Share

FIFTH

"NOW I PRONOUNCE YOU, MAN AND WIFE." Anang pari na nakapagpatulo ng luha ko. "You may now kiss the bride."

Mula pagkabata, habang sinasaksihan ang pagsasama ng parents ko, nangarap akong balang araw, hahanap ako ng katulad ni Roscoe Peñaredonda, my dad. He's a great husband at ako ang magiging Jemelli Escalante-Peñaredonda version 2.

My first boyfriend will be my last too. I will marry him infront of hundreds of people.

Napalingon ako sa buong paligid ng simbahan kung saan ginanap ang simpleng kasal namin ni Rajiv. Iilan lamang ang tao at puro mga kamag-anak nya. Ni wala si dad dito pero mabuti na sigiro yon dahil hindi rin naman mahalaga ang kasal na ito.

Nang papiliin ako ni Rajiv noong nakaraang linggo kung sya ang pakakasalan ko o si Henry ay sinama nya na ulit ako pabalik sa Manila. Obvious naman kung ano ang desisyon ko. Mabilis na inayos ang kasal namin at ngayon nga ay parang nag flashbacks saakin lahat ng mga pangarap ko mula noong bata pa ako.

Ni wala syang tinanong kung anong gusto kong theme, kahit bulaklak at wedding gown ay sya na ang umasikaso at namili. Alam ko naman na hindi kami nagmamahalan. Ginagawa nya to para sa katuparan ng hiling ng lola nya at ako naman ay sa kaligtasan ko. Pero kasal pa rin ito. Kahit pa napag-usapan na naming magkakaroon lang kami ng kasunduan at pwede pang ipa-annul ito sa tamang panahon.

Ang naandito lang ay ang grandparents nya, parents, tatlong tita, dalawang batang pinsan, ang pari at kaming dalawa. Kinailangan ko pang palabasin na nasa bang bansa si dad at hindi kaagad nakalipad pabalik sa pilipinas. Ginawan nya na rin siguro ng paraan upang hindi masyadong magtanong pa ang mga ito.

Syempre, may isang photographer lang at kamag-anak rin nila ito. Hindi ko nga alam paano nya nagawang mas private pa itong kasal namin kaysa sa kasal sana nila nakaraan nong Julyanna. Mas maraming tao roon. To think na kilala talaga ang pamilya nila.

Night wedding is so romantic, but not right now. Ang malamig na hangin ng gabi na pumapasok sa bahagyang nakabukas na mga bintana ay nagbibigay ng kaba saakin.

Pakiramdam ko ay sinira ng malakas na lindol ang mga pangarap ko tungkol sa kasal. Ang tanging nagkatotoo lang ay ang lalaking kaharap ko ngayon.

He's looking at me intently. Itinaas nya ang suot kong belo at napatinginako agad sa mapula nyang labi. Kita ko ang paggalaw ng Adam's apple nya nang lumunok sya. Asar ako sakanya dahil sa pamba-blackmail nya pero hindi ko maikakaila na ang gwapo nya. Natulala pa nga ako nang makita ko sya kanina na nag-aabang saakin sa dulo ng aisle.

Nang ilapit nya ang mukha nya saakin ay hindi ako pumikit. The priest told him to kiss me that's why he'll kiss me. There's nothing romantic here at sabi, you need to close you eyes when kissing someone because the feeling it gives can only be seen when your eyes is close.

Pero noong lumapat ang labi nya sa labi ko ay kusang pumikit ang mga mata ko. His lips touched mine and the imaginary fireworks in my head suddenly exploded. Naamoy ko ang mabango nyang hininga at naramdaman ang malambot nyang labi. Para akong nasa ilalim ng tubig dahil halos hindi ko marinig ang palakpakan ng mga kamag-anakan nya.

Halos dampi lang iyon pero parang ang bagal ng oras kaya naman nang magmulat, namalayan ko nalang na nakangisi na sya ngayon sa aking harapan.

Kung wala kami sa simbahan at harap ng pamilya nya, malamang sa malamang ay kung ano na ang sinabi ko sakanya. Napahiya kasi ako sa sarili ko samantalang sya naman ay halatang nang-iinis pa.

"Stop smirking." Bulong ko habang sobrang lapit pa rin ng aming mukha sa isa't-isa.

Tumaas ang isang kilay nya. "Why would I? You're blushing right now and looks like a red tomato."

Hindi ako nagpahalatang umirap. Humarap na kami sa pamilya nya na ngayon ay napakalawak ng ngiti. Nabaling ang tingin ko sa lola nyang nakaupo ngayon sa wheelchair. Pumapalakpak sya at nakangiti saakin, halatang gusto nya ngang maganap ang kasalang ito.

Napalingon ako sa katabi ko nang maramdaman ko ang braso nyang pumulupot sa bewang ko. Nakatingin sya ngayon sa lola nya at malawak ang ngiti.

Kahit napipikon, hindi ko maiwasang mamangha kay Rajiv dahil ginawa nya ito para sa kanyang lola. Kung hindi saakin, kay Julyanna sya magpapakasal para lang matupad ang hiling ng lola nyang maabutan syang mag-asawa.

Naalala ko tuloy ang usapan namin nong isang linggo nang sunduin nya ako sa safe house ni Jveo.

(FLASHBACK)

"One reason to marry you?"

Ngumisi sya habang may naglalarong emosyong hindi ko mabasa sa mga mata nya.

"Reason?" Tumawa sya nang mahina at naiinis ako kung bakit parang namamangha akong pinanood pa iyon. "Honey, You just need to choose. It's either you'll marry Henry... or you'll marry me."

Noo ko ang kumunot sa pagkakataong ito. "Yun ba ang reason? Sinabi ng lola mong ako ang pakasalan mo kaya ka nagkakaganyan?"

"Actually, not really. Kagustuhan rin nilang ipakasal ako nong nakaraan sa kinakapatid kong si Julyanna. But thanks to you... hindi natuloy yon. Pwede kong palabasin na namatay ka na. Don lang sa pagkakataon na yon pwede kang makalaya sa inembento mong istorya sa kanila. Pero masyadong komplikado yon."

Umupo sya sa sofa at sa wakas ay tumigil sa paglapit. Dahil sa panlalambot ay umupo na rin ako sa sofa na katapat nya.

"Komplikado pero pede! Palabasin mong namatay na ako or what saka mo pakasalan yung kinakapatid mo para matupad mo pa rin ang hiling nya."

"Hindi ganoon kadali yon." Parang hari syang nagdekwatro. "I can marry anyone but I still want my freedom." Kumunot ang noo ko. Napatingin naman sya sa kisame. "Sa madaling salita, hindi importante saakin ang ikasal kanino man dahil hindi naman ako naniniwala sa pag-ibig na kailangan bago magpakasal. Pero ayokong matali. Hindi naman ang pagpapakasal ang problema ko kundi ang kalayaan ko."

Bumagsak ang balikat ko sa sinabi nya. For someone who loves the idea of love, I disagree. Alam kong iba iba ang opinyon ng mga tao sa bagay-bagay pero para marinig mismo mula sa bibig ng iba na hindi importante ang pag-ibig sa pag-aasawa?

"You mean hindi ka magiging malaya kay Julyanna..."

"She keeps on talking about being in love with me kahit ilang beses kong sinabing kapatid ang turing ko sakanya non. Kaya naman kung sakaling sya ang pakakasalan ko? Hindi na ako makakalaya. Pero kung ikaw, pwede nating ipaannul ang kasal agad-agad kung kinakailangan because you're not in love with me."

Naiintindihan ko naman sya dahil mukang ganon ang mindset nya. Pero naiinis pa rin ako dahil parang iniisip nya na ang pagpapakasal e pagkakulong. Lagi nyang iniisip na dapat malaya sya.

Pero napukaw ang atensyon ko sa isang salitang sinabi nya. "Annul?"

"Yes. We can annul our marriage after 6 months. Bukod don ay tutulungan kita kay Henry. So, is it a deal?"

(END OF FLASHBACK)

Lumingon bigla si Rajiv kaya kitang-kita nya na nakatitig ako sakanya. Gayunpaman ay hindi ako ang-iwas ng tingin. Lumapit sya at bumulong sa tenga ko.

"You don't wanna marry me. But why do I feel like you enjoyed the kiss?"

//

After the simple reception in their mansion, sinabihan kaming matulog na dahil nga 10 pm na at ang alam nila ay buntis ako. Sa kwarto ni Rajiv dito sa mansion nila kami pinatuloy at bukas din daw ay doon na kami titira sa bahay nyang sarili.

This isn't true but I am still nervous to death. Pakiramdam ko ay totoong bagong yugto na ng buhay ko. Lalong nadagdagan pa iyon nang tumunog ang pinto ng banyo.

Kaagad akong napatingin nang lumabas si Rajiv na n*******d at nakatapis lang ng tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan. Napahawak ako nang mahigpit sa bedsheet ng inuupuan kong kama.

Natigilan sya at parang sya mismo ay nagulat na hindi nga pala sya nag-iisa sa kwarto. Maliwanag ang ilaw dito kaya naman kitang-kita ko ang nakaawang nyang labi, ang bagsak nyang buhok at patak ng tubig na tumutulo mula ulo nya pababa sa leeg.

Nang makabawi kami ay sabay pa kaming nag-iwas ng tingin.

Pumunta sya sa closet para kumuha ng damit habang ako ay lihim na nagdadasal at humihingi ng kasagutan kung tama nga ba ang ginawa ko.

Alam ni Jveo ang ginawa ko pero wala syang sinabi. Sa pananalita nya nga ay parang sumasang-ayon pa sya sa pagpapakasal ko. Makikinabang pa nga daw kami ni Rajiv sa isa't-isa sa ngayon. Pwede ko syang magamit para protektahan ako at gagamitin nya ako para pasayahin ang lola nya.

"Hindi pwedeng maghiwalay tayo ng kwarto dito. But don't worry dahil lilipat din tayo bukas din. Sa bahay ko, maraming kwarto ron at tayong dalawa lang. If you're not comfortable right now---"

"H-Hindi na... okay lang naman tayo dito sa kama. Maluwag naman to."

Tiningnan ko ang mahabang sofa sa sulok saka ko sya tiningnan ulit habang nakatalikod sya saakin. Matangkad sya at nakakahiya pa rin naman kung doon sya dahil hindi rin sya magiging komportable ron---"

"Okay. Pero kapag nagbago ang isip mo, you can just sleep on that sofa." Itinuro nya ang sofa na tinitingnan ko kanina. Umawang ang labi ko at hindi makapaniwalang tumingin sakanya.

May sasabihin pa sana ako pero nanggagalaiti na ako. Ano ba naman tong lalaki na to? Bakit ganito to umasta? Hindi nya ba narerealize na babae ako? Wala ba syang alam sa pagiging gentleman?

Umirap ako kahit hindi sya nakatingin saakin saka dumireto nalang sa shower. Nahihirapan man ay hinubad kong mag isa ang napakahabang gown pati ang fake bany bump na suot ko saka naligo.

Puro panglalaki ang mga naandito pero di bale na. Mula sa sabon at shampoo e puro FOR MEN ang nakasulat. Kaya naman nang magamit ko ang mga iyon, pakiramdam ko ay sinisinghot ko si Rajiv.

Hindi kami madalas nagkakalapit pero tuwing nangyayari iyon, amoy na amoy ko ang bango nya. Weird pero kahit na matapang ang amoy nya ay masarap iyon sa ilong.

Kasalukuyang nagpupunas ako ng katawan nang kumatok sya.

"What?" Nakasimangot ako dahil naaalala ko ang sinabi nya kanina. Binabalak nya akong patulugan sa sofa. Is he for real?

"Wala kang pamalit di ba?" Natigilan ako nang na-realize na tama sya. Wala akong dalang damit dito sa banyo. Ni wala nga akong dalang damit dito sa Maynila sa totoo lang. Si Rajiv ang namili ng mga sinusuot ko sa nakalipas na araw. "Kunin mo to."

Binuksan ko nang konti ang pinto saka hindi tumitingin na kinuha ang hawak nya. Sinarado ko ulit agad iyon at tiningnan ang malaking black T-shirt at boxer na nakaplastic pa.

"Yung mga damit mo e doon ko nadala sa bahay ko kaya naman wala kang pamalit sa ngayon. Yan na muna ang suotin mo. Don't worry, they're new."

Napanguso ako at sinuot na nga ang binigay nyang pamalit. Medyo hindi komportable dahil walang bra at panty pero keri na. Nang lumabas ako ay nakabalunbon ang tuwalya sa ulo ko at pinagkrus ko naman ang braso ko sa harapan ko.

Nakaupo sya sa kama, yung kinauupuan ko kanina habang may hawak syang folder at tila may binabasa mula roon.

Tiningnan nya ako saka itinuro ang tabi nya. Umupo ako ron at iniabot nya ang folder saakin.

Sandali ko pa syang tinitigan habang sya naman ay nakakunot ang noo at nasa folder ang tingin kaya binuklat ko iyon. Nakapikit ako nang una pero binuksan ko ang isang mata ko para makita.

"Fake marriage contract?" Nanlaki ang mata ko saka binasa iyon.

"That's the contract I am talking about last week. Nakasaad dyan ang do's and don'ts. Kung may idaragdag ka ay sabihin mo lang saakin pero sa ngayon, iyan ang mga kailangan mong sundin at iwasan sa loob ng anim na buwan."

Pinakabasa kong mabuti ang mga iyon.

1. You, (Tracy Madonna Peñaredonda) need to pretend as my sweet wife infront of my family and relatives. You can't say to any of them about this contract.

2. You, (Tracy madonna Peñaredonda) can't be in a relationship on that 6 months and I (Rajiv Xen Alarcon,) will not enter in relationship too.

3. I will protect you and help you and your father against anyone. But you need to be like a real wife. You will clean the house, cook food and do all the house chores while I work.

4. You need to say yes in everything I say.

"What do you mean I need to say yes in everything you say?"

"Isn't that clear enough?" Tumaas ang kilay nya. "You can't say 'no' to me."

"That wasn't fair!" Hindi ko maiwasang tumaas ang boses. "Paano kapag masama ang gusto mong---"

"I won't do that. What do you think of me?"

Umismid ako. "Pwede ko naman tong ipabago kapag hindi ako agree. Hindi ako pipirma hanggat hindi to naaayos. Ano ka!"

Hindi sya umimik kaya tinuloy ko ang pagbabasa.

5. You can't leave the house unless I agreed.

Hindi naman talaga ako aalis. Hindi pa naman talaga safe.

6. You need to follow everything that's written here or you'll pay me (Rajiv Xen Alarcon) 50 Billion pesos and you'll go to jail.

"50 billion, so kung ikaw ang hindi tumupad, ikaw magbabayad saakin ng ganong kalaking halaga?"

"Yep." Confident na sabi nya. Wala akong balak na hindi tumupad pero kung sakali nga, wala rin naman akong pagkukunan ng ganon.

Inabot ko ang folder sakanya. "Kung tapos ka na at iyon lang ang babaguhin, aayusin ko na kaagad. You can sleep now."

Tumayo na sya saka lumabas. Humiga ako sa kama at hinarang ang isang unan sa pinakagitna. Ilang minuto na ay hindi pa sya bumabalik. Akala ko ay hindi ako makakatulog pero nagising nalang ako na may tumatama nang liwanag sa mukha ko.

Mabango ang naaamoy ko kaya naman nakapikit pa ay nakangiti na ako. Niyakap ko nang mahigpit ang matigas at mabangong nasa tabi ko.

I heard a soft chuckle beside me. Natigilan ako saka dahan-dahang nagmula ng mata. Napatanga ako nang makita na nakaunan ako sa braso ng katabi ko habang si Rajiv naman ay nakataas ang kilay habang nakatitig saakin.

Bahagya syang ngumiti at iyon ang unang totoong ngiti na nakita ko mula sa kanya.

"So... good morning, wife."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status