Share

5. FLASHBACK

Author: Cham Astoria
last update publish date: 2026-11-12 15:13:09

Kinagabihan, matapos maghugas ng mga pinggan, nilibot ko muna ang bahay para siguraduhing nakasara at naka-lock ang lahat ng p***o at bintana. Mag-aalas-diyes na rin ng gabi nang tingnan ko ang oras sa cellphone ko.

Namamahinga na ang mga magulang ko dahil maaga pa silang gigising bukas para muling magbukas ng talyer. May maliit na talyer ang Papa ko, at iyon ang pinagkukunan namin ng pang-araw-araw na gastusin. Mula sa pagkain, bayarin sa bahay, hanggang sa tuition f*e ko, lahat ay pinagsisikapan niyang tustusan.

Malaking tulong din na half scholar ako sa university dahil nababawasan kahit papaano ang gastusin sa pag-aaral ko. Pero kahit may scholarship ako, hindi pa rin maiiwasan ang iba pang bayarin sa school. May high school pa akong kapatid na kahit nag-aaral sa public school ay nangangailangan din ng pera para sa mga proyekto at iba pang gastusin.

Ipinangako ko pa sa sarili kong ako ang magpapaaral sa kaniya kapag nag-college na siya next year. Ayokong maranasan niyang mahirapan sa pag-aaral dahil lang kapos kami sa pera. Kaya naman, malaking bagay sa akin ang pagkakaroon ng trabaho ngayon. Umaasa rin akong makakahanap ako agad ng magandang oportunidad pagkatapos kong grumaduate para kahit papaano ay makabawas ako sa mga responsibilidad ng mga magulang ko.

Pagkatapos kong masigurong maayos na ang lahat sa bahay, umakyat na ako sa kuwarto ko. Nagpalit ako ng damit pantulog, inayos ang mga gamit ko para bukas, at saka humiga sa kama.

Kinuha ko ang cellphone ko sa ibabaw ng unan at binuksan ang messages. Agad kong nakita ang huling mensahe ni Andrew na sinend pa niya kaninang tanghali, bago niya ako sunduin para ihatid sa Vercelli Grand Hotel para sa interview sa HR.

Napangiti ako nang bahagya habang binabasa iyon. Muli kong naalala ang hotel na iyon at ang naging interview ko. Pero hindi ang trabaho ang unang pumasok sa isip ko kundi ang lalaking nakilala ko roon.

Si Zac.

Napabuntong-hininga ako at napahiga nang maayos habang nakatitig sa kisame.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubos maisip na siya pala ang lalaking nakasama ko noong gabing iyon. Sa dami ng mga estrangherong maaari kong makilala, bakit siya pa? At bakit kailangan pang kapatid siya ni Andrew?

Kung tutuusin, puwede naman sigurong naging simpleng alaala na lang ang gabing iyon. Isang pagkakamaling hindi na mauulit at isang taong hindi ko na kailangang makita pa. Pero mukhang hindi ganoon kasimple ang lahat.

Hindi ko alam kung paano ako haharap sa kaniya sa susunod na pagkikita namin, lalo na ngayong alam ko na kung sino siya at kung ano ang relasyon niya kay Andrew.

Mas lalo akong kinakabahan sa katotohanang magiging empleyado na ako ng hotel na pag-aari niya. Ibig sabihin, hindi imposibleng magkita kami anumang oras.

Napahinga ako nang malalim at pinatay ang screen ng cellphone ko.

Kailangan kong kalimutan ang nangyari sa amin. Wala akong dapat ipag-alala dahil wala naman kaming relasyon. Isang gabi lang iyon, at dapat hanggang doon na lang.

Si Andrew ang boyfriend ko. Siya ang lalaking mahal ko at ang taong pinaglalaanan ko ng oras at atensyon.

Kaya kahit gaano pa ako mailang o kabahan sa tuwing maiisip ko si Zac, kailangan kong magpanggap na wala akong alam at hindi ko siya kailanman nakilala.

Pero sana nga ganoon lang kadaling kalimutan ang gabing iyon. At sana hindi malaman ni Zac ang plano kong pagpapanggap na hindi siya kilala at hindi ako ang babaeng nakasama niya ng gabing iyon.

Hindi ko tuloy maiwasang balikan sa isip ang unang beses naming pagkikita. Ang gabing naging simula ng lahat.

FLASHBACK

"Anong meron doon?" tanong ko habang nakatingin sa bintana ng kotse.

Napansin ko kasi sa kabilang highway na maraming sasakyan at tila may pinagkakaguluhan ang mga kalalakihang naroon.

"Car racing 'yan. Ganyan lagi ang sitwasyon diyan every Saturday, ganitong oras," sagot ni Patricia, ang kaibigan at kaklase kong nagmamaneho.

Napatingin ako sa oras. Almost twelve midnight na.

Kagagaling lang namin sa bar kasama ang iba pa naming kaibigan at ngayon ay pauwi na kami sa condo ni Patricia, kung saan ako mag-stay hanggang kinaumagahan. Sinundo niya ako kanina sa bahay para tulungan akong magpaalam sa magulang ko. First year college pa lang kami ay magkaibigan na kami, pati na rin sina Hazel at Levy na kasama namin ngayong gabi, kaya kilala at pinagkakatiwalaan na sila ng mga magulang ko.

Bihira lang din naman kaming mag-night out kaya pinayagan nila ako.

"Car racing? Tara, manood tayo!" masiglang sabi ni Hazel na nakaupo sa backseat.

"Like ko rin manood!" Sumangayon rin si Levy.

Akala ko ay natutulog na ang dalawa sa likod, pero bigla silang nabuhayan nang marinig ang pinag-uusapan namin ni Patricia.

Ako man ay biglang nagkaroon ng interes na manood. Hindi pa kasi ako nakakanood ng car racing nang personal kaya curious ako kung ano ang itsura nito.

"Tara, Trish! Manood tayo!" yaya ko sa kaniya.

"Sure! Gusto ko rin namang makita kung paano 'yan."

Pagkatapos naming mag-park sa isang establishment malapit sa race track, bumaba na kami ng kotse at pumuwesto sa gilid. Medyo malayo iyon sa mismong lugar kung saan ginaganap ang karera, pero iyon na ang pinakamalapit na puwesto na maaari naming puntahan. May mga barricade na kasi sa mas malapit na bahagi at mukhang bawal nang lumapit doon.

Illegal drag race pala ang ginaganap, pero may ilang pulis din akong nakikita sa paligid.

"Gusto n'yo bang manood sa mas malapit na puwesto?"

Napalingon kaming magkakaibigan sa pinanggalingan ng boses.

Isang baklang panay ang paypay ang nakita namin. Pinagmamasdan niya kaming isa-isa mula ulo hanggang paa na para bang sinusuri kami.

"Puwedeng-puwede kayo. Tara, sumama kayo sa akin. Dadalhin ko kayo sa mas magandang puwesto para mas malinaw ninyong mapanood ang karera," yaya niya.

Natuwa naman kaming magkakaibigan sa alok niya kaya sumunod kami.

Lumusot kami sa gilid ng barricade. May nagbabantay roon dahil bawal pumasok ang mga tao, pero pinayagan kaming makadaan matapos may sabihin ang bakla sa bantay.

Habang naglalakad kami, napansin kong pinagtitinginan kami ng ilang kalalakihan. Hindi tuloy maiwasang magtaka kung saan ba talaga kami dadalhin ng bakla. Pero dahil sinabi naman niyang mas magandang puwesto lang ang pakay namin, hindi na ako nagtanong pa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Wild Night With Kuya Zac   9. Part-time Job

    ONE WEEK LATERTiningnan ko ang sarili ko sa harap ng malaking salamin sa CR ng Vercelli Grand Hotel matapos isuot ang uniform na ibinigay sa akin.Saktong-sakto sa katawan ko ang long-sleeved suit at skirt na kulay wine red. Napangiti ako habang inaayos ang suot ko.Ang ganda!Hindi ko maiwasang kiligin sa sarili ko. Sa wakas, isa na talaga akong empleyado ng hotel na ito!Apat na oras lang ang duty ko mula Monday hanggang Saturday. Mula 8:00 AM hanggang 1:00 PM ang klase ko sa school, at 3:00 PM hanggang 7:00 PM naman ang pasok ko rito sa hotel.Alam kong hindi magiging madali ang pagsabayin ang pag-aaral at trabaho, pero kakayanin ko. Para ito sa pangarap ko at, higit sa lahat, para sa mga magulang ko.Simple lang ang buhay namin. Kahit sinasabi nilang kaya naman nilang tustusan ang pag-aaral ko at ayaw nila akong mahirapan sa pagtatrabaho, alam kong marami pa rin kaming gastusin sa bahay. Lalo na ngayong fourth year college na ako. Hindi rin biro ang mga bayarin sa school, kaya gu

  • Wild Night With Kuya Zac   8. The Unforgettable Night (flashback)

    Binuksan niya ang isang lata ng canned whiskey at iniabot sa akin. Naubos ko na kasi ang hawak ko kanina kaya nakakaramdam na ako ng hilo, pero parang nauuhaw pa rin ako. Agad kong tinanggap ang inabot niya. "Cheers!" sambit niya habang inilalapit sa akin ang hawak niyang alak. Napangiti naman ako at nakipag-toast sa kanya. "Cheers!" nakangiti kong sagot bago sabay naming ininom ang alak."You look prettier when you smile!" Muli siyang ngumiti habang nakatitig sa akin. Malalim ang tingin niya kaya alam kong sincere siya sa sinabi niya.""Thank you!" pasasalamat ko.Feeling ko, namumula ang mga pisngi ko. Sanay naman akong makatanggap ng compliments, pero bigla akong nakaramdam ng hiya ngayong siya mismo ang nagsasabi sa akin noon. "I'm Zachary!" pakilala niya.Zachary. Napakaganda ng pangalan niya. Bagay sa kanya. May dating na lalaking-lalaki."And you're?" tanong niya, tila naghihintay na banggitin ko ang pangalan ko. "Gelli!""Oh, Gelli! Nice name... Very pretty, just like y

  • Wild Night With Kuya Zac   7. The Stranger (flashback)

    Malayo pa lang ang kotse ay nagtaas na ako ng kamay para senyasan ang driver na huminto. Bumagal ang takbo nito hanggang sa tuluyan itong huminto sa harap ko.Natuwa naman ako nang hindi niya ako dedmahin.Agad akong lumapit sa passenger side ng kotse. Napansin kong sports car ang sinasakyan niya. Kasali rin kaya siya sa car racing kanina?Binuksan ko ang pinto at agad na tumambad sa paningin ko ang isang lalaking nakangiti sa akin."Hey!"Ngumiti siya nang malapad. Ang gaan sa pakiramdam ng ngiti niya at hindi ko alam kung bakit. Dahil tuloy doon kaya parang biglang nawala ang takot na nararamdaman ko kanina.Pero nang mapansin ko ang ilang lata ng whiskey sa tabi niya at sa sahig ng kotse, bigla akong nagdalawang-isip na sumakay.Mukhang nakainom na ang lalaking ito."I'm not drunk yet, if that's what you're thinking!" sabi niya nang mapansin siguro ang pag-aalinlangan ko.His deep, husky voice sent a strange sensation through me. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang epekto sa akin n

  • Wild Night With Kuya Zac   6. FLASHBACK 2

    Umakyat kami sa second floor ng isang establishment at dumiretso sa balcony. Natuwa kaming magkakaibigan dahil kitang-kita namin mula roon ang buong race track. May dalawa ring babae na naroon at agad kaming napansin pagdating namin. "Mabuti naman at nakahanap ka ng kasama namin!" bati ng isa sa mga babae sa bakla. "Oo nga, eh! O, di ba? Ang gaganda nila! Hulog ng langit sa akin!" matinis na tawa ng bakla. Nagkatinginan naman kami ni Trish sa sinabi niya. "Uy, Ateng! Mamaya, ibenta mo kami rito, ha? Manonood lang kami!" biro ni Trish bago tumawa. "Manonood lang naman talaga kayo. Plus, may chance din kayong maka-date ang mga naggagwapuhang racer na 'yan!" sagot ng bakla habang nakatingin sa ibaba. Napansin kong may ilang racer na nakatingin sa amin mula sa race track. "Paano naman namin sila makaka-date?" natatawang tanong ni Hazel. "Basta! Mamaya, malalaman n'yo rin. Mukha naman kayong game sa ganito, eh." Tumawa siya at nagpatuloy sa pagpaypay. "Basta, huwag kayong

  • Wild Night With Kuya Zac   5. FLASHBACK

    Kinagabihan, matapos maghugas ng mga pinggan, nilibot ko muna ang bahay para siguraduhing nakasara at naka-lock ang lahat ng pinto at bintana. Mag-aalas-diyes na rin ng gabi nang tingnan ko ang oras sa cellphone ko.Namamahinga na ang mga magulang ko dahil maaga pa silang gigising bukas para muling magbukas ng talyer. May maliit na talyer ang Papa ko, at iyon ang pinagkukunan namin ng pang-araw-araw na gastusin. Mula sa pagkain, bayarin sa bahay, hanggang sa tuition fee ko, lahat ay pinagsisikapan niyang tustusan.Malaking tulong din na half scholar ako sa university dahil nababawasan kahit papaano ang gastusin sa pag-aaral ko. Pero kahit may scholarship ako, hindi pa rin maiiwasan ang iba pang bayarin sa school. May high school pa akong kapatid na kahit nag-aaral sa public school ay nangangailangan din ng pera para sa mga proyekto at iba pang gastusin.Ipinangako ko pa sa sarili kong ako ang magpapaaral sa kaniya kapag nag-college na siya next year. Ayokong maranasan niyang mahirapan

  • Wild Night With Kuya Zac   4. Zachary Vercelli

    Bumaba na kami sa elevator pagdating sa penthouse floor. Magkahawak-kamay kaming naglakad ni Andrew papunta sa unit ng kuya niya, pero hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaibang kaba na hindi ko maipaliwanag.Curious akong makita at makilala ang stepbrother ng boyfriend ko. Sa penthouse siya nakatira, which was understandable dahil anak siya ng may-ari ng napakagarang hotel na ito. Isa rin siya sa nagpapatakbo ng hotel bilang CEO, at one day, for sure, siya rin ang magmamay-ari ng lahat ng ito.Huminto kami sa harap ng isang malaking pinto at pinindot ni Andrew ang doorbell.Maya-maya, humarap siya sa camera ng intercom, itinaas ang gitnang daliri, at tumawa."Fuck you!"I heard a voice coming from the intercom.Hindi ganoon kalinaw ang tinig dahil nanggagaling iyon sa speaker, pero may kakaibang sensasyong gumapang sa buong katawan ko nang maisip kong familiar ang boses na iyon.Agad ko ring iwinaksi sa isip ang kung anumang naiisip ko nang bumukas ang pinto at pumasok na kami ni And

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status