Moonlighty_Jaaa
Matapos ang pag-aaral ni Snow sa kolehiyo, napilitan siyang umalis sa probinsiya na kasama ang kaniyang Lolo at Lola upang magtrabaho sa isang syudad. Pansamantalang iniwan niya ang mga ito upang mapagamot ang kaniyang Lolo na may malubhang sakit.
Hindi naging maganda ang naging buhay ni Snow sa syudad. Maraming paga-adjust ang ginawa niya upang mabuhay sa isang syudad. Nakabangga niya ang anak ng mga Valderrama na si Nicholas Flinn, ubod ng sama sa ugali at walang sinusunod. Sa kabila ng hindi magandang pagtrato ni Nicholas kay Snow ay nanatili ang kabaitan nito at piniling intindihin.
Hindi nagtagal ay naging malapit ang dalawa. Naipagkasundo si Nicholas sa ibang babae para sa kanilang kumpanya, ngunit nailigtas ito sa pamamagitan ng pagkakaruon niya ng relasiyon kay Snow. Hindi naman nagustuhan ng pamilya ni Nicholas si Snow at pinagpilitan itong itaboy.
Dumating ang araw na nalaman ni Florina na siyang Ina ni Nicholas ang tungkol kay Snow, siya ang batang ipinagbubuntis noon ng babaeng karelasiyon ng kaniyang asawa noon. Si Florina rin ang pumaslang sa mga magulang ni Snow dahil lang sa pagmamahal niya kay Nico na kaniyang asawa. Dahil doon, mas lalong kinasuklaman niya si Snow, at sinabi kay Nicholas ang totoo. Na baka sila ay magkapatid. Hindi nagtagal naging malamig na rin ang pakikitungo ni Nicholas kay Snow at tinaboy ito. Kahit buntis si Snow ay pinili niya na lamang umalis at hindi sabihin kay Nicholas ang tungkol doon.
Hindi nagtagal ay nalaman ang totoo na wala talaga silang koneksiyon sa isa't isa. Muntik na rin na ipapaslang ni Florina si Snow, mabuti at hindi pa nahuli ang lahat.
Sa huli, nagkapatawaran ang lahat sa nangyari. Mas pinili ni Snow na bigyan ng tahimik na buhay ang kaniyang anak at kalimutan ang nakaraan.
138