LOGINTWO WEEKS LATER
"Wow!" sambit ko habang namamangha akong inililibot ang paningin sa loob ng isang sikat na five-star hotel. Kasama ko ang boyfriend kong si Andrew. First time kong makapasok sa isang hotel na dati-rati ay nadaraanan ko lang tuwing papasok ako sa school. Narito kami ngayon dahil may interview ako sa HR manager. Tinulungan kasi ako ni Andrew na makapasok bilang part-time employee rito. Stepdad niya ang may-ari ng hotel na ito, ang Vercelli Grand Hotel. Sinabihan si Andrew ng stepdad niya na pumunta raw ako ngayong araw para makausap ang HR manager tungkol sa employment ko. Nakakatuwa lang isipin na mismong may-ari ng hotel ang nag approve sa application ko kahit part-l time lang ang ina-applyan ko at nag-aaral pa ako. Hospitality Management ang course ko, at graduating na ako ngayong taon. Ilang buwan na lang at matatapos ko na rin ang pag-aaral ko. Pero habang papalapit ang graduation, mas dumarami rin ang gastusin, kaya gusto kong makatulong sa mga magulang ko. Nang malaman kong hiring ang Vercelli Grand Hotel, naisipan kong subukang mag-apply bilang part-time employee. Magandang oportunidad na rin ito para magkaroon ako ng experience na magagamit ko sa future career ko. Si Andrew naman ay Criminology ang kinukuha. Kahit magkaiba ang course namin, lagi niya akong sinusuportahan sa mga gusto kong gawin. Kinakabahan ako habang naglalakad kami papunta sa HR office. Paulit-ulit kong iniisip kung ano ang mga itatanong sa akin at kung paano ko sasagutin ang mga iyon. First time kong mag-a-apply sa isang malaking hotel kaya hindi ko maiwasang kabahan. Napansin yata ni Andrew ang pananahimik ko dahil bahagya niyang pinisil ang kamay ko. "You can do it, babe. Ikaw pa ba?" nakangiti niyang sabi. Napatingin ako sa kanya at pilit na ngumiti. "Kinakabahan lang kasi ako. Paano kung hindi ako matanggap?" "Don't think that way. Just be confident and do your best. Besides, approved na ni Daddy Dave ang application mo. Finalization na lang sa HR ang kailangan." Tumango ako at huminga nang malalim. Kahit papaano, nabawasan ang kaba ko dahil sa mga sinabi niya. "Thank you, babe," sagot ko bago inayos ang sarili ko. Ngumiti siya at marahang hinaplos ang likod ng kamay ko. "Tara na. Hinihintay ka na nila." Muli akong huminga nang malalim bago tuluyang humakbang papunta sa HR office. Kahit sinabi ni Andrew na aprubado na ang application ko, gusto ko pa ring maayos ang maging resulta ng interview. Ayokong isipin ng mga taong tatanggap sa akin na umaasa lang ako sa koneksiyon niya. Gusto kong patunayan na kaya kong makuha ang trabahong ito dahil karapat-dapat ako rito. Ilang hakbang na lang at mararating na namin ang HR office. Sana nga ay maging maayos ang lahat. Ilang minuto rin akong nanatili sa loob habang kinakausap ang HR manager tungkol sa trabaho, schedule, at iba pang requirements na kailangan kong asikasuhin. Maayos naman ang naging takbo ng interview, at sinagot ko ang lahat ng tanong niya sa abot ng aking makakaya. Nang matapos ang pag-uusap namin, agad akong lumabas ng office na may malaking ngiti sa labi. "How was it?" agad na tanong ni Andrew nang makita ako. Hindi ko na napigilang ngumiti nang mas malawak. "I'm hired!" masaya kong sagot. Tuwang-tuwa ako nang kumpirmahin ng HR manager na tanggap na ako bilang part-time employee sa Vercelli Grand Hotel. Hindi ko maiwasang makaramdam ng excitement dahil sa wakas, magkakaroon na rin ako ng pagkakataong magkaroon ng work experience habang tinatapos ang pag-aaral ko. "See? I told you. You can do it!" nakangiting sabi ni Andrew. Napatawa ako at niyakap siya. "Thank you, babe! Sobrang happy ko!" "Congrats, babe. I'm proud of you." Mas lalo akong natuwa sa sinabi niya. Hindi man madali ang pagsabayin ang trabaho at pag-aaral, determinado akong gawin ang lahat para magampanan ang dalawa. Kahit alam kong magiging busy ang schedule ko sa school at trabaho, handa akong pagpaguran ang opportunity na ito. Para sa akin, magandang simula na ito para sa future career ko. "Let's go to my stepdad's office. Nandoon din si Mom. Ipapakilala kita sa kanila." Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Of course, gusto ko rin namang makilala ang pamilya niya, pero first time kong haharap sa mga magulang ng boyfriend ko kaya hindi ko maiwasang kabahan. One month and two weeks, to be exact, pa lang kaming magkarelasyon ni Andrew. Kaya hindi ko alam kung ano ang magiging impression sa akin ng mommy at stepdad niya. Gusto ko namang magkaroon ng magandang unang impression sa kanila, lalo na't mahalaga sa akin si Andrew. "Ma-magandang araw po!" Hindi ko alam kung paano sila babatiin. Hindi ko rin sigurado kung dapat ko ba silang kamayan o kung ano ang nararapat kong gawin. I felt awkward and nervous at the same time. Ngumiti ang mommy niya at agad na lumapit sa akin. Nabigla ako nang bigla niya akong yakapin at marahang tapikin sa likod. "Nice to meet you, iha!" Parang biglang nawala ang kaba at pagka-ilang na nararamdaman ko dahil sa mainit niyang pagtanggap. "I'm happy to meet you, too, po!" magalang kong sagot habang nakangiti sa kanya. Natuwa ako nang mapansin kong mukhang gusto niya ako. Kitang-kita iyon sa paraan ng pagtingin at pagngiti niya sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang gumaan ang pakiramdam ko. Pagkatapos ay lumapit naman ako sa stepdad ni Andrew na nakaupo sa swivel chair. Magalang ko siyang kinamayan at sinalubong niya ako ng isang ngiti. Mukha rin siyang mabait at madaling pakisamahan. "Andrew, sana tumino ka na this time! Sumasakit na ang ulo ko sa mga kalokohan mo!" sermon ng mommy niya habang masama ang tingin sa anak. Napakamot naman si Andrew sa batok at napangisi. "Of course, Ma! Matino naman talaga ako, eh!" nakangiting sagot niya bago kumindat sa akin at ilagay ang isang kamay sa bewang ko. Napailing ang mommy niya. "Talaga lang, ha? Ilang beses na naming narinig 'yang linya mo." Napatawa naman ako nang mahina habang si Andrew ay kunwaring walang narinig. Kilala si Andrew bilang playboy sa school namin, kaya noong una ay nag-alangan akong sagutin siya. Marami kasi akong naririnig na kuwento tungkol sa kanya, at ayokong maging isa lang sa mga babaeng paglalaruan niya. Pero naging matiyaga siya sa panliligaw. Hindi siya basta sumuko kahit ilang beses ko siyang tinanggihan. Unti-unti, naramdaman kong seryoso siya sa akin. Ipinakita niya sa mga simpleng paraan na iba ang intensyon niya sa akin kumpara sa mga babaeng nauna. Plano ko sanang mag-graduate muna bago muling sumubok makipagrelasyon matapos akong masaktan ng husto sa huli kong boyfriend. Gusto ko munang mag-focus sa pag-aaral at sa mga pangarap ko. Pero hindi ko na rin napigilan ang damdamin ko para kay Andrew, kaya sa huli, sinagot ko na siya. May ilang minuto pa kaming nag-stay sa office ng step dad niya. Magkatabi kaming nakaupo ni Andrew sa couch habang kaharap namin ang mommy niya. Ang stepdad niya naman ay abala sa pag-aasikaso ng ilang dokumento sa mesa, pero paminsan-minsan ay nakikisali rin sila sa usapan namin. Masaya akong makita kung gaano kalapit si Andrew sa mommy niya at kahit sa step father niya. Habang kausap sila, unti-unti ring nawawala ang kaba ko. Sana nga ay ganito palagi ang magiging pakikitungo sa akin ng pamilya niya. Ilang minuto pa kaming nagkuwentuhan bago kami nagpaalam na ni Andrew. Lumabas na kami sa office ng stepdad niya. "Let's go to Kuya's office." Saad ni Andrew paglabas namin. "Kuya?" kunot-noo kong tanong. "My stepbrother!" mabilis niyang sagot. "Ah, okay!" Naalala ko bigla na nabanggit niya noon na may stepbrother siya. Pareho silang nag-iisang anak ng kani-kanilang magulang, kaya naging malapit si Andrew sa stepbrother niya. Itinuring niya itong tunay na kuya simula nang magpakasal ang mom niya sa stepdad niya five years ago. Magkalayo rin ang agwat ng edad nila, twelve years. Pareho kaming 21 years old ni Andrew, at 33 naman ang kuya niya. Katabi lang ng office ng stepdad niya ang office ng stepbrother niya. Kumatok si Andrew sa p***o. Ilang beses siyang kumatok hanggang sa bumukas iyon at lumabas ang isang janitor. "Wala pa po si Sir dito!" saad ng janitor bago tuluyang umalis. "Baka nasa pad niya!" sabi ni Andrew. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako patungo sa elevator. Pagkasakay namin ay pinindot niya ang button para sa penthouse. Hanggang thirty-seventh floor ang mga button, at may penthouse pa sa itaas. Napakataas talaga ng hotel na ito. "Madalas kitang dadalhin dito once binigyan na ako ni Mom ng unit," bulong niya sa akin habang nakapulupot ang braso sa bewang ko. Namumungay ang mga mata niya. Na-sense ko naman ang ibig niyang sabihin. "Hey, I told you, ayoko pa!" Bahagya akong lumayo sa kanya. Hindi dahil sa sinabi niya, kundi dahil may naalala akong pilit ko namang inaalis sa isip ko. I felt guilty again for Andrew nang maalala ko ang gabing iyon. Pilit kong inalis iyon sa isip ko. Not now!ONE WEEK LATERTiningnan ko ang sarili ko sa harap ng malaking salamin sa CR ng Vercelli Grand Hotel matapos isuot ang uniform na ibinigay sa akin.Saktong-sakto sa katawan ko ang long-sleeved suit at skirt na kulay wine red. Napangiti ako habang inaayos ang suot ko.Ang ganda!Hindi ko maiwasang kiligin sa sarili ko. Sa wakas, isa na talaga akong empleyado ng hotel na ito!Apat na oras lang ang duty ko mula Monday hanggang Saturday. Mula 8:00 AM hanggang 1:00 PM ang klase ko sa school, at 3:00 PM hanggang 7:00 PM naman ang pasok ko rito sa hotel.Alam kong hindi magiging madali ang pagsabayin ang pag-aaral at trabaho, pero kakayanin ko. Para ito sa pangarap ko at, higit sa lahat, para sa mga magulang ko.Simple lang ang buhay namin. Kahit sinasabi nilang kaya naman nilang tustusan ang pag-aaral ko at ayaw nila akong mahirapan sa pagtatrabaho, alam kong marami pa rin kaming gastusin sa bahay. Lalo na ngayong fourth year college na ako. Hindi rin biro ang mga bayarin sa school, kaya gu
Binuksan niya ang isang lata ng canned whiskey at iniabot sa akin. Naubos ko na kasi ang hawak ko kanina kaya nakakaramdam na ako ng hilo, pero parang nauuhaw pa rin ako. Agad kong tinanggap ang inabot niya. "Cheers!" sambit niya habang inilalapit sa akin ang hawak niyang alak. Napangiti naman ako at nakipag-toast sa kanya. "Cheers!" nakangiti kong sagot bago sabay naming ininom ang alak."You look prettier when you smile!" Muli siyang ngumiti habang nakatitig sa akin. Malalim ang tingin niya kaya alam kong sincere siya sa sinabi niya.""Thank you!" pasasalamat ko.Feeling ko, namumula ang mga pisngi ko. Sanay naman akong makatanggap ng compliments, pero bigla akong nakaramdam ng hiya ngayong siya mismo ang nagsasabi sa akin noon. "I'm Zachary!" pakilala niya.Zachary. Napakaganda ng pangalan niya. Bagay sa kanya. May dating na lalaking-lalaki."And you're?" tanong niya, tila naghihintay na banggitin ko ang pangalan ko. "Gelli!""Oh, Gelli! Nice name... Very pretty, just like y
Malayo pa lang ang kotse ay nagtaas na ako ng kamay para senyasan ang driver na huminto. Bumagal ang takbo nito hanggang sa tuluyan itong huminto sa harap ko.Natuwa naman ako nang hindi niya ako dedmahin.Agad akong lumapit sa passenger side ng kotse. Napansin kong sports car ang sinasakyan niya. Kasali rin kaya siya sa car racing kanina?Binuksan ko ang pinto at agad na tumambad sa paningin ko ang isang lalaking nakangiti sa akin."Hey!"Ngumiti siya nang malapad. Ang gaan sa pakiramdam ng ngiti niya at hindi ko alam kung bakit. Dahil tuloy doon kaya parang biglang nawala ang takot na nararamdaman ko kanina.Pero nang mapansin ko ang ilang lata ng whiskey sa tabi niya at sa sahig ng kotse, bigla akong nagdalawang-isip na sumakay.Mukhang nakainom na ang lalaking ito."I'm not drunk yet, if that's what you're thinking!" sabi niya nang mapansin siguro ang pag-aalinlangan ko.His deep, husky voice sent a strange sensation through me. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang epekto sa akin n
Umakyat kami sa second floor ng isang establishment at dumiretso sa balcony. Natuwa kaming magkakaibigan dahil kitang-kita namin mula roon ang buong race track. May dalawa ring babae na naroon at agad kaming napansin pagdating namin. "Mabuti naman at nakahanap ka ng kasama namin!" bati ng isa sa mga babae sa bakla. "Oo nga, eh! O, di ba? Ang gaganda nila! Hulog ng langit sa akin!" matinis na tawa ng bakla. Nagkatinginan naman kami ni Trish sa sinabi niya. "Uy, Ateng! Mamaya, ibenta mo kami rito, ha? Manonood lang kami!" biro ni Trish bago tumawa. "Manonood lang naman talaga kayo. Plus, may chance din kayong maka-date ang mga naggagwapuhang racer na 'yan!" sagot ng bakla habang nakatingin sa ibaba. Napansin kong may ilang racer na nakatingin sa amin mula sa race track. "Paano naman namin sila makaka-date?" natatawang tanong ni Hazel. "Basta! Mamaya, malalaman n'yo rin. Mukha naman kayong game sa ganito, eh." Tumawa siya at nagpatuloy sa pagpaypay. "Basta, huwag kayong
Kinagabihan, matapos maghugas ng mga pinggan, nilibot ko muna ang bahay para siguraduhing nakasara at naka-lock ang lahat ng pinto at bintana. Mag-aalas-diyes na rin ng gabi nang tingnan ko ang oras sa cellphone ko.Namamahinga na ang mga magulang ko dahil maaga pa silang gigising bukas para muling magbukas ng talyer. May maliit na talyer ang Papa ko, at iyon ang pinagkukunan namin ng pang-araw-araw na gastusin. Mula sa pagkain, bayarin sa bahay, hanggang sa tuition fee ko, lahat ay pinagsisikapan niyang tustusan.Malaking tulong din na half scholar ako sa university dahil nababawasan kahit papaano ang gastusin sa pag-aaral ko. Pero kahit may scholarship ako, hindi pa rin maiiwasan ang iba pang bayarin sa school. May high school pa akong kapatid na kahit nag-aaral sa public school ay nangangailangan din ng pera para sa mga proyekto at iba pang gastusin.Ipinangako ko pa sa sarili kong ako ang magpapaaral sa kaniya kapag nag-college na siya next year. Ayokong maranasan niyang mahirapan
Bumaba na kami sa elevator pagdating sa penthouse floor. Magkahawak-kamay kaming naglakad ni Andrew papunta sa unit ng kuya niya, pero hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaibang kaba na hindi ko maipaliwanag.Curious akong makita at makilala ang stepbrother ng boyfriend ko. Sa penthouse siya nakatira, which was understandable dahil anak siya ng may-ari ng napakagarang hotel na ito. Isa rin siya sa nagpapatakbo ng hotel bilang CEO, at one day, for sure, siya rin ang magmamay-ari ng lahat ng ito.Huminto kami sa harap ng isang malaking pinto at pinindot ni Andrew ang doorbell.Maya-maya, humarap siya sa camera ng intercom, itinaas ang gitnang daliri, at tumawa."Fuck you!"I heard a voice coming from the intercom.Hindi ganoon kalinaw ang tinig dahil nanggagaling iyon sa speaker, pero may kakaibang sensasyong gumapang sa buong katawan ko nang maisip kong familiar ang boses na iyon.Agad ko ring iwinaksi sa isip ang kung anumang naiisip ko nang bumukas ang pinto at pumasok na kami ni And







