LOGINONE WEEK LATERTiningnan ko ang sarili ko sa harap ng malaking salamin sa CR ng Vercelli Grand Hotel matapos isuot ang uniform na ibinigay sa akin.Saktong-sakto sa katawan ko ang long-sleeved suit at skirt na kulay wine red. Napangiti ako habang inaayos ang suot ko.Ang ganda!Hindi ko maiwasang kiligin sa sarili ko. Sa wakas, isa na talaga akong empleyado ng hotel na ito!Apat na oras lang ang duty ko mula Monday hanggang Saturday. Mula 8:00 AM hanggang 1:00 PM ang klase ko sa school, at 3:00 PM hanggang 7:00 PM naman ang pasok ko rito sa hotel.Alam kong hindi magiging madali ang pagsabayin ang pag-aaral at trabaho, pero kakayanin ko. Para ito sa pangarap ko at, higit sa lahat, para sa mga magulang ko.Simple lang ang buhay namin. Kahit sinasabi nilang kaya naman nilang tustusan ang pag-aaral ko at ayaw nila akong mahirapan sa pagtatrabaho, alam kong marami pa rin kaming gastusin sa bahay. Lalo na ngayong fourth year college na ako. Hindi rin biro ang mga bayarin sa school, kaya gu
Binuksan niya ang isang lata ng canned whiskey at iniabot sa akin. Naubos ko na kasi ang hawak ko kanina kaya nakakaramdam na ako ng hilo, pero parang nauuhaw pa rin ako. Agad kong tinanggap ang inabot niya. "Cheers!" sambit niya habang inilalapit sa akin ang hawak niyang alak. Napangiti naman ako at nakipag-toast sa kanya. "Cheers!" nakangiti kong sagot bago sabay naming ininom ang alak."You look prettier when you smile!" Muli siyang ngumiti habang nakatitig sa akin. Malalim ang tingin niya kaya alam kong sincere siya sa sinabi niya.""Thank you!" pasasalamat ko.Feeling ko, namumula ang mga pisngi ko. Sanay naman akong makatanggap ng compliments, pero bigla akong nakaramdam ng hiya ngayong siya mismo ang nagsasabi sa akin noon. "I'm Zachary!" pakilala niya.Zachary. Napakaganda ng pangalan niya. Bagay sa kanya. May dating na lalaking-lalaki."And you're?" tanong niya, tila naghihintay na banggitin ko ang pangalan ko. "Gelli!""Oh, Gelli! Nice name... Very pretty, just like y
Malayo pa lang ang kotse ay nagtaas na ako ng kamay para senyasan ang driver na huminto. Bumagal ang takbo nito hanggang sa tuluyan itong huminto sa harap ko.Natuwa naman ako nang hindi niya ako dedmahin.Agad akong lumapit sa passenger side ng kotse. Napansin kong sports car ang sinasakyan niya. Kasali rin kaya siya sa car racing kanina?Binuksan ko ang pinto at agad na tumambad sa paningin ko ang isang lalaking nakangiti sa akin."Hey!"Ngumiti siya nang malapad. Ang gaan sa pakiramdam ng ngiti niya at hindi ko alam kung bakit. Dahil tuloy doon kaya parang biglang nawala ang takot na nararamdaman ko kanina.Pero nang mapansin ko ang ilang lata ng whiskey sa tabi niya at sa sahig ng kotse, bigla akong nagdalawang-isip na sumakay.Mukhang nakainom na ang lalaking ito."I'm not drunk yet, if that's what you're thinking!" sabi niya nang mapansin siguro ang pag-aalinlangan ko.His deep, husky voice sent a strange sensation through me. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang epekto sa akin n
Umakyat kami sa second floor ng isang establishment at dumiretso sa balcony. Natuwa kaming magkakaibigan dahil kitang-kita namin mula roon ang buong race track. May dalawa ring babae na naroon at agad kaming napansin pagdating namin. "Mabuti naman at nakahanap ka ng kasama namin!" bati ng isa sa mga babae sa bakla. "Oo nga, eh! O, di ba? Ang gaganda nila! Hulog ng langit sa akin!" matinis na tawa ng bakla. Nagkatinginan naman kami ni Trish sa sinabi niya. "Uy, Ateng! Mamaya, ibenta mo kami rito, ha? Manonood lang kami!" biro ni Trish bago tumawa. "Manonood lang naman talaga kayo. Plus, may chance din kayong maka-date ang mga naggagwapuhang racer na 'yan!" sagot ng bakla habang nakatingin sa ibaba. Napansin kong may ilang racer na nakatingin sa amin mula sa race track. "Paano naman namin sila makaka-date?" natatawang tanong ni Hazel. "Basta! Mamaya, malalaman n'yo rin. Mukha naman kayong game sa ganito, eh." Tumawa siya at nagpatuloy sa pagpaypay. "Basta, huwag kayong
Kinagabihan, matapos maghugas ng mga pinggan, nilibot ko muna ang bahay para siguraduhing nakasara at naka-lock ang lahat ng pinto at bintana. Mag-aalas-diyes na rin ng gabi nang tingnan ko ang oras sa cellphone ko.Namamahinga na ang mga magulang ko dahil maaga pa silang gigising bukas para muling magbukas ng talyer. May maliit na talyer ang Papa ko, at iyon ang pinagkukunan namin ng pang-araw-araw na gastusin. Mula sa pagkain, bayarin sa bahay, hanggang sa tuition fee ko, lahat ay pinagsisikapan niyang tustusan.Malaking tulong din na half scholar ako sa university dahil nababawasan kahit papaano ang gastusin sa pag-aaral ko. Pero kahit may scholarship ako, hindi pa rin maiiwasan ang iba pang bayarin sa school. May high school pa akong kapatid na kahit nag-aaral sa public school ay nangangailangan din ng pera para sa mga proyekto at iba pang gastusin.Ipinangako ko pa sa sarili kong ako ang magpapaaral sa kaniya kapag nag-college na siya next year. Ayokong maranasan niyang mahirapan
Bumaba na kami sa elevator pagdating sa penthouse floor. Magkahawak-kamay kaming naglakad ni Andrew papunta sa unit ng kuya niya, pero hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaibang kaba na hindi ko maipaliwanag.Curious akong makita at makilala ang stepbrother ng boyfriend ko. Sa penthouse siya nakatira, which was understandable dahil anak siya ng may-ari ng napakagarang hotel na ito. Isa rin siya sa nagpapatakbo ng hotel bilang CEO, at one day, for sure, siya rin ang magmamay-ari ng lahat ng ito.Huminto kami sa harap ng isang malaking pinto at pinindot ni Andrew ang doorbell.Maya-maya, humarap siya sa camera ng intercom, itinaas ang gitnang daliri, at tumawa."Fuck you!"I heard a voice coming from the intercom.Hindi ganoon kalinaw ang tinig dahil nanggagaling iyon sa speaker, pero may kakaibang sensasyong gumapang sa buong katawan ko nang maisip kong familiar ang boses na iyon.Agad ko ring iwinaksi sa isip ang kung anumang naiisip ko nang bumukas ang pinto at pumasok na kami ni And







