LOGIN
Ysabel Montecillo's POV
Tatlong taon.
Tatlong taon na pagtitipid at pagtatrabaho para mabuo ko ang buhay na mayroon ako ngayon. Ilang beses ko na ring naisip kung tama ba ang desisyon kong magkaanak nang walang asawa, na walang suporta mula kanino. Pero sa tuwing naiisip kong kinaya ko lahat nang mag-isa, I am confident enough na kaya kong bumuhay ng isang batang matatawag kong akin.
At ngayon, sa wakas, mangyayari na iyon.
"Konting tiis pa, baby. Mommy's doing her best."
I smiled, Mommy na ako. Minsan talaga, nahuhuli ko na lamang ang sariling kinakausap ang tiyan ko kahit wala pang gaanong makikitang pagbabago.
Natigilan ako nang tumunog ang phone ko at nang tignan ko ang nasa screen, galing iyon sa fertility clinic. "Good morning, Ms. Montecillo. We would like to request your presence at the clinic today. There are some matters regarding your IVF procedure that need further discussion."
Nawala ang ngiti ko, nakaramdam ako ng kaba.
"May problema po ba?"
"Please don't worry. The doctor will explain everything once you're here."
Hindi iyon nakatulong para mabawasan ang kaba ko.
*ST.AUGUSTINE INSTITUTE*
Hindi ako mapakali habang naghihintay sa consultation room. Wala naman akong natatandaang naging problema sa procedure ko.
Hanggang sa pumasok si Dra. Reyes kasama ang isang babaeng mukhang bahagi ng administration.
"Ms. Montecillo, thank you for coming."
"Doc, may problema po ba?"
Nagkatinginan ang dalawa bago muling humarap sa akin si Doc.
"We discovered an error in our embryo handling records."
Napakunot ang noo ko. Error?
"Anong ibig niyong sabihin?"
Huminga siya nang malalim.
"During the procedure, your embryo canisters were mistakenly switched."
Ilang segundo akong hindi nakapagsalita, pinoproseso pa rin ang mga sinabi niya.
"So, hindi po sa akin ang baby?"
Hindi agad siya nakasagot.
"Genetically, the embryo belonged to another couple." Napahawak ako ng bahagya sa tiyan ko. Biglang parang ang bigat ng hangin sa silid.
"Three months na akong buntis. Ngayon n'yo lang nalaman?"
"I’m sorry."
Tatlong taon kong pinaghirapan ang lahat. Hindi ito basta simpleng pagkakamali sa papel o maling pangalan sa appointment. Buhay ang pinag-uusapan rito.
At ang mas masakit, wala man lang nakapagsabi sa akin kung ano ang dapat kong gawin. Hindi ko anak ang nasa sinapupunan ko, paano ako kakalma?
Naguguluhan ako nang papasukin nila ako sa isang private conference room. Sabi nila ay naroon ang taong kakausapin namin.
Pagbukas ng p***o, unang napansin ng mga mata ko ang lalaking nakatayo sa tabi ng malaking bintana.
Matangkad. Maayos manamit. Naka-dark suit. May hawak siyang cellphone habang nakikipag-usap sa isang tao. Isa lang ang masasabi ko, pogi.
Agad akong napailing sa naisip, hindi ito ang tamang oras para sa ganyang bagay, Ysa.
"Move the meeting. I don't care if it's already scheduled. Handle it."
Pinatay na niya ang tawag at saka lumingon sa akin.
Nagtagpo ang aming mga mata. I gulped.
"Mr. Rafhayeel Serrano," Pagbasag ni Doc sa katahimikan.
Narinig ko na ang pangalan niya somewhere. Isang kilalang multi-millionaire na madalas lumabas sa mga business magazines at news articles. Minsan ko na siyang napansin sa isa sa mga billboards rito. I admit, mas may dating siya sa personal.
"Done admiring?" Napakurap ako sa sinabi niya, napataas ang kilay ko.
Binabawi ko na ang papuri ko, he’s cocky.
"Please, have a seat." ani Doc.
Umupo na ako sa upuang itinuro niya.
"You're the one carrying the embryo?"
Napalingon ako sa kanya at tinignan siya ng masama.
"Excuse me?"
"Are you the patient?"
"Obviously."
Bahagyang tumaas ang kilay niya. Wow.
"Let me get this straight, hindi ako pumunta rito para makipag-away, Miss, I just wanna make things clear. For the baby, for our baby."
Sige, dagdagan mo pa ang inis ko.
Napangiti ako, sarcastically.
"Well, there's no need to make things clear, malinaw ang lahat. Anak ko ‘to, nasa sinapupunan ko siya at hindi ko kasalanan kung nagpabaya ang ospital na ito," saka ko binalingan si Doc.
"Ysabel," mahinang saway niya. “Calm down, Ysabel. Hindi makakabuti sa sitwasyong ito kung paiiralin mo ang ego mo. I admit for my mistake at ginagawan ko na ng paraan na maayos ito—” I cut her off.
"Three months na at ngayon niyo pa lang gagawan ng paraan?"
Napabuntong-hininga siya at sinimulang ipaliwanag ang sitwasyon.
“Ayon sa records, ang embryo na nailipat sa’yo, Ysabel, ay kina Rafhayeel and his late wife. Ang isa namang embryo, which belongs to you, ay maaaring nailipat sa ibang pasyente.”
Tahimik lamang ako habang nakikinig.
"How certain are you?" tanong ni Mr. Antipatiko.
"We are still conducting additional tests, but the initial records strongly indicate the mix-up."
"Then, i-te-terminate ko na lang ang pregnancy na ‘to. I can still be pregnant, right—"
“No, you can’t do that!” He interrupted.
Nagulat ako sa biglang pagsingit niya.
"Ysa," Hinawakan ni Dra. Ang mga kamay ko, “Ang embryo na nasa sinapupunan mo ay ang tanging egg cell na nanggaling kay Ms. Ellara, Mr. Serrano’s wife, before she passed away. Kapag na-terminate ang pregnancy mo, her only sample will be gone as well. We badly need your help. Alagaan mo ang baby na nasa sinapupunan mo. We’ll guarantee you na hindi namin babalewalain ang sakripisyo mo. Please?”
Natapos ang meeting nang walang malinaw na kasunduan. Kailangan ko ng mahabang panahon para makapag-isip at i-process ang lahat. Paglabas ko, agad akong napaupo sa waiting area.
Hindi ko alam kung iiyak ba ako o sisigaw. Hormones.
"Ms. Montecillo."
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.
Si Mr. Serrano lang pala, may hawak na isang folder.
"Your contact information. I think we should communicate directly regarding the next steps."
Tiningnan ko ang folder bago ito tinanggap.
"May secretary ka naman siguro. Siya na lang ang kausapin ko."
"I prefer to handle this personally."
"Good for you."
"You're always this difficult?"
Napataas na naman ang kilay ko, ikaw ang difficult.
Hindi ko na siya pinansin at napabaling sa kabilang side ng kalsada, I spotted a stall sa hindi kalayuan sa pinupwestuhan ko. Napukaw ng atensyon ko ang tinitinda niya, tokneneng…
Napangiti ako, pero agad ding nabawi nang maalala kong sakto lang sa pamasahe ko ang perang dala ko. Nanghina ako sa isiping iyon. Bakit kasi ngayon ko pa nakita ‘yan.
Tatayo na sana ako para pumunta sa bus stop nang biglang may kamay na pumulupot sa braso ko, si Mr. Serrano. Hindi ako nakapiglas sa gulat sa ginawa niyang iyon, at papunta kami sa food stall?
“T-teka! Ano ba!”
Wala na, saka niya pa ako binitawan ay nasa harap na kami ni Kuyang Tindero, nakatitig na siya sa amin.
“Pumili ka na,” sabi niya.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “Pinagsasabi mo—”
“I’ll buy every tokneneng here, pakibalot na rin ng maraming sweet sauce.”
Bahagya akong nagulat sa sinabi niya, paano niya nalaman na gusto ko ng tokneneng?
Hindi mawala sa labi ko ang ngiti habang nilalantakan ang napakaraming tokneneng na nilagay ko sa bowl. Ang sarap! Para akong nanalo sa lotto. Napahawak ako sa tiyan ko.
“Ito pala matagal mo ng hinahanap, baby, ah.” I chuckled.
Tumunog ang phone ko, text message ‘yon. Nang tignan ko, halos malaglag ang panga ko sa nabasa ko.
“Take care of our baby. Eat everything you want. I’ll deliver your needs tomorrow.”
Paano niya nalaman ang number ko? At ano ‘to, sinusuhulan niya ba ako?
Ysabel Montecillo’s POVTatlo na kami sa mesa.Si Raf sa dulo, gaya ng dati. Ako sa kanan niya, dahil iyon ang sabi niya kaninang umaga at hindi ko na pinagtalunan. Si Daniel naman, sa harapan namin.Dumating si Odette na may dalang mainit na sabaw at inihaw na isda. Pagkalapag niya ng plato ko, may inilagay pa siyang maliit na mangkok sa tabi nito.Champorado.“Hindi po ba sabi ni Ma’am, favorite niya ito?” bulong ni Odette, sabay tingin kay Raf. “Pinainit ko po ulit.”“Champorado?” Tumaas ang kilay ni Daniel. “For dinner?”Sumubo na ako at hindi na siya sinagot pa.“Tuyo?” Napatingin siya sa platito sa gitna. Tapos sa mukha ko. Tapos sa mukha ni Raf na biglang naging seryoso. “Wait. You’re telling me my cousin, ang taong hindi kumakain ng kahit anong hindi imported, allowed ‘yan sa mesa niya?”“It’s for the baby,” mabilis na sabi ni Raf.“Ahh.” Ngumiti si Daniel, ‘yung ngiting alam niyang may nakuha siyang impormasyon. “For the baby.”“Eat your food.”“Hindi pa nga ako nagsisimula.”
Ysabel Montecillo's POVHindi ko alam kung kailan ako nakatulog.Ang huling naaalala ko, nasa kalsada kami pababa ng Tagaytay, at kumikislap ang araw sa pagitan ng mga puno. Nang magising ako, hindi na gumagalaw ang kotse.May nakapatong na jacket sa balikat ko. Amoy kape at mamahaling pabango.Dahan-dahan akong dumilat. Nakahinto kami sa harap ng gate ng villa, patay na ang makina. Nakasandal si Raf sa upuan niya, nakatingin sa akin.Hindi sa daan. Sa akin.“Gising ka na.”“Bakit hindi mo ako ginising?”“You looked tired.” Nagkibit-balikat siya. “And you were snoring.”“Hindi ako humihilik!”“Small snores. Like a kitten.”Tumawa siya, mababa at masarap pakinggan, at bigla kong naramdaman na masyado kaming malapit. Bumilis ang tibok ng puso ko sa pagngiti niyang iyon, minsan ko lamang masilayan iyon sa lobb ng isang linggo naming pagsasama.Napailing ako. Bawal ‘tong nararamdaman ko.Hindi pwede. “Gaano na tayo katagal dito?”“Forty minutes.”“Forty minutes?!”“I didn’t want to wake
Ysabel Montecillo's POVMay sticky note na nakadikit sa pinto ko.Maaga pa. Hindi pa man ako nakakapagmumog, napahinto na ako sa harap nito, nakatitig sa sulat-kamay na parang galing sa mamahaling pen.Breakfast at 8. Don’t skip it. You need to eat for the baby.– RNakakainis kung gaano ako kabilis ngumiti. Mabilis kong binura sa mukha ko iyon, bago pa makita ni Odette na nakasilip na pala sa hallway, hawak ang walis.“Magandang umaga po, Ma’am Ysa,” sabi niya, ang laki ng ngiti. “Maganda po ang gising ni Sir ngayon.”Kagat-labi akong pumasok ulit sa kwarto.“Baby,” sabi ko, “kalimutan mo na lahat ng narinig mo kagabi.”Lumabas ako ng banyo at binuksan ang closet para kumuha ng damit. Doon ko napansin na wala na ang mga lumang damit ko. Dinala raw ng maid sa laundry, sabi ng note sa ibabaw ng kama.Ang natira lang ay ang mga pinamili niya.Napabuntong-hininga ako. Wala akong choice. Pinili ko ang pinakasimpleng damit, isang puting dress na hanggang tuhod, walang burda, walang kung an
Ysabel Montecillo's POVNapangiwi ako nang tumambad sa akin ang sandamakmak na paper bags na galing sa iba’t ibang brands. Parang may nagbukas ng mall sa sala. Aanhin ko naman ang mga ‘yan?“Akin lahat ‘yan?”Ngumiti siya sabay tango. “Ako po mismo ang pumili. Hindi naman po nagkakalayo ang sizes natin kaya hindi ako nahirapan. Isukat niyo na po.”“Isukat? Lahat?”“Lahat po.”Wala akong nagawa nang dalhin niya ako sa taas habang sinesenyasan niya ang mga maid na ipasok sa kwartong binigay sa akin ang mga iyon. Isang paper bag, dalawa, tatlo... hindi ko na mabilang. Wala na ba talaga akong karapatang tumanggi sa mga taong ‘to?Pagkatapos ng ilang oras na pagsusukat ng damit, sapatos, at kung anu-ano pang hindi ko alam kung saan gagamitin, para akong runway model na walang audience. Nang makahiga ako, parang bumagsak na lang ako sa kama.Madilim na nang magising ako. Hindi ko na nga namalayan kung anong oras ako nakatulog.Napaupo ako at kinusot ang mga mata. Sandaling nanatili ang ting
Ysabel Montecillo's POV"Marriage?"Napataas na naman ang kilay ko sa lalaking nasa harapan ko, waiting for him to take back what he had just said.He didn't.Sa halip ay inayos niya lang ang suot niyang relo."Yes. Marriage."Natawa ako."Proposal ba ‘to o business deal?""Whichever makes you agree.""Wow. Galing!"Napabaling ang tingin ko nang tumikhim si Attorney Villanueva, muntik ko nang makalimutang nasa isang meeting kami kasama ang mga attorneys."Perhaps we should discuss the proposal before making any assumptions. Mr. Serrano believes that a legal marriage would provide a more stable arrangement for the child, especially considering the circumstances."I scoffed."At anong magiging role ko? Asawa sa papel? Surrogate na lang, ganon?""That's not what I want," Rafhayeel answered."Then what do you want?"Huminga siya ng malalim."I want to be involved in every step of my child's life. I don't want to miss another opportunity to give this baby the family Ellara and I once dream
Ysabel Montecillo's POVTatlong taon.Tatlong taon na pagtitipid at pagtatrabaho para mabuo ko ang buhay na mayroon ako ngayon. Ilang beses ko na ring naisip kung tama ba ang desisyon kong magkaanak nang walang asawa, na walang suporta mula kanino. Pero sa tuwing naiisip kong kinaya ko lahat nang mag-isa, I am confident enough na kaya kong bumuhay ng isang batang matatawag kong akin.At ngayon, sa wakas, mangyayari na iyon."Konting tiis pa, baby. Mommy's doing her best."I smiled, Mommy na ako. Minsan talaga, nahuhuli ko na lamang ang sariling kinakausap ang tiyan ko kahit wala pang gaanong makikitang pagbabago. Natigilan ako nang tumunog ang phone ko at nang tignan ko ang nasa screen, galing iyon sa fertility clinic. "Good morning, Ms. Montecillo. We would like to request your presence at the clinic today. There are some matters regarding your IVF procedure that need further discussion."Nawala ang ngiti ko, nakaramdam ako ng kaba."May problema po ba?""Please don't worry. The doc







