Share

FOURTH

"MY GOD, I AM SO EXCITED!" Panay ang tingin ng apat sa tiyan ko at tanong tungkol saakin ng kung anu-ano. Inimbento ko nalang ang iba tulad ng mga tanong ng mga ito na may kinalaman sa 'relasyon' namin ni Rajiv.

"Ilang taon kana pala, Hija?" Mabait ang bukas ng mukha ng lola ni Rajiv na siyang ina ng ama nito.

"23 years old po."

"Saan kayo nagkakilala ng anak ko?" Nakangiti pati ang mama nya na taliwas sa inaasahan ko.

Pero ang kabutihan nilang pinapakita ang mas lalong nakakapagpakaba saakin.

"Ah... ano po... sa simbahan." Wala sa wisyong sagot ko.

"Simbahan?" Sabay-sabay pa ang pagtatanong ng apat.

"Nagsisimba po kasi ako tapos nung palabas na ako, saktong papasok naman sya tapos ano... ahm hiningi nya ang number ko."

"Sa mismong simbahan nya ginawa yon?" Hindi ko alam kung nagugulat lang ba o hindi makapaniwala ang lola nya sa kwento ko. Pero madalas naman ganon, di ba?

Romantic nga e. Kung sakaling magkikita kayo sa simbahan at di makakatiis ang guy na humingi ng number kasi na love at first sight sya kay girl.

Pero kung iimagine-in, parang hindi nga yata tama na makilagligawan at palitan ng number sa simbahan. Kahit pa nasa pintuan na.

Mabilis kong pinaliwanag ang iniisip nila anuman yon, naalala kong strict pala ang family nila sa maraming bagay. "Hindi po. Nang makalabas kasi ako, namasyal pa ako sa paligid ng simbahan kasi may park doon, tumambay ako sandali. Hinanap nya pala ako tapos nang makita, doon sya humingi ng number, hehe." Napakamot pa ako sa leeg saka pasimpleng pinunasan ang pawis ko dahil sa pag-iisip ng sasabihin.

Bahala na. Hindi naman na ulit magkikita-kita.

"Oh, looks like Rajiv likes you so much." Yung lola ni Rajiv. Hindi ko alam kung nakangiti pa ba ako or nakangiwi na.

Best actress goes to Acy. Best writer, Acy. Best director, Rajiv.

Halos silang dalawang babae lang naman ang magsasalita dahil yung papa at lolo ni Rajiv ay nakikinig lang nang tahimik.

Nabanggit nila na baka daw isipin kong nagpaimbestiga sila tungkol sa buhay ko, hindi raw nila ugaling magpakalkal ng buhay nang may buhay. Naniniwala silang importante ang privacy, alam na rin naman daw ni Rajiv ang karapat-dapat para dito.

"Pero bakit kaya hindi nya sinabi ang tungkol sakanya, Mamà?" nilingon ng mama ni Rajiv ang katabing matanda. "Oh, siguro ay dahil nalaman nyang ipagkakasundo ko sya sa unica hija ni Mr. Toledo."

Kasunduan lang pala ang lahat ng yon? Ayos, may pag-asa pa si Jveo dun sa ex-bride ni Rajiv.

"Pero kung ganito naman pala na may girlfriend sya at buntis pa, sana mas naging responsable sya." Sabi ni Lola Anastacia. She keeps on telling me na lola na rin ang itawag ko sakanay. "Kung sasabibin nya ay baka una palang ay inurong na ang kasal."

'Baka' lang? Hindi pa rin pala sure.

"Kaya nga, ilang buwan na nga ba ang pinagbubuntis mo, hija?"

"A-Anim na buwan ho."

"My God! He has 6 months to tell that to us! Kapag nalaman kong sinadya ni Rajiv hindi sabihin ito dahil ayaw nyang panagutan ang bata, humanda talaga sya saakin!" Si Lola Anastacia kay Mrs. Belinda Alarcon.

Naloloka talaga ako sa mga pinagsasasabi nila. Lalo na nga at walang binanggit si Rajiv kung ano ang dapat sabihin sa mga bagay-bagay.

Napag-alaman kong wala sa pamilya nila ang tumatanggi sa responsibilidad at hindi daw sila papayag na si Rajiv ang maging una sa pamilya ang gumawa ng bagay na iyon.

Niyaya ko silang kumain na dahil alas-diyez na rin ng umaga at ilihis na ang topic pero tumanggi na sila.

"The truth is... sandali lang talaga kami rito, hija. May gusto lang talaga kaming sabihin sayo."

Pangiti na sana ako dahil mukhang paalis na nga sila pero mamamatay na naman ako sa kaba sa sasabihin nila.

"Siguro nagalit ka sa apo ko sa pagpapakasal nya sana habang dinadala mo ang anak nyo. Hindi ako magtataka kung galit ka pa rin kaya sa isla na ito ka nagtatago." Muntik na akong ngumiwi. Kung alam lang nila. "Alam ni Rajiv na may malala na akong sakit at sinabi kong gusto ko syang makitang magpakasal as soon as possible. Ang akala namin ay single sya kaya pinagkasundo na namin sya. Wala naman syang nabanggit tungkol sayo sa di ko malamang dahilan. Pero sana ay maayos nyo pa ito para na rin sa magiging anak ninyo at sana... makapagpakasal na kayo sa lalong madaling panahon.

//

"FUCK IT. THIS DIDN'T GO ACCORDING TO THE PLAN." Bumuntong hininga sya sa kabilang linya.

"What are you thinking? Sayo mismo nanggaling na strict especially about sa usapang pamilya ang buong angkan nyo. Tapos hinayaan mong isipin nila na nabuntis mo ako!?"

Tama, hindi ko din naisip iyon nong una dahil ang nasa isip ko nalang ay um-oo para matapos lang ang lahat.

"Yes. Pero mapili naman si Lola sa mga babaeng madidikit saakin. Si Julyanna pa nga lang ang inoohan nya sa dami ng pinili ni mom na pakasalan ko sana." Halata ang frustration sa boses nya. Pero kung magkaharap kami ngayon, siguradong nagsisigawan na kami sa inis ko.

"CEO ka ba talaga, Rajiv Alarcon? Ni hindi mo nga kayang mag-isip ng strategic plans!"

"Don't belittle me, woman." Mukang napipikon na rin sya. "Bakit ba naman kasi nagpa-impress ka? Anong ginawa mo para gustuhin ni lola na magpakasal ka saakin?"

"Hoy lalaki, wala akong ginagawa. Nakita nya lang siguro na maganda ako kaya gano---"

"She's not after the beauty. Mas gusto ni lola ang matalino---"

"Aba. Parang sinasabi mong hindi ako matalino ah? Para sabihin ko sayo, nagustuhan ako ng lola mo dahil beauty at brains ako! Wala akong pagpapa-impress na ginawa. Kusa syang namangha!" Nang matapos kong isigaw yon ay hingal na hingal ako.

Nakakainis ang lalaking to. Sya ang nag-isip, nagsinungaling na nga lang ako, ako pa sisisihin. Hindi nya ba alam na halos maihi na ako sa harap ng pamilya nya!?

Nanahimik sya sa kabilang linya sandali saka bumuntong-hininga. "Shit. What to do? Lola's gonna kill me kapag nalaman nyang hindi ko inayos ang iniisip nilang relasyon natin."

"Pinalala pa kasi." Bubulong-bulong ako.

"Kasalanan ko bang hindi ka nagtago nang maayos?" Sumasagot pa nga! "Ang kailangan ngayon, magpakasal tayo or---"

"No way!" Mabilis kong awat. Halos hindi na ako humihinga nang marinig pa lang ang salitang 'kasal.' "There's no way I will just marry a stranger---"

"Hindi kita pinipilit. I am just stating the options we have here." Nanahimik na ako dahil halatang naiirita na sya. "It's either you'll marry me or you need to hide again. Somewhere far so they can't find you again."

"Okay. I will just hide again."

Mas pabor saakin 'yon, ang magtago.

"Maghahanap ako ng lugar para makapagtago ka---"

"Hindi, ako na. Kaya ko naman na maghanap ng mas safe na lugar." Kaya naman na siguro ni Jveo to.

"Okay, whatever." Nagsimula nang umayos ang tibok ng puso ko dahil sa wakas, alam kong mas matatahimik na ako, hindi lang mula sakanya kundi maging sa pamilya nya. "Kapag hindi ka na nila nakita, pwedeng isipin nila na ayaw mo na talaga maayos ang relasyon natin at paglaon e rerespetuhin at matatanggap na nila yon."

Natulog ako na maaliwalas ang pakiramdam. Masarap ang tulog ko dahil alam kong wala na akong gaanong iisipin na pamilya Alarcon.

Katatapos ko palang mag breakfast alas-otso ng umaga nang tumawag si Jveo para ibalita na safe si dad at nasa isang isla na pag-aari nya na matatagpuan sa Visayas.

Nabanggit ko sakanya ang nangyari sa pag-uusap namin ulit ni Rajiv, sumang-ayon sya na kailangan kong maghanap ng bagong pagtataguan.

"Dyan nalang din ako sa kung nasaan si dad---"

"No. Masyadong mainit pa kayong dalawa sa mga mata ng drug lord na si Henry. Hindi kayo pwedeng magsama dahil mas mabilis nya kayong makukuha kapag nagkataon." Natahimik ako dahil may punto sya. "Mag-ayos ka na, mamayang 10 am ay lalapag dyan ang helicopter na sasakyan mo papunta sa isa ko pang tagong property."

Wala akong nagawa kung hindi ang ayusin ang mga gamit na kay Jveo rin galing lahat. Gaya ng sabi nya, 10 am lumapag ang sasakyan ko paalis at sumama na ako rito. Nagpaalam ako kay manang dahil hindi pala sya sasama saakin.

Ala-una ng hapon nang lumapag ang sinasakyan ko sa isang malawak na lupain. Mukang nasa isang liblib na lugar kami dahil mula palang sa taas ay kita ko nang napapaligiran ng maraming mga puno ang lugar.

Pagkababa ay naglakad kami sandali at hindi kalayuan ay bumungad saakin ang mga kabahayan. Medyo marami ang bahay at ang mga tao, pagbungad pa lang ay nangakangiti na sila. Naiilang na tumingin lang ako sa kanila.

"Ito ang lupaing pagmamay-ari ni Boss Jveo. Lahat ng nakikita mo sa paligid, pati ang kinatitirikan ng mga bahay at ang lugar na pinagsasakahan ng mga tao dito ay pagmamay-ari nya. Sa madaling salita, mga tauhan nya rin ang mga taong yan." Mahina pero buong sabi saakin ng piloto. Deretso lang syang naglalakad at iisang dereksyon lang ang tinatahak.

Napakalaki ng lugar at pag-aari lahat ito ni jveo!? Kasalukuyan pa akong namamangha kaya hindi ko napansin kung nasaan na kami. Nang huminto sya ay nasa harap kami ng isang gate kung saan kita mula rito ang isang bungalow.

Mula roon, kita kong lumabas ang isang nasa mid-40s na babae. Nagmamadali nyang binuksan ang gate saka ngumiti. "Welcome! Tuloy kayo!"

Tumanggi na ang piloto. Aalis na raw sya at may aasikasuhin. "Hinatid ko lang talaga sya gaya ng utos ni boss. Uuna na  ako."

"Sige mag-iingat ka." Anang babae.

"Salamat nang marami." Tumango lang ito saakin bago umalis.

Giniya ako ng matanda na ang pangalan pala ay Manang Inday. Nagkukwento sya tungkol sakanya habang papasok kami. "Sampung taon na akong mayordoma rito. Mula nang bilhin nya ang lupain ito e ako na ang punong tagapamahala sa bahay."

Woah! 18 years old sya nang mabiki nya ang lahat ng ito?

Itinuro nya ang kwarto ko at tinanong kung anong gusto kong kainin ko para daw lulutuin nya pero ang gusto ko ngayon ay magpahinga.

Parang may malaking bato na naalis sa dibdib ko. Nakahinga ako nang maluwag. This place is so quiet and peaceful.

Too quiet and peaceful na tipong namalayan ko nalang na dalawang linggo na ako rito. Hindi ako na-bored dahil marami akong kasambahay na nakakausap dahil ayoko rin namang lumabas para mamasyal gaya ng aya nila saakin kahit ligtas naman daw talaga dito. Pero sa tuwing naaalala ko na naggraduate ako sa kursong business management pero nakatunganga ako ngayon dito ay hindi ko mapigilang mainis sa pangyayaring to ng buhay ko.

We have some businesses at alam kong marami ring investments sila dad mula pa non. Hindi na nga lang ako magtataka kung malalaman kong wala na ang lahat ng iyon ngayon.

Minsan na kaming nagkatawagan ni dad pero sandali lang iyon. Sya na rin ang nagpasya na wag muna kaming magcommunicate sa isa't-isa dahil baka mahanap sya nina Henry at malamang alam ni dad kung nasaan ako. Kahit na sinabi kong may tiwala naman ako kay Jveo.

Alas otso ng umaga, nagkakape ako sa sala nang nagmamadaling pumasok ang kasambahay na si Rowena. Halatang saakin sya papunta habang may kaba sa mukha kaya naman dinunggol din ako ng kaba, binitawan ko ang kape sa mesa.

"Ma'am Tracy! May lalaki sa labas, hinahanap kayo."

Napatayo ako sa takot. "S-Sino? Bakit hinahanap ako?"

"Ewan ko, basta raw gusto kayong makausap. Ang pangalan daw e Rajiv, importante lang daw po. Sinabi kong baka nagkakamali sya dahil wala akong kakilalang Tracy Madonna Peñaredonda pero sigurado daw syang andito kayo. "

Rajiv? Bakit naman nya ako hahanapin? Akala ko ba, kapag lumipat na ako ng mapagtataguan ay okay na? Sa tingin ko naman ay malabo na akong mahanap dito ng mga magulang nya, paanong nandito sya ngayon?

"Anong bang... anong itsura?" Paniniguro ko. Mahirap na. Baka alam din nila Henry ang tungkol kila Rajiv.

Pinakita nya saakin ang cellphone nya at may picture doon ng lalaking nakatayo sa gate. Hindi ako nagkakamali, si Rajiv Alarcon nga!

Malinaw ang picture, brown na brown ang mata nya, matangos ang ilong at maganda ang labi. Kitang kita rin ang maganda nyang panga mula dito sa larawan. Hindisya nakatingin sa camera pero parang may something sa tyan ko na nagwawala. Mukang kinakabahan na naman ako na makita sya.

Nakasuot din sya ng blue tshirt at pants na sa sobrang bagay sakanya, kulang nalang ay stage para rumampa sya.

"Papasukin nyo ho." Walang pagdadawalang-isip na lumabas sya. Napatingin ako sa sahig habang nag-iisip kung anong pedeng dahilan bakit nandito sya nang makarinig ako ng tikhim.

Pag-angat ng tingin, nagsalubong kaagad ang mata namin. Nagtaas ako ng noo kahit pa nga sobrang lakas na ng kaboh ng dibdib ko sa kaba.

Ngumisi naman sya. "Nice hideout." Tumingin sya sa paligid bago muling nabaling ang tingin saakin. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Tracy Madonna Peñaredonda, wala ka nang pagpipilian sa ngayon. Tutal ikaw naman ang nagsimula nito, hindi na tayo makakalusot. You need to marry me now."

Nanlaki ang mga mata ko. "Are you nuts? Why would I?" Nanggagalaiting sigaw ko. Naghanap ako ng kasambahay sa paligid pero wala kahit isa. Umatras ako nang magsimula syang humakbang papalapit.

"Why not?" Patuloy sya sa paglapit saakin habang palayo naman ako. "You're hiding from Henry the drug lord and maybe, someone told you to stop my wedding and he'll help you hide. I'm still not sure about that 'someone' but I know he own this place."

Tumigin ulit sya sa paligid.

"I won't marry you." Matigas na sabi ko. I am too idiot thinking that I can hide the truth from him. He can't be easily fooled. Ngayong alam nya na, then what? Hindi pa rin ako magpapakasal kahit kanino.

"You stopped my wedding, remember? Uulit-ulitin ko pa ba? You started this! And my lola's in the hospital right now since yesterday. Bukambibig ka nya at ang dinadala mo. She's talking about our marriage already and I just can't say no. Sinabi kong hahanapin kita kahit anong mangyari at mapapanood nya tayong magpakasal. Ayaw mo naman na sigurong bumalik kay Henry Arquilles, ano?"

"S-Stop blackmailing me!"

"I am not just blackmailing you. I am also offering my help. I will hide you but first, you need to---"

"One reason to marry you?"

Ngumisi sya habang may naglalarong emosyong hindi ko mabasa sa mga mata nya.

"Reason?" Tumawa sya nang mahina at naiinis ako kung bakit parang namamangha akong pinanood pa iyon. "Honey, You just need to choose. It's either you'll marry Henry... or you'll marry me."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status