Home / Romance / Widower's Fake Wife / Chapter 6: Glaring eyes

Share

Chapter 6: Glaring eyes

Author: Ellucidera
last update publish date: 2026-11-11 15:23:17

Ysabel Montecillo’s POV

Tatlo na kami sa mesa.

Si Raf sa dulo, gaya ng dati. Ako sa kanan niya, dahil iyon ang sabi niya kaninang umaga at hindi ko na pinagtalunan. Si Daniel naman, sa harapan namin.

Dumating si Odette na may dalang mainit na sabaw at inihaw na isda. Pagkalapag niya ng plato ko, may inilagay pa siyang maliit na mangkok sa tabi nito.

Champorado.

“Hindi po ba sabi ni Ma’am, favorite niya ito?” bulong ni Odette, sabay tingin kay Raf. “Pinainit ko po ulit.”

“Champorado?” Tumaas ang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Widower's Fake Wife   Chapter 6: Glaring eyes

    Ysabel Montecillo’s POVTatlo na kami sa mesa.Si Raf sa dulo, gaya ng dati. Ako sa kanan niya, dahil iyon ang sabi niya kaninang umaga at hindi ko na pinagtalunan. Si Daniel naman, sa harapan namin.Dumating si Odette na may dalang mainit na sabaw at inihaw na isda. Pagkalapag niya ng plato ko, may inilagay pa siyang maliit na mangkok sa tabi nito.Champorado.“Hindi po ba sabi ni Ma’am, favorite niya ito?” bulong ni Odette, sabay tingin kay Raf. “Pinainit ko po ulit.”“Champorado?” Tumaas ang kilay ni Daniel. “For dinner?”Sumubo na ako at hindi na siya sinagot pa.“Tuyo?” Napatingin siya sa platito sa gitna. Tapos sa mukha ko. Tapos sa mukha ni Raf na biglang naging seryoso. “Wait. You’re telling me my cousin, ang taong hindi kumakain ng kahit anong hindi imported, allowed ‘yan sa mesa niya?”“It’s for the baby,” mabilis na sabi ni Raf.“Ahh.” Ngumiti si Daniel, ‘yung ngiting alam niyang may nakuha siyang impormasyon. “For the baby.”“Eat your food.”“Hindi pa nga ako nagsisimula.”

  • Widower's Fake Wife   Chapter 5: Cousin

    Ysabel Montecillo's POVHindi ko alam kung kailan ako nakatulog.Ang huling naaalala ko, nasa kalsada kami pababa ng Tagaytay, at kumikislap ang araw sa pagitan ng mga puno. Nang magising ako, hindi na gumagalaw ang kotse.May nakapatong na jacket sa balikat ko. Amoy kape at mamahaling pabango.Dahan-dahan akong dumilat. Nakahinto kami sa harap ng gate ng villa, patay na ang makina. Nakasandal si Raf sa upuan niya, nakatingin sa akin.Hindi sa daan. Sa akin.“Gising ka na.”“Bakit hindi mo ako ginising?”“You looked tired.” Nagkibit-balikat siya. “And you were snoring.”“Hindi ako humihilik!”“Small snores. Like a kitten.”Tumawa siya, mababa at masarap pakinggan, at bigla kong naramdaman na masyado kaming malapit. Bumilis ang tibok ng puso ko sa pagngiti niyang iyon, minsan ko lamang masilayan iyon sa lobb ng isang linggo naming pagsasama.Napailing ako. Bawal ‘tong nararamdaman ko.Hindi pwede. “Gaano na tayo katagal dito?”“Forty minutes.”“Forty minutes?!”“I didn’t want to wake

  • Widower's Fake Wife   Chapter 4: Check-up

    Ysabel Montecillo's POVMay sticky note na nakadikit sa pinto ko.Maaga pa. Hindi pa man ako nakakapagmumog, napahinto na ako sa harap nito, nakatitig sa sulat-kamay na parang galing sa mamahaling pen.Breakfast at 8. Don’t skip it. You need to eat for the baby.– RNakakainis kung gaano ako kabilis ngumiti. Mabilis kong binura sa mukha ko iyon, bago pa makita ni Odette na nakasilip na pala sa hallway, hawak ang walis.“Magandang umaga po, Ma’am Ysa,” sabi niya, ang laki ng ngiti. “Maganda po ang gising ni Sir ngayon.”Kagat-labi akong pumasok ulit sa kwarto.“Baby,” sabi ko, “kalimutan mo na lahat ng narinig mo kagabi.”Lumabas ako ng banyo at binuksan ang closet para kumuha ng damit. Doon ko napansin na wala na ang mga lumang damit ko. Dinala raw ng maid sa laundry, sabi ng note sa ibabaw ng kama.Ang natira lang ay ang mga pinamili niya.Napabuntong-hininga ako. Wala akong choice. Pinili ko ang pinakasimpleng damit, isang puting dress na hanggang tuhod, walang burda, walang kung an

  • Widower's Fake Wife   Chapter 3: He's hot!

    Ysabel Montecillo's POVNapangiwi ako nang tumambad sa akin ang sandamakmak na paper bags na galing sa iba’t ibang brands. Parang may nagbukas ng mall sa sala. Aanhin ko naman ang mga ‘yan?“Akin lahat ‘yan?”Ngumiti siya sabay tango. “Ako po mismo ang pumili. Hindi naman po nagkakalayo ang sizes natin kaya hindi ako nahirapan. Isukat niyo na po.”“Isukat? Lahat?”“Lahat po.”Wala akong nagawa nang dalhin niya ako sa taas habang sinesenyasan niya ang mga maid na ipasok sa kwartong binigay sa akin ang mga iyon. Isang paper bag, dalawa, tatlo... hindi ko na mabilang. Wala na ba talaga akong karapatang tumanggi sa mga taong ‘to?Pagkatapos ng ilang oras na pagsusukat ng damit, sapatos, at kung anu-ano pang hindi ko alam kung saan gagamitin, para akong runway model na walang audience. Nang makahiga ako, parang bumagsak na lang ako sa kama.Madilim na nang magising ako. Hindi ko na nga namalayan kung anong oras ako nakatulog.Napaupo ako at kinusot ang mga mata. Sandaling nanatili ang ting

  • Widower's Fake Wife   Chapter 2: Agreement

    Ysabel Montecillo's POV"Marriage?"Napataas na naman ang kilay ko sa lalaking nasa harapan ko, waiting for him to take back what he had just said.He didn't.Sa halip ay inayos niya lang ang suot niyang relo."Yes. Marriage."Natawa ako."Proposal ba ‘to o business deal?""Whichever makes you agree.""Wow. Galing!"Napabaling ang tingin ko nang tumikhim si Attorney Villanueva, muntik ko nang makalimutang nasa isang meeting kami kasama ang mga attorneys."Perhaps we should discuss the proposal before making any assumptions. Mr. Serrano believes that a legal marriage would provide a more stable arrangement for the child, especially considering the circumstances."I scoffed."At anong magiging role ko? Asawa sa papel? Surrogate na lang, ganon?""That's not what I want," Rafhayeel answered."Then what do you want?"Huminga siya ng malalim."I want to be involved in every step of my child's life. I don't want to miss another opportunity to give this baby the family Ellara and I once dream

  • Widower's Fake Wife   Chapter 1: The Misunderstanding

    Ysabel Montecillo's POVTatlong taon.Tatlong taon na pagtitipid at pagtatrabaho para mabuo ko ang buhay na mayroon ako ngayon. Ilang beses ko na ring naisip kung tama ba ang desisyon kong magkaanak nang walang asawa, na walang suporta mula kanino. Pero sa tuwing naiisip kong kinaya ko lahat nang mag-isa, I am confident enough na kaya kong bumuhay ng isang batang matatawag kong akin.At ngayon, sa wakas, mangyayari na iyon."Konting tiis pa, baby. Mommy's doing her best."I smiled, Mommy na ako. Minsan talaga, nahuhuli ko na lamang ang sariling kinakausap ang tiyan ko kahit wala pang gaanong makikitang pagbabago. Natigilan ako nang tumunog ang phone ko at nang tignan ko ang nasa screen, galing iyon sa fertility clinic. "Good morning, Ms. Montecillo. We would like to request your presence at the clinic today. There are some matters regarding your IVF procedure that need further discussion."Nawala ang ngiti ko, nakaramdam ako ng kaba."May problema po ba?""Please don't worry. The doc

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status