Sa isang malilim na upuan sa parke ng campus, nakaupo sina Hiraya, Dara, at Arvie habang ine-enjoy ang natitirang oras ng kanilang break bago magsimula ang huling klase nila. Mula nang bigyan ni Arvie ng tsokolate si Hiraya kaninang umaga, parang hindi na nito pinalampas ang kahit isang minuto nang hindi pinapangiti ang dalaga.“So, seryoso ka bang hindi mo alam na minsan, nagkamaling pumasok si Sir Hendrix sa ibang classroom at nagturo sa mga medical students nang kalahating oras?” kuwento ni Arvie habang napaka-expressive ng mukha niya.Napahalakhak si Dara, habang tinakpan naman ni Hiraya ang bibig niya para pigilan ang sariling tumawa.“No way, Arvie! Sobrang maingat kaya ni Sir Hendrix!” natatawang pagtutol ni Hiraya. Kumikinang ang mga mata niya habang nakikinig sa kuwento ng binata.“Tanungin mo si Dara kung hindi ka naniniwala. Doon lang niya napansing nasa maling classroom siya nang may isang estudyanteng nagtanong tungkol sa anatomy ng puso, samantalang ang tinatalakay ni
Read more