jaymickdelulu
ONE NIGHT, ONE SECRET: MY HUSBAND’S UNEXPECTED OBSESSION
May-akda: jaymickdelulu
“Grace, ingatan mo itong pendant. Ito ang susi sa pagtuklas ng tunay mong pagkatao…”
Iyan ang mga huling salitang binitiwan ng lola ni Grace Miller bago ito tuluyang pumanaw. Ngunit hindi na nito naipaliwanag ang lihim na maaaring magpabago sa buong buhay ng apo.
Tatlong taon nang umiibig si Grace kay Ethan Carter. Tatlong taon na silang kasal, ngunit hindi kailanman niya naranasang maging babaeng inuuna nito. Kahit nakakulong siya dahil sa krimeng ipinagpipilitan niyang hindi niya ginawa, patuloy siyang umasa na balang araw ay mamahalin din siya ng kaniyang asawa.
Ngunit nang kailangan siya ng kaniyang lola sa mga huling sandali nito, mas pinili ni Ethan na iligtas si Sophia White—ang babaeng palagi nitong inuuna.
Pagkamatay ng kaniyang lola, tuluyan nang nadurog ang puso ni Grace.
“Pagod na akong magmakaawa para sa pagmamahal mo, Ethan. Let’s file an annulment.”
Natawa lamang ang lalaki.
“Hindi ka basta-basta makakaalis sa buhay ko, Grace. Asawa kita!”
Ngunit sa pagkakataong ito, pinili ni Grace ang sarili.
Palihim niyang itatago ang kaniyang pagbubuntis habang sinisimulan ang bagong buhay. Kasabay nito, sisimulan niyang tuklasin ang misteryong nakatago sa jade pendant—isang lihim na maaaring magbago sa kaniyang kapalaran.
Habang unti-unting nabubunyag ang tunay niyang pagkatao, saka naman nagsisimulang habulin ni Ethan ang asawang dati niyang binabalewala.
Ngunit paano kung sa oras na matuklasan niya ang halaga ni Grace, wala na itong balak bumalik?
Kapag nabunyag ang katotohanan, sapat pa kaya ang pagsisisi ni Ethan upang mabawi ang babaeng minsan niyang itinaboy?
155