Love start at Contract
Kaya napagpasyahan namin na I-celebrate iyon sa isang madilim at nagkikislapang ilaw, wala pa ganung tao roon dahil sabi nila ay mas matao kapag lumalalim pa ang gabi, Ladies drink sa amin ni Charito na may kaunting tapang, araw naman ng linggo kaya naisipan ko rin subukan ang ganito.
At habang patagal ng patagal ay dumadami na rin ang mga tao, may mga kakilala silang dumarating at nakisama sa amin celebration.
Hindi ko na nabilang kung ilan ang nainom ko, pero pakiramdam ko ay nahihilo na ako, sabay nag-aya pa sila na sumayaw kami at magpapawis, pumayag naman ako, pero parang kakaiba ang tingin ng mga tao sa sayaw ko, iba iba ang ekspresyon nila, may nakatawa, may nakangiwi ang iba naman napapailing, ngunit wala akong pakial
am hanggang patigilin ako ni Charito.