elsewhere225
Blurb
THE HEIRESS RETURNS FOR REVENGE
Patay na si Arabella... iyon ang paniniwala ng kanyang pamilya at ng dati niyang asawang si Dominic.
Matapos lokohin ng sariling asawa, pagtaksilan ng pinsan, at pagkaisahan ng mga taong pinakamamahal niya, tuluyan siyang nawalan ng dahilan para mabuhay. Sa sobrang sakit at bigat ng mga pagtataksil, pinili niyang wakasan ang lahat. Ngunit bago tuluyang magwakas ang kanyang buhay, isang misteryosong lalaki na nagngangalang Agustus ang dumating upang iligtas siya.
Binigyan siya nito ng bagong pangalan, bagong pagkatao, at kapangyarihang magsimula muli.
Pagkalipas ng tatlong taon, isang babaeng kamukhang-kamukha ni Arabella ang biglang nagbalik. Pareho ang mukha, ngunit ibang pangalan na ang dala niya. Hindi na rin siya ang dating babaeng madaling magpatawad at bulag na nagmamahal.
This time, she has power, wealth, and a score to settle.
Akala ng lahat ay nailibing na nila ang nakaraan kasama si Arabella. Ngunit paano kung ang babaeng inakala nilang patay na ang siya ngayong magiging pinakamalaking bangungot nila?
"They thought they had buried their past. But what if the past returns to bury them?"
3