Mag-log inYsabel Montecillo's POV
Hindi ko alam kung kailan ako nakatulog.
Ang huling naaalala ko, nasa kalsada kami pababa ng Tagaytay, at kumikislap ang araw sa pagitan ng mga puno. Nang magising ako, hindi na gumagalaw ang kotse.
May nakapatong na jacket sa balikat ko. Amoy kape at mamahaling pabango.
Dahan-dahan akong dumilat. Nakahinto kami sa harap ng gate ng villa, patay na ang makina. Nakasandal si Raf sa upuan niya, nakatingin sa akin.
Hindi sa daan. Sa akin.
“Gising ka na.”
“Bakit hindi mo ako ginising?”
“You looked tired.” Nagkibit-balikat siya. “And you were snoring.”
“Hindi ako humihilik!”
“Small snores. Like a kitten.”
Tumawa siya, mababa at masarap pakinggan, at bigla kong naramdaman na masyado kaming malapit. Bumilis ang tibok ng puso ko sa pagngiti niyang iyon, minsan ko lamang masilayan iyon sa lobb ng isang linggo naming pagsasama.
Napailing ako. Bawal ‘tong nararamdaman ko.
Hindi pwede.
“Gaano na tayo katagal dito?”
“Forty minutes.”
“Forty minutes?!”
“I didn’t want to wake you.” Sinabi niya iyon na parang wala lang, na parang normal na maghintay ng apatnapung minuto sa harap ng gate.
Hinubad ko ang jacket at iniabot sa kanya. “Salamat.”
“Keep it. It’s cold.”
Isinuot ko ulit. Malaki ito sa akin, lampas-kamay ang manggas. Mabilis niyang binuksan ang p***o.
“Stay there.”
“Ha? Bakit?”
Hindi na siya sumagot. Bumaba siya, umikot sa gilid ko, at binuksan ang p***o ko. Inilahad niya ang kamay.
“Kaya kong bumaba.”
“I know.” Nandoon pa rin ang kamay niya. “Humor me.”
Tinitigan ko ang palad niya. Tapos ang mukha niya, seryoso, pero may munting ngiting pilit niyang pinipigilan.
Inabot ko ang kamay niya.
Hindi ko alam kung sinasadya niya, pero hindi niya agad binitiwan pagkababa ko. Mas malapit pa ang dibdib niya kaysa sa kailangan, at ramdam ko ang init ng katawan niya sa kabila ng jacket.
“Careful,” bulong niya. “The step.”
Pagkababa namin ng kotse, may napansin akong sasakyan sa garahe. Itim at makintab, at hindi ko pa nakikita iyon dito.
Huminto si Raf sa tabi ko. Kumunot ang noo niya.
“Sino ‘yan?”
“I know that car,” sabi niya, mahina. Parang may naamoy siyang problema. “Stay behind me.”
“Bakit? Magnanakaw ba?”
“Worse.”
Hindi na siya nagpaliwanag. Mabilis ang lakad niya papasok ng bahay, at kahit hindi niya ako hinawakan, sinadya niyang pumuwesto sa pagitan ko at ng p***o.
Pagpasok namin sa sala, may lalaking nakahiga sa sofa, nakataas ang magkabilang paa sa armrest, may hawak na baso ng juice na parang siya ang may-ari ng bahay. Magulo ang buhok niya, nakabukas ang dalawang butones ng polo, at may nakangiting ng nakakaloko nang makita kami.
“Finally,” sabi niya, hindi man lang bumabangon. “I’ve been waiting an hour. Your maid said you went out. She wouldn’t say where.”
“Daniel.” Malamig ang boses ni Raf. “Get your feet off my sofa.”
“Hi to you too, cousin.”
Pero nang mapatingin siya sa likod ni Raf, sa akin, biglang nagbago ang mukha niya. Dahan-dahan niyang ibinaba ang mga paa. Umupo siya nang tuwid. Inilapag ang baso.
“Oh,” sabi niya. “Hello.”
Hindi ko alam kung bakit ako napaatras nang kaunti.
Tumayo siya at lumapit. Mas mataas siya nang kaunti kay Raf, mas maamo ang mata, at ang ngiti niya, hindi mayabang, parang kaibigang matagal mo nang kilala.
“Daniel Adler Hayes,” sabi niya, inilahad ang kamay. “Ako ang pinakamabait na pinsan ng taong ‘yan. Ikaw?”
“Ysa,” sagot ko. “Ysabel Montecillo.”
“Ysabel. Ang ganda naman.”
Inabot ko ang kamay niya. Mainit iyon at mahigpit. Nang bitawan niya ako, napansin kong ang mata niya ay bumaba sandali sa tiyan ko, tapos bumalik sa mukha ko.
“Congratulations,” sabi niya, mas mahina. “Kung hindi pa sinasabi ng iba.”
“That’s enough.” Biglang pumagitna si Raf. Ang kamay niya, nasa likod ko na ngayon, mabigat at maingat. “Why are you here?”
“Can’t I visit my favorite cousin?”
“I’m your only cousin in this country.”
“Which makes you even more special.” Ngumiti ulit si Daniel, tapos bumaling sa akin. “Pasensya ka na sa kanya. Ganyan talaga ‘yan. Mukhang galit, pero kapag kilala mo na, galit pa rin.”
Muntik na akong matawa.
Pinigilan ko. Pero nakita ni Raf.
“Gusto ko lang makita kung talagang naka-move-on ka na kay Ellara.”
“Out.”
“Raf,” sabi ko, medyo napapahiya na, “bisita mo ‘yan.”
“He’s not a guest. He’s a problem.”
“Ouch,” sabi ni Daniel, pero nakangiti pa rin.
Dumating si Odette na may dalang tray ng tubig. Pagkalapag niya, tiningnan niya si Raf, tapos si Daniel, tapos ako, at sa unang pagkakataon, hindi siya ngumiti.
“Naku po,” bulong niya, halos hindi marinig.
“Odette,” sabi ni Daniel, malambing, “can you make my room ready? Tatlong gabi lang naman ako.”
“No,”
Ngumiti si Daniel, parang wala siyang narinig.
“Maybe four,” sabi niya. Tumingin siya sa akin. “Forever.” Kumindat pa.
Sa gilid ng mata ko, nakita kong humigpit ang hawak ni Raf sa sandalan ng sofa. Umiigting ang panga.
Ysabel Montecillo’s POVTatlo na kami sa mesa.Si Raf sa dulo, gaya ng dati. Ako sa kanan niya, dahil iyon ang sabi niya kaninang umaga at hindi ko na pinagtalunan. Si Daniel naman, sa harapan namin.Dumating si Odette na may dalang mainit na sabaw at inihaw na isda. Pagkalapag niya ng plato ko, may inilagay pa siyang maliit na mangkok sa tabi nito.Champorado.“Hindi po ba sabi ni Ma’am, favorite niya ito?” bulong ni Odette, sabay tingin kay Raf. “Pinainit ko po ulit.”“Champorado?” Tumaas ang kilay ni Daniel. “For dinner?”Sumubo na ako at hindi na siya sinagot pa.“Tuyo?” Napatingin siya sa platito sa gitna. Tapos sa mukha ko. Tapos sa mukha ni Raf na biglang naging seryoso. “Wait. You’re telling me my cousin, ang taong hindi kumakain ng kahit anong hindi imported, allowed ‘yan sa mesa niya?”“It’s for the baby,” mabilis na sabi ni Raf.“Ahh.” Ngumiti si Daniel, ‘yung ngiting alam niyang may nakuha siyang impormasyon. “For the baby.”“Eat your food.”“Hindi pa nga ako nagsisimula.”
Ysabel Montecillo's POVHindi ko alam kung kailan ako nakatulog.Ang huling naaalala ko, nasa kalsada kami pababa ng Tagaytay, at kumikislap ang araw sa pagitan ng mga puno. Nang magising ako, hindi na gumagalaw ang kotse.May nakapatong na jacket sa balikat ko. Amoy kape at mamahaling pabango.Dahan-dahan akong dumilat. Nakahinto kami sa harap ng gate ng villa, patay na ang makina. Nakasandal si Raf sa upuan niya, nakatingin sa akin.Hindi sa daan. Sa akin.“Gising ka na.”“Bakit hindi mo ako ginising?”“You looked tired.” Nagkibit-balikat siya. “And you were snoring.”“Hindi ako humihilik!”“Small snores. Like a kitten.”Tumawa siya, mababa at masarap pakinggan, at bigla kong naramdaman na masyado kaming malapit. Bumilis ang tibok ng puso ko sa pagngiti niyang iyon, minsan ko lamang masilayan iyon sa lobb ng isang linggo naming pagsasama.Napailing ako. Bawal ‘tong nararamdaman ko.Hindi pwede. “Gaano na tayo katagal dito?”“Forty minutes.”“Forty minutes?!”“I didn’t want to wake
Ysabel Montecillo's POVMay sticky note na nakadikit sa pinto ko.Maaga pa. Hindi pa man ako nakakapagmumog, napahinto na ako sa harap nito, nakatitig sa sulat-kamay na parang galing sa mamahaling pen.Breakfast at 8. Don’t skip it. You need to eat for the baby.– RNakakainis kung gaano ako kabilis ngumiti. Mabilis kong binura sa mukha ko iyon, bago pa makita ni Odette na nakasilip na pala sa hallway, hawak ang walis.“Magandang umaga po, Ma’am Ysa,” sabi niya, ang laki ng ngiti. “Maganda po ang gising ni Sir ngayon.”Kagat-labi akong pumasok ulit sa kwarto.“Baby,” sabi ko, “kalimutan mo na lahat ng narinig mo kagabi.”Lumabas ako ng banyo at binuksan ang closet para kumuha ng damit. Doon ko napansin na wala na ang mga lumang damit ko. Dinala raw ng maid sa laundry, sabi ng note sa ibabaw ng kama.Ang natira lang ay ang mga pinamili niya.Napabuntong-hininga ako. Wala akong choice. Pinili ko ang pinakasimpleng damit, isang puting dress na hanggang tuhod, walang burda, walang kung an
Ysabel Montecillo's POVNapangiwi ako nang tumambad sa akin ang sandamakmak na paper bags na galing sa iba’t ibang brands. Parang may nagbukas ng mall sa sala. Aanhin ko naman ang mga ‘yan?“Akin lahat ‘yan?”Ngumiti siya sabay tango. “Ako po mismo ang pumili. Hindi naman po nagkakalayo ang sizes natin kaya hindi ako nahirapan. Isukat niyo na po.”“Isukat? Lahat?”“Lahat po.”Wala akong nagawa nang dalhin niya ako sa taas habang sinesenyasan niya ang mga maid na ipasok sa kwartong binigay sa akin ang mga iyon. Isang paper bag, dalawa, tatlo... hindi ko na mabilang. Wala na ba talaga akong karapatang tumanggi sa mga taong ‘to?Pagkatapos ng ilang oras na pagsusukat ng damit, sapatos, at kung anu-ano pang hindi ko alam kung saan gagamitin, para akong runway model na walang audience. Nang makahiga ako, parang bumagsak na lang ako sa kama.Madilim na nang magising ako. Hindi ko na nga namalayan kung anong oras ako nakatulog.Napaupo ako at kinusot ang mga mata. Sandaling nanatili ang ting
Ysabel Montecillo's POV"Marriage?"Napataas na naman ang kilay ko sa lalaking nasa harapan ko, waiting for him to take back what he had just said.He didn't.Sa halip ay inayos niya lang ang suot niyang relo."Yes. Marriage."Natawa ako."Proposal ba ‘to o business deal?""Whichever makes you agree.""Wow. Galing!"Napabaling ang tingin ko nang tumikhim si Attorney Villanueva, muntik ko nang makalimutang nasa isang meeting kami kasama ang mga attorneys."Perhaps we should discuss the proposal before making any assumptions. Mr. Serrano believes that a legal marriage would provide a more stable arrangement for the child, especially considering the circumstances."I scoffed."At anong magiging role ko? Asawa sa papel? Surrogate na lang, ganon?""That's not what I want," Rafhayeel answered."Then what do you want?"Huminga siya ng malalim."I want to be involved in every step of my child's life. I don't want to miss another opportunity to give this baby the family Ellara and I once dream
Ysabel Montecillo's POVTatlong taon.Tatlong taon na pagtitipid at pagtatrabaho para mabuo ko ang buhay na mayroon ako ngayon. Ilang beses ko na ring naisip kung tama ba ang desisyon kong magkaanak nang walang asawa, na walang suporta mula kanino. Pero sa tuwing naiisip kong kinaya ko lahat nang mag-isa, I am confident enough na kaya kong bumuhay ng isang batang matatawag kong akin.At ngayon, sa wakas, mangyayari na iyon."Konting tiis pa, baby. Mommy's doing her best."I smiled, Mommy na ako. Minsan talaga, nahuhuli ko na lamang ang sariling kinakausap ang tiyan ko kahit wala pang gaanong makikitang pagbabago. Natigilan ako nang tumunog ang phone ko at nang tignan ko ang nasa screen, galing iyon sa fertility clinic. "Good morning, Ms. Montecillo. We would like to request your presence at the clinic today. There are some matters regarding your IVF procedure that need further discussion."Nawala ang ngiti ko, nakaramdam ako ng kaba."May problema po ba?""Please don't worry. The doc







