NAKAYUKO AKO HABANG NAKAUPO.
I sat there, exhausted and defeated.
Nasa harapan ko na siya, totoong-totoo. Hindi na lang basta gawa ng imahinasyon ko dahil sa tindi ng guilt. This man, Rajiv, was undeniably here.
"When are you going to speak?" Napakislot ako nang magsalita siya. Magkaharap kaming nakaupo sa simpleng upuan. Kahit naman siya ay ngayon lang din ulit nagsalita matapos niya akong mahuli sa pagtakbo ko sana kanina. Pinilit niya akong umupo sa isang upuan, siguro ay hinihintay ang anumang sasabihin o paliwanag ko.
Pero wala akong sasabihin. Wala akong maisasabi. Hindi ko pwedeng ilaglag si Jveo lalo na ngayon na alam ko talagang ginagawa niya ang best niya; malapit ko na ring makasama si Dad ayon sa kanya.
Looking at Rajiv, hindi ako nagtataka na nandito siya sa gitna ng malawak na dagat. Their family name is known throughout the business world.
Alarcon, included as one of the wealthiest families in Asia, at ang kaisa-isang tagapagmana ng lahat ng iyon, one of the wealthiest bachelors in the Philippines—Rajiv Xen Alarcon. Wala akong alam sa mga may kinalaman sa business pero nang matapos kong pigilin ang kasal niya, hindi ko maiwasang magtanong kay Jveo ng mga tungkol kay Rajiv.
Tumingin ako sa librong nasa harapan ko at nakalapag sa mesa. Nakatitig lang ako roon sa ilang minuto hanggang sa may kamay na kumuha roon kaya napasunod ako ng tingin.
Tumaas ang kilay niya habang nakatingin sa pamagat ng libro. Bahagya pa siyang ngumisi saka tumango-tango.
"Obsession by Karen Robards." Tumingin siya sa akin. Pinilit kong salubungin ang mata niya. Kinaya ko naman pero nanginginig pa rin ako deep inside. "Have you finished this?" Umiling ako. "This is a great book, a masterpiece in its genre."
"Rajiv, I can't tell you the reason—"
"Do you know that this is a romance-thriller book? That Katherine Lawrence is different from the real Katherine Lawrence?" Hindi ko maiwasang tumaas ang kilay ko sa kanyang sinabi.
Binasa ko ang nasa likod ng aklat pero naguguluhan pa rin ako. All I know is the book seems so interesting. It has something to do with CIA stuff. Pero page 71 pa lang ako, at naguguluhan pa ako sa mga pangyayari, kaya ayokong malaman ang katapusan. I also love reading books and I hate spoilers.
"Stop," I said bravely, hoping to halt him, but he continued anyway.
"The protagonist is Jenna, disguised as Katherine and Nick as Dan. They are actually—"
"What the heck, dude, stop spoiling that great book!" Sigaw ko, nakalimutan ang takot.
Tumingin siya sa akin, at natigilan naman ako. Nawala ulit ang tapang sa aking mukha. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at tumingin sa aking mga kamay na magkahawak sa harap ko.
"You can scream at me all you want. I think you can explain too," he countered, his face unmoving.
Patay na.
Napipi na naman ako. Basta hindi ako magsasalita kahit anong mangyari. I must protect Jveo.
Pumikit ako at nagmamakaawang tumingin sa kanya. Nilunok ko na ang lahat ng hiya ko tutal pumayag naman akong pumasok sa sitwasyon na 'to.
"You know my name, you know about my supposedly private wedding that you ruined—"
"I really can't just tell you the whole truth—"
"Then why did you do that? Why did you show up at my wedding?" Hindi mukhang galit ang mukha niya. He's on a poker face. Pero malamang ay pinipigilan niya lang ang matinding emosyon niya; as of now, I think he wants to choke me already.
Tumayo ako. "If I need to do this... I will." I need to convince him to let me go.
Lumapit ako, at napuno ng pagtataka ang mukha niya kaya naman napatayo siya mula sa pagkakaupo. Pinapanood niya ang susunod kong gagawin nang may pag-aalinlangan.
Nang malapit na malapit na ako ay lumuhod ako sa harap niya. Tumingin ako sa mata niya habang nakayuko siyang nakatitig sa akin. Kita ko ang paggalaw ng Adam's apple niya nang lumunok siya, ang tension ay ramdam na ramdam.
Pero hindi ko inaasahan ang susunod niyang ginawa. Sinimulan niyang tanggalin ang suot niyang belt saka ihinagis iyon sa inuupuan niya kanina.
"Wait, what are you—" I began, confused and instantly panicking.
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan, pero hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya dahil sa matinding pagtataka at takot.
"You wanna give me a blow job? Okay, fine, I accept your surrender." Ibinaba niya ang zipper niya. Nakanganga ako habang nanlalaki ang mga mata sa pagkabigla.
"Sorry po! Hindi ko po sinasadya!" May sumigaw bandang likod niya. Napalingon ako sa katulong na tulad ko ay nanlalaki rin ang mga mata at pulang-pula ang mukha dahil sa narinig niya.
Tumayo ako at agad na tinuhod ang gitna ng hita niya nang buong lakas.
"Bastos ka!" Sigaw ko bago magtatakbo palabas ng pinto. Nakaapak na ako sa lupa nang marinig ang malakas niyang sigaw ng sakit.
"You! Woman! You'll pay for this act!"
//
"DON'T WORRY, HE CAN'T COME HERE AGAIN."
Alo sa akin ni Jveo. Napilit niya akong bumalik sa tinutuluyan ko dahil sinabi niyang wala na roon si Rajiv. Nasabi na raw ng katulong ang nangyari kaya naman nagmamadali siyang pumunta rito.
Hapon na at sa katatakbo ko kanina ay hindi ko na alam kung saan ako nakarating. Basta nagtago lang ako sa lugar na maraming mga puno ng niyog. Nang makarating daw si Jveo ay wala na si Rajiv kaya ang sunod niyang ginawa ay pinahanap ako.
Nakatingin lang ako sa kanya. I know that tiredness is already visible on my face. Ang dumi ko na rin at gusot ang damit. Tumalikod siya sa akin saka bahagyang yumukod.
"Sakay ka na," he offered, ready to carry me. Wala na akong pakialam kahit mukha siyang mabango at malinis, tapos ako naman ay madungis at pagod na pagod. Pagod na ako at hindi ko na kayang maglakad pa kaya naman sumampa ako sa likod niya.
Umalis na rin ang mga tauhan na kasama niya kanina sa paghahanap sa akin.
"I am sorry for this whole mess. Wag kang mag-alala. Naka-banned na si Rajiv. Hindi na siya makapupunta pa rito kahit anong sasakyan pa ang gamitin niya, I made sure of that."
"May kasalanan ako kaya hinahabol niya ako ngayon. Nagkita kami kanina, tapos nadagdagan pa ang kasalanan ko," I admitted sheepishly.
Naalala ko na naman na sinipa ko ang 'eggballs' niya. Sa inis na rin at takot, alam kong napakalakas n'on.
Tumawa si Jveo, trying to lighten the mood. "Ano ba kasi talagang nangyari? Wala naman nabanggit si Manang kung anong napag-usapan nyo, pero ang nasabi niya ay 'yung tinuhod mo daw 'yung..." tumawa na naman siya na parang naaaliw at hindi makapaniwala.
"Wala si Manang noong una e may binibili siya. Dumating si Rajiv, tapos... pinagsasalita niya ako," I explained.
Kinwento ko ang lahat sa kanya, ang nangyari at ang pagtatanong ni Rajiv. Pati na rin nang lumuhod ako bilang paghingi ng tawad, pero iba pala ang nasa isip niyang balak kong gawin. Tawa lang nang tawa ang kausap ko, pero ako ay hindi ko naiwasang kabahan.
Maimpluwensya siyang tao at napakayaman. Sa sandaling panahon ay nahanap niya ako dito sa isla, kaya hindi ko maiwasang mag-alala na baka gantihan ako.
Problemado na nga sa safety namin ni Dad, nagdagdag pa ako ng bagong tao na kailangang pagtaguan.
In-assure sa akin ni Jveo na hindi na ako mapupuntahan ni Rajiv dito sa isla. Pero hindi lang pala pagpunta ng personal ang balak niyang gawin. Dahil nang mismong gabi rin na 'yon, balak kong uminom ng tubig pero nagulat ako sa tunog ng land line phone sa sala.
Nagdadalawang-isip pa akong sagutin noong una, pero naisip ko na baka wala namang nakakaalam ng number n'on kundi si Jveo. Baka may tawag tungkol kay Dad o anuman.
Hindi ako nagsalita pero itinapat ko sa tenga ko ang phone. Hindi rin nagsasalita ang tao sa kabilang linya noong una, pero halos maibagsak ko iyon nang bigla nitong binanggit ang pangalan ko.
"Tracy, right? I finally got you on the line." Nanlaki ang mata ko dahil sa pamilyar na boses at ang buo kong pangalan ang binanggit nito.
"S-Sino 'to?" Kahit alam ko na ay gusto ko pa ring makasigurado.
"Oh, you just kicked my balls and just forgot about me?" Ngumiwi ako sa sakit ng ala-ala.
Dahan-dahan ko na sanang ibababa pero nagsalita ulit siya, ang boses ay puno ng banta.
"Don't you ever cut this call because I still have hundreds of thousands of ways to talk to you."
Tama siya. Kapag hindi sa phone call na ito, baka naman puntahan niya ulit ako rito para singilin ang MGA kasalanan na nagawa ko? And worst, malaman niya ang kalagayan ko ngayon at gamitin niya bilang advantage.
"I am really sorry, Rajiv, hindi ko sinasadya 'yung kanina. Luluhod lang naman ako para humingi ng tawad, e—"
"It's always 'I am sorry.' Sabihin na natin na nagkamali ako kanina kaya mo ginawa 'yon. But tell me the truth: bakit mo pinigilan ang kasal ko?"
Hindi na talaga 'to matatapos.
Mangiyak-ngiyak na ako, wala akong maibibigay na paliwanag doon. "I can't really tell you the reason why. Sorry. Pero kung kailangan kong gawin 'yon, baka gawin ko ulit. I am so selfish. That's all I can tell you."
Natahimik siya sa kabilang line at maya-maya ay narinig kong bumuntong-hininga. "Okay. Then just help me. Kapag tinulungan mo ako ngayon, kakalimutan ko na 'yon, at pati ang muntik mo nang pagtapos sa pagkalalaki ko kanina."
Kinabahan ako. Ayaw ko nang pumasok sa isang deal na mapapasubo ako gaya ng nangyari kay Dad sa Henry na 'yon, maging sa sitwasyon ko ngayon.
"I can't—"
"Kapag hindi ako pinatawad ng pamilya ko, gagawin kong miserable ang buhay mo. I promise you that."
Walang emosyon ang boses niya, halos manlamig ako sa pagbabanta. Nandito na naman ako sa part na wala akong choice kung hindi ang pumayag. Pero makakaya nga ba ng konsensua kong humindi matapos ang ginawa ko?
Napakagulo na ng buhay ko. Sa pagpipilit kong maayos ay parang mas nadaragdagan ang gulo.
Bakit ba kung saan-saan ako napapasok na problema?
"Ano ba 'yon? Kung kaya ko naman, s-sige," pikit-mata kong sabi, may pag-aalinlangan.
"Kaya mo 'to kasi nagawa mo na rin naman, not really new to you. This role will fit you perfectly." Halata sa boses nito ang ngisi, na para bang gusto akong asarin. "How about... you just have to pretend that you are pregnant with my child?"
"What!? Are you out of your mind!?" I am furious!
"Istrikto ang family ko sa usapang pamilya. Nang lumabas ka sa kasal ko, hindi na nila inisip ang hindi natuloy na kasal kung hindi ang 'anak' ko na 'dinadala' mo. My grandparents are very angry at me for my actions. Pinahahanap ka nila sa akin para 'panagutan' ka, in order to save face."
"You can always tell them that I am a scammer or what kind of terrible person—"
"Tingin mo maniniwala sila sa akin? Iniisip lang nila na inaabandona ko ang babaeng nabuntis ko at tinatanggi 'yon. Hindi sila maniniwala sa salita ko. Unless ikaw mismo ang magsasabi ng totoo sa kanila, which I know you won't do?"
"No!" Mabilis kong sabi. Umiling pa ako na para bang nasa harapan ko siya. Mayaman sila at sikat ang kinabibilangang pamilya. Kung umamin ako tungkol sa nangyari, sigurado akong makukulong ako o kung hindi naman ay mababalita. Hindi pwedeng mangyari 'yon, may pinagtataguan akong mga tao.
Kung sakaling magmakaawa, hindi rin ako sure kung papayag sila sa aking pakiusap.
"So it's a deal then? We have a mutual agreement." I heard the finality in his tone. "I know I am already banned from that island. Masyado rin naman akong busy ngayon kaya hindi muna kita 'dadalawin' nang personal. I called because I heard that Mom already located you. You'll meet them face-to-face tomorrow morning." Anito saka tuluyan na ibinaba ang tawag.
Napaupo ako sa sahig saka natulala. Hindi ako makakaalis sa isla na 'to ngayon. Nagpaalala din si Jveo na magiging busy siya kaya naman baka hindi ko siya ma-contact ng dalawang araw pagdating niya sa Maynila. Siya na lang daw ang ko-contact sa akin.
Hindi ako makakaalis sa isla na 'to. Pupuntahan ako ng parents ni Rajiv, at higit sa lahat, kailangan kong magpanggap na buntis at karelasyon niya.
Sinabunutan ko ang sarili ko sa labis na frustration.
"Shit, kailan ba 'to matatapos? Argh!"
Sa pagod kaiisip, nakatulog na ako sa kwarto.
Kinabukasan ay antok na antok pa ako, pero maaga akong nagising. Naghilamos lang ako at nag-toothbrush. Nakita ko ang fake baby bumps at sinukat ko ito, considering Rajiv's deal. I need to appear that I'm pregnant and make it believable. Naghihikab pa ako habang papunta sana sa kusinapara magtimpla ng kape, hindi na ako nag-abalang tanggalin agad iyon, nang marinig kong may kausap si Manang.
Parang slow motion naman na lumingon ako sa sala, at ganoon na lang ang paglaki ng mga mata ko nang makita ang mga hindi inaasahang bisita. My heart sank.
Muntik pa akong mapamura nang magtagpo ang mata namin ng isang pamilyar na babae.
Ngumiti sa akin ang ginang na siguro ay nasa edad otsenta na, estimate ko lang, pero hindi naman ganoon katanda tingnan. Kahit nakaupo ito sa isang upuan na gawa sa rattan ay halatang mayaman ito at sosyal, nagkikinangan pa nga ang perlas na kwintas nito.
Dahil doon, sumunod ang tingin ng tatlo pang mga katao. Bale dalawang babae at dalawang lalaki sila.
Parang gusto ko na ulit matulog o bigla na lang maglaho sa kinatatayuan ko. Napatingin silang lahat sa akin, sunod ay sa tiyan kong matambok, hindi ko alam kung ang una kong gagawin ay magmura, magdasal o tumakbo nalang bigla.
"Oh, hija, gising ka na. Buti naman at nakita ka na namin."
Shit, shit, shit. This is it.
But... what exactly is this?
OMG, no.
Sana panaginip lang lahat 'to. Sana hindi totoong kaharap ko ngayon ang parents at grandparents ni Rajiv!