HIDE 1: Revenge of the CEO's Ex-Wife

HIDE 1: Revenge of the CEO's Ex-Wife

last updateLast Updated : 2025-10-19
By:  Pseudo_DrainedOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
4
1 rating. 1 review
50Chapters
13.0Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

​It was a matter of benefit: I had to stop the CEO's wedding. ​It was a matter of reputation: I had to become the CEO's wife. ​For my heart's sake, I must hide my son and myself from his father, the CEO, while I execute my revenge

View More

Chapter 1

ZERO

TWO RED LINES. I almost lost my sanity. The shock was overwhelming.

Mayroon akong asawa, pero kung maayos lang sana kami, sana ay magiging buo at ganap ang saya ko. But he already sent me an annulment paper. He wants to be free because I'm not the woman he truly loves.

Kasalanan ko rin naman ang lahat; masyado lang akong nasasaktan kaya gusto kong ibaling sa kanya ang sisi. Yet, deep inside me, I know I'm also at fault for letting things go this far.

Kung hindi lang sana ako nakinig kay Jveo nang araw na iyon, baka mag-iba ang takbo ng lahat. Pero tinulungan n'ya akong makatakas sa mga taong pinagtataguan ko, kaya naman wala na akong magawa pa.

Umiling-iling ako sa sarili ko. Wala akong masisisi sa nangyari sa akin. Ginusto ko ito dahil minahal ko si Rajiv nang walang pag-aalinlangan. I was the one who made the choice.

Lumuluha ako habang hawak ang pregnancy test kit. Humarap ako sa salamin at nakita ang napakaputla kong mukha. Halos dalawang araw na akong hindi kumakain kaya akala ko ay iyon ang simpleng dahilan ng pagduduwal ko.

Lalo akong naiyak sa isipin na naaapektuhan ang anak ko sa nangyayari sa akin. Ayaw ko man, pinilit kong kainin ang kaunting pagkain sa mesa na nasa gilid ng kama. Saka ko tiningnan ulit ang sarili ko sa salamin.

"Minahal kita, Rajiv... how could you do this to us?" Hinaplos-haplos ko ang tiyan ko. "Baby, I am so sorry. Mali ako ng taong minahal. Mali ang lahat ng mga desisyon ko sa buhay. Sorry, baby, mali si mommy."

Walang tigil ang pagluha ko hanggang sa biglang bumukas ang pinto. Naramdaman ko ang yakap ni Papa mula sa likuran ko. Hinaplos n'ya ang buhok ko at ilang beses akong h******n sa ulo. Rinig ko ang pag-iyak n'ya, malalim at tahimik, kasabay ng akin.

"Sorry, Acy, this is all my fault," bulong niya.

"No, Dad, I chose this." Iyon ang hindi ko matanggap—sa kung paanong ang kilala ng marami bilang matalinong tao na gaya ko ay nagpakatanga at nagpauto sa isang pagsasama na wala namang kasiguraduhan.

Nabulag ako sa mga pinapakita ni Rajiv noon, sa matatamis niyang salita at kilos, kaya naman inakala kong nagmamahalan kami. Pero ako lang pala ang nagmamahal sa aming dalawa.

"Let's get out of this country, Dad?" Umiiyak pa ring sabi ko, desperadong makalayo. Nagkatinginan kami sa mga repleksyon namin sa salamin.

Bakas ang labis na gulat at pag-aalala sa mukha n'ya.

"What about your husband?" tanong niya, nag-aalala.

Imbes na magsalita, kinuha ko ang envelop na nakapatong sa kama at maging ang isang ballpen. Sumunod si Dad sa likuran ko, at kita ang panginginig ko habang pinipirmahan iyon bilang agarang sagot sa tanong n'ya.

"Acy..." Niyakap n'ya ako nang mahigpit, pilit pinapagaan ang puso kong namatay at patuloy na namamatay mula nang nakaraang araw.

"Let's get out of this country, Dad. About him, I am not his wife anymore, and he's no longer my husband." My voice was a choked whisper.

After 7 years...

"MOM!" Nagising ako sa masiglang tawag ng aking anak at bumungad sa akin ang nakangiti n'yang mukha kaya hindi ko naiwasang mapangiti rin.

He really reminds me of his father. Ilang beses ko mang hindi isipin, naaalala ko pa rin kapag nakikita ko s'ya. Pero kung noon ay puro sakit at pait ang dulot sa akin ng alaala na iyon—mga alaala na dulot ng aking katangahan sa inaakala kong pag-ibig—ngayon, napalitan na iyon ng matinding galit.

Wala akong maramdamang iba kung hindi galit, kahit pilitin ko mang labanan iyon. Isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit pinili kong manirahan na lang sa ibang bansa.

But today, we're going back to the Philippines because I discovered a startling clue about my mom's death many years ago. Susunod din naman si Dad kaya nagpumilit akong umuna na lamang kasama si Johanne, ang aking anak.

My son is 6 years old. He has thick eyebrows that came from his father, and also the striking color of his eyes, which are deep brown. Masasabi kong sa kabuuan, halos wala siyang namana sa mukha ko liban na lang sa dimples n'ya. But I love him, kahit kamukhang-kamukha n'ya ang taong kinamumuhian ko sa lahat.

Mayroong nag-anunsyo na nakarating na kami. Hindi ko na halos maramdaman ang aking katawan. Nanlalamig ako sa hindi malamang dahilan.

"We are here." With trembling lips, I tried to get up from my seat. Inayos ko rin ang anak ko at inakay s'ya palabas ng eroplano.

The humid air made me shiver, not in happiness but in an unbearable surge of anger. Hindi ko kailanman pinangarap na muling bumalik pa ulit dito matapos ang nangyari pitong taon na ang nakalipas.

"Where are we going to live, Mom?" tanong ni Johanne.

"Sa bahay namin dati," tipid kong sagot. Saka ko kinuha ang mga bagahe namin.

May lumapit sa amin, at kung tama ako ng pagkakaalala ay siya ang driver namin noon, pitong taon na ang nakalipas. Kahit kasi umalis na kami ni Dad at nagdesisyon na manirahan na sa America, wala siyang pinaalis isa man sa mga tauhan sa mansyon. Naalagaan pa rin iyon ayon sa kanya dahil baka raw magkaroon ng pagkakataon na makauwi kami sa Pilipinas.

Tingin ko ay tama lang nga iyon, isang maingat na paghahanda.

"Ma'am Tracy, kamusta na po?" Nakilala n'ya ako kaagad. Siya naman ay hindi ko matandaan kahit ang pangalan. Pinakita n'ya sa akin ang ID n'ya at nagpakilala bilang Renato.

"I am fine," maikli kong sagot. Siya ang nagbuhat ng mga bagahe namin. Sinundan namin s'ya at pinasakay kami sa isang van.

Ah, I can still remember this. Ito ang van na ginagamit ko madalas noon, lalo kapag lalabas ako kasama ang mga kaibigan ko. Bahagya akong napangiti dahil meron pa naman palang natitirang magandang ala-ala sa akin ang Pilipinas.

I had so many friends way back college days. Pero nang makagraduate kami sa college ay nagkaroon na ng kanya-kanyang buhay hanggang sa minsan na lamang magkamustahan. Pero nang umalis ako, pinutol ko na rin ang lahat ng komunikasyon ko sa kanila. I burned the bridges.

I don't want anything to bring me back to the past. Dahil nga ayaw ko na sanang bumalik.

"Ang tagal n'yo na rin pong nawala, ano? Anim na taon?" tanong ni Renato.

"Seven, actually," pagtatama ko. Tumango-tango siya saka sinulyapan mula sa salamin si Johanne na ngayon ay nakahiga na sa aking hita.

"Ayan na po ba ang anak n'yo?"

I just nodded to make him feel I am not interested in talking anymore. Nakuha n'ya iyon, kaya nagpahinga na ako.

Pagod ang katawan ko sa byahe, pero hindi ko magawang makatulog. I feel uneasy, restless.

Sigurado ay dahil sa katotohanan kung nasaan ako ngayon. Malaki ang Pilipinas kaya imposible naman na siguro para sa aming magkita pa ng lalaking iyon. Noon nga ay ni hindi n'ya ako hinanap, na lalong nagpapait ng nararamdaman ko. Ngayon pa kaya na pitong taon na? Siguradong may pamilya na s'ya.

Nagkatuluyan nga kaya sila ni Julyanna?

Ipinilig ko ang ulo ko. Wala na akong pakialam pa sa kanila. Maybe because I am in the Philippines right now that's why I can't stop thinking about it? I can't stop myself from remembering everything.

Pumikit ako at pinilit ang sarili kong matulog hanggang sa nakaidlip nga ako. Pero nagising ako dahil sa tunog ng mga busina ng sasakyan. Traffic at walang tigil ang pag-iingay ng mga sasakyan sa paligid. Para bang sa pamamagitan n'on ay mawawala ang traffic.

"Shit!" Hindi ko maiwasang mapamura nang mahina matapos makitang nagulat si Johanne mula sa pagkakatulog dahil sa malakas na busina ng kotse sa gilid namin. Agad itong bumangon na parang galing sa bangungot.

Saka, nanlalaki ang brown na mga matang tumingin sa akin. Pagkatapos ay sumilip sa labas.

Binuksan n'ya pa ang bintana sa gawi niya. "The air is not good for your health, John." Ngumiti lang s'ya sa akin saka isinuot ang kanyang facemask.

Napailing na lang ako at hindi napigil ang ngiti.

Nagsuot din ako ng facemask dahil naaalala ko rin kung gaano ka-polluted ang hangin dito.

"Mom, look at those kids, what are they doing?" Tinuro ni Johanne ang mga batang namamalimos sa mga nagdaraan sa gilid.

Curious n'ya ring pinanood ang mga batang kumakatok sa mga kotse.

"They are asking for money because they have nothing to eat," paliwanag ko, kalmado.

Hindi gaanong lumalabas si Johanne sa America. Malapit lang din sa bahay ang pinapasukan niyang school kaya naman marami siyang hindi alam, lalo na syempre ang mga bagay dito sa Pilipinas.

He's matured for his age, but he's still a kid.

Tinuruan ko rin syang magsalita ng Tagalog, pero hindi pa s'ya ganoon kahusay. Mukha rin siyang inosente sa maraming bagay; mas madalas n'yang piliin ang maglaro ng puzzles at magbasa ng libro.

Mayroong batang madungis ang tumapat sa bintana kung saan nakasilip si Johanne. Babae ito, pero maikli ang buhok. Gayunpaman, maganda ang mga mata. May maliit at cute na ilong. Kahit marumi ang mukha at damit, kapansin-pansing magandang bata ito.

"Hi!" Masiglang bati ng anak ko. Naglahad ng kamay ang bata. Inilabas ni Johanne ang kamay n'ya para siguro makipagkamay, pero natawa ako kaya agad n'yang binawi iyon. "W-What do you need?"

Napapantistiko siyang nakatingin lang dito, at nagtataka. "Who are you? What do you want?"

Napakamot na sa buhok ang anak ko saka ako nilingon. "Mom, she's not speaking to me."

"Maybe she just can't understand you, sweetie." Nanghiram ako sa driver ng 100 pesos at sinabing mamaya ko na lang ibabalik. Binigay ko iyon sa anak ko, na siyang inabot niya sa bata. Ngumiti ito, at kita ang bunging ngipin.

"Salamat!" Nagtatakbo ito paalis. Isinarado na rin ni Johanne ang bintana saka nag-isip at tila kinakausap ang sarili.

"She's dirty, but still beautiful, though." He seemed genuinely impressed.

Humiga ulit s'ya sa hita ko kaya naman hinaplos-haplos ko ang buhok n'ya hanggang sa makatulog nga s'ya.

Umandar na ulit ang mga sasakyan, pero mabagal pa lang ang takbo ng mga iyon. Tumingin ako sa bintana, pero ganoon na lang ang gulat ko nang makita ang sakay ng kotseng katapat namin.

Napanganga ako at nag-init kaagad ang sulok ng aking mga mata. Hindi tinted ang sasakyan n'on, hindi katulad ng van na sinasakyan namin ngayon. Nakaupo s'ya sa likuran ng kotse, at mag-isa lang ang driver ng kotse sa harap.

He's reading something in the white folder he's holding—siguro ay may kinalaman sa negosyo.

He's wearing a black tux, ang pinakaaayawan n'yang suotin noong magkasama pa kami. He looks richer, ruthless.

Malinaw s'ya sa paningin ko, at gustuhin ko mang isiping panaginip lang ito, nararamdaman ko ang malakas at hindi mapigilang tibok ng puso ko. Noon, dahil sa pag-ibig sa kanya. Pero ang natitira ngayon ay walang hanggang galit.

Lumingon s'ya sa bintana at nagtama ang tingin namin—or so I thought, dahil heavy tinted ang van na ito. Gayunpaman, napigil pa rin ang paghinga ko hanggang sa ibinalik n'ya ang pansin sa harap ng folder.

Ang kayumanggi n'yang mga mata ay katulad pa rin ng dati. Ang damdamin na ibinibigay niyon sa akin ang siyang nagbago. Hindi naman sa sobrang pag-e-exaggerate pero halos hindi ako makahina noon nang maayos kapag nasa paligid s'ya. Pero kung noon ay halos mahimatay ako sa kagwapuhan n'ya sa paningin ko, ngayon ay tingin ko'y wala siyang ipinagkaiba sa hindi ko kilalang tao. Ang kaibahan lang ay may galit akong nararamdaman sakanya.

Tumingin na ako sa harap. Naghabol ako ng hininga habang nakakuyom ang kamao hanggang sa umandar ulit ang mga sasakyan at naging tuloy-tuloy na ang byahe.

Akala ko noon ay ayos na ako. Binigyan ako ni Johanne ng kasiyahan at pag-asa na mabuhay, kaya sigurado ako sa sarili kong sapat na iyon. Hindi ako ang tipo noon na mapagtanim ng galit.

Pero paano ako hindi makakapagtanim ng galit sa kanya? Sa kanila? Matapos n'ya akong abandunahin nang ganoon kadali at walang pag-aalinlangan!

Seeing him now just made me a murder-thinker. I see red. The bitterness consumed me.

But by just thinking of what happened before, parang kahapon lang ang lahat. Parang kahapon lang ang saya na pinalitan n'ya ng sakit at pighati.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

default avatar
Rita Wilson
This has English then another language switches around hard to read.
2022-12-29 03:24:02
1
50 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status