Bumaba si Alaric sa silid-kainan. Umalingawngaw sa marmol na sahig ang matatag niyang mga yabag. Suot pa rin niya ang malinis na puting polo, na maayos na nakatiklop ang mga manggas hanggang sa kanyang mga bisig.Gaya ng nakasanayan, nakita niya ang maliit na pigura na nakatayo malapit sa kanyang upuan.Si Hiraya.Mula nang unang tumapak ang dalaga sa mansyong ito, palagi na nitong ginagawa ang ganoong bagay. Nakatayo ito nang tuwid, magkadikit ang mga daliri habang hinihintay ang kanyang pagdating, na para bang isa siyang pinunong kailangang salubungin sa tuwing papasok sa silid.“Magandang umaga po, Sir,” bati ni Hiraya.Maliwanag ang ngiti nito, halos hindi bagay sa malamig na atmosphere ng mansyon.Bahagya lamang na umubo si Alaric bilang sagot. Hinila niya ang mabigat na silyang gawa sa mahogany at umupo nang hindi man lang pinansin ang ngiti ng dalaga. Ni hindi niya ito nilingon. Agad na napunta ang atensyon niya sa tablet na nasa tabi ng kanyang plato, kung saan nakabukas
Read more