Exchanged Heart

Exchanged Heart

By:  Cora Vargas  Kumpleto
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
0.0
Hindi Sapat ang Ratings
45Mga Kabanata
14.6Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Long-time boyfriend ng actress na si Hannah Lindsey ang male actor na si Froilan Dantes. Pero katulad nang ibang mag karelasyon, dumaan din sila sa isang mabigat na pag subok na humantong na sa hiwalayan. Nahuli ni Hannah Lindsey ang nobyo sa kuwarto nito na may kasamang ibang babae na walang iba kundi si Maricar Asuncio - Isang sikat actress at may long time boyfriend na non-showbiz na nag ngangalang Duwayne Fuentez. Ngunit sadyang mapag laro ang tadhana. Natagpuan na lamang ni Hannah ang kanyang sarili na kasama ang lalaking mainit ang dugo sa kanya, si Duwayne Fuentez. Mapigilan pa kaya ni Hannah ang namumuong pag-ibig niya para kay Duwayne? Paano kung siya lang ang nagmamahal? At ang binata ay gustong gumanti lamang?

view more
Exchanged Heart Novels Online Free PDF Download

Pinakabagong kabanata

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments
Walang Komento
45 Kabanata
Chapter 1
KATATAPOS lang nang meeting ni Hannah, para sa upcoming romance movie at dapat ay siya ang bidang babae sa pelikula. May mga ilang shoot pa silang gaganapin sa ibang lugar sa probinsiya ng samar. Hindi umattend sa meeting na iyon ang kanyang nobyo na isang sikat din na male aktor sa kadahilanan na masama daw ang pakiramdam nito.Paglabas niya ng silid na iyon ay agad naman siyang sinalubong ng kanyang make-up artist na si Danica Torres. Akma siya nitong papahiran ng lipstick sa labi ng pigilan niya ito."Danie, wala tayo sa shoot." Saway niya dito. 'Danie' for short, siya lang ang tumatawag 'nun sa dalaga. Kaibigan kung ituring niya ang kanyang make-up artist."Bakit po Miss Hannah, sandamakol na naman ang face mo?" Usisa nito sa kanya habang sinasabayan siya nitong maglakad sa hallway."Paano ba naman kasi, gusto nilang palitan ang role ko sa ipapalabas na bagong movie namin ni Froilan."Tukoy niya sa nobyo.Isa pa sa kinaiinisan n
Magbasa pa
Chapter 2
GALIT na inihampas sa table ng film producer na si Lady Z ang hawak nitong script na romance movie na pag bibidahan nina Froilan at Maricar. Napaigtad naman sa gulat ang ibang cast nang 'Summer Love'. May mga ilan pa'ng scene na kukuhanan sa ibang lugar, pero hindi iyon agad magawa dahil hindi sumipot si Hannah sa last call meeting nila."Rebecca." Tawag ni Lady Z sa talent manager nina Froilan at Hannah. "Anong oras na? Bakit hindi pa din nag paparamdam ang alaga mo na si Hannah?!""Hindi ko pa din po siya makontak. Wala din po siya sa condo niya." Sagot naman ni Rebecca, nakatingin ito kay Froilan na tahimik lang. "Mamaya po kakausapin ko ang mga alaga ko, Lady Z.""Dapat makausap mo na si Hannah, marami nang kumakalat sa social media na nag back-out na sa upcoming romance movie ang alaga mo, dahil hindi na ito ang magiging bida." Singit ni Derek Mateo Babas.Lihim na napasimangot si Rebecca. Isa din iyon sa tinitignan niyang dahilan kung bakit hindi su
Magbasa pa
Chapter 3
"HUWAG ka maingay na ako si Hannah Lindsey. Dati akong actress pero kanina lang nag quit na ako." Humagikhik pa si Hannah. Iyon lang at hinawakan na niya ang doorknob ng pinto. Nahirapan pa siyang buksan ito kaya inis na kinalampag niya ang pinto. "Open the door!""Let me." Narinig niya ang bruskong boses ng lalake na akala niya ay walang balak mag salita. Bahagya siya nitong iniurong at ito na nga ang nag bukas ng pinto. "Thank you!" Dala siguro ng alak na nainom niya kaya nawalan na siya ng hiya sa sarili. Yumuko pa siya ng bahagya sa lalaking kaharap na mukhang sindilim na ng gabi ang ekspresyon ng mukha. "Buti ka pa, gentleman. Ang manloloko ko na boyfriend, gusto na siya lagi ang pinag sisilbihan. Hindi ko lang napagbigyan sa gusto niya, ayon! nag hanap agad ng iba na makakasama niya sa kama!"Wala ng preno ang bibig ni Hannah, umiiling pa ang ulo na pumasok na siya sa cubicle. Hindi na niya nakita ang pag tiim bagang nang lalaking kaharap.Magbasa pa
Chapter 4
"MAY ginawa pa sila! paano kung malaman ng mga fans nila ang kanilang ginawa? Goodbye career na sila. Big news 'yon, at siguradong dudumugin sila ng mga reporter at mga fans nila." Sabi naman ni Monica.Natigilan naman si Hannah. Parang sumuot sa utak niya ang mga sinasabi ng mga kaibigan niya. Kakayanin ba niyang mag trabaho kasama ang lalaking sobrang minahal niya na pinagtaksilan lang siya?Makakasama pa niya si Maricar na naging dahilan ng break up nila ni Froilan. Sabagay, kahit naman siguro hindi ito pumasok sa eksena ng relasyon nila ni Froilan, sa hiwalayan pa din ang hantong nilang dalawa. Mas masakit nga lang ang nangyari, dahil nakita ng dalawang mga mata niya ang panloloko ng nobyo sa kanya.Napabuntong hininga siya."Huwag kang mag quit sa upcoming movie ninyo nina Froilan, hayaan mo na makonsensiya silang dalawa habang nakakasama ka nila sa shooting." Si Setti ulit.Ibinuka niya ang bibig pero hindi siya nakapag salita nang biglang mag sal
Magbasa pa
Chapter 5
"ANO po ang reason ng break-up ninyo ng actress na si Hannah Lindsey?" Tanong naman ng isang media press tv na lalaki na sa tingin ni Setti ay nasa middle age ito."Sad to say, pero---" pinabitin pa ni Froilan Dantes ang isasagot. Pinalungkot pa nito ang ekspresyon ng mukha na lalong ikinairita ni Setti. "Nahuli ko siyang nakikipag date sa ibang lalaki."Maang na napatayo sa kinauupuan niya si Setti at dinuro ang screen ng tv."Ang kapal talaga ng mukha mo na Froilan ka! babaliktarin mo pa ang kaibigan namin!"Napataas kilay naman si Santino sa ikinilos ng kapatid. Biglang tayo din ang binata ng makita nitong dinampot ng kapatid ang isang maliit na flowervase na mukhang ibabato pa yata sa tv."Easy-" natatawang pigil ni Santino sa isang kamay ng kapatid. Kinuha nito ang flowervase sa kapatid at muling ipinatong sa center table. "Ang mukha dapat ng lalaki na 'yan ang binabasag at hindi ang tv.""Naku, kuya...." Nang gigil na sabi ni Setti. "Kapag n
Magbasa pa
Chapter 6
"HOW dare you, Froilan!" Gigil na naibato ni Hannah ang hawak niyang cellphone. Tumama iyon sa pinto ng kuwarto niya.Hindi pa nga siya nakaka-move on sa ginawa nitong panloloko sa kanya, ito na naman at inilagay siya nito sa isang sitwasyon na puro kasinungalingan.Sobrang napakasakit na hindi man lang niya naisip na magagawa sa kanya iyon ng lalaking minahal niya. Kung siya nga ay nanatiling tikom ang bibig sa panloloko nito sa kanya upang huwag madungisan ang pagkatao nito lalo na sa showbiz, dahil kahit sinaktan siya nito inalala pa din niya ang career nito. Tapos ngayon, ito ang magiging kapalit sa pananahimik niya?Hindi siya makakapayag!AGAD na ine-off ni Amor ang tv ng makita ang anak na pababa ng hagdan. Ayaw niyang makita ng anak ang mga nasa celebrity news."Good morning ma," bati ni Hannah sa ina. Humalik muna siya sa pisngi ng ina bago muling nag salita. "Bakit ine-off mo ang pinapanood mo ma?""Ha? ah eh," agad na nag-isip si Amor n
Magbasa pa
Chapter 7
"DO i look okay?" Nanginginig ang boses na balik-tanong niya kay Danica.Pinilit niyang huwag maiyak sa harapan nito kahit na nga parang sumisikip na ang kanyang dibdib dahil sa sama ng loob.Sama ng loob sa lalaking minahal niya dahil dito, kaya nasaktan siya ng mga taong nagmamahal sa love team nila. At sigurado siyang laman na naman siya ng balita at trending siya sa lahat ng social media dahil sa nangyaring pananakit sa kanya ng mga fans nila. Nag mukha siyang katawa-tawa! Bigla siyang nakaramdam nang pagkahabag o pagkaawa sa kanyang sarili."Binalaan na kita Miss Hannah, ayan tuloy nasaktan ka pa.""Bakit ganun, Danica? Ako na nga ang niloko, ako pa din ang nagmukhang masama sa mga tao." Nakagat niya ang ibabang bahagi ng kanyang labi dahil gusto niyang pigilan ang luhang kanina pa gustong umalpas sa kanyang mga mata. "Nagmukha tuloy akong tinortang itlog sa kamatis. Nakakadiri ang itlog ang baho, sirang itlog pa talaga ang ibinato saakin."Magbasa pa
Chapter 8
"IKAW na mismo ang nag sabi na galit sa'yo ang mga tao. Kapag sinabi mo ba sa kanila na nahuli mo kami ng boyfriend mo na mag ka sex, paniniwalaan ka nila?" Naniningkit ang mga mata na dugtong ni Maricar sa sinabi nito."Why not?" Taas kilay niyang balik tanong kay Maricar. Humarap si Maricar kay Froilan. "Alam mo love, hindi lang pala tanga itong ex-girlfriend mo, boba pa!"Hindi niya nagustuhan ang panlalait sa kanya ni Maricar pero pinigil niya ang sarili na patulan ito."Tignan natin," nakangising sabi niya. "Walang lihim na hindi nabubulgar, hindi porket hindi ako nag salita tungkol sa eksenang nakita ko, ibig sabihin mananatiling lihim iyon. Baka nakakalimutan mo, saksi din ang boyfriend mo sa panloloko mo sa kanya.""Shut up!" Mataray na bulyaw ni Maricar. Ang talim ng tingin nito sa kanya."Umalis kana Hannah at baka may makakita pa sa'yo dito." Hinawakan ulit siya sa isang braso ni Froilan na para bang gusto na siyang pagtulakan nit
Magbasa pa
Chapter 9
INIIPIT ni Hannah sa gilid ng kanan na taenga ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa kanyang mukha.Ikakaila pa ba niya ang kanyang sarili. Maaring napanood na ng lalaki ang ilang movies na nagawa niya. Pinag cross niya ang mga bisig at tinitigan ang mukha ng lalaki."Y-you look familiar to me." Pagkasabi niyon ay bahagya siyang lumapit sa lalaki. Kung hindi siya nag kakamali, ito ang boyfriend ni Maricar. Ang lalaking pangahas na hinalikan siya sa labi.Hindi naman umimik si Duwayne. Iniiwas niya ang paningin sa kaharap."Yes, ikaw nga iyon!" Muling bulalas ni Hannah. "Ikaw iyong boyfriend ni Maricar!""At ikaw naman ang girlfriend ng lalaking mang-aagaw." Ganti sa kanya ng lalaki. Hindi niya alam kung brusko lang talaga ang tono ng boses nito o may bahid ng galit ang pagkakasabi nito.Napamaang si Hannah ng talikuran siya ng lalaki. Kanina lang ay naging super hero ang dating nito sa kanya. Tapos ngayon, parang wala na yata itong balak na
Magbasa pa
Chapter 10
"MY GOD, anong mangyayari sa career nating dalawa?" Hindi pa din mapakali si Maricar."Can you please sit down, nahihilo ako sa palakad-lakad mo." Sita ni Froilan sa nobya. "Blanko pa ang isip ko kung bakit may mga press sa labas ng unit."Naupo naman si Maricar sa sofa sa tabi ni Froilan."Tawagan mo kaya si Miss Becca, sabihin mo sa kanya ang sitwasyon natin dito.""Tama!" Sang-ayon ni Froilan. Dinukot nito ang cellphone sa bulsa nang suot nitong pantalon. Hindi naman nagtagal at sinagot ni Miss Becca ang tawag ni Froilan."Napaka unprofessional mo Froilan," ito agad ang bungad kay Froilan ni Miss Becca. "Gagawa ka ng isang maling desisyon ng hindi mo naman kayang lusutan.""Miss Becca, hindi ko nga alam kung bakit maraming press dito sa tapat ng unit ko. Iilan lamang kayo ang nasabihan ko kung saan ako nakatira ngayon."Narinig ni Froilan ang pag buga ng hangi
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status