Kumalat sa buong silid ang mainit na amoy ng bagong lutong tinapay at bagong timplang kape, na sinasabayan ng mahinang tunog ng kutsarang tumatama sa porselanang pinggan.Elegante ang pagkakatayo ni Hiraya sa tabi ng hapag-kainan, magkahawak ang dalawang kamay sa harap ng kanyang katawan. Suot niya ang isang simpleng damit na kulay cream na lalong nagbigay sa kanya ng malinis at maayos na hitsura. Paminsan-minsan, sumisulyap siya sa malaking hagdan, hinihintay ang lalaking unti-unti nang nagiging sentro ng kanyang pasasalamat.Mayamaya, narinig niya ang mabibigat at sunod-sunod na yabag. Bumaba si Alaric na suot ang kumpletong kasuotang pang-office. Huminto siya sa harap ng hapag-kainan at agad na itinuon ang mga mata kay Hiraya, na nakatayo pa rin sa kinatatayuan nito.“Sit down,” maikling utos ni Alaric.Hinila niya ang isang upuan sa dulong bahagi ng mesa, sa mismong tabi ng sarili niyang upuan.Bahagyang nagulat si Hiraya. Sa mga nakaraang araw, kahit madalas silang nasa iisan
Read more