Home / Romance / Widower's Fake Wife / Chapter 4: Check-up

Share

Chapter 4: Check-up

Author: Ellucidera
last update Petsa ng paglalathala: 2026-11-11 15:22:57

Ysabel Montecillo's POV

May sticky note na nakadikit sa p***o ko.

Maaga pa. Hindi pa man ako nakakapagmumog, napahinto na ako sa harap nito, nakatitig sa sulat-kamay na parang galing sa mamahaling pen.

Breakfast at 8. Don’t skip it. You need to eat for the baby.

– R

Nakakainis kung gaano ako kabilis ngumiti. Mabilis kong binura sa mukha ko iyon, bago pa makita ni Odette na nakasilip na pala sa hallway, hawak ang walis.

“Magandang umaga po, Ma’am Ysa,” sabi niya, ang laki ng ngiti. “Maganda po ang gising ni Sir ngayon.”

Kagat-labi akong pumasok ulit sa kwarto.

“Baby,” sabi ko, “kalimutan mo na lahat ng narinig mo kagabi.”

Lumabas ako ng banyo at binuksan ang closet para kumuha ng damit. Doon ko napansin na wala na ang mga lumang damit ko. Dinala raw ng maid sa laundry, sabi ng note sa ibabaw ng kama.

Ang natira lang ay ang mga pinamili niya.

Napabuntong-hininga ako. Wala akong choice. Pinili ko ang pinakasimpleng damit, isang puting dress na hanggang tuhod, walang burda, walang kung ano-ano.

Pagsuot ko, saktong-sakto.

Dahan-dahan akong bumaba at sumilip muna sa dining area bago pumasok.

Nandoon siya, nakaupo sa dulo ng mesa, may hawak na tablet at tasa ng kape.

“Good morning,” sabi niya, hindi nakatingin sa akin.

“Good morning.” Diretso ang lakad ko papunta sa upuang pinakamalayo sa kanya.

“Ysa, there’s a chair right here.” Itinuro niya ang upuan sa kanan niya. “Sa tabi ko. The farther one is for guests.”

“Ayos lang ako rito.”

“The sun is in your eyes over there.”

Totoo iyon. Nakasilaw ang araw mula sa bintana.

Hinila ko ang upuan, pero nauna na siyang tumayo at hinila ito para sa akin.

“Kaya ko,” sabi ko.

“I know.” Hindi niya inalis ang kamay sa sandalan.

Hindi ako sumagot. Umupo na lang ako.

Pagkaupo ko, tumingin siya sa damit ko, saglit lang, tapos bumalik sa upuan niya.

“Fits,” sabi niya.

Dumating si Odette na may dalang tray. May pandesal, itlog, at prutas. Pagkalapag niya ng pinggan sa harap ko, tumingin siya kay Raf, tapos sa akin, tapos ngumiti.

“Ma’am, ano po ang gusto niyong ipaluto sa chef bukas?”

Napaisip ako.

“Champorado,” sagot ko. “May tuyo.”

Tumaas ang kilay ni Raf. “Champorado with dried fish?”

“Hindi mo pa nata-try.”

“I’m not planning to.”

“Hindi ka naman kasali.” Kumuha ako ng pandesal. “Sa amin ng baby lang.”

Hindi siya sumagot. Pero nang tumingin ako ulit, nakasulat na sa tablet niya ang “champorado + tuyo.” Mabilis niyang pinindot ang screen para itago, pero huli na.

Nakita ko.

Kunwari hindi.

“Anyway,” sabi niya, “Dr. Alcantara will see you at two. Your checkup.”

“Wala pa naman kaming appointment ng OB ko.”

“I changed your OB.”

Binaba ko ang pandesal. “Bakit?”

“Her hospital has a NICU, and she specializes in high-risk pregnancies. If something goes wrong, we won’t waste a single minute.”

Tumango ako. “Okay. Magko-commute na lang ako.”

“No.”

“Bakit?”

“You’re not commuting. I’ll drive.”

“Hindi mo ako kailangang ihatid.”

Tumingin siya sa akin, diretso. “The checkup is for the baby. That’s not your life, that’s ours.”

Natigilan ako.

Ours.

Hindi ko alam kung bakit parang mas mabigat ang salitang iyon kaysa sa tunog nito.

“Fine,” sabi ko, mahina. “Pero doon ka lang sa waiting area.”

“I’ll sit wherever the doctor allows.”

“Mr. Serrano.”

“Okay.”

Panay ang tingin niya sa orasan at tablet, pero napansin kong hindi pa niya nagagalaw ang almusal niya.

“Hindi ka pa kumakain.”

“I’m not hungry.”

“Hinintay ka po ni Sir, Ma’am. Alas-siyete pa po siya nakaupo riyan,”

Muntik na akong mabulunan nang sumulpot si Odette sa likuran ko.

“Odette,” he glared.

“Wala po akong sinabi, Sir.”

Umalis na siya, humuhuni na naman.

Tahimik ang buong biyahe papunta sa ospital. Panay ang sulyap ko sa side mirror para hindi ko siya matingnan. Isang kamay lang niya ang nasa manibela. Yung isa, nakapatong sa gear shift, medyo malapit sa tuhod ko.

Hindi niya ako hinawakan. Pero ramdam ko pa rin.

“Stop fidgeting,” sabi niya.

“Hindi ako nagfi-fidget.”

“You’ve been twisting your seatbelt for ten minutes.”

Binitiwan ko ang seatbelt. “Kinakabahan lang ako.”

“About what?”

“Sa checkup.”

Saglit siyang natahimik. Pagkatapos, inabot niya ang aircon at hininaan iyon, kahit hindi ko sinabing giniginaw ako.

“Don’t be,” sabi niya. “I’m here.”

Hindi ko alam kung bakit ako napalunok.

Malaki at malinis ang ospital. May fountain pa sa lobby, parang hotel. Pagpasok namin, may nurse na agad lumapit.

“Good afternoon, Mr. Serrano and Ma’am Montecillo, this way po.”

Alam na nila ang pangalan ko.

Napatingin ako kay Raf. Nagkibit-balikat lang siya. “I called ahead.”

“Ang dami mong ginagawa nang hindi sinasabi.”

“And you’re only noticing now?”

Inirapan ko siya. Pero napansin kong nakasunod siya sa akin papunta sa elevator, at nang magsara ang p***o, bahagya niyang inilagay ang kamay sa likod ko. Hindi hawak, parang gabay lang. Parang takot siyang matisod ako.

Umiwas ako ng tingin. Sa repleksiyon ng elevator, nakita kong nakatitig siya sa akin.

“Ano na naman?”

“Nothing.”

“Lagi mong sinasabi ‘yan.”

“Because it’s always true.” Pero hindi niya inalis ang kamay niya hanggang bumukas ang p***o.

“Waiting area lang po kayo, Sir,” sabi ng nurse nang makarating kami sa clinic ni Dr. Alcantara.

Ngumiti ako nang malaki. “Narinig mo? Doon ka.”

Tumingin siya sa akin, tapos sa nurse, tapos sa p***o ng clinic. Para siyang batang pinagbawalang pumasok sa playground.

“Fine,” bulong niya. Naupo siya sa mahabang sofa, pero nakaharap pa rin sa p***o.

Papasok na sana ako nang maramdaman kong may humila sa dulo ng daliri ko. Mabilis lang. Isang segundo.

“If you need me,” sabi niya, mahina, “just call. I’ll hear it.”

“Raf, soundproof ang clinic.”

“Then I’ll break the door.”

Natawa ako, kahit ayokong tumawa. “Huwag kang mag-iskandalo.”

“No promises.”

Pumasok ako sa loob na mainit ang pisngi.

Mabait si Dr. Alcantara. Nakangiti siya habang inaayos ang gel sa tiyan ko.

“First time mo bang marinig ang heartbeat, Ysa?”

“Hindi naman po,”

Pero parang first time…

Pinindot niya ang monitor. Sandaling puro static, tapos may mabilis at malakas na tunog.

Tug-tug-tug-tug-tug.

Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko.

“Healthy po,” sabi ni Doc. “Ang lakas.”

Hindi ako makapagsalita. Hawak ko ang dulo ng kumot, nanginginig ang kamay ko.

Bumukas ang p***o.

Nakatayo si Raf doon, hingal, medyo gulo ang buhok, parang tumakbo mula sa kinauupuan niya.

“Sorry,” sabi niya agad. “I heard crying. Is everything okay? Is she—”

“Sir,” natatawang sabi ng nurse, “okay po siya.”

Pero hindi siya gumalaw. Nakatingin siya sa monitor, sa tunog na pumupuno sa buong kwarto.

Tahimik.

Dahan-dahan siyang lumapit, parang takot siyang makagulo. Tumigil siya sa gilid ng kama.

“Is that...” Namaos ang boses niya. “Is that the baby?”

“Opo, Sir,” sagot ni Doc. “Heartbeat ng baby ninyo.”

Hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa screen, at nakita kong gumalaw ang panga niya, parang may nilulunok.

Inabot ko  ang manggas ng polo niya.

Napatingin siya sa akin. Mapula ang mga mata niya.

“Ang lakas, ‘no?” bulong ko.

“Yeah.” Huminga siya nang malalim. “Just like its mother.”

Natigilan ako. Bakit makirot sa dibdib?

Dahan-dahang bumaba ang kamay niya mula sa manggas hanggang sa palad ko. Hindi ko inalis. Hindi rin niya binitiwan.

Narinig ko pa ring tumitibok ang munting puso sa pagitan naming dalawa.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Widower's Fake Wife   Chapter 6: Glaring eyes

    Ysabel Montecillo’s POVTatlo na kami sa mesa.Si Raf sa dulo, gaya ng dati. Ako sa kanan niya, dahil iyon ang sabi niya kaninang umaga at hindi ko na pinagtalunan. Si Daniel naman, sa harapan namin.Dumating si Odette na may dalang mainit na sabaw at inihaw na isda. Pagkalapag niya ng plato ko, may inilagay pa siyang maliit na mangkok sa tabi nito.Champorado.“Hindi po ba sabi ni Ma’am, favorite niya ito?” bulong ni Odette, sabay tingin kay Raf. “Pinainit ko po ulit.”“Champorado?” Tumaas ang kilay ni Daniel. “For dinner?”Sumubo na ako at hindi na siya sinagot pa.“Tuyo?” Napatingin siya sa platito sa gitna. Tapos sa mukha ko. Tapos sa mukha ni Raf na biglang naging seryoso. “Wait. You’re telling me my cousin, ang taong hindi kumakain ng kahit anong hindi imported, allowed ‘yan sa mesa niya?”“It’s for the baby,” mabilis na sabi ni Raf.“Ahh.” Ngumiti si Daniel, ‘yung ngiting alam niyang may nakuha siyang impormasyon. “For the baby.”“Eat your food.”“Hindi pa nga ako nagsisimula.”

  • Widower's Fake Wife   Chapter 5: Cousin

    Ysabel Montecillo's POVHindi ko alam kung kailan ako nakatulog.Ang huling naaalala ko, nasa kalsada kami pababa ng Tagaytay, at kumikislap ang araw sa pagitan ng mga puno. Nang magising ako, hindi na gumagalaw ang kotse.May nakapatong na jacket sa balikat ko. Amoy kape at mamahaling pabango.Dahan-dahan akong dumilat. Nakahinto kami sa harap ng gate ng villa, patay na ang makina. Nakasandal si Raf sa upuan niya, nakatingin sa akin.Hindi sa daan. Sa akin.“Gising ka na.”“Bakit hindi mo ako ginising?”“You looked tired.” Nagkibit-balikat siya. “And you were snoring.”“Hindi ako humihilik!”“Small snores. Like a kitten.”Tumawa siya, mababa at masarap pakinggan, at bigla kong naramdaman na masyado kaming malapit. Bumilis ang tibok ng puso ko sa pagngiti niyang iyon, minsan ko lamang masilayan iyon sa lobb ng isang linggo naming pagsasama.Napailing ako. Bawal ‘tong nararamdaman ko.Hindi pwede. “Gaano na tayo katagal dito?”“Forty minutes.”“Forty minutes?!”“I didn’t want to wake

  • Widower's Fake Wife   Chapter 4: Check-up

    Ysabel Montecillo's POVMay sticky note na nakadikit sa pinto ko.Maaga pa. Hindi pa man ako nakakapagmumog, napahinto na ako sa harap nito, nakatitig sa sulat-kamay na parang galing sa mamahaling pen.Breakfast at 8. Don’t skip it. You need to eat for the baby.– RNakakainis kung gaano ako kabilis ngumiti. Mabilis kong binura sa mukha ko iyon, bago pa makita ni Odette na nakasilip na pala sa hallway, hawak ang walis.“Magandang umaga po, Ma’am Ysa,” sabi niya, ang laki ng ngiti. “Maganda po ang gising ni Sir ngayon.”Kagat-labi akong pumasok ulit sa kwarto.“Baby,” sabi ko, “kalimutan mo na lahat ng narinig mo kagabi.”Lumabas ako ng banyo at binuksan ang closet para kumuha ng damit. Doon ko napansin na wala na ang mga lumang damit ko. Dinala raw ng maid sa laundry, sabi ng note sa ibabaw ng kama.Ang natira lang ay ang mga pinamili niya.Napabuntong-hininga ako. Wala akong choice. Pinili ko ang pinakasimpleng damit, isang puting dress na hanggang tuhod, walang burda, walang kung an

  • Widower's Fake Wife   Chapter 3: He's hot!

    Ysabel Montecillo's POVNapangiwi ako nang tumambad sa akin ang sandamakmak na paper bags na galing sa iba’t ibang brands. Parang may nagbukas ng mall sa sala. Aanhin ko naman ang mga ‘yan?“Akin lahat ‘yan?”Ngumiti siya sabay tango. “Ako po mismo ang pumili. Hindi naman po nagkakalayo ang sizes natin kaya hindi ako nahirapan. Isukat niyo na po.”“Isukat? Lahat?”“Lahat po.”Wala akong nagawa nang dalhin niya ako sa taas habang sinesenyasan niya ang mga maid na ipasok sa kwartong binigay sa akin ang mga iyon. Isang paper bag, dalawa, tatlo... hindi ko na mabilang. Wala na ba talaga akong karapatang tumanggi sa mga taong ‘to?Pagkatapos ng ilang oras na pagsusukat ng damit, sapatos, at kung anu-ano pang hindi ko alam kung saan gagamitin, para akong runway model na walang audience. Nang makahiga ako, parang bumagsak na lang ako sa kama.Madilim na nang magising ako. Hindi ko na nga namalayan kung anong oras ako nakatulog.Napaupo ako at kinusot ang mga mata. Sandaling nanatili ang ting

  • Widower's Fake Wife   Chapter 2: Agreement

    Ysabel Montecillo's POV"Marriage?"Napataas na naman ang kilay ko sa lalaking nasa harapan ko, waiting for him to take back what he had just said.He didn't.Sa halip ay inayos niya lang ang suot niyang relo."Yes. Marriage."Natawa ako."Proposal ba ‘to o business deal?""Whichever makes you agree.""Wow. Galing!"Napabaling ang tingin ko nang tumikhim si Attorney Villanueva, muntik ko nang makalimutang nasa isang meeting kami kasama ang mga attorneys."Perhaps we should discuss the proposal before making any assumptions. Mr. Serrano believes that a legal marriage would provide a more stable arrangement for the child, especially considering the circumstances."I scoffed."At anong magiging role ko? Asawa sa papel? Surrogate na lang, ganon?""That's not what I want," Rafhayeel answered."Then what do you want?"Huminga siya ng malalim."I want to be involved in every step of my child's life. I don't want to miss another opportunity to give this baby the family Ellara and I once dream

  • Widower's Fake Wife   Chapter 1: The Misunderstanding

    Ysabel Montecillo's POVTatlong taon.Tatlong taon na pagtitipid at pagtatrabaho para mabuo ko ang buhay na mayroon ako ngayon. Ilang beses ko na ring naisip kung tama ba ang desisyon kong magkaanak nang walang asawa, na walang suporta mula kanino. Pero sa tuwing naiisip kong kinaya ko lahat nang mag-isa, I am confident enough na kaya kong bumuhay ng isang batang matatawag kong akin.At ngayon, sa wakas, mangyayari na iyon."Konting tiis pa, baby. Mommy's doing her best."I smiled, Mommy na ako. Minsan talaga, nahuhuli ko na lamang ang sariling kinakausap ang tiyan ko kahit wala pang gaanong makikitang pagbabago. Natigilan ako nang tumunog ang phone ko at nang tignan ko ang nasa screen, galing iyon sa fertility clinic. "Good morning, Ms. Montecillo. We would like to request your presence at the clinic today. There are some matters regarding your IVF procedure that need further discussion."Nawala ang ngiti ko, nakaramdam ako ng kaba."May problema po ba?""Please don't worry. The doc

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status