Catalog
61 chapters
[Prologo]
Dichas, sol y amores(ligaya, liwanag at mga pag-ibig) Te esperare, senoritaToma unos cientos de anos En la primera reunion  Te mirare de Nuevo(Maghihintay ako, binibiniAbutin man ng ilang daang taonSa unang tagpuan,Muli kita’y susulyapan) Tierra de oriente, 1872(Lupain ng Silangan)            Sa kabisera ng bayan ng Oriente, mga taumbayan ay nagkukumpulan—mga nilalang na ibig makasaksi sa kahihinatnan ng pamilya Villamarquez.         &n
Read more
Kabanata Uno –Ang Simula
  Manila, 2019; present year        Sa isang pangkaraniwang klase, mangingibabaw ang pinaka-kakaiba sa lahat. “Miss Medrano!!! Are you listening?”  bulyaw ng lecturer sa isa sa mga estudyante niyang nakapandekwatro at tila may sariling mundo habang ngumunguya ng bubble gum. Pagkarinig ay umayos siya ng upo at agarang bumalik sa reyalidad.  “Yes, Ma’am,” sagot niya. “Talaga ba? Umayos ka nga ng upo, Miss Medrano.”           Tumango naman ang estudyante sa kanilang lecturer na muling nagpatuloy sa kanilang talakayan. Pinagpag niya ang u
Read more
Kabanata Dos – Happy   Birthday!!!
 SCHOOL CAMPUS, 8;00 AM , MARCH 23           Nakapandekwatrong upo si Vahlia sa isa sa mga bench ng covered court habang ang ibang mga estudyante ay busy sa kanya-kanyang gawain, ipinikit niya ang kanyang mga mata sa pagkayamot dahil higit sa trenta minutos na siyang nakaupo roon.   ‘Alas otso ang departure time tapos wala pa yung mga bus? Tss Pilipino nga naman,’  aniya sa kanyang isipan.  Paano ba naman kasi? Hindi pa kompleto ang mga estudyante, idagdag mo pa ang mga napulot niyang mga kaibigan na  hanggang ngayon ay wala parin. Ganoon rin ang mga bus na sasakyan sana nila.            Maya-maya pa’y naramdaman niyang may umupo sa tabi niya. Nanatiling nakapikit ang mga mata niya, ano pa nga ba? Pati sa simp
Read more
Kabanata Tres- Silid-aklatan
              Muli ay napuno ng kantahan ang naging byahe gamit ang bangka. Karamihan sa mga estudyanteng nasa kabilang mga bangka ay kumukuha ng litrato ngunit ang bangkang sinasakyan nina Vahl  ang pinakamaingay dahil sa mga kantahang nagaganap . ‘Hindi ko na siguro kailangan ng camera para picture-an ang kung ano nang nakikita ko. Sapat na siguro na alam kong napuntahan ko itong paraisong ito at nakita nang personal kung gaano ito kaganda,’  nakangiting aniya sa kanyang isipan.              Napatigil si Hudson sa pagkanta nang sumingit si Skye. Ngunit bago niya tugtugin ang gitara ay maangas nitong inayos ang manggas ng kanyang leather jacket.  Pinantapat nito ang isang country pop na sinabayan naman ng buong k
Read more
Capitulo  Cuatro – Nasaan na ako?
 Tierra de Oriente, 1871 Volverá…Cambiará el curso del tiempo y el tiempo,Se escribirá otro capítulo.(Babalik…Babaguhin ang takbo ng oras at panahon,Panibagong kabanata ang siyang maisusulat.)              Mga pangungusap na nagpapaulit-ulit sa isipan ni Vahlia habang kinukusot-kusot niya ang kanyang mga mata. Akmang babangon na siya nang sumulpot ang isang mahinhing boses. “Kumusta naman ang iyong siesta, Victoria? Ipinag-init ka nga pala ni Ina ng arroz caldo.”               Biglaan siyang napaupo sa
Read more
Capitulo  Cinco- Kasunduan
             Nakailang ikot na ang kamay ng orasan ngunit hindi pa rin mapakali si Vahlia sa loob ng silid. Nagpapaikot-ikot sa buong kwarto, binubuksan-buksan ang mga aparador at mga kalsunsilyo tapos isasara na lang ulit. ‘Nakakabagot pala ‘pag ganito. Wala akong magawa!’ reklamo nito.                  Muli ay tinanaw niya ang malawak na lupaing nasasakupan ng pamilya Esperanza mula sa azotea. ‘Ano kaya kung magtatatakbo ako roon? Can that solve my boredom?’                Dapit-hapon na rin at anumang oras ay lulubog na ang araw. Napadukmo na lamang si Vahlia sa kinauupuan niya nang mahinuhang hindi nga pala magand
Read more
Capitulo Seis – Takas
              Maingat na ibinagsak ni Vahlia ang ilang mga unan at kumot sa ibaba ng azotea sa kaniyang silid. Maging ang ilang mga gamit at malalambot na bagay ay inihagis niya. Plano niyang tumakas mula sa mansiyon Esperanza at magpakalayo-layo.             ‘Kung hanggang dito ay hinahabol ako ng kasal-kasal na iyan, pwes! Magagawa kong takbuhan ulit iyan.’               Tatlong hakbang paatras at turbooo! Kumuha siya ng buwelo bago tuluyang lumundag paibaba si Vahlia, mabuti na lamang at ligtas siyang nakatalon mula sa ikalawang palapag  dahil sa mga unan at kumot na nakaabang at handang sumalo sa kan’ya sa ibaba.        
Read more
Capitulo Siete- Pangahas
               Alas-siete na ng umaga nang magising si Vahlia. Hindi na siya nagulat nang matagpuan ang sariling nasa ilalim ng puno pagka’t inaasahan na niya ito. Sino ba namang maglalayas at pupunta sa gubat na kinabukasan ay matatagpuan ang sarili sa loob ng kastilyo kasama ang isang prinsipe? Sana all na lang sa ganoon.                 Akmang tatayo na sana siya upang mag-inat nang makarinig siya ng sumisitsit sa kan’yang tabi. Nag-aalangang lingunin ito sa pangambang bigla itong umatake. Nag-uunahang tumulo ang pawis mula sa kan’yang noo kasabay ng pasimpleng paglandas ng ahas sa kaliwang binti niya. Nasa isa’t kalahating talampakan ang haba nito.                 Inakala niyang aalis na ang sawa
Read more
Capitulo Otso- Aleman
  “Hindi mo ba talaga sasabihin iyang plano mo?”   “Kung nabibilang kong mabuti, panglimang tanong mo na iyan sa akin na nagpapaulit-ulit.”               Kasalukuyan silang nakasakay sa kayumangging kabayo habang tinatahak ang maaliwalas na daan patungo ng kabisera. Parehong nababalot ng putik ang kanilang mga kasuotan at ganoon din ang kabayo. Na kung sino man ang makakakita sa kanila ay tiyak na pagdududahan ang kanilang itsura.   “Sabihin mo na kasi, bakit kailangan mo pang i-suspense?” makulit na tanong ulit ni Vahlia, at akmang lilingon pa sa kan’yang likuran upang harapin ang lalaki ngunit bigla itong nagsalita, “Huwag kang lilingon, Binibini.”   “Heh? At bakit?” Read more
Capitulo Nueve-Daan pabalik
 “Ang totoo niyan, hindi talaga sa kabisera ang sadya ko,” pag-amin ni Mateo.               Sakay silang dalawa ng kayumangging kabayo at kasalukuyang tinatahak ang isang kalsadang gawa sa ladrilyo (brick), lupa, at malambot na bato. Kanina pa napapansin ni Vahlia ang pagiging pamilyar ng ilan sa mga istruktura at porma ng mga halaman.                Unti-unting sumisiklab ang kaba sa kanya, kung kaya’t lakas loob siyang nagtanong. “Saan ka ba pupunta?” Iniiwasang mautal sa kan’yang pananalita.  “Sa mansiyon ng mga Esperanza,” tugon naman ni Mateo at binilisan ang pagpapatakbo kay Manolo. Read more
DMCA.com Protection Status