Pagkatapos ng maikli pero nakakatakot na pagkikita nila ng assistant ni Mr. Laric, umuwi na si Hiraya. Kung ang assistant pa lang ay ganoon na siya nakakatakot, paano pa kaya kung si Mr. Laric mismo ang kaharap niya?Pagdating sa bahay, binuksan ni Hiraya ang pinto ng opisina ng kanyang ama. Naabutan niya si Damian na nakaupo sa likod ng mesa, halatang punong-puno ng problema ang mukha. Nandoon din sina Marian at Asteria.“How did the meeting go?” tanong ni Damian.Dahan-dahang huminga si Hiraya bago sumagot. “Akala po nila, si Asteria ako,” mahina niyang sagot.“What?” Agad na napatingin si Damian sa kanya, hindi makapaniwala sa narinig. Napatingin siya kay Marian, at nagkatinginan din ang dalawa na para bang sinusubukang unawain kung paano nangyari iyon.Sa pagkakataong iyon, sinubukan ni Hiraya na iangat ang mukha at tumingin sa kanyang ama. “Kasi… wala po ang pangalan ko sa listahan ng mga miyembro ng pamilyang Hernando. Ang alam lang po nila, si Asteria ang anak ninyo,” maing
Read more