Lahat ng Kabanata ng Painful love: Kabanata 21 - Kabanata 30
74 Kabanata
Kabanata 21
Apurahang isinugod sa hospital si Andrew. Panay naman ang pagtulo ng luha sa mga mata ng dalaga habang inaalalayan siya ni Ethan sa braso.   "Mara, uminahon ka lang. Magiging maayos rin ang kalagayan niya." Mahinang isinaad niya sa dalaga sabay ipinatong ang kaniyang ulo sa dibdib ng binata. Tila nabigla naman si Ethan at bumilog ang kaniyang mata. Napakapit na lang siya ng mahigpit sa long sleeves jacket nitong suot.   Nanigas siya na parang batong nakatayo lang roon at napalunok ng malalim sa laway niya.    "Mara, ta- tahan na. Huwag ka ng umiyak." Mautal niyang sambit, habang pabilis naman ng pabilis ang pagtibok ng kaniyang puso.   "Kasalanan ko 'tong lahat. Kung nakinig lang sana ako sa kaniya, hindi ito mangyayari sa kaniya ngayon." Mabigat siyang napahikbi at napayuko na lamang
Magbasa pa
Kabanata 22
Bumuti na ang kalagaya ni Andrew. Kalaunan ay nakalabas na rin siya ng hospital at nakauwi sa bahay nila. Ngunit hindi muna sila dumeretso sa bahay nila ng ni Mara, kun'di sa tahanan na kaniyang kinagisnan, kung saan siya lumaki at tumira kasama ang kaniyang mga magulang. Kasa-kasama pa rin niya ang nobya at magkahawak kamay silang tumuloy sa loob.    Mula sa pintuan ay dama na ng dalaga ang sobrang kaba sa kaniyang dibdib na makita at masilayan ang kalagayan ng ama ni Andrew.    Huminto siya sandali sa tapat ng pintuan, kung kaya't napalingon at napatingin ang binata sa kaniya.   "Mara, okay ka lang?" usisa niya nang mapansin niyang nag-aalinlangan itong pumasok sa loob.    "Hindi ko alam pero kinakabahan ako." Mahina naman niyang itinugo sa binata at siyaka
Magbasa pa
Kabanata 23
"Anong sinabi mo? dito tayong dalawa matutulog sa loob ng kwarto mo?!" halos nanlaki ang mga mata ni Mara sa gulat nang sabihin sa kaniya ni Andrew, na magkatabi silang matutulog ngayong gabi sa iisang kwarto.   Napagdesisyunan kasi nilang dalawa na manunuluyan muna sila sa bahay ng magulang nito sa loob ng dalawang linggo. Subalit, hindi naman inaakala ng dalaga na magkasama pala silang matutulog sa dating kwarto nito.     Hindi gaano kalakihan ang kama niya. Sakto lamang para sa iisang tao. Kung kaya't nangangamba rin ang dalaga, kung papaano siya makakatulog na katabi ito sa kama.   "Bakit? ano nam
Magbasa pa
Kabanata 24
(Sa Canteen) "Uy, Mara. Ayos ka lang ba? kanina ka pa nakatulala diyan ha?" tanong ni Rose sa kaniya nang mapansin niyang para wala itong ganang kumain at nakatitig lang sa hamburger na hawak niya.   "Ayaw mo ba niyan? sa akin na lang kung ayaw mo." Pagbibirong sabi naman ni Roy sa kaniya at kinukuha ang hawak na pagkain pero kaagad siyang pinigilan ni Ethan, sabay pinalo ito sa kamay.   Napatingin lang siya sa kaibigan niya at muling kumagat ng hamburger.   "May iba ka pa bang gustong kainin bukod dito?" malumanay na tanong ni Ethan kay Mara. 
Magbasa pa
Kabanata 25
Palabas na ng school sina Mara at Rose nang mahagip ng atensyon niya ang pamilyar na lalaking nag-aabang sa kaniya sa labas.   "Bakit, Mara?" usisa ni Rose nang mapansin niyang huminto sa paglalakad at natahimik.   "Rose, mauna na pala ako sa'yo bye!" paalam niya at aligagang nilapitan ang kaniyang nobyo na si Andrew.   "Kanina ka pa diyan?" nakangiting sambit niyang nang makalapit na siya sa binata. Tinignan lang siya nito at saka nagsimulang maglakad. Sumimangot naman si Mara at sinundan niya ito mula sa likuran.   Walang imikan silang naglalakad
Magbasa pa
Kabanata 26
(Sa Hapag-kainan) "Nga pala, Andrew. Saan ka ba nagpunta kaninang umaga at nakalimutan mo na yatang ihatid itong si Mara?" usisa ng ina sa anak niya, ngunit pareho namang nabilaukan ang dalawa at napainom sa isang baso ng tubig.    "Hay naku, ano ba talaga ang nangyayari sa inyong dalawa?" ang sabi pa nito sa kanila habang nilalagyan niya ng tubig ang baso ni Andrew, gamit ang pitsel.   "A-ayos lang naman po, Tita. Baka may importante lang siyang nilakaran kanina, hindi ba?" pilit na lang ngumiti si Mara at lumingon sa kaniyang nobyo. Tila nabasa naman kaagad ng binata ang nais nitong ipahiwatig sa kaniya kaya ngumiti na lang din siya at napatango sa ulo.    "Ganoon ba? siya nga pala, nagpunta ako kanina sa school niyo ah?" pagkarinig nila sa sinabi ng ginang ay bigla silang napatingin sa isa't-isa
Magbasa pa
Kabanata 27
{KINAUMAGAHAN}  Nang magising ang ina ni Andrew ay bigla siyang nagtaka at napabangon sa kama nang mapansing wala roon sa tabi niya ang dalaga.  Sandali siyang napatingin sa alarm clock niya at nakitang mag-aalas siyete na pala ng umaga. Bumangon na siya at lumabas ng kuwarto upang maghanda ng almusal. Pero kaagad naman siyang natigilan nang makutuban siya na parang may ibang tao roon sa loob ng sala. Dahan-dahan niyang hinakbang ang kaniyang mga paa, dinampot din niya ang walis tambo na nakita niya sa may gilid at hinawakan ng mahigpit.   "Hmm.." tinig na narinig niya mula sa isang babae. Maya-maya pa lamang ay may natanaw na siyang isang pares ng pa
Magbasa pa
Kabanata 28
"Mara!" aligagang lumapit si Andrew kay Mara na nakahilata lang sa loob ng banyo. Pero tumalikod din siya kaagad nang mapansin niyang hubo't-hubad ito."Anong nangyari? okay lang ba siya?" pumasok din ang ina ng binata sa loob ng kuwarto at nadatnan na lamang niyang nakatayo si Andrew sa loob, habang nakahiga naman sa sahig ang dalaga."Ano bang ginagawa mo diyan? kunin mo yung tuwalya at tumawag ka ng ambulansya, dalian mo!" pagkasabi ay lumabas na siya ng banyo. Lumapit naman ang ginang sa dalaga at dahan-dahan niyang sinuotan ito ng underwear."Tita, salamat po at pasensya na ho' talaga." Maluha-luhang ani ng dalaga sa kaniya."Naku, ikaw talagang bata ka. Kahit kailan napaka-clamssy mo talaga." Tugon naman ng ginang sa kaniya. Pagkatapos niyang suotan ito ng underwear ay binalutan naman niya ng underwear ang katawan ni Mara, upang takpan ito at hindi matuyuan ang kaniyang likod.Ilang saglit lang ay
Magbasa pa
Kabanata 29
"Ang totoo po niyan, mayroon nga po akong nagugustuhang babae." Mahiya-hiyang ani ni Ethan sa dalawang ginang. "Naku, sabi ko na nga ba e! aber sino naman kaya itong masuwerteng dalaga na bumihag sa puso ng binatilyo natin?" pabirong saad nito sa kaniya. Ngumiti lang ang binata at sandali siyang napalingon sa kinaroroonan ni Mara.Tila napansin naman iyon ng dalaga kaya kaagad din niyang tinakpan ng kumot ang kaniyang mukha. Pero hindi naman siya gaanong pinansin ni Ethan at binalewala lang siya nito. "O siya, Ethan. Iwan mo na kaming dalawa rito at baka may iba ka pang gagawin. Nga pala, wala ka bang pasok ngayon?" tanong ni Aling Tere sa kaniya. Bigla tuloy napatingin ang binatilyo sa relo niya at napatayo siya nang mapagtantong mahigit dalawang oras na pala siyang late sa klase niya. "Naku, oo nga po pala! nawala tuloy sa isipan ko na napadaan nga lang po pala ako rito. Sige ho, maiwan ko na
Magbasa pa
Kabanata 30
Nakita kaya ako ni Ethan? paglalayag sa isipan ng dalaga habang tinatakpan ang sarili niya ng kumot. "Hoy, ano ang ginagawa mo riyan? at bakit ba nakatalukbong ka ng kumot diyan? hindi ka ba naiinitan?" usisa ng nobyo nitong si Andrew sabay inalis niya ang nakatalukbong kumot sa kaniya. Tumingin naman ng masama ang dalaga sa kaniya at muling tinakpan ang sarili niya. "Ano ba kasi ang ginagawa mo diyan? para kang nakakita ng multo? at saka sino ba yung tinataguan mo?" saad pa nito sa kaniya. Sinundan siya ng tingin ni Andrew mula sa tapat ng pinto pero wala namang ibang tao roon.Okay lang kaya siya? hindi kaya napuruhan pati ang utak niya? bulong ng binata sa isipan niya at muli siyang lumingon sa dalaga. "Ano, kakain ka ba o maghapon ka na lang ganiyan?" tanong niya. Tila napansin naman ni Mara na wala na roon si Ethan. Kung kaya't inalis na niya ang kumot na nakatakip sa kaniya.
Magbasa pa
PREV
1234568
DMCA.com Protection Status