Ysabel Montecillo's POVMay sticky note na nakadikit sa pinto ko.Maaga pa. Hindi pa man ako nakakapagmumog, napahinto na ako sa harap nito, nakatitig sa sulat-kamay na parang galing sa mamahaling pen.Breakfast at 8. Don’t skip it. You need to eat for the baby.– RNakakainis kung gaano ako kabilis ngumiti. Mabilis kong binura sa mukha ko iyon, bago pa makita ni Odette na nakasilip na pala sa hallway, hawak ang walis.“Magandang umaga po, Ma’am Ysa,” sabi niya, ang laki ng ngiti. “Maganda po ang gising ni Sir ngayon.”Kagat-labi akong pumasok ulit sa kwarto.“Baby,” sabi ko, “kalimutan mo na lahat ng narinig mo kagabi.”Lumabas ako ng banyo at binuksan ang closet para kumuha ng damit. Doon ko napansin na wala na ang mga lumang damit ko. Dinala raw ng maid sa laundry, sabi ng note sa ibabaw ng kama.Ang natira lang ay ang mga pinamili niya.Napabuntong-hininga ako. Wala akong choice. Pinili ko ang pinakasimpleng damit, isang puting dress na hanggang tuhod, walang burda, walang kung an
Huling Na-update : 2026-11-11 Magbasa pa