Angelica Demonista Sanchez Smith, nag-iisang anak ng isa sa top businesswoman sa mundo. Isa siyang nerd o jologs kung tawagin ngunit sa kabila nito ay may bagay na hindi pangkaraniwan itong ginagawa. Hindi lang din siya basta isang anak ng mayaman, may iba pang kinabibilangan ang kaniyang angkan. Mayroon din siyang masalimuot na nasaksihan mismo ng dalawa niyang mata. Paghihiganti, ito ang gusto niyang gawin para mabigyan ng katarungan ang pagkawala ng kaniyang ama, naniniwala siyang wala itong kasalanan. Ngunit, magbabago kaya ang kaniyang isip? O mananaig pa rin ang kaniyang kagustuhan na maghiganti para sa ama? O may iba pa kaya siyang gusto?
View MoreKABANATA I
"Excuse me, Ms. Nerd!" tahimik lang akong kumakain nang biglang may tumapik sa balikat ko.
“Hm?” tanging sagot ko lang sa kaniya paglingon ko.
In fairness, hindi naman siya dirty tignan and guess what? First day of school may na-encounter agad akong isa yata sa mga mean girls ng mga unibersidad.
“Anong hm? Are you deaf? Can you please get out of my table?!” Ano daw? May pangalan na pala ngayon ang lamesa sa cafeteria. Hanep ah!
“Really, eh?” I said with a sarcastic tone, sino bang tinatakot niya? Ako? Asa naman.
“Oh oh, someone wants to fight you back,” other mean girls said. Alipores yata ito ng babaeng nag mamay-ari daw ng table na pinagpwestuhan namin, natawa na lang ako sa isip ko. Me? Wants to fight? Nah, such a waste of time.
“Sis, I think we need to go na,” napalingon ako sa kaibigan kong si Venuz na mukhang kinakabahan. She’s my friend. We became friends since we’re young. Siguro, 5 years old pa lang kami no’n. She’s good-looking and kind, but sometimes she’s pretty stubborn just like me.
“I think, no. They’re just like the other transfer students who can’t fight back,” sabat na sabi ng isa pang alipores nito. They’re laughing as if that was funny.
“Tignan mo nga suot niya, ang jologs.”
“Yeah, it looks so cheap. Ganiyan ba talaga pag mga nerd? Walang fashion-sense?”
“Ang laki pa ng salamin, baka props lang? Masabi lang na matalino?”
Tumatawa pa silang nag-uusap sa harapan ko na akala yata wala ako. Ano ba problema nila sa suot ko? It may look cheap, but hello? Branded lahat ‘to. At saka isa pa, dito ako komportable.
“You said so,” tanging sinabi ko lang at kinuha ang pagkain ko. I need to throw this away, nawalan na ako ng gana e.
Hinila na ako ni Venuz pero sadyang may naghahanap talaga ng gulo e. Hinawakan nito ang braso ko. “Now, what?” I look at her with my bored look.
“Wow, tapang eh?” ginaya niya ‘yong tone ng voice ko kanina as if naman na maiinsulto niya ako. I laugh a bit, in fairness she made me laugh ha?
“What’s funny?” she asked me again na may kalakasan ang boses, halatang nairita sa maikling pagtawa ko.
Umiling lang ako dito at hinila na ang braso ko pabalik tsaka umalis. Ngayon ko lang napansin na ang dami na palang nakatingin sa amin. Napaangat ang sulok ng labi ko sa kanila. They’re all like an idiot.
“Hanep sis! Kinabahan ako ng slight doon, ha? Akala ko magkakaroon ka kaagad ng kaaway, first day of school pa lang e,” tawang-tawa pa na sabi ni Venuz sa ’kin.
Tinignan ko lang ito at nginisian. I just don’t want to waste my precious time with them.
“Bakit kasi parang ang big deal lagi sa mean girls na may nakikita silang nerd, diba?” nagtatakhang tanong nito at pailing iling pa. Binatukan ko nga.
“Baka iyon lang siguro kaya nilang patulan,” sagot ko lang sa kaniya at nauna ng maglakad.
“Narinig mo ba ‘te usap-usapan sa cafeteria? May isang nerd daw na hindi man lang nasindak kay Alex.”
“Oo naman, I heard it. Grabe, ang angas din ng nerd na ‘yon.”
Narinig ko ‘yong dalawang babae na nag tsi-tsismisan sa gilid, pinag-uusapan nila yung nangyari sa cafeteria kanina. Grabe din pala tsismosa sa eskwelahan na ‘to. At, Alex pala ang pangalan ng babaeng iyon. She seems famous here. Sabagay, mukha naman dahil sa pagiging mean girls nila.
I just want some peace for now. As much as possible, lumalayo muna ako sa gulo na ganito. Marami pa kasi akong mas kailangang gawin. Nagpatuloy na ako lumakad at hinayaan na lang sila.
“Sis, sa dulo ba tayo upo?” tumango lang ako sa tanong ni Venuz. Nasa loob na kasi kami ng classroom at naghihintay na lang kami sa professor namin na dumating. I sit beside the window, this is my favourite spot.
“OMG! They’re here!”
“Waaah! Classmate natin sila, like O-M-G!”
“Oo ngaaaa! They’re so hot talaga, ‘no?”
Some of our classmate was shouting like they see an unusual creature. Grabe, parang akala mo mga nasa palengke. ‘Yong iba tila mangiyak-iyak pa.
“The Vermin is here! Sobrang gagwapo nila.”
Parang walang bukas kung magtilian. Pumasok lang naman ang limang lalaki at talaga naman nag-uumapaw ang kagwapuhan ng mga ito. I heard that they’re the Vermin, right? Napakunot-noo na lang ako ng makita ko sila. Akala yata nila nasa fashion show sila kung maglakad.
Inalis ko na ang tingin sa kanila at sumubsob na lang sa lamesa ko habang nakasalpak ang earphone ko at nakinig sa music sa cellphone ko.
“Sis, do you know them?” inaalog ako ni Venuz, kaya napaangat ako ng ulo ko.
Wala pang segundo akong nakasubsob ginugulo na ‘ko agad. Tinignan ko siya na para bang nagtataka sa ginawa niyang pagyugyog sa ’kin. May sinabi yata siya at hindi ko narinig, kasi nga diba? Nakikinig ako ng music.
“Ano ba ‘yon?” tanong ko sa kaniya pagkatanggal ko ng earphone ko.
“Kako, kung kilala mo ba sila?”
“Uhm. Maybe no, maybe yes,” tanging sagot ko lang sa kaniya.
“Okay, sabi mo e. I won’t ask anything na lang muna,” tumawa pa ito. She knows what I meant, ha? Good for her then. “Anyway, ang tagal ng professor natin, ses! Nakakaloka.” dugtong pa niya.
Ngumisi lang ako sa kaniya at nakita ko ang Vermin na papunta sa direksyon namin. May upuan kasing di pa occupied sa tabi namin ni Venuz, malamang doon sila uupo.
“Ow, look who’s here?” Ano ba naman, ito na naman po sila. Ang mga mean girls, haynako. Hindi ba nila ma-gets na, I don’t have time for them?
“Akalain mo iyon, kaklase pala natin itong nerd na ‘to,” natatawang sabi ng isa sa mga alipores ni Alex. Ano kaya nakakatawa do’n?
"Good morning, class!” Nice! Buti na lang dumating na rin ang prof namin dahil kung hindi, hindi na naman titigil ‘tong Alex na to. Pumunta na sila sa kaniya-kaniya nilang mga upuan.
“This is your first day of classes. So, I guess… alam niyo na ang gagawin. You guys will introduce yourself since we have a new student here.” Hanep. Di pa rin pala nawawala ‘yan pag first day of classes. Napabuntong hininga na lang ako since I don’t have any choice.
“Okay, let's start from you," turo ng prof namin sa babaeng nasa unahan.
Matagal pa pala kami, sa hulihan kasi kami umupo ni Venuz at kahilera namin ang grupong Vermin. And, speaking of them, yung isa sa kanila ay nakita kong nakatingin sa akin or should I say sa amin ni Venuz? Tinignan ko lang ito at umiwas din naman agad siya nang tingin. Ano kaya problema no’n?
‘Di ko na lang pinansin pa at nagsimula na silang magpakilala. Hindi naman kami gaano karami sa klase kaya malamang saglit lang din ito matatapos.
"Hi. I’m Cristal Cristobal, you can call me Cris for short. 23 years of age. I hope na makasundo ko kayo lahat hehe."
"Hello, I’m Myrnaline Dominguez. 23 years old. The only daughter of Mrs. Elaine & Mr. Elbert Dominguez, the CEO of Dominguez Corporation dito sa Pilipinas. And, that’s all." Parang lumakas ang hangin, ah?
"Hey, I'm Alexandra Fernandez. 22 years old. I know that most of you known my family background, but for those who didn’t know, I am the daughter of the Second Successful Company in this world. Hope you guys know where your place at.” Of course I am one of those who know her family background, ano pang silbi ng pagiging Sanchez ko kung hindi ko siya kilala.
“Very mayabang naman ang bestfriend mo, sis! Hahahaha,” bulong sa ’kin ni Venuz. Bestfriend kasi code name namin sa mga nang aaway sa amin or kagalit. Tinawanan ko lang ito ng bahagya.
“Hindi niya alam baka mas matindi pa yung binabangga niya,” dugtong pa nito kaya nasiko ko siya. Masyadong madaldal talaga.
“Dami mong daldal. Ikaw na kaya ‘yong susunod,” sabi ko sa kaniya kaya tumayo na siya para magpakilala.
"Hello! I’m Christina Venuz De Leon. 22 years of age. Nice to meet you guys." Tila giliw na giliw na pagpapakilala ni Venuz sa kaniyang sarili.
“What’s your family background? Let me guess, you’re just poor like your bestie, ‘no?” Maarteng tanung ni Alex. Wow, required ba na ipangalandakan ang family background?
“No, dear. I just don’t want to share my life with you. And besides, hindi naman siguro required na ipangalandakan ang estado sa buhay, diba prof?” Tumango lang ang prof namin sa kaniya. Aba, dapat lang. Alam niya mangyayari sa kaniya once na magkamali siya ng sabihin.
“Owww. Buuurn!!”
“May kumakalaban na kay Alex ah. Niceee!”
Sigawan ng iba naming kaklase, hindi ko na lang sila pinansin pa at nginisian na lang. That’s my bestfriend. She will not be my bestfriend for nothing. Ako na din pala ang susunod na magpapakilala kaya tumayo na ako.
“I’m Angelica Sanchez. 22,” iyon lang ang sinabi ko at akmang uupo na nang magtanung ang isa sa kaklase namin.
“Iyon lang?” Tinangohan ko lang siya.
“Really? Sabagay, mukhang wala naman interesting sa buhay mo,” tumawa pa ito at nagtawanan din ang mga kaklase naming. Narinig ko din na tumawa ang grupo ng Vermin. Akala naman yata nila maiinsulto ako.
“Yep,” maikling sagot ko lang.
Hindi ko naman kailangan ipangalandakan pa ang buhay ko sa kanila. Malalaman din naman nila sa takdang panahon.
Since tapos na magpakilala kaming mga babae, sumunod naman ang mga lalaki. Habang nagpapakilala sila sa isa’t-isa, iniisip ko kung ano ba pumasok sa isip ko at umeksena agad ako sa nangyari kagabi. Muntik na akong mapurohan, ang dami pala ng mga kumag na ‘yon.
Sa lalim ng pag-iisip ko, hindi ko namalayan na sumunod na pala magpakilala itong mga lalaking kahilera namin sa upuan – ang Vermin.
Unang nagpakilala ‘yong lalaking may pagka-petite ang katawan. May pagkamoreno, pero mukhang siya ang jolly sa kanila.
“Hi, guys! I’m Kevin Shawn, you can call me babe if you want. 21 years of age,” kumindat pa ito dahilan nang pagtili ng mga kaklase namin. Pambihira, mukhang babaero din pala.
“James Ashford, 22 years old.” Mukhang siya ang tahimik sa kanila, may pagka-misteryoso ang mukha. Bilugan na may pagka-singkit ang mata niya, parang malalim kung mag-isip.
“Hey, Romnic Cruz. 21 years old. Nice to meet you, guys!”
Kababata namin siya ni Venuz, but for some reason hindi na kami nagkakasama ulit. I think more than 13 years din kaming hindi nagkita-kita. Well, that’s fine for me.
Sumunod na nagpakilala naman ‘yong dalawa sa grupo nila, ‘yong isa ay mukhang may pagkahambog na loko-loko din kung titignan. Hindi siya payat hindi rin kataban, kung baga tama lang sa kaniya at bumagay sa hugis mala-puso niyang mukha. Iyong isa naman mukhang siya ang leader sa kanilang grupo dahil sa well-build na hubog ng kaniyang katawan, and his aura is literally saying that I-am-the-boss-here.
“Kurt Walter Lennon, 22.”
Mukhang may similarity din kami, ah? Tipid na tipid din magpakilala. Sabagay, sa awra niyang ‘yan hindi na nakakapagtaka.
“Hello. I am Steve Finch. 21 years of age. Ang nag-iisang gwapong anak ng may-ari ng Finch Company!” sabi na hambog, e. Posturang hambog din kung magpakilala. Magkakaiba sila ng personalidad.
“Alright, since tapos na kayo magpakilala, pwede na kayo mag lunch break.” Buti naman at hindi na muna nag-discuss, gusto ko magpahinga muna. Napasobra yata ako kagabi. Mag isa lang akong naglalakad dahil si Venuz ay pupunta raw muna ng locker room. Kukunin niya ‘yong ibang gamit na dala niya.
Habang naglalakad ako sa corridor may narinig akong nagdadaldalan sa daan. Sa lakas ng boses nila rinig na rinig ko kung ano yung pinaguusapan nila.
“Tang*na, pare. Mabubuhay pa ba si Elmer? Balita ko napurohan talaga ng malala kagabi e.”
“Walanghiya naman kasi. Malaman ko lang talaga kung sino yung umeksena kagabi, talagang hindi na siya sisinagan pa ng araw. Badtrip!”
“Hindi mo man lang ba nakita mukha no’n?”
“Hindi pare, may takip sa mukha e. ‘Di ko matanggal kagabi, masyadong mabilis kumilos. Kita mo ‘tong sinemento kong braso? Gag*, ang sakit pare.”
“Deserved niyo naman,” mahinang bulong ko ng maglakad ako sa direksyon nila.
“Anong sabi mo?”
Mukhang narinig yata sinabi ko, ah?
“Hmm? Wala naman ako sinasabi,” usal ko sa kanila na tila ba naguguluhan ako sa tanong nila kahit na ang totoo ay tuwang-tuwa ang kalooban ko. Deserved niyo lang yan dahil sa kamanyakan niyo. Buti nga pinagbigyan ko pa silang mabuhay.
“Pare, wag mo na pansinin ‘yan. Wala ka naman mapapala diyan. Tignan mo nga, napaka-jologs,”
“Pasalamat ka at hindi ka maganda.”
Akalain mo, sa panget nilang iyon may gana pa silang mamili ng babae? At, ano daw? pasalamat ako? baka sila dapat ang magpasalamat. Natawa na lang ako sa isip ko.
Bago ako lumakad paalis ay binigyan ko sila ng makahulugang ngisi.
“Gago pare, kinilabutan ako sa ngisi ng babaeng ‘yon, ah?” rinig ko pa bago ako tuluyang mawala sa paningin nila.
Hello ka-Nerdys, Gusto ko lang magpasalamat sa inyo, lalo na sa 'yo na sumuporta sa aking akda hanggang dulo. Lubos ang aking pasasalamat sa pagsubaybay ninyo sa journey ng buhay ng mga taong nasa loob ng aking kwento na ito. Nawa'y patuloy ninyo akong suportahan sa mga susunod ko pang akda. I am truly grateful to have you, guys! Sa mga matyagang nagke-claim ng rewards, at lalo na sa gumagastos para mabasa ang mga lock chapters ng aking kwento, maraming salamat! Sa inyong mga pagboto ay akin ring ikinagagalak ng lubos-lubos. Nawa'y napahanga ko kayo sa ating bida na si Angelica na parang kabute madalas. HAHAHA Hanggang sa muli aking mga ka-Nerdy! Maraming salamat, Nagmamahal, _iamlezy / Bebe
ANG PAGTATATAPOS5 years later ..."Nasaan na ba si Alex? Magsisimula na," saad ni Trixie sa kaniyang mga kasama.Napalingon silang lahat sa babaeng halos masira ang pinto dahil sa lakas ng pagbukas nito. Hingal na hingal ito na para bang tumakbo ng ilang kilometro."Ayan na pala si Alex, e," tumatawang usal ni Alicia kay Alex na nakasalampak na sa sofa at naghahabol ng kaniyang hininga."Anong nangyari sa 'yo, te?" usal ni Trixe."Hinintay ko pa si Angelica." Hinihingal nitong sagot."Ha? Gaga ka, alam mo naman sumusulpot lang iyon pag gusto niya.""Ay, hindi puwede 'yon. Alam niyang importanteng araw ito.""Hintayin na lang natin siya, baka mamaya nandito na rin iyon." Napabuntong hininga na lang si Alex sa sinabi ni Venuz at hindi na nagsalita pa."O siya, umupo ka na roon pa
"Hi dad, kumusta ka riyan?" mahinang sambit ni Angelica.Narito siya ngayon sa sementeryo kung saan nakalibing ang kaniyang ama. Ilang araw bago pa siya nakadalaw dito at siya lang mag-isa.Umupo siya sa at saka hinawi niya ang mga dahon sa lapida ng kaniyang ama at saka niya nilapag ang mga bulaklak na kaniyang binili. Nagsindi na rin siya ng puting kandila at tinirik iyon. Nakangiting pinagmasdan niya ang lapida ng kaniyang ama."Pasensiya ka na ngayon lang ulit ako nakadalaw sa 'yo. Tinupad ko lang iyong pangako ko sa 'yo na hindi ako magpapakita sa puntod mo hanggat hindi kita naipaghihiganti. And look dad, nandito na ako. Sana masaya riyan kung nasaan ka man, medyo natagalan lang ako sa pagdalaw.""Oo nga pala, dad. May kasalanan din ako sa 'yo, napatay ko si Romnic. Ihingi mo na lang ako ng tawad sa kaniya kung sakaling magkita kayo riyan, ha?" Hindi napigilang matawa ni Angelica sa kaniyang sinasabi at unti-unting bumu
Angelica's POVWala akong maramdaman na kahit ano sa pag-alis ko sa lugar na iyon. Walang kahit na anong awa o pagsisisi akong naramdaman sa nagawa ko sa pamilyang iyon, puro galit lang ang natira sa akin."Sa wakas dad. Naipaghiganti na rin kita," usal ko sa aking sarili habang nagmamaneho.Patungo ako ngayon sa taong kikitain ko ngayon pero bago 'yon ay may dadaanan muna ako. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-dial ako sa aking telepono."I'm already here, baby." Napangiti ako sa sinabi nito."Alright. Malapit na ako," sagot ko rito ng hindi natatanggal ang ngiti sa aking labi."Okay, baby. Take care!"
Isang malaking pagsabog ang narinig nila Dexie mula sa bodega na kanilang pinanggalingan. Hininto ni Steve ang sasakyan at napatingin sa direksyon sa gawing iyon. Hanggang sa mapansin nila ang sasakyan na dumaan sa kanilang gilid.Napatitig sila sa sasakyan at na dumaan at may hinala na sila kung sino ang taong nagmamaneho no'n."May binuhay kaya si Angelica doon sa tatlo?" biglang sambit ni Trixie."Wala," diretsong sagot ni Venuz habang nakatitig pa rin sa sasakyan na palayo na sa kanila."Kilala ko ang babaeng iyon, sa tagal naming magkaibigan alam ko na takbo ng utak no'n. Walang bubuhayin 'yon sa tatlo, iyong galit niyang matagal niya ng kinikimkim ay nailabas niya na,
Nanatili pa ring nakapikit si Angelica at pinapakiramdaman lang ang kaniyang paligid."Angelica, si Romnic nandito," usal ni Dexie sa kaniya.Dumilat si Angelica at malamig lang ang tinging ibinigay nito kay Romnic. Dahan-dahan niya itong nilapitan at biglang napasinghap ang mga naroon dahil sa biglaang pagsampal ni Angelica rito gamit ang likuran ng palad niya."Anong ginagawa mo rito?" Malamig ang tinig ni Angelica maging ang mata nito ay wala man lang emosyon na pinapakita. Diretso lang ang tingin nito kay Romnic."Anong ginawa mo kay Octavius?" mariing tanong pa rin ni Romnic."Wala kang pakialam, sagutin ko ang tanong ko. Anong ginagawa mo rito?" Sa bawat salitang binibitawan ni Ang
Comments