Humanimal University (Book 1)

Humanimal University (Book 1)

By:  risingservant  Completed
Language: Filipino
goodnovel12goodnovel
0.0
Not enough ratings
35Chapters
2.8Kviews
Read
Add to library
Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Humanimalandia is a peaceful place lived by different humanimals. Their ruler is King Phoenixto; he has a son named Elmo. Due to excellent rulership of their king, the dipole is in good hand. Dipole or Dimensional Portal is a small built particle which separates the mortals and humanimals. Prince Elmo has a best friend, he is Snakson. One day, while Snakson is having traing on the forest, Demisnak came and tempts him. Snakson didn't fall on the temptation but Demisnak deceived him after. He made a mistake and brought the dipole to Demisnak. Snakson became guilty after what he has done. He wants to correct his mistake but it's too late. Demisnak absorb the dipole. Sondem was born after Snakson and Demisnak became one. Nightmares arise in Humanimalandia. King Phoenixto gave an order to Prince Elmo to find the humanimals that will help them in defeating the darkness. Prince Elmo established the Humanimal University to train the chosen humanimals. He sends an invitation in different parts of the world.

View More

Latest chapter

    Interesting books of the same period

    Comments
    No Comments
    35 chapters
    Chapter 1
    Sa ating mundo ay mayroong dalawang uri ng tao na naninirahan dito. Una, ang mga taong mortal. Sila 'yung mga taong normal lang ang pamumuhay. Wala silang pakialam sa paligid dahil mga makasarili sila at hindi nila iniisip 'yung iba. Pero hindi naman lahat ng taong mortal ay gano'n.Pangalawa, ang mga taong humanimals. Sila 'yung mga taong half human at half animal. Sila 'yung may angking kakayahan o abilidad para maprotektahan ang mundo. Noon ay hindi nagtatagpo ang mga tao at mga humanimal, tila ba may kaniya-kaniya silang dimension ng pamumuhay. Basta ang alam lang nila ay masaya sila sa buhay na mayroon sila.Ang mga taong mortal ay may tatlong klase ng pamumuhay, mayaman, middle class at mahirap. Ang mga mayayaman ay tila sila ang batas. Maraming mayayaman ang namamahala sa kanilang lugar. Karamihan sa kanila ay mayaman na at mas lalong nagpapayaman pa. May kapangyarihan silang kontrolin ang lugar na iyon pati na ang mga tao sa pamamagitan ng pera. Ma
    Read more
    Chapter 2
    Czarina BanksPara namang akong may nakahahawang sakit nito kasi walang may gustong lumapit sa akin para makipagkaibigan man lang. Hindi naman ako mukhang masamang tao, a? E bakit gano’n na lang ang mga estudyante sa eskwelahang pinapasukan ko? Hay, buhay.Lagi na lang akong walang kasama tuwing lunch break. Nagmumukha tuloy akong loner sa kalagayan kong ito. Sadyang kaawa-awa pero imbis na kaawaan ako ay kabaligtaran naman iyon sa iniisip nila kasi takot silang lahat sa akin marahil sa aura ko. Sa unang tingin ko pa lang, nasisindak na sila.Fierce as a tiger, iyan ang tag-uri nila sa akin. Para daw akong tigre na mangangain kaya marapat lang na iwasan.Ang hirap ng sitwasiyon ko ngayon, hindi ako sanay sa mundong mapanghusga. Isa akong middle class kaya may karapatan pa rin akong ipahayag ang sarili kong nararamdaman hindi gaya ng mga mahihirap na tinatanggalan nila ng karapatan at para bang basahan na tinatapak-tapakan lang.Ang tatay ko n
    Read more
    Chapter 3
    Maricon Go"O, Maricon, mukhang kubang-kuba ka na niyan sa pag-aaral, a? Baka ma-perfect mo na ‘yung exam niyan mamaya,” wika ng kaibigan ni Maricon na si Jean na prenting-prenti lang na parang walang pinoproblema sa buhay."Hay naku Jean, iyan ka na naman, e! Ayaw mo kasing mag-review kaya tuloy kapag exam nganga ka at aligagang-aliga ka sa pangangalap ng sagot," saad ng dalaga habang pinipigil ang pagtawa.Nasa canteen sila ngayon dahil lunch break at after noon ay exam na nila sa Physics. Mag-best friend ang dalawang iyan simula noong first year high school at hanggang ngayon fourth year ay sila pa rin ang magkasama."E ang hirap kayang kabisaduhin ng mga formula. Feeling ko ay matutuyuan ako ng utak kapag nakikita ko palang ‘yung libro natin diyan, e," anito habang nagre-retouch."Alam mo Jean my bff, matalino ka at magaling ka naman kaso ayaw mong magsipag sa pag-aaral. Hindi ka ba nahihiya kapag nangongopya ka o nangongodigo
    Read more
    Chapter 4
    Louise Francoise"Ang weird mo! Matanda ka na pero ganiyan ka pa rin, hindi ka na nagbago! Isip bata ka kahit kailan! Grow up, Louise!" singhal ng kaniyang madrasta."Sorry po, nag-e-enjoy po kasi ako kapag ganito ‘yung mga ginagawa ko, e. Heto po ‘yung nagpapaligaya sa akin kaya sana po ay tanggapin n’yo kung ano ang gusto kong gawin," nakayukong turan ni Louise rito."Nagdrama ka pa riyan! Hubarin mo na nga iyang suot mong pang-detective na damit! Kung anu-ano kasi ang pinapanood sa TV e," sigaw nito sa kaniya."Huwag naman po kayong KJ, pagbigyan n’yo naman po ako kahit ngayon lang. Alam n’yo naman pong idol ko ang mga detective, e. Saka pinabili ko pa po ‘yung damit na ito kay Papa…" pahayag ni Louise habang may mga luhang tumutulo mula sa kaniyang mga mata.Dahil nasa middle class si Louise, nagagawa niya ang gusto niya at naibibigay naman ng kaniyang ama ang gusto niya. Pero kahit na gano’n, hi
    Read more
    Chapter 5
    Audrin Paz"Anak, tandaan mo na dapat ay maging maingat ka. Dapat, hindi malaman ng mga tao ang tunay mong katauhan. At dapat, huwag mo itong gagamitin, maliwanag?" Paalala ng kaniyang ina bago siya pumasok. Tumango lamang ang binata bilang tugon.Naglalakad papasok sa school si Audrin dahil mahirap lang sila at wala siyang perang pamasahe sapagkat sakto lang ang pera niyang 20 pesos para sa kaniyang pagkain. Kailangan niyang magtipid para makaraos sa buhay.Ang kaniyang ina ay isang labandera at ang kaniyang ama naman ay isang tricycle driver. Sila ay limang magkakapatid at siya ang pangatlo sa mga ‘to. Sa kanilang lahat, siya lang ang mayroong kapangyarihan na kinaiinggitan naman ng kaniyang mga kapatid.Natuklasan niya ang kaniyang kapangyarihan noong sumali siya sa isang marathon. --- "Audrin! ‘Di ba kailangan mo ng pera para sa kapatid mong naaksidente?" tanong ni Zed na kaniyang kaibigan.
    Read more
    Chapter 6
    Enzo Heil"ANG GUWAPO KO! HAHAHA!" sigaw ni Enzo habang naglalakad sa gitna ng kalsada. Napagkakamalan tuloy siyang baliw ng mga taong kasabay niyang tumatawid sa pedestrian lane."Mama, tingnan mo ‘yun, o! Si Kuyang matangkad, guwapo raw siya…" wika ng batang babae na paslit sa kaniyang ina habang nakaturo kay Enzo."Naku anak, baliw iyan! Tingnan mo nga ‘yung suot, o, ang dusing! Para siyang taong grasa. Kaya huwag kang lalapit diyan kasi kukuhanin ka niya saka ka itatapon sa ilog gusto mo ba iyon?" ani ng matandang babae sa kaniyang anak."Naku Ma, tara bilisan na natin ‘yung paglalakad at natatakot na ako sa kaniya, e," sambit ng batang babae. Dulot ng sobrang takot ay nagtatago siya sa likuran ng kaniyang ina."Miss, ang guwapo ko, ‘no? HAHAHA! Puwede na ba akong maging modelo?" saad ni Enzo sa maputing dalaga na nakasalubong niya pagkatawid sa pedestrian lane. Umaakto pa siya ng pose na tila isang modelo.Read more
    Chapter 7
    Lilly Hunter"Dinaig ko pa si Sleeping Beauty! Kung siya ay natutulog, ako naman ay nagpapatulog gamit ang aking mahiwagang halik kaya tuloy hindi ako magkaroon ng lovelife, e. Ayaw ko nang ganito! Gusto kong mabuhay nang normal!" sigaw ni Lilly sa rooftop ng kaniyang pinapasukang eskuwelahan. --- Nagsimula ang lahat noong mayroon siyang tinulungang matandang babae noong anim na taon pa lang siya.Inutusan siya noon ng kaniyang ina na dalhin ang nilutong pagkain nito sa kaniyang lola na nasa kabilang ibayo pa. Kailangan niyang bagtasin ang kagubatan bago siya makarating sa lugar ng lola niya.Habang tinatahak niya ang loob ng kagubatan ay mayroon siyang natagpuang matandang babae na nakahandusay sa daan kaya naman dali-dali niya itong tinulungan."Lola, ano pong nangyari sa inyo?" tanong niya rito nang magkaroon ito ng malay."Pasensiya ka na, ineng, isang linggo na kasi akong hindi kumakain, e, kaya heto n
    Read more
    Chapter 8
    Tavitta Chan"Ang tanga-tanga mo kahit kailan, Chuchay! ‘Di ba sinabi ko na sa iyong flauccinocinnihilifilification ang sagot e bakit supercalifragilisticexpialidocious pa ang sinagot mo? Hay, ang tanga mo talaga! Utak biya! Sana hindi na lang kita naging kapartner! Ayan tuloy, loser tayo! Hay! Pinag-iinit mo ang ulo't dugo ko!” singhal ni Tavitta.“Baka kung ano pa ang magawa ko sa ‘yo, e! Makaalis na nga lang sa lugar na ito!" anas pa niya sa kaniyang kaklase na si Chuchay. Tila yamot na yamot ang dalaga kaya minabuti niyang lumayo muna.Katatapos lang ng kanilang quiz bee. Hindi matanggap ni Tavitta na natalo siya kaya masyado niya itong dinibdib at sinisisi si Chuchay sa nangyari.Si Tavitta ay kabilang sa mahirap na lipunan ngunit siya’y masyadong mapagmataas. Gusto niya ay siya ang laging nasusunod at higit sa lahat, ayaw niyang pinangungunahan siya ng ibang tao.Dali-daling nagtatakbo ang dalaga sa may hardin da
    Read more
    Chapter 9
    Joniel NovaNaglalakad si Joniel pauwi ng kanilang tahanan ngayon. Hobby niya rin ang pakikinig ng musika kaya heto siya, naka-earphone habang naglalakad sa gilid ng kalsada.Hindi niya namalayan ang oras kaya ginabi na siya ng pag-uwi. At higit pa roon, galit siya sa papa niya dahil lagi na lang siya nitong pinagbubuntunan ng galit at sa hindi maiiwasang bagay ay nabubugbog siya nito."Nakakaasar si Papa, noong nakaraang araw lang e ang saya-saya naming nagkukuwentuhan pero ngayon, naging kakaiba ang kaniyang pakikitungo sa akin," wika ni Joniel sa kaniyang sarili habang naglalakad nang dahan-dahan."Mabuti pa ang musika, napapagaan ang loob ko kahit papaano," dagdag pa niya."Ang galing talaga ni Psy, hanga na ako sa kaniya kasi dati ay Gangnam Style lang ang sinasayaw ko kahit na parehong kaliwa ang paa ko, e. S’yempre, nakikipagsabayan ako. Ngayon, heto namang Gentleman… ayan na, chorus na! Masayaw nga…" aniya sa sarili.
    Read more
    Chapter 10
    Aika de Leon"Bakit ba ang hilig mong sumiksik diyan sa sulok? Ipis ka ba?" wika ng kaniyang kaklase na si Rita Usisera na halos lahat ng galaw ng kaniyang mga kaklase ay napapansin niya.Hindi nagsalita si Aika sa pambabatikos ni Rita sa kaniyang mga ginagawa bagkus ay ginawa niyang abala ang sarili sa pagbabasa ng kanilang aralin."Hindi ka pala parang ipis kundi ipis na talaga. Ikaw na nga itong kinakausap tapos hindi mo man lang ako kibuin. Para tuloy akong tangang nakatayo rito sa harapan mo. Hay, dadako na nga lang ako sa iba." Padabog na umalis si Rita dahil hindi niya man lang nausisa si Aika.Ngayon ay tinungo ni Rita ang iba niyang kaklase na nasa sulok upang usisain ang kanilang mga ginagawa. Isa nga siyang usiserang tunay."Excuse me, maaari ba akong umupo rito sa tabi mo?" tanong ng isang dalaga kay Aika na pawang isang transfer student na mula sa angkan ng mayayaman."Okay." Ang tanging salitang lumabas sa bibig ni Aika na halo
    Read more
    DMCA.com Protection Status