WHEN HATE TURNS TO LOVE
“So, sa loob ng sampung taong magsasama kayo ay mananatili kang tahimik na nasasaktan sa patuloy niyang pakikiapid sa iba, mananatili kang walang pakealam sa ginagawa niya sa buhay niya, at mananatiling nagpapakababa dahil hinahayaan mo siyang tratuhin ka ng ganiyan? And then what? After ten years, you will end up crying kasi maghihiwalay kayo.”
“We can still be friends, though.”
“Oh, what a relief!” Connie uttered sarcastically.
“I’m… still hoping Cayson would learn to love me—”
“I hope so, too. Rosenda Marie. Dahil gusto kong makita kang totoong masaya sa taong mahal mo.” Ibinaba ni Connie ang hawak na mug sa coffee table at hinarap siya. Tinitigan siya nito nang diretso sa mga mata, saka banayad na ngingitian. “Mas masaya kung mahal ka rin ng taong mahal mo. Mas masarap gumising sa
umaga na katabi mo ang taong mahal ka rin, at mas magaan sa dibdib na salubungin ang bawat araw kasama ang taong mahal ka. Mas magandang gumawa ng plano para sa kinabukasan kasama ang taong gusto ring kasama ka hanggang sa huli. This is how I feel with Jack. And this is what I want you to feel with Cayson, Rome. Love is a two-way traffic, not just one.”