تسجيل الدخولMatapos ang pag-aaral ni Snow sa kolehiyo, napilitan siyang umalis sa probinsiya na kasama ang kaniyang Lolo at Lola upang magtrabaho sa isang syudad. Pansamantalang iniwan niya ang mga ito upang mapagamot ang kaniyang Lolo na may malubhang sakit. Hindi naging maganda ang naging buhay ni Snow sa syudad. Maraming paga-adjust ang ginawa niya upang mabuhay sa isang syudad. Nakabangga niya ang anak ng mga Valderrama na si Nicholas Flinn, ubod ng sama sa ugali at walang sinusunod. Sa kabila ng hindi magandang pagtrato ni Nicholas kay Snow ay nanatili ang kabaitan nito at piniling intindihin. Hindi nagtagal ay naging malapit ang dalawa. Naipagkasundo si Nicholas sa ibang babae para sa kanilang kumpanya, ngunit nailigtas ito sa pamamagitan ng pagkakaruon niya ng relasiyon kay Snow. Hindi naman nagustuhan ng pamilya ni Nicholas si Snow at pinagpilitan itong itaboy. Dumating ang araw na nalaman ni Florina na siyang Ina ni Nicholas ang tungkol kay Snow, siya ang batang ipinagbubuntis noon ng babaeng karelasiyon ng kaniyang asawa noon. Si Florina rin ang pumaslang sa mga magulang ni Snow dahil lang sa pagmamahal niya kay Nico na kaniyang asawa. Dahil doon, mas lalong kinasuklaman niya si Snow, at sinabi kay Nicholas ang totoo. Na baka sila ay magkapatid. Hindi nagtagal naging malamig na rin ang pakikitungo ni Nicholas kay Snow at tinaboy ito. Kahit buntis si Snow ay pinili niya na lamang umalis at hindi sabihin kay Nicholas ang tungkol doon. Hindi nagtagal ay nalaman ang totoo na wala talaga silang koneksiyon sa isa't isa. Muntik na rin na ipapaslang ni Florina si Snow, mabuti at hindi pa nahuli ang lahat. Sa huli, nagkapatawaran ang lahat sa nangyari. Mas pinili ni Snow na bigyan ng tahimik na buhay ang kaniyang anak at kalimutan ang nakaraan.
عرض المزيدPROLOGUE
KABADO akong naglalakad ngayon papunta sa loob ng mansion ng pamilyang Valderrama. Ang dalawa kong kamay ay nakayukom habang nasa dibdib ko at humihinga ng malalalim. Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa malaking pintuan. “Kaya ko 'to. Magiging okay naman siguro lahat kapag sinabi ko.” Pagpapalakas loob na sabi ko sa sarili ko at tuluyan ng pumasok sa loob. Pagkapasok, natagpuan ko ang Ina ni Nicholas na si Mrs. Florina na nakaupo sa sala at nagbabasa ng libro. Sa kaniyang pag-upo palang ay mahahalata mo talagang mataas ang estado sa buhay at hindi madaling kalabanin. Kasama niya ang kaniyang mga kasamahan, kaibigan niya na kasama niyang nag-palaki sa mga kumpanya. “What are you looking for?” Bahagya akong nagulat at tinanggal ang tingin sa kaniya. “W-Wala po.” Mahinang sabi ko at nagsimulang maglakad papunta sa taas upang hanapin ni Nicholas. Rinig ko naman ang mahina nilang tawanan. “Florina, siya ba 'yong binabanggit mo na pinili ng anak mo? Kailan pa kayo tumanggap ng low profile? Malaki ba naitutulong niyan sa kumpanya?” “Hm, I heard mula yan sa simpleng pamilya lang. Bakit ka naman pumayag Florina.” Dinig ko na pag-uusap nila. Naramdaman ko naman ang pagka inis ni Mrs. Florina. “Talagang wala ka pa ring balak umalis. Yaya! Can you please clean this area? Ang dami pa ring basurang pakalat kalat sa paligid.” Napayuko ako sa isinigaw ni Mrs. Florina. Napansin ko pa ang pag-irap nito sa akin. Siguro nga ay hindi na ako matatanggap ng pamilya ni Nicholas. Mabigat man sa dibdib ay isinawalang bahala ko nalamang iyon at nagpatuloy sa paglalakad. Habang papalapit ako sa kuwarto ni Nicholas ay mas lalong kumakabog ang dibdib ko. Kinakabahan ako ng subra sa hindi maipaliwanag na dahilan. Muli akong bumuntong hininga at tumigil sa tapat ng pintuan na bahagyang nakabukas. Kakatok na sana ako rito ngunit nakarinig ako ng usapan mula sa loob ng kuwarto niya. Inilapit ko ang tenga ko at sinubukang makinig. Nanikip ang dibdib ko ng marinig ang tinig na iyon. “Your family clearly wants me more than that b!tch. Aren't you called me here because you need me? I heard na, you are planning to divorce her.” Napatigil ako, kilala ko ang buses na 'yon. Siya sana ang Fiancée ni Nicholas. “That's not—” Hindi na natuloy ang sasabihin ni Nicholas. Binuksan ko ang pintuan. Ngunit sa kabila non, nakaramdam ako ng kakaibang sakit sa puso, galit na umaapaw sa buong katawan ko. “Nicholas.” Mahinang sabi ko habang tinitignan ang mga labi nilang nakalapat sa isa't isa. Gulat na napatingin sa akin si Nicholas at itinulak si Klea. Napakuyom ako ng kamao at napatulala. Walang masabi, walang maramdaman at halos hindi na makagalaw sa kinatatayuan. Sa buong buhay ko'y hindi ko naramdaman ang ganitong klaseng pait. Dahan dahan akong napalunok habang nararamdaman ang kung anong nakabaradong bagay sa lalamunan ko. “S-So,” hindi ko na natuloy ang sasabihin dahil naramdaman kong uminit ang magkabilaang mata ko sa simpleng salita lang. Huminga ako ng malalim at pinilit kong pigilan ang mga luhang gusto ng kumawala. “Why you d-didn't tell me.” Napatigil ako. Tinitigan ko siya ng puno ng pagtataka. Itinaas ko ang palad ko na pinapatigil siya na balak magpaliwanag. Alam ko na, malinaw na sa akin ang lahat at hindi niya na kailangan pang magpaliwanag. “Okay na, malinaw na sa akin lahat. Pero sana naman, sinabi mo una palang.” Tuluyan ng bumagsak ang mga luha kong pilit kong pinigilan. Marami pa akong gustong sabihin, ngunit hindi ko na naituloy. Bago pa man ako makaalis ay nakita ko pa ang pagtawa ni Klea. Mabilis akong pumunta sa kuwarto ko habang paulit ulit na pinapahid ang luha ko. Pagkasara ko ng p***o ay napaupo nalang ako habang nakasandal. Pinipigilan ang sarili na masaktan ng subra at mapahagulgol. Napahawak ako sa tiyan ko. “Baby, ako na b-bahala sa 'yo. Pasensiya ka na. A-Ayaw nila sa akin. Aalis na tayo, hindi na niya kailangan pang malaman ang tungkol sa 'yo.” Nanginginig ang tuhod kong napatayo habang dahan dahan kong inaayos ang mga gamit ko para umalis. PAGDATING ng gabi naihanda ko ang mga gamit ko at handa ng umalis. Wala na ring saysay kung magpapaalam pa ako kay Nicholas kaya hindi ko na naisipan pang dumaan sa kuwarto niya. Dala ang mabibigat na buntong hininga akong bumaba sa hagdan. Wala akong balak magpaalam kahit kanino sa kanila. Lahat naman sila ay pare-pareho ang pagtrato sa akin. Si Lola Rowena lang ang nagmamalasakit sa akin dito. 'Yon nga lang hindi ako makakapag paalam ng maayos dahil wala naman siya dito. Kasalukuyan siyang nagpapagaling sa ibang bansa. Saka ko nalang siguro siya kakausapin pag umuwi siya o magkita kami. Pagkababa ko, nadatnan ko ang ama ni Nicholas. Si Mr. Nico. Kumpara sa Ina at mga kamag-anak ni Nicholas, masasabi kong maayos pa siya dahil hindi siya ganon palaimik. Ayaw niya rin sa akin, pero hindi siya subra kung umasta. Tinignan niya ako ng nakataas ang kilay saka napunta sa mga gamit ko. “Saan ka pupunta ng gabing gabi? Gawa ba 'yan ng may asawa na?” Napayuko ako. Wala na nga talaga akong aasahan sa pamilyang 'to. “A-Aalis na po ako. Pasensiya na po sa abala.” Tinignan niya lang ako ng parang wala lang at nagpakawala ng hininga. Binalik niya ang paningin sa ginagawa. Nang hindi na siya magsalita, nagpatuloy ako sa paglalakad palabas ng malaking bahay na nagdulot sa akin ng matinding sakit. Pagkalabas ko mula sa malaking gate, napatingin pa ako sa buong bahay. Isang napakalaking bahay na nagbigay rin ng napakalaking sugat sa puso ko. Nakakapagtaka kung bakit sa tagal ng panahon, mas pinili kong manatili ng matagal sa bahay na ito. Ngayon tila nabunutan ng malaking harang sa katawan ko. Kung sana noong una palang hindi ako nabulag sa pagtrato nila. Kung sana noong una palang hindi na ako nagpaniwala sa loob ko na mababago ko sila at matatanggap ako, siguro hindi mangyayari ang lahat ng ito. Napabuntong hininga ako saka tinakpan ng itim na tela ang ulo ko. Napapabuntong hiningang tinahak ang madilim na daan at tinanggap ang buhay na ako rin mismo ang gumawa. —CHAPTER 2SNOW EVE POINT OF VIEWILANG ARAW ang nakalipas na halos mabigat ang pakiramdam ko dahil sa mga nalalaman ko. Sa mga nagdaang araw nga na iyon mas marami akong nalaman sa panluluko sa akin ni Dwayne. Marami na rin pala ang mga nakakita, ang nakakaalam. At dahil sa tulong ni Thyra nalaman ko ang mga iyon. Nanghihinayang ako, nalulungkot sa dahilan na 'yong taong minahal ko ay wala naman talagang espesiyal na nararamdaman para sa akin. Namamanhid ang katawan ko at halos tinatamad sa lahat ng bagay. Gayon pa man ay hindi ako naiyak, hindi siya subrang sakit. Siguro dahil una palang talaga ay alam ko na sa sarili ko ang bagay na iyon. Nagbulagbulagan lang ako at hinayaan ko ang sarili ko na maluko ng harap harapan. Kaya ngayon na malinaw na sa akin lahat ay parang matagal ko ng tanggap. Hindi ko nga pala deserve ang ganong mga tao. Iyon nga lang ay hindi talaga maiwasang malungkot at makaramdam ng bigat sa puso ko.Kahit papaano ay may pinagsamahan pa rin kami ni Dwayne, nagin
CHAPTER 1— Snow Eve AleraSNOW EVE POINT OF VIEW"LOLO, Lola, nandito na po ako—" Napatigil nalang ako ng may marinig akong nag-uusap sa loob ng maliit naming bahay. Tinanggal ko kaagad ang sapatos ko at umakyat sa bahay na gawa sa kawayang sahig at mga kahoy na ding-ding.“Malapit na po ang deadline ng isinanla niyong lupa. Balita rin po namin na may hindi pa kayo nababayarang utang. Gusto lang po namin ipaalala na kailangan niyo ng bayaran bago pa kayo mapaalis.”Saglit akong napatigil sa narinig. Humihinga naman ako ng malalim. “Kung kami kaya niyo pang makiusapan na maextend ang deadline. Pero ang pinag-utangan niyo po, mukhang malaki ang nakuha niyo sa kanila.” Napakagat labi naman ako at tuluyan ng pumasok sa loob. Nagsitinginan naman sila sa akin. Ngumiti nalang ako at dumeretso kay Lolo at Lola saka nagmano. Nginitian ko rin naman ang dalawang taong pumunta dito. Sila ang mga taong pinagsanlaan namin ng lupa.Dahil sa pag-aaral ko sa kolehiyo, kinakailangan naming isanla ang
PROLOGUEKABADO akong naglalakad ngayon papunta sa loob ng mansion ng pamilyang Valderrama. Ang dalawa kong kamay ay nakayukom habang nasa dibdib ko at humihinga ng malalalim. Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa malaking pintuan. “Kaya ko 'to. Magiging okay naman siguro lahat kapag sinabi ko.” Pagpapalakas loob na sabi ko sa sarili ko at tuluyan ng pumasok sa loob. Pagkapasok, natagpuan ko ang Ina ni Nicholas na si Mrs. Florina na nakaupo sa sala at nagbabasa ng libro. Sa kaniyang pag-upo palang ay mahahalata mo talagang mataas ang estado sa buhay at hindi madaling kalabanin. Kasama niya ang kaniyang mga kasamahan, kaibigan niya na kasama niyang nag-palaki sa mga kumpanya.“What are you looking for?” Bahagya akong nagulat at tinanggal ang tingin sa kaniya.“W-Wala po.” Mahinang sabi ko at nagsimulang maglakad papunta sa taas upang hanapin ni Nicholas. Rinig ko naman ang mahina nilang tawanan.“Florina, siya ba 'yong binabanggit mo na pinili ng anak mo? Kailan pa kayo tumang












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.