather sofa, glass center table, at malaking flat-screen TV na nakadikit sa pader. Sa isang sulok ay may bar counter na puno ng iba't ibang klase ng alak, habang sa kabilang bahagi naman ay naroon ang dining area na may mahabang mesa at eleganteng mga upuan.

Napansin ko rin ang mga modernong dekorasyon at paintings na nakasabit sa mga dingding. Bawat sulok ay maayos ang pagkakadisenyo, mula sa warm lighting hanggang sa mamahaling furniture na bumagay sa minimalist na estilo ng buong lugar.

Hindi rin maikakailang mamahalin ang lahat ng narito. Kahit ang simpleng chandelier sa kisame ay mukhang mas mahal pa sa ilang buwang sahod ng isang ordinaryong empleyado.

At ang pinakanakakagulat? Napakalawak ng penthouse na ito kahit iisang tao lang ang nakatira rito.

Napatingin ako kay Andrew.

"Your Kuya lives here alone?" curious kong tanong.

"Yup!" sagot niya.

Napailing na lang ako habang muling tinitingnan ang paligid.

Grabe! Ganito pala ang buhay ng mga mayayaman.

Sinabi ni Andrew na stepbrother niya lang ang nakatira rito, pero kahit yata sampung tao ang tumira sa penthouse ay hindi pa rin iyon magiging masikip.

"Kuya!"

Nawala ang atensyon ko sa paligid nang marinig ang tawag ni Andrew.

May isang lalaking lumabas mula sa isang kuwarto habang nagpupunas ng basang buhok gamit ang towel.

Tanging towel na nakatali sa bewang ang suot nito.

Napadiin ang kapit ko sa kamay ni Andrew. Parang biglang nanghina ang mga tuhod ko habang naglalakad kami palapit sa lalaki.

Habang papalapit kami at mas luminaw ang mukha niya sa paningin ko, pakiramdam ko ay para na lang akong robot na sunod-sunod ang mga hakbang habang sumusunod kay Andrew.

Parang tumigil ang mundo ko nang makita siyang muli.

Kasabay ng pagkagimbal ko ay ang pagkabigla ring mababakas sa mukha niya. Natigilan siya habang nagpupunas ng buhok at tuluyang napahinto, mistulang estatwa habang nakatitig sa akin.

Hindi ko alam kung pareho lang ba ang nasa isip namin nang mga sandaling iyon.

Bumaba ang tingin niya sa magkahawak naming kamay ni Andrew. Hindi ko maintindihan ang ekspresyon sa mukha niya.

Inilapag niya ang towel sa couch bago kami tuluyang sinalubong.

"Bro, wazzup!"

Lumapit siya kay Andrew at nag-fist bump silang dalawa bago bumaling sa akin.

"Sorry, I didn't know may kasama ka. Nagbihis sana ako!" nakangisi niyang sabi.

Pumamewang pa siya na para bang sinasadya niyang ipakita sa akin ang katawan niya.

Feeling ko, sinasadya niya nga iyon.

Hindi ko tuloy naiwasang mapatingin sa katawan niyang ilang beses ko nang napagmasdan noon.

And for Pete's sake, hindi lang basta napagmasdan!

"No worries. It's fine!" sagot ni Andrew.

Saglit na tumingin ang lalaki sa kapatid niya bago muling ibinaling ang paningin sa akin.

"Is she your... girlfriend?" malamig niyang tanong.

Alam kong malamig ang tinig niya dahil hindi ganoon ang boses niya noong huli ko siyang nakasama.

"Yeah, she's Gelli. Babe, he is my Kuya Zac," pakilala ni Andrew sa amin.

Zac...

Zachary!

Iyon lang ang ipinakilala niyang pangalan sa akin noong gabing magkasama kami.

"Hi... Gelli!"

Iniabot niya ang kamay niya sa akin.

Nakatitig lang ako roon. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba iyon.

I wonder if he recognized me, but based on his expression, I'm sure he did.

Sino ba namang makakalimot sa nangyari sa amin?!

"Babe!" tawag ni Andrew.

Napalingon ako sa kanya. Sumulyap siya sa akin bago ibinaling ang tingin sa kamay ng kuya niya na nanatiling nakalahad. Gusto niyang tanggapin ko ang pakikipagkamay nito.

Biglang bumalik ang guilt na pilit kong ibinabaon sa isip ko dahil sa nagawa ko kay Andrew.

Gusto ko nang kalimutan ang lahat ng nangyari noong gabing iyon, pero hindi ko magawa. At ngayong muli kong nakita ang lalaking iyon, parang bumalik sa akin ang bawat alaala.

Pinilit kong maging normal ang kilos ko. Ayokong mahalata niyang ako ang babaeng nakasama niya noon.

Base sa reaksiyon niya, sigurado akong naaalala niya ako. Pero ayokong isipin niyang naaalala ko rin siya o naaapektuhan ako sa muling pagkikita namin.

What if magpanggap na lang akong hindi ko siya kilala?

Mas safe ako roon. Mas magiging simple ang lahat kung hindi niya malalaman na ako ang babaeng nakasama niya nang gabing iyon.

Dahil magiging complicated ang sitwasyon namin ngayong siya pala ang kuya ni Andrew at isa rin sa mga namamahala sa hotel na pagtatrabahuhan ko.

I took a deep breath and forced a smile.

"Hi po, I'm Gelli. So, kayo po pala ang kuya ni Andrew. Nice to meet you!"

Bahagyang gumalaw ang panga niya.

Tinanggap ko ang kamay niya at nakipagkamay.

At tulad noong una niya akong hawakan, marahan niyang kinulong ang kamay ko sa palad niya pero hindi niya agad binitiwan.

Sa halip, bahagya pang humigpit ang hawak niya habang marahang hinahaplos ng hinlalaki niya ang likod ng kamay ko, na para bang may gusto siyang ipahiwatig sa akin.

Ramdam ko ang tila kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko, na parang katulad ng naramdaman ko noong unang beses niya akong hinawakan.

Hindi ko na kinaya pa kaya agad kong hinila ang kamay ko mula sa kanya.

I forced another smile and tried to act as if nothing had happened kahit sa totoo lang, gusto ko nang umalis sa harap niya.

Kailangan kong magpanggap na hindi ko siya kilala. Kailangan kong kalimutan ang nangyari sa amin at ituring siyang kuya lang ni Andrew.

Pero sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin, pakiramdam ko ay hindi niya hahayaang maging ganoon kadali lang ang lahat.

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • Wild Night With Kuya Zac   9. Part-time Job

    ONE WEEK LATERTiningnan ko ang sarili ko sa harap ng malaking salamin sa CR ng Vercelli Grand Hotel matapos isuot ang uniform na ibinigay sa akin.Saktong-sakto sa katawan ko ang long-sleeved suit at skirt na kulay wine red. Napangiti ako habang inaayos ang suot ko.Ang ganda!Hindi ko maiwasang kiligin sa sarili ko. Sa wakas, isa na talaga akong empleyado ng hotel na ito!Apat na oras lang ang duty ko mula Monday hanggang Saturday. Mula 8:00 AM hanggang 1:00 PM ang klase ko sa school, at 3:00 PM hanggang 7:00 PM naman ang pasok ko rito sa hotel.Alam kong hindi magiging madali ang pagsabayin ang pag-aaral at trabaho, pero kakayanin ko. Para ito sa pangarap ko at, higit sa lahat, para sa mga magulang ko.Simple lang ang buhay namin. Kahit sinasabi nilang kaya naman nilang tustusan ang pag-aaral ko at ayaw nila akong mahirapan sa pagtatrabaho, alam kong marami pa rin kaming gastusin sa bahay. Lalo na ngayong fourth year college na ako. Hindi rin biro ang mga bayarin sa school, kaya gu

  • Wild Night With Kuya Zac   8. The Unforgettable Night (flashback)

    Binuksan niya ang isang lata ng canned whiskey at iniabot sa akin. Naubos ko na kasi ang hawak ko kanina kaya nakakaramdam na ako ng hilo, pero parang nauuhaw pa rin ako. Agad kong tinanggap ang inabot niya. "Cheers!" sambit niya habang inilalapit sa akin ang hawak niyang alak. Napangiti naman ako at nakipag-toast sa kanya. "Cheers!" nakangiti kong sagot bago sabay naming ininom ang alak."You look prettier when you smile!" Muli siyang ngumiti habang nakatitig sa akin. Malalim ang tingin niya kaya alam kong sincere siya sa sinabi niya.""Thank you!" pasasalamat ko.Feeling ko, namumula ang mga pisngi ko. Sanay naman akong makatanggap ng compliments, pero bigla akong nakaramdam ng hiya ngayong siya mismo ang nagsasabi sa akin noon. "I'm Zachary!" pakilala niya.Zachary. Napakaganda ng pangalan niya. Bagay sa kanya. May dating na lalaking-lalaki."And you're?" tanong niya, tila naghihintay na banggitin ko ang pangalan ko. "Gelli!""Oh, Gelli! Nice name... Very pretty, just like y

  • Wild Night With Kuya Zac   7. The Stranger (flashback)

    Malayo pa lang ang kotse ay nagtaas na ako ng kamay para senyasan ang driver na huminto. Bumagal ang takbo nito hanggang sa tuluyan itong huminto sa harap ko.Natuwa naman ako nang hindi niya ako dedmahin.Agad akong lumapit sa passenger side ng kotse. Napansin kong sports car ang sinasakyan niya. Kasali rin kaya siya sa car racing kanina?Binuksan ko ang pinto at agad na tumambad sa paningin ko ang isang lalaking nakangiti sa akin."Hey!"Ngumiti siya nang malapad. Ang gaan sa pakiramdam ng ngiti niya at hindi ko alam kung bakit. Dahil tuloy doon kaya parang biglang nawala ang takot na nararamdaman ko kanina.Pero nang mapansin ko ang ilang lata ng whiskey sa tabi niya at sa sahig ng kotse, bigla akong nagdalawang-isip na sumakay.Mukhang nakainom na ang lalaking ito."I'm not drunk yet, if that's what you're thinking!" sabi niya nang mapansin siguro ang pag-aalinlangan ko.His deep, husky voice sent a strange sensation through me. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang epekto sa akin n

  • Wild Night With Kuya Zac   6. FLASHBACK 2

    Umakyat kami sa second floor ng isang establishment at dumiretso sa balcony. Natuwa kaming magkakaibigan dahil kitang-kita namin mula roon ang buong race track. May dalawa ring babae na naroon at agad kaming napansin pagdating namin. "Mabuti naman at nakahanap ka ng kasama namin!" bati ng isa sa mga babae sa bakla. "Oo nga, eh! O, di ba? Ang gaganda nila! Hulog ng langit sa akin!" matinis na tawa ng bakla. Nagkatinginan naman kami ni Trish sa sinabi niya. "Uy, Ateng! Mamaya, ibenta mo kami rito, ha? Manonood lang kami!" biro ni Trish bago tumawa. "Manonood lang naman talaga kayo. Plus, may chance din kayong maka-date ang mga naggagwapuhang racer na 'yan!" sagot ng bakla habang nakatingin sa ibaba. Napansin kong may ilang racer na nakatingin sa amin mula sa race track. "Paano naman namin sila makaka-date?" natatawang tanong ni Hazel. "Basta! Mamaya, malalaman n'yo rin. Mukha naman kayong game sa ganito, eh." Tumawa siya at nagpatuloy sa pagpaypay. "Basta, huwag kayong

  • Wild Night With Kuya Zac   5. FLASHBACK

    Kinagabihan, matapos maghugas ng mga pinggan, nilibot ko muna ang bahay para siguraduhing nakasara at naka-lock ang lahat ng pinto at bintana. Mag-aalas-diyes na rin ng gabi nang tingnan ko ang oras sa cellphone ko.Namamahinga na ang mga magulang ko dahil maaga pa silang gigising bukas para muling magbukas ng talyer. May maliit na talyer ang Papa ko, at iyon ang pinagkukunan namin ng pang-araw-araw na gastusin. Mula sa pagkain, bayarin sa bahay, hanggang sa tuition fee ko, lahat ay pinagsisikapan niyang tustusan.Malaking tulong din na half scholar ako sa university dahil nababawasan kahit papaano ang gastusin sa pag-aaral ko. Pero kahit may scholarship ako, hindi pa rin maiiwasan ang iba pang bayarin sa school. May high school pa akong kapatid na kahit nag-aaral sa public school ay nangangailangan din ng pera para sa mga proyekto at iba pang gastusin.Ipinangako ko pa sa sarili kong ako ang magpapaaral sa kaniya kapag nag-college na siya next year. Ayokong maranasan niyang mahirapan

  • Wild Night With Kuya Zac   4. Zachary Vercelli

    Bumaba na kami sa elevator pagdating sa penthouse floor. Magkahawak-kamay kaming naglakad ni Andrew papunta sa unit ng kuya niya, pero hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaibang kaba na hindi ko maipaliwanag.Curious akong makita at makilala ang stepbrother ng boyfriend ko. Sa penthouse siya nakatira, which was understandable dahil anak siya ng may-ari ng napakagarang hotel na ito. Isa rin siya sa nagpapatakbo ng hotel bilang CEO, at one day, for sure, siya rin ang magmamay-ari ng lahat ng ito.Huminto kami sa harap ng isang malaking pinto at pinindot ni Andrew ang doorbell.Maya-maya, humarap siya sa camera ng intercom, itinaas ang gitnang daliri, at tumawa."Fuck you!"I heard a voice coming from the intercom.Hindi ganoon kalinaw ang tinig dahil nanggagaling iyon sa speaker, pero may kakaibang sensasyong gumapang sa buong katawan ko nang maisip kong familiar ang boses na iyon.Agad ko ring iwinaksi sa isip ang kung anumang naiisip ko nang bumukas ang pinto at pumasok na kami ni And

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status