Catalog
74 Chapters
Kabanata 1
“Ma’am Mara, nandito na po yung sample gowns na pinagpipilian niyo kanina.” Ani ng sales clerk sa kaniya.       “Ah gano’n ba?” sandali siyang tumayo at sumunod siya sa sales clerk patungo sa mga wedding gowns na pinagpilian niya kani-kanina lang. Halos napanganga na lang siya nang makita niya ang mga gowns. Kumikinang kasi ito sa ganda at malakas maka-fairytale princess nito kung susuotin niya.         “Gusto ko silang lahat.” Aniya sabay nilapitan niya ito isa-isa. Bigla naman nag-ring ang cellphone niya at nakita sa phone screen na si Ethan pala ang tumatawag, her fiancé.  
Read more
Kabanata 2
Liza, naiisip mo ba kung ano ang nasa isip ko? ang isinulat ni Mara sa likod ng kaniyang notebook sabay ipinasa niya ito kay Liza na katabi lang din niya.  Bawal kasi sila magkwentuhan kapag nagtuturo ang masungit nilang guro sa english. Malakas kasi ang pandinig nito at sensitibo din ito kapag may nakikita siyang studyante na nag-uusap sa oras ng klase niya. Yung tungkol ba kay Andrew? marahan niyang ipinasa yung notebook kay Mara at binasa din niya ito kaagad. Oo. Sagot niya. Sa tingin ko nga may gusto na siya sa'yo. Pagkabasa niya sa isinulat nito ay tila gumuhit naman ang mahabang pag-ngiti sa labi ng dalaga at napalingon siya kay Liza. Bakit mo naman nasabi na baka may gusto nga rin si
Read more
Kabanata 3
Pasensya ka na, may naalala lang kasi akong tao na kahawig mo." Ani ni Mara kay Andrew, habang pinupunasan ang luha sa mata niya."Ahh kaya pala, well it's alright. Madalas nga rin nila akong pagkamalan ng ibang tao. Siguro importante siya sa buhay mo kaya bigla ka naging emosyonal."Hindi ba talaga niya ako na-aalala? tanong ni Mara sa kaniyang isipan habang nakatingin siya kay Andrew."By the way, nagustuhan ko yung mga wedding gowns na napili mo. Siguro puwede natin gamitin yung iba para sa photoshoots niyo." Ang sabi ni Andrew sa kaniya pero tila naglalayag ang isipan nito at nakatitig lang siya sa binata."Okay ka lang ba, Ms. Mara? nga pala, baka nagtataka ka kung bakit ako nandito—""Yes, i already know. Pinapunta ka rito ng fiancé ko, hindi ba?" "Ye-yes, your fiancé." Naiilang niyang sabi at iniwasan niya kaagad ng tingin
Read more
Kabanata 4
"Bitawan mo sabi siya. Hindi mo ba ako naririnig?" Mariin na saad ni Andrew kay Robin habang parehas silang nakahawak sa magkabilaang braso ng dalaga. Palipat-lipat naman ang tingin ni Mara sa dalawang binata at naguguluhan siya sa kaniyang gagawin. Mabilis din kumalat sa buong sections nila ang kaguluhang nangyayari sa classroom nito. Kaya naman yung iba sa kanila ay kumaripas ng takbo at tinungo ang last section upang makisyoso sa alitan ng dalawa. Nakarating din sa upper sections ang tungkol sa usap-usapang kumakalat tungkol sa tatlo. Maging si Mina ay hindi makapaniwala sa kaniyang nalaman at kaagad din siyang nagtungo sa classroom nito.  Pagkarating niya roon ay nadatnan na lamang niyang nagkukumpulan na ang mga studyante sa labas habang kinukuhanan sila n
Read more
Kabanata 5
Pagkamulat ng mata ni Robin ay laking gulat na lamang niya nang mapagtantong wala na si Mara sa tabi nito. Palingon-lingon siya sa bawat pasaherong nakasakay roon, subalit hindi niya mahagilap ang dalaga kung saan ba ito nagtungo."Excuse me, napansin niyo ba kung saan nagpunta yung babaeng katabi ko dito kanina?" tanong niya sa dalawang dalaga na katapat lamang nito."Yes, actually kakababa lang niya at may ibang guy pa nga siyang kasama." Tugon nito na mas ikinagulat naman ni Robin. Sandali siyang napatayo at bumaba na rin siya kaagad ng bus.Tila hindi siya pamilyar sa lugar na napuntahan niya. Napansin kasi niyang may karnibal sa kabilang kalye habang maraming torista ang namamasyal sa kaniyang paligid.Patingin-tingin lang siya sa bawat taong makakasalubong niya. Kabi-kabilaan niyang hinahanap ang d
Read more
Kabanata 6
Magkahawak-kamay at sabay na tumatakbo sina Mara at Andrew. Habang naiwan namang mag-isa si Robin at napatakbo na lamang siya sa ibang direksyon."Andrew!" sigaw nung mga babaeng humahabol sa kanila.  "Doon kayo kay Robin at kami naman ang bahala kay Andrew." Utos ng maala-lider sa kanilang grupo.  Kasalukuyang hinahabol si Robin ng apat na babae habang tatlo naman ang kay Andrew."Sandali, sino ba yung tinatakbuhan natin?" usisa ni Mara sa binatang kasama niya."Stalker!" tugon nito sa kaniya sabay hinila siya sa loob ng isang horror booth.Pagkapasok nila sa loob ay halos napakapit ng mahigpit ang dalaga sa braso nito at takot na takot siyang nakadikit sa binata."Pwede bang lumabas na lang tayo ulit?" nangingi
Read more
Kabanata 7
"Bro! anong nangyari diyan sa mata mo?" tanong ni Cris kay Robin habang naglalakad ito papasok sa loob ng classroom nila. Sandali naman siyang natigilan at napatingin kay Andrew na tahimik lang nagbabasa ng libro sa upuan niya. Nilapitan niya ito at saka hinagis sa kung saan ang librong hawak nito. Nagulat naman ang lahat at napalingon sa kanilang dalawa. "Bro, ano ba ang ginagawa mo?" tanong ni Cris sa kaniya habang inaawat siya nito at hinahawakan sa braso, ngunit tinataboy lamang siya ng binata habang galit na galit itong nakatingin kay Andrew. "Damputin mo yung libro." Mahina at mariin na saad naman ni Andrew sa kaniya. "Inuutusan mo ba ako?" aniya sabay yumuko siya at nilapit ang mukha niya sa binata. "Damputin mo 'yon sabi." Muling utos nito sa kaniya na magkasalubong ang dalawang kilay. Kaagad namang pinulot ni Cris ang libro nito at syaka inilapag sa arm chair niya pero muli lang itong inihagis ni Robin.    <
Read more
Kabanata 8
(Mara's POV) It was my first kiss. Ang pangarap kong mahalikan ng isang mighty Andrew Herras ay bigla na lang natupad sa iglap. Mahigit dalawang taon ko na siyang crush. Halos punong-puno nga ng mga litrato niya ang loob ng aking kwarto. Kahit saang sulok ka man lumingon o tumingin, puro mukha niya ang mga nakadikit. Simula sa pintuan, pader, kumot, unan at kung saan-saan pa, everything is all about him. Ganoon ako kapatay na patay sa kaniya. Halos kulang na nga lang ay pati mga panty ko ay ipalagyan ko na rin ng mukha niya. Kaya madalas din akong nababatukan ng tatay ko dahil raw sa kaharutan at kalandian ko sa lalaking hindi naman daw ako kilala. Samantalang, supportive naman sa akin ang mama ko dahil type din niya si Andrew, i mean nagagwapuhan din siya para daw siyang isang modelo. I admit it, tama siya sa puntong iyon. Higit pa sa isang modelo ang hitsura niya sa personal. Para siyang isang bidang bampira sa mga hollywood movi
Read more
Kabanata 9
"Nice!" sigaw ni Robin habang pinapalakpakan niya si Mara na hindi man lang maka-shoot ng bola sa ring. Huminto siya sandali at inihagis ang bola sa pilyong binata.   "Bakit?" nakangising aniya sabay umupo iti sa sahig.  "O bakit? suko ka na kaagad?" saad pa niya, sabay tumayo na ito at lumapit sa dalaga.  "Kung suntukan lang 'yan, paniguradong mas nakakalamang na ako sa'yo ngayon." Tugon niya pero ningisian lang siya nito.  "E 'di kung gano'n subukan natin." Pagkasabi niya ay napaangat naman ng ulo si Mara at nakatingin sa kaniya.  "Nagbibiro ka lang hindi ba?" "Akala ko ba doon ka mas magaling?" "I mean, hindi ka ba magsisisi sa desisyon mong 'yan?" "Well, sasagutin ko lang 'yan kapag nakita ko ang resulta." Aniya at bigla siyang sinungaban ng sipa sa paa ng dalaga pa-slide, kung kaya't mabilis na natumbas si Robin sa sahig. "Sabi ko
Read more
Kabanata 10
Makalipas ang dalawang linggo, Andrew and Mara are officially dating. Halos nawala na lang bigla ang isyung kumakalat tungkol kina Mina at Andrew magmula noong i-announce at i-post ng binata sa f******k account niya ang litrato nilang dalawa ni Mara na masayang magkasama, habang magkahawak ang kamay. Nakarating rin naman kaagad kay Robin ang tungkol sa pagdidate ng dalawa. Kaya halos isang linggo rin siya hindi nakapasok sa klase nila. Pakiramdam niya ay nawawasak lamang ang puso niya sa tuwing nakikita o nakakasalubong si Mara. Masyadong mabilis ang pangyayari at hindi niya akalain na magkaka-ayos din kaagad ang dalawa. Balak pa naman sana niyang ligawan ang dalaga at anyayahin itong makipag-date sa kaniya, kung sakaling natalo niya ito nuon sa dare nila. Pero sa kabilang banda ay naisip din niya na kahit magtapat pa siya ng pag-ibig kay Mara
Read more
DMCA.com Protection Status