Naiinis

Mr. Playboy Playmate (SPG)
Mr. Playboy Playmate (SPG)
Hindi type ni Bernard ang mga babaeng masyadong bata sa kanya. Dahil ang pakiramdam niya ay magiging baby sitter lang siya ng mga ito kapag inaatake ng tantrums. Ngunit may isang babaeng gumulo sa kanya, si Marie, secretary ng dati niyang nililigawan na naging asawa ng kaibigan niya. Naiinis siya dito dahil mapang asar ito, hanggang isang gabi, bigla na lang niyang narealize na pwede pala niya itong magustuhan. At kabaliktaran ng pagkakakilala niya sa babaeng mas bata ang ugali nito, matured at maunawain ang dalaga. Kahit siya ang may kasalanan ay nagsosorry ito. Bigpang dumating ang kangyang first love, si Eleanor o mas kulala sa tawag na Ellue, akala niya, masisira ang telasyon nila dahil dito, ngunit si Marie ay siya lang ang pinapaniwalaan. Kaya naging maayos pa rin ang takbo ng relasyon nila, until makilala niya si Domeng, kahit noon lang niya nakilala ang kaibigan nito, sinakmal siya ng matinding selos, lalo pa at may mga ipinakitang pruweba sa kanya si Ellie na niloloko siya ni Marie. Lalo siyang nagalit sa babae. Ng matauhan siya sa mga nangyari, at nalaman niya ang totoo, parang huli na ang lahat. Kulang na lang isumpa siya ni Marie sa sobrang galit. Ayaw na siyang balikan ng babae. May pag asa pa kaya na mahalin siya ulit ng dalaga? Paano niya mapapatunayan ang pagmamahal dito kung pati mga kaibigan niya ayaw ng makialam sa kanila?
10
173 Chapters
Loved and Chained
Loved and Chained
A rebellious woman and a policeman. Will she accept that she was loved and chained by him? Tunay nga na kapag tumitigas ang ulo ng isang bata, kailangang dinidisiplina. Pero sa kaso ni Gisselle na dalaga na, hindi niya matanggap na dinidisiplina siya ng isang pulis na hindi niya naman kilala. Ang nais niya lang naman ay magrebelde dahil sa sama ng loob niya sa sarili niyang ama na dating pulis, na aniya’y tila wala naman daw sa katuwiran, at abusado sa karapatan ng kababaihan. Naging party girl siya dahil sa mga barkada niya at sinasadyang magpa-late ng uwi upang inisin ang kaniyang ama. Pero ang hindi niya alam, iyon na pala ang huling beses na magagawa niya ang mga bagay na ’yon. Nahuli siya ng mga pulis sa kalsada nang hating-gabi, at naging buena manong curfew violator sa gabing iyon. Napatawan siya ng community service sa loob ng isang buwan. Naiinis siya sa tuwing nakakakita siya ng mga pulis, lalo na ang lalaking hindi niya inaasahang makikilala niya. Naiinis siya lalo dahil desidido itong palambutin ang ulo niya. Tahimik lamang itong lalaki pero walang sinoman ang kayang bumali sa mga salita nito. Hanggang sa hindi niya namamalayan na nag-iiba na pala ang tingin at pananaw niya sa mga pulis, na hindi pala lahat ay masasama tulad ng iniisip niya noon. May tulad pa rin pala ni PCol. Carlos Joseph Guevarra na matino at disiplinadong pulis na magpapatino sa kaniyang rebeldeng pag-iisip. Lingid sa kaalaman ng dalaga, may lihim palang interes sa kaniya ang single at treinta y tres anyos na pulis. Kaya naman pala kahit na anong gawin niya ay pinapansin agad nito at todo kung makaprotekta sa kaniya. Papaano niya kaya mapipigilan ang lalaki kung siya mismo ay hindi ito magawang mapaikot sa mga kamay niya?
10
32 Chapters
FANA: The Cunning Vampire
FANA: The Cunning Vampire
COMPLETED. WARNING: Mature Contents! Fana wasn't your ordinary vampire. Oo nga't nag-uumapaw ang kanyang taglay na kagandahan at hindi nakikita sa kanyang pisikal na kaanyuan ang totoo n'yang gulang pero isang katanginan ang naglalayo kay Fana sa kanyang angkan. She hates human blood. She would rather starve herself to death or drink animal blood than imbibing mortal's blood. Ngunit isang ordinaryong binata ang nagpabago sa kanyang panlasa sa dugo. Si Reiner, isang mortal na s'yang kumuha sa pansin ng bampirang si Fana. Makulit, maingay at bastos–gano'n n'ya mailalarawan si Fana. Naiinis s'ya rito pero may parte sa kanyang hinahanap-hanap ang dalaga. For the hundreds of years living in the mortal world, hindi pa naranasan ni Fana na magmahal pero sa pagdating ni Reiner ay hindi maipaliwanag na kiliti ang bumuhay sa kanyang nagyeyelong puso. Is it just pure lust... or is she truly in love? What happens when a pervy vampire and a timid mortal stumble into each other’s lives—and slowly fall?
10
74 Chapters
The Price of Her Love After Divorce
The Price of Her Love After Divorce
“Let’s get divorce, Gale.” Nahinto sa pagsasalita si Sunset dahil sa sinabi ng asawa. Sandaling hindi niya maiproseso ang sinabi nito. Nablangko ang kanyang isipan habang nakatingin sa seryosong mukha ni Lucian. “Let’s get divorce.” Sa pangalawang pagkakataong ulitin iyon ni Lucian, tila bombang sumabog sa kanya ang anunsyo ng asawa. Pagkalito ang sumunod niyang naramdaman nang iritableng inilayo ng asawa ang pagkakadikit ng hubad nilang katawan na para bang may nakakahawa siyang sakit na dumapo lamang pagkatapos nilang magniig. Ganoon na lang ba iyon, pagkatapos siya nitong makuha, ang tingin na sa kanya ay isang basura? “Hindi magandang biro iyan, Lucian—” “You don’t want to? Magkakaroon ka ng sariling buhay. Limang taon na ang kinuha ko sa ‘yo, dagdagan ko pa ba ang pang-aabala ko?” Tumayo mula sa pagkakahiga ang asawa niya. Ang nakatalikod na matipuno nitong katawan ay tinakpan ng roba. Kaagad namang naibalot ni Sunset ang hubad na katawan sa puting kumot. “M-may problema ba tayo, Lucian?” naguguluhan niya pa ring tanong sa asawa. “Kung may mali sa akin, susubukan kong baguhin. May nagawa ba akong ikinagalit mo? H-huwag mo lang akong iwan kase hindi ko kakayanin…” “Babalik na si Eveth dito sa Pilipinas.” Hinilot nito ang sentido na para bang naiinis na sa pagdadrama niya. “Masasaktan siya kapag nalaman niyang nandyan ka pa." “Naiintindihan ko…” “Saan ka pupunta?” gulat na tanong ng asawa nang makita siya nitong nagbibihis. “Saan ka sabi pupunta?” “Hindi mo ba nakikita?” May kalituhan na tumingin sa kanya si Lucian. Hindi nito inaasahan ang magiging reaksyon niya. “Ano bang akala mo, magmamakaawa ako?” natawa nang bahagya si Sunset bago mabaling ang tingin sa tseke na nasa ibabaw ng side table. “Akala ko namamalikmata lang ako kanina. Hindi ko lubos maisip na limang milyon lang pala ang halaga ko!”
9.9
84 Chapters
Will Never Feel Longing For You
Will Never Feel Longing For You
Naiinis si Shaun Dale kay Dahlia. Hayagan kasi ang pagkagusto nito sa kanya at kulang na lang ay haranahin siya. Para kay Dahlia ay hindi niya dapat ikahiya ang kung anumang nararamdaman niya para kay Shaun Dale. She’s in love kaya ano’ng magagawa niya kundi iparamdam at ipakita iyon. Kahit na palagi siya nitong sungitan hindi niya talaga mapigilan ang nararamdaman. Mas mabuti ng masabi kaysa manahimik siya sa isang tabi. Mas lalong nadagdagan ang inis ni Shaun Dale nang itakda silang dalawa para magpakasal. Tuwang-tuwa naman si Dahlia. At dahil pursigido si Dahlia sa ‘panliligaw’ ay hindi na rin napigilan ni Shaun ang tablan sa taglay nitong kapilyahan. Kung kailan naman tila nahulog na siya, saka siya tinakbuhan ni Dahlia sa araw ng kasal nila at hindi na nagpakita pa. After a couple of years muli silang nagtagpo. Is he still longing for her? Iyon ang tanong niya sa sarili. Hindi dapat. Dahil kung totoo ang ipinaramdam nitong pagmamahal bakit siya nito tinakbuhan sa kasal?
10
48 Chapters
Chained with my boy bestfriend
Chained with my boy bestfriend
"Alam mo ikaw ha, masyado kang pala-desisyon. Buhay ko ito kaya huwag kang makialam lalo pa at wala naman ako’ng naging say sa love life mo,” naiinis na pahayag ko kay Franco. Naiinis kasi ito nang malaman na gusto ko ng magkaanak. Lagpas na ako sa kalendaryo at sa takot ko na mapag-iwanan ay ito ang naisip ko na solusyon. Wala sa vocabulary ko ang pag-aasawa dahil na rin sa naging karanasan ng nanay ko at sa nakikita ko sa paligid ko kaya nawalan na ako ng interes lalo na sa mga lalaki. Maraming nanliligaw subalit lahat sa akin ay red flags. Dagdagan pa nitong kaibigan ko na walang inaayawan basta naka-palda sa paningin nito lahat ay maganda. Mabait naman ito, matalino, responsable, masipag at madiskarte subalit sadyang palikero. “Ako ha, concern lang ako sa iyo. Huwag sanang masamain. Mamaya sa kagustuhan mo ay mapahamak ka pa.” Patuloy na litanya ni Franco sa akin. “Kaya nga bago pa mangyari iyon ay uunahan ko na. Hindi ako mai-inlove, hindi ako magiging martir at lalong hindi ko hahayaan na masaktan lang ako ng kagaya mo. Kaya nga anak lang ang gusto ko at iyon na ang pupuno sa pangarap ko. Hindi ako mag-aasawa at sakit lang iyan sa ulo,” masungit na sagot ko. “Ganun ba? Bakit ka pa maghahanap sa malayo at hindi mo kilala kung mayroon naman sa harapan mo? Ako na lang kaya, ano? Makakasiguro ka pa na galing sa magandang lahi at pamilya ang magiging anak mo,” tugon ni Franco. Napamaang ako sa naging sagot n’ya. Pwede kaya o baka magiging mitsa lang ito ng bagong kalbaryo sa buhay namin? Mas makapagpapatibay o makakasira kaya ito sa aming pagkakaibigan? Subalit hindi ko maiwasan kiligin at makadama ng challenge na baka ako lang pala ang makapagpapatino kay Franco.
Not enough ratings
3 Chapters

Bakit Maraming Fans Naiinis Sa Dulo Ng 'Game Of Thrones'?

4 Answers2025-09-13 06:41:49

Tila ba ang lahat ng taon ng pagtatalo at teorya ay natapos nang padalian—ganun ang damdamin ko nang matapos ang 'Game of Thrones'. Matagal akong nanood at nagbasa ng mga diskusyon online, sumama sa mga teorya, at pinaglaruan ang posibilidad na magwawakas nang marangal ang ilang paborito kong karakter. Ang problema para sa akin ay hindi lang tungkol sa hindi pagkakamit ng inaasahan; ramdam ko na maraming mga choice ng showrunners ang tila pinilit para sa epekto kaysa sa lohika ng karakter.

Nang tumakbo ang mga huling season, napansin ko ang tulin ng pacing—mga plotline na itinulak sa loob ng ilang episode lang, maraming setup na hindi nabigyan ng tamang payoff. Nakakainis na makita ang mga biglaang pagbabago sa ugali ng ilang tauhan na walang gradual na pagbabago para maging makatwiran ang desisyon nila. Alam ko may limitasyon ang oras sa telebisyon at malaki ang pressure sa produksyon, pero bilang manonood, nawala ang immersion ko—parang sinuko lang ang natural na pag-unlad ng kwento para sa mabilis na thrills. Sa huli, nag-iwan sa akin ang finale ng halo-halong lungkot at pagkabigo, pero hindi rin mawawala ang appreciation ko sa mga unang season na tunay na nagbigay ng intensity at karakter-driven drama.

Paano Nakakaapekto Ang Kaligirang Kasaysayan Sa Anime At Manga?

2 Answers2025-09-22 10:05:52

Sa bawat kwento ng anime at manga, tila may dalang pihit ng kasaysayan na bumabalot dito. Naisip ko noong napanood ko ang 'Attack on Titan' na talagang nakatuon ang kwento nito sa mga temang sosyal at pampolitika, isang repleksyon sa mga hamon sa lipunan ng Japan. Ang pagkakaroon ng mga titans na umaatake sa mga tao ay parang simbolo ng mga banta sa teritoryo at pagkakaisa. Tila isang paraan ito ng pagninilay sa mga kaganapan tulad ng Digmaang Pandaigdig na nagdulot sa mga tao na pag-isipan ang kanilang kaligtasan at ang halaga ng sama-samang pagkilos.

Dahil sa mga sakripisyo at pagbabago ng panahon, ang mga creator ng anime at manga ay nakikibahagi sa kanilang sariling masakit na kwento. Isipin mo na lang ang 'Fullmetal Alchemist', na hindi lamang simpleng kwento ng pagkakaibigan kundi isang salamin ng pagtanggap sa mga pagkakamali ng nakaraan at hindi makakalimutang mga aral mula sa digmaan. Bawat laban ay tila may simbolikong kahulugan mula sa kasaysayan ng kanilang bansang binuo. Sa isang banda, ang kasaysayan ay nagbibigay ng kulay at lalim sa mga kwentong ito, na lumalampas sa mga pekeng mundo patungo sa tunay na damdamin at karanasan.

Ang industriya ng anime at manga ay hindi rin nakaligtas sa mga epekto ng makabago at makasaysayang daloy. Kahit sa mga nakaraang taon, makikita ang pag-usbong ng mga tema gaya ng gender equality at environmental issues na kasalukuyang hinaharap ng lipunan. Kaya sa tuwing nanonood ako ng bagong anime o bumabasa ng bagong manga, lagi kong naiisip ang mga kwentong nakaugat sa kasaysayan, at kung gaaano ito kaimportante sa ating pag-unawa sa mga isyung panlipunan. Ang mga kwentong ito ay hindi lamang para sa entertainment; ito ay mga salamin ng ating nakaraan na nagbibigay-buhay sa hinaharap.

Sino Ang May Akda Ng 'Ikaw Ang Sagot' At Ano Ang Inspirasyon Niya?

4 Answers2025-09-25 22:44:22

Tulad ng isang sikat na tao na naglalakbay sa kanyang mga isinulat, ang may akda ng 'Ikaw ang Sagot' ay si Kiko N. B. M. Pagador. Ang aklat na ito ay tila isang masaligan at masining na pagsasalamin sa mga tema ng pag-ibig at pagkakahiwalay. Minsan, ipinapakita ng mga akda na ito ang masalimuot na damdamin ng mga tao, at sa pagkakataong ito, naging inspirasyon ni Kiko ang kanyang sariling karanasan sa pag-ibig. Pinaghirapan niyang ipahayag ang mga emosyon na talagang nagbibigay-diin sa halaga ng mga relasyon, mga pagkakataong naiwan, at ang pag-usad patungo sa hinaharap. Sa kanyang kwento, matutunghayan natin ang hindi lamang ang hamon na dala ng mga pagkukulang, kundi pati na rin ang mga mensahe ng pag-asa na maaaring bumangon mula sa mga kahirapan.

Minsan mong mahahanap ang iyong sarili na nag-iisip tungkol sa mga damdaming ito kapag bumabasa ka ng kanyang mga talata. Ang tinig ni Kiko ay nangingibabaw, puno ng saya gaya ng sining sa kanyang tinatakbuhan. Ang kanyang istilo ng pagsulat ay tila nakikipag-usap, kung saan nakikita mong sangkot na sangkot ang may akda sa kanyang mga isinulat. Sobrang relatable ng mga tao at emosyon na kanyang isinasalaysay kaya hindi nakakagulat na tunay siyang nakikipag-ugnayan sa kanyang mga mambabasa. At ito ay talagang nakakabighani.

Siyempre, maraming inspirasyon ang nagmumula sa mga karanasan at matatamis na alaala ng ating buhay. Nakikita natin ang damdaming ito na nagmumula sa kanya, na nagpapakita na ang bawat pag-ibig, kahit gaano ito kasakit, ay may dalang ganda at aral. Para kay Kiko, ang mga alaala ay hindi lamang tayo nag-uudyok na lumisan at lumipat kundi nagsisilbing mga talinghaga sa ating pag-unlad bilang mga tao.

Ano Ang Mga Aral Ng 'Ang Prinsesa At Ang Pulubi'?

5 Answers2025-09-30 02:50:07

Isang magandang kwento ang 'Ang Prinsesa at ang Pulubi' na tila masiyang tiningnan, ngunit sa likod nito ay napakaraming aral na dapat isaalang-alang. Isa sa mga pangunahing mensahe ay ang tunay na halaga ng pagkatao na hindi nasusukat ng estado ng yaman. Ang prinsesa, na nakilala ang pulubi nang hindi siya nalalaman, ay natutunang pahalagahan ang mga simpleng bagay sa buhay at ang Ipinahiwatig nito na ang pagmamahal at malasakit sa kapwa ay lumalampas sa materyal na bagay. Ang pamumuhay sa kahirapan ng pulubi ay nagturo sa prinsesa kung paano maging mapagpakumbaba, at sa huli, pinatahimik ang kanyang puso sa pag-ibig at tunay na pagkakaibigan,

Hindi lang ito isang kwento ng pag-ibig, kundi isang pagninilay rin sa mga alituntunin ng lipunan. Sa pamamagitan ng kanilang relasyon, naipakita na ang tunay na pagkakaisa at pananampalataya sa tamang pagmamahal ay higit pa sa mga pinapangarap na bagay sa buhay. Ipinapakita nito na kadalasang mas importante ang mga emosyonal na koneksyon kaysa sa mga pisikal na bagay na mayroon tayo. Ang aral na ito ay mahalaga lalo na sa mga taong madalas naliligaw sa mundo ng materyalismo at nahuhulog sa trap ng kasinungalingan ng yaman.

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status