Take you out (BL - Taglish)

Take you out (BL - Taglish)

By:  DauntlessThird  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
0.0
Not enough ratings
20Chapters
3.0Kviews
Read
Add to library
Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Si Vance Haidezo, isang friendly, hard working and charismatic Journalist. Naatasan siya para sa isang private project ng TV Station na pinapasukan niya. He will make a documentary film for the daily life of a billionaire heir. Hindi niya inaasahan na ang tinutukoy na tagapagmana ay si Steven Kiazxon. Si Steven Kiazxon na heartthrob, bad boy ay boyfriend niya Vance noong nasa college sila na hanggang ngayon ay mahal na mahal niya. Vance waited him after Steven promised to come back but suddenly disappeared three years ago. Now that they meet again. Akala ni Vance tapos na ang paghihintay niya pero hindi pala dahil hindi na siya kilala ni Steven na nagka-amnesia. Ano ang dapat gawin ni Vance para maalala siya ng nobyo? Paano niya gagawin 'yon kung nakalimutan na din ni Steven ang tunay nitong pagkatao? Na ang kaya din nitong ibigin at pangarapin ay isang lalakeng kagaya niya... "Steven, kung hindi ako maalala ng isip mo, ipapaalala ko 'yon sa puso mo. Ramdam kong alam mong mahalaga ako sayo kaya maghihintay ako hanggang sa maalala mo ako. Nababasa ko sa mga mata mong mahal mo pa rin ako kaya hindi ako susuko." - Vance. Anong misteryo ang matutuklasan ni Vance sa pangyayari tatlong taon na ang nakakaraan na dahilan ng pagkawala ng alaala ni Steven?

View More

Latest chapter

Interesting books of the same period

Comments
No Comments
20 chapters
Prologue
Vance's POV"VANCE mahal kita!" sigaw ni Steven sakin nang talikuran ko siya.Napahinto ako.Napigilan ko ang sarili kong lingunin siya pero hindi ang pagpatak ng mga luha ko.Humugot ako ng malalim na paghinga. Umaasa akong mawala ang sakit na nararamdaman ko.Sinikap kong maging matatag ang boses ko, "Hindi na 'yon mahalaga," pikit ko, "makakaalis ka na-""That matters to me!" hatak niya sa braso ko.Nanghihina ako kaya madali niya akong naisandal sa pader. Yumuko ako, nanalangin akong hindi niya makita ang mga luha ko."Sakin mahalaga 'yon," angat niya sa mukha ko.Nagtama ang mga mata namin ni Steven.For the last time. Gusto kong matitigan ang mukha niya, mabasa ang mga mata niya at marinig ang boses niya ng masmalapitan.Naramdaman ko ang hirap ng kalooban niya ng humugot siya ng malalim na paghinga."Mahalaga sakin na malaman mong mahal na mahal kita Vance," paos at seryoso niyang sabi.<
Read more
Kabanata 01
VANCE'S POV COLLEGE Days. Nagpasalamat ako sa maid na naghatid sakin papunta sa garden kung nasaan si Wena.  Nang makaalis na ang maid ay pinagmasdan ko ang ganda ng ayos sa labas. Nakakahalina ang mga halaman bago ka makapasok sa sentro ng garden. May mga ibon at butterfly pa na nagliliparan sa paligid.  Napabaling ako sa pasukan ng garden at natanaw ko mula doon si Wena kasama ang isang lalake. Nakuha ng lalake ang atensyon ko nang makita ko ang itsura at tindig nito. Bumilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko may mga paru-parong biglang nagsulputan sa tiyan ko. Hindi ko alam kung bakit.  Ah, siguro 'yon ang sinasabi ni Wena na idine-date na niya ngayon at ipapakilala palang samin.  Ang gwapo naman! Perfect! Ganyan na ganyan ang mga tipo kong lalake.  Nakaramdam ako ng inggit. Kung may unang bagay akong kinaiinggitan kay Wena 'yon ay ang pagiging babae niya. Ang panal
Read more
Kabanata 02
VANCE'S POV "LET'S Date-" "May date ako mamaya-" naputol ko ang sinasabi ko nang masabayan ko ang sinasabi niya, "kaya hindi kita masasamahang kumain," nabibigla kong pagpapatuloy. Humina ang boses ko sa huli kong sinabi, pakiramdam ko kasi gusto kong bawiin ang sinabi ko. Napalunok ako nang tila masilip ko sa mga mata niya ang hapdi na idinulot nang sinabi ko.  Napako ako sa kinatatayuan ko nang humakbang siya papalapit sakin. Isang hakbang nalang ang lapit namin nang huminto siya. Kita ko ang pag-angat ng d****b niya. "I want to take you out co'z i want you," titig niya sa mga mata ko. "For now, lets date first," pabulong at paos ang boses niya.  Nanalangin ako na sana bawiin niya ang sinabi niya at sabihin na isa lang 'yong biro. Sige na! sabihin mo na! Para na akong mabibingi sa lakas ng kalabog ng puso ko.  "Narinig mo?" madiin niyang sambit, "gusto kita." Umiling ak
Read more
Kabanata 03
VANCE'S POV"ANO? Bali-balita na sa campus ang nangyari samin ni Steven? Ganon kabilis kumalat ang balita?" nabibigla kong sabi.Bumaling silang lahat sakin, nagtataka kung bakit hindi ko alam 'yon. "Im sorry, hindi ko alam kasi pagkatapos nang nangyari umuwi na agad ako. Nasira 'yong cellphone ko kanina kaya hindi ako makabalita kung ano na ang mga nagaganap na dapat kong malaman."Kanina nang suntukin ako ni Steven at bumagsak ako sa lupa, nabasag ang cellphone ko dahil nasa likod na bulsa ng pantalon ko 'yon nakasuksok. Tumango-tango sila. Bumaling ko kay Wena isa sa mga writers ng Publication namin sa campus. "Well, that's one of the things we're talking about right now on our freedom wall on campus and on social media. Dahil maraming taong nag-aalala kay Steven," saglit akong sinulyapan ako ni Wena, "at syempre sayo din. Nagre-react 'yong mga tagahanga ninyo sa campus pero mas maraming nagagalit sayong mga
Read more
Kabanata 04
VANCE'S POVHINDI ko masabi na kailanman hindi ko naisip na gugustuhin kong tikman ang katawan nila. Natanong ako ni Wena, paano kung may isang lalake na magkagusto sakin na nadiskubre ang tunay na pagkatao ko tapos maghuhubad sa harap ko?Ang sagot ko lang. Magwa-walk out ako syempre! Paninindigan kong lalake pa rin ako kasi hindi pa ako handang ilantad kung sino ako. Hindi ako nagdalawang isip na sumagot ng ganun dahil sa totoo lang hindi ko pa maisip noon ang imahe ng lalakeng gagawa ng ganon. Napalunok ako't napakagat ng labi nang maisip na, paano nga kung gawin 'yon ni Steven sa harap ko para lang mapaamin ako?Napalunok ako. Bigla akong nainitan. Naramdaman ko ang pamumula ang mukha ko.Napapikit ako nang damhin ng kamay ko ang dibdib ko. Naalala ko ang pagdampi ng kamay doon ni Steven kanina. Ang haplos niya nagbigay ng kakaibang init sa buo kong katawan.Unti-unti akong namilipit sa kilig sa kinauupuan
Read more
Kabanata 05
VANCE'S POVRESULTA 1. Posibleng maging umpisa ng fraternity war sa pagitan ng fraternity na kinapapalooban ni Steven at Braxton. "Ano?" gulat akong napatayo.Ngayon lang nag-sink in sakin kung bakit nagpepresent ng ganto si Delsie bilang representante ng fraternity ni Braxton. Dahil dawit sa insidente kahapon ang fraternity ni Braxton. "Paano 'yon nangyari at bakit?" macho pa din ang tono ko sa tanong na 'yon kay Delsie. "Well, una kasing lumabas at pinag-usapan ang scenario one na may picture ni Steven na may pasa at duguan ang labi niya. Tapos ang picture mo na masayang-masaya pang umiinom ng wine sa isang bar. Lumabas lang ang scenario two noong pinag-uusapan na ang fraternity namin nila Braxton."Hindi maganda ang pakiramdam ko sa nangyayari na parang sinasadyang palakihim ang nangyari. Hindi naman ako galing sa bar kagabi, nasa bahay lang ako. May pasa at sugat din ako pero hindi malala tulad
Read more
Kabanata 06
VANCE'S POVSUMERYOSO ako nang makapasok na ako sa Audio Visual Room. Napabuga ako ng hangin nang mapansin kong hindi na ako sinundan ni Steven. Nandoon na din si Braxton at Calvin kaya kampante akong umupo sa upuan.Masayang nakikipag-usap si Calvin kina Kedrick at Dashei sa isang sulok. Mga co-officers niya ang dalawa sa student council. Kasama sila sa pag-uusap para mamagitan.Si Kedrick ang ipinadalo para maging representative ng student council kasama niya ang secretary na si Dashie para mag- take note ng minutes of the meeting.Habang si Braxton naman kausap si Karson. Si Karson ay isa din sa mga officers ng fraternity ni Braxton.Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagtiim ng panga ni Braxton ng dumating ang ex-girlfriend niyang si Clodeth kasama ang boyfriend nito na si Arlo.Si Arlo ay isa sa officer ng fraternity ni Steven habang si Clodeth naman ay officer naman ng sorority.Na-guilty ako. Alam kong iniiwasan ni Braxton na
Read more
Kabanata 07
VANCE'S POVKINALMA ko ang sarili ko. Pinigilan ko ang sarili kong maibuga ang laman ng bibig ko habang nakikinig sa sinasabi ni Steven. "Vance and I were schoolmates in high school-""Enough," singit ni Braxton, "we don't care."Pero nagpatuloy pa rin si Steven,  "I'm sure Vance doesn't remember me anymore but I can't forget him. Kilala si Vance na-" Naputol ang sasabihin ni Steven nang lapitan siya ni Braxton at kwelyuhan, "I said shut your fucking mouth!" Biglang nagkaroon ng kaguluhan."Braxton!" sigaw ni Arlo saka humakbang para daluhan si Steven pero hinarang siya ni Davion. "What are you doing Braxton?!" sigaw ni Ryker na humakbang din papunta sa dalawa pero hinarang naman siya ni Karson. Namagitan si Kedrick kay Arlo at Davion. Habang si Wena naman kay Ryker at Karson.Kami naman ni Calvin ay humangos na pinuntahan si Braxton at Steven para umawat."Why don't you l
Read more
Kabanata 08
VANCE'S POVHINDI ko alam kung bakit habang tumatanggap ako ng mga suntok ay naalala ko ang ngiti at halik sa akin ng mataba at neird ng lalake. Na parang sinasabi niya sakin na kaya kong tanggapin lahat ng ito, na matatag ako. Anuman ang sabihin at gawin sa akin ng pamilya ko dahil sa paglalantad ko sa sarili ko ay hindi ko 'yon ikinasama bilang tao. Wala akong ginagawang mali, hindi mali ang mabuhay ako ng naaayon sa pagsunod ko sa pangangailangan ng pagkatao ko. Kaya hindi ako nakiusap kay Kuya Dernico na tumigil siya. Hindi din ako lumaban. Tinanggap ko ang mga suntok niya at hinayaan kong pinapanood lang kami ng mga magulang at iba ko pang kapatid. Kung 'yon ang makakapagpagaan sa loob nila at magiging daan para matanggap ako, tatanggapin ko. Duguan ako at sira-sira na ang damit ko nang tumigil si Kuya Dernico dahil sa mga taong dumating. Nagulat ako nang makita ko si Brywin na bitbit ng dalawang bodyguards ni Daddy. Lu
Read more
Kabanata 09
VANCE'S POVBINIGYAN ako ni Mommy ng malaking halaga para sa panggastos ko sa loob ng isang taon. Sabi niya isang taon lang daw ang kaya nilang ibigay ni Daddy sa akin para pagbigyan akong mabuhay sa pamamaraan na gusto ko.Pagkatapos ng isang taon at hindi pa ako bumabalik sa kanila na isang tunay na lalake, puputulin na nila ang sustento sa akin. Kaya tinipid at iningatan ko ang perang 'yon. Habang bakasyon ay naisipan kong magtrabaho para kumita ng pera na idadagdag ko sa ipon ko at para sa pangtustos na din sa mga pangangailangan ko sa araw-araw. Bukod doon, gusto kong libangin ang sarili ko, gusto kong pagurin ang katawan ko para hindi ako magkaroon ng pagkakataong isipin nang isipin ang mga nangyari. Gusto ko nang kalimutan ang nakaraan at gamutin ang mga sugat sa puso ko.Umaasa ako na totoo ang sinasabi nilang kayang tanggalin ng paglipas ng panahon ang sakit at hapdi sa puso ko.Pagkatapos ng is
Read more
DMCA.com Protection Status