Catalog
37 chapters
Simula
"What the hell, Kiro?! Bakit ngayon ka lang?" salubong sa akin ng pinsan kong si Nathalia, nakahalukipkip at halos magkadikit na ang mga kilay.Pumasok ako sa kusina at umupo sa harapan niya. Hinubad ko ang nakasukbit na guitar case sa akin, inilagay iyon sa may katabing upuan. Isang irap ang iginawad niya sa akin nang tingnan ko siya. Seriously? Pinapunta niya ba ako dito para irapan lang?"Ano bang problema mo't nagmamadali kang papuntahin ako rito? May kailangan ka ba? May maitutulong ba ako?" sunod-sunod kong tanong. Kailangan kong bilisan kung ano man ito. Gusto ko nang umuwi dahil masyado akong pagod sa buong araw na pag-e-ensayo namin ng aming banda para sa nalalapit na pista dito sa La Castellion. Gusto ko nang mahiga at matulog nang mahimbing dahil panigurado bukas ay isang nakakapagod na araw na naman ang haharapin ko."Bakit ba kasi antagal mo? Dalawang oras na ang lumipas simula noong tawagan kita, ha!" She raise
Read more
Kabanata 1.1
Kabanata 1.1"Tuloy kayo, Mayor," I offered as soon as I opened the wooden door of our house. Nauna akong pumasok sa loob, dinampot ang mga nakakalat  na balat ng sitsirya at papel sa sahig. Naramdaman ko ang pagsunod niya. "Pasensya ka na. Medyo makalat ngayon. Hindi siguro nakapaglinis ang mga kapatid ko." "No,it's okay. Hindi rin naman ako magtatagal dito," aniya, nililibot ang kaniyang mata sa paligid ng aming bahay. "Ite-text ko na lang ang driver ko na sunduin ako rito as soon as possible." Napamura ako sa isip ko. Hindi muna siya puwedeng makaalis ngayong may chance na akong mapaamin siya. May nabubuo akong plano sa isip ko na posibleng makapagpalabas ng tunay niyang kulay.  "Uh…I think, it's not a better idea kung aalis ka agad. Sigurado nasa labas pa ang mga naghahabol sa atin kanina at hinahanap ka pa rin. Hindi natin alam kung anong posibleng gawin nila sa'yo," palusot ko at nilapag na ang guitar case sa maliit at
Read more
Kabanata 1.2
Kabanata 1.2Maingat akong naglakad paakyat, iniingatan hindi mabawasan ang alak. Sayang kasi. Rinig ko ang bawat yapak niya mula sa aking likod dahil sa hagdan naming gawa lang sa isang matibay na kahoy. Una akong nakaakyat at nakapasok sa kuwarto, sumunod siya. "Dito tayo...iinom?" tanong niya, muling pinapaikot ang mata sa bawat sulok ng kuwarto. Maliit lang naman ito. May isang double-deck bed kung saan kami natutulog ni Kane. Katabi no'n ang isang maliit na study table  na siyang inuupuan ko kapag nagsusulat ako ng kanta. Sa bawat dingding naman ay nakapaskil ang iilang litrato namin ng mga kabanda ko at mga idolo kong banda. "Hindi. Doon tayo sa beranda." Itinuro ko iyong nasa tabi ng study table ko na bintana, kung nasaan ang daan patungo doon. He nodded. "Uh...I'll change my clothes first, susunod na lang ako sa'yo." "Okay, sige." Nakabukas na naman ang bintana kaya hindi na ako n
Read more
Kabanata 2.1
Kabanata 2.1"Are you sure?" Iyan ang bungad sa akin ni Nathalia kinaumagahan paggising ko. Magkasalubong ang kilay ko habang nakatingin ako sa kaniya, hinahalo ang tinimpla kong kape para sa akin. Hindi ko alam kung anong problema niya ngayon at bakit ang aga-aga niyang nandito sa bahay. Ala-sais palang kanina, halos wasakin na niya ang pinto namin sa sobrang lakas ng pagkatok niya. Umupo ako sa harap niya, humihikab pa rin dahil sa antok. "I'm sure of what?" Nilabas niya mula sa kaniyang sling bag ang cellphone niya saka iniharap ang isang text message na pinasa ko sa kaniya kagabi. Kaswal ko lang iyong tinitigan."Kanina ko lang nabasa 'yan kaya nagmadali akong pumunta dito," paliwanag niya. "Sigurado ka ba diyan sa nalaman mo?'" Tipid lang akong tumango.  Iyon naman talaga ang totoo. Sa boyfriend na rin naman niya galing ang sagot na hinihingi niya. "I also heard na dito
Read more
Kabanata 2.2
Kabanata 2.2Mamayang alas diez pa ang simula ng practice namin, alas nuebe palang ngayon kaya may oras pa akong pumunta sa Municipal Hall. Dahil hindi naman gano'n kalayo ang bahay sa pupuntahan ko, ilang minuto lang ang tinagal ko sa paglalakad bago nakarating.Alon ng mga tao ang nadatnan ko pagpasok ko sa loob. Abala ang lahat, may kaniya-kaniyang kailangan gawin o kunin  kaya nandito. Nilibot ko ang aking mata sa paligid. Isang beses na akong nakapunta dito pero hindi ko pa rin maiwasan ang hindi mamangha sa pagkakagawa nito. Dalawang palapag ito na malalawak. Kulay krema ang pintura ng bawat dingding kung saan nakasabit ang mga litratro ng mga nagtatrabaho na nakalagay sa malaking frame. Ang sahig naman ay gawa sa puting marmol. Sa mga gilid naman ay nakalagay ang mahahabang upuan na inuupuan ng iilan ngayon. Sa tabi nito ay ang mga halaman na nakalagay sa mga mamahaling vase."Good morning, Miss."  bati ko sa dalawang re
Read more
Kabanata 3
 Kabanata 3 Pagdating sa studio namin ay agad namin sinimulan ang ensayo. Inis pa nga sa akin si Spencer at ang iba dahil doon. Pinalusot ko nalang na may dinaanan lang akong importante. Tuwing break time ay palagi akong sumusulyap sa aking cellphone, tinitingnan kung may natanggap na ba akong mensahe mula sa kaniya. Lumipas ang buong araw ng paghihintay ay wala akong napala kaya napaaga na rin ang tulog ko. Gano'n rin ang ganap sa sumunod na dalawang araw, maghapon akong naghintay ngunit wala pa rin siyang paramdam. Gusto ko na nga siyang puntahan ulit sa munisipyo pero ayaw ko siyang kulitin. Sinabi naman niya na siya mismo ang magsasabi kung nakabuo na siya ng desisyon.  Napapanginaan na nga ako ng loob dahil aka sinabi niya lang iyon para mapaalis ako at ayaw naman talaga niya. Kaya nag-isip nalang ulit ako ng magiging back-up plan ko sa oras na hindi siya pumayag, pero wala akong maisip na iba. Lik
Read more
Kabanata 4
 Kabanata 4 "Seryoso, Kuya? Magkaibigan talaga kayo ni Mayor?" hindi makapaniwalang tanong ni Kylie habang hinahapag ang merienda namin sa glass table.   Nakahiga ako ngayon sa sofa bed namin sa sala, nagpapahinga dahil sa tinapos kong gabundok na labahin namin. Tatlo na nga lang kami, pero ang mga nilahan ko parang pang-sampung tao na.   Reklamo nga ng reklamo itong kapatid ko dahil doon. Bakit daw hindi nalang namin i-laundry sa may bayan para mas madali at hindi nasisira ang bagong manicure niyang kuko. Syempre ako gusto kong makatipid, sayang lang ang pera na ibabayad namin doon, e kaya ko naman labhan ang mga damit namin. Marunong naman ako dahil tinuruan ako ni Mama.    Itinukod ko ang aking kamay sa ulo upang mas makakain ako ng maayos ng biscuit.   "Oo nga," pagod na sagot ko
Read more
Kabanata 5
 Kabanata 5 Sa mga sumunod na araw ay wala akong ginawa kundi ang asikasuhin ang schedule ko. Kailangan kong ibahin ito ngayon lalo na't nakikita ko na mas magiging busy pa ako sa susunod pa na araw kaya kailangan talagang i-manage ko ang oras ko.   Kung dati ay apat na beses sa isang linggo kami kung mag-ensayo, ngayon ay ginawa kong isa nalang muna. Hindi na rin naman kasi namin kailangan ensayuhin pa iyon, kabisado na namin lahat ng kantang kakantahin namin sa pista ng La Castellion. Kaunting linis nalang naman ang gagawin at paunti-unting practice nalang sa audition piece na gagamitin namin sa oras na magtungo na kami sa SSE.   Hindi naman kasi ibig sabihin na tutulungan nga kami ni Nathalia na makapasok doon ay petiks petiks nalang ng gagawin namin. Gusto kong ipakita na may ibubuga rin kami para hindi sila magsisi na pinapasok kami doon nang madalian.  
Read more
Kabanata 6
Kabanata 6  "A-aray!" daing niya habang dinadampian ko ng cotton bud na may antiseptic ang labi niya. "Dahan-dahanin mo naman, Kiro. Masakit na nga, mas lalo mo pang pinapasakit..."   Tinanggal ko ang cotton bud at seryoso siyang tiningnan. Putok na putok ang gilid ng labi niya. Hindi tulad kanina ay hindi na ito masyadong a nagdurugo, pero halata pa rin ang malaking sugat doon.   Naiinis pa rin ako hanggang ngayon habang iniisip kung paano siya bugbugin at halos patayin ni Lester.   Kahit kailan talaga ay mayabang ang gagong iyon. Sa tuwing pupunta ako doon, palagi ko siyang nakikitang may mga sugat at pasa sa mukha. Halos lahat din ng mga tao sa baranggay nila ay pinanggigilan siya dahil sa ugali niya. Kung pwede ka nga lang na sapakin ko iyon kahit isang beses lang para mawala ang kayabangan ay ginawa ko na.  
Read more
Kabanata 7
Kabanata 7  "May tanong ako, Mayor," singit ko nang matapos silang mag-usap ng kaniyang sekretarya sa cellphone, pinag-uusapan ang magiging schedule niya ngayong araw.    Wala naman siyang ibang gagawin ngayon kundi ang pumunta sa isang west wedding at siya ang magkakasal sa bride and groom doon. Well, it's part of his duties as a mayor of this town, kaya heto kami at on the way na sa venue sakay ang isang puting van.   Hindi ko nga alam kung anong trip niya at sinama pa niya ako dito. Wala naman kaso sa akin iyon dahil tapos na naman ang dalawang araw naming ensayo. Basta para may kasama lang siyang kakilala niya doon, gano'n ang sabi niyang rason sa akin.  "Ano 'yon?" baling niya sa akin habang binubulsa ang kaniyang cellphone.  Nilingon ko siya, he's right beside me. Iba ang porma niya ngay
Read more
DMCA.com Protection Status