One Night, One Secret - My Husbands' Unexpected Obsession

One Night, One Secret - My Husbands' Unexpected Obsession

last updateLast Updated : 2026-10-27
By:  jaymickdeluluUpdated just now
Language: English
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
24views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

ONE NIGHT, ONE SECRET: MY HUSBAND’S UNEXPECTED OBSESSION May-akda: jaymickdelulu “Grace, ingatan mo itong pendant. Ito ang susi sa pagtuklas ng tunay mong pagkatao…” Iyan ang mga huling salitang binitiwan ng lola ni Grace Miller bago ito tuluyang pumanaw. Ngunit hindi na nito naipaliwanag ang lihim na maaaring magpabago sa buong buhay ng apo. Tatlong taon nang umiibig si Grace kay Ethan Carter. Tatlong taon na silang kasal, ngunit hindi kailanman niya naranasang maging babaeng inuuna nito. Kahit nakakulong siya dahil sa krimeng ipinagpipilitan niyang hindi niya ginawa, patuloy siyang umasa na balang araw ay mamahalin din siya ng kaniyang asawa. Ngunit nang kailangan siya ng kaniyang lola sa mga huling sandali nito, mas pinili ni Ethan na iligtas si Sophia White—ang babaeng palagi nitong inuuna. Pagkamatay ng kaniyang lola, tuluyan nang nadurog ang puso ni Grace. “Pagod na akong magmakaawa para sa pagmamahal mo, Ethan. Let’s file an annulment.” Natawa lamang ang lalaki. “Hindi ka basta-basta makakaalis sa buhay ko, Grace. Asawa kita!” Ngunit sa pagkakataong ito, pinili ni Grace ang sarili. Palihim niyang itatago ang kaniyang pagbubuntis habang sinisimulan ang bagong buhay. Kasabay nito, sisimulan niyang tuklasin ang misteryong nakatago sa jade pendant—isang lihim na maaaring magbago sa kaniyang kapalaran. Habang unti-unting nabubunyag ang tunay niyang pagkatao, saka naman nagsisimulang habulin ni Ethan ang asawang dati niyang binabalewala. Ngunit paano kung sa oras na matuklasan niya ang halaga ni Grace, wala na itong balak bumalik? Kapag nabunyag ang katotohanan, sapat pa kaya ang pagsisisi ni Ethan upang mabawi ang babaeng minsan niyang itinaboy?

View More

Chapter 1

Chapter 1

“Ang tagal na nating hindi ginagawa ito…”

Dumampi sa tainga ni Ethan ang malamig ngunit mapang-akit na labi ng lalaki. Ang malalim at paos nitong tinig ay sapat para magpabilis ng tibok ng puso ni Grace.

Sinubukan niyang umiwas, ngunit mapilit na hinabol ni Ethan ang kanyang mga labi.

“Sandali lang,” bulong nito.

Ngunit ang sandaling iyon ay tila walang katapusan. Hindi siya pinakawalan ng lalaki hangga't hindi halos mawalan ng lakas si Grace.

“Are you hurt?”

Kasabay ng malalim na tinig nito ang marahang paghaplos sa kanyang pisngi.

“I’ll buy your latest favorite bag later.”

Sa harap niya ay ang lalaking minahal niya sa loob ng tatlong taon—isang lalaking pinagkalooban ng perpektong mukha, malamig na mga mata, at likas na awtoridad na kayang magpatahimik sa sinumang kaharap niya.

Si Ethan Carter.

Ang asawa niya sa papel, ngunit hindi kailanman naging kanya sa puso. Tatlong taon na silang kasal. Kilalang-kilala na ni Grace ang ugali nito. Kapag nasisiyahan si Ethan, nagiging mapagbigay ito. Para bang kayang tumbasan ng mamahaling regalo ang lahat ng pagkukulang nito bilang asawa.

Mapait siyang ngumiti.

“Ethan, please. Kahit ngayong araw lang, puwede bang ako pagbigyan mo naman ako?”

Natigilan si Ethan Carter habang inaayos ang cufflinks ng kaniyang itim na suit. Dahan-dahan siyang lumingon sa babaeng nakatayo sa likuran niya.

“What are you talking about, Grace?”

Napakagat-labi si Grace. Kanina pa niya pinag-iipunan ng lakas ng loob ang sasabihin, ngunit sa malamig na tingin ng lalaki, pakiramdam niya ay muli na naman siyang nagmamakaawa para sa isang bagay na hindi nito kailanman gustong ibigay.

“Tumawag ang hospital. Kritikal na raw ang kondisyon ni Lola. Gusto ko siyang puntahan, Samahan mo naman akong dalawin siya.”

Dahil nakakulong pa siya, hindi siya basta-bastang makalalabas. Ngunit dahil sa kanyang magandang ugali sa loob, pinayagan siyang magkaroon ng pansamantalang pagbisita sa pamilya.

Isang taon nang nakakulong si Grace dahil sa kasong may kinalaman sa pagkahulog ni Sophia White sa hagdan. Isang buwan na lang at matatapos na ang kaniyang sentensiya. Ngunit sa halip na matuwa sa nalalapit na paglaya ng asawa, tila wala lang kay Ethan ang lahat.

Tumingin si Ethan sa kaniyang relo.

“I have a meeting this afternoon.”

“Pero Ethan, isang araw lang ang ibinigay sa akin para makalabas ng kulungan. Baka ito na ang huling pagkakataon kong makasama ang Lola ko.”

Saglit na natahimik ang lalaki.

Kumuha siya ng bank card sa kaniyang wallet at iniabot iyon kay Grace.

“Take this. Bumili ka ng kahit anong kailangan ng lola mo.”

Hindi agad tinanggap ni Grace ang card.

“Hindi pera ang kailangan niya, Ethan. Gusto niya tayong makita.  She wants to make sure na we are okay.”

“Then tell her we're fine.”

“Paano ko sasabihin iyon kung hindi naman totoo?”

Biglang tumalim ang tingin ni Ethan.

“Grace, don't start.”

Napayuko siya.

Sa loob ng tatlong taon, paulit-ulit niyang narinig ang mga salitang iyon. Sa tuwing sinusubukan niyang ipahayag ang kaniyang nararamdaman, agad siyang pinatatahimik ni Ethan.

Gayunman, patuloy siyang umaasa na magbabago ang pakikitungo ni Ethan sa kanya.

Tatlong taon niyang minahal ang lalaki. Tatlong taon siyang naging asawa nito. At kahit isang taon siyang nagdusa sa bilangguan, may bahagi pa rin ng kaniyang pusong naniniwalang balang araw ay makikita rin ni Ethan ang halaga niya.

“Please,” mahina niyang pakiusap. “Kahit isang beses lang.”

Huminga nang malalim si Ethan.

“I'll see what I can do.”

Hindi iyon pangako. Alam iyon ni Grace. Pero wala na siyang ibang mapanghawakan.

Pagdating sa hospital, agad niyang hinanap ang silid ng kaniyang lola.

“Lola!”

Nalaglag ang dala niyang supot nang makita ang matandang nakakabit sa mga medical device. Halos hindi na ito makagalaw, at nahihirapan na itong huminga. Mabilis na lumapit si Grace sa kama at hinawakan ang nanginginig na kamay nito.

“Lola, nandito na ako. Please, dumilat po kayo.”

Dahan-dahang iminulat ng matanda ang mga mata.

“Mia…Dumating ka na.”

“Lola, ano pong nangyari? Sabi ng nurse, masama daw po ang pakiramdam ninyo.”

Ngunit tila hindi na siya narinig ng matanda. Mahina itong ngumiti at hinaplos ang kaniyang mga daliri.

Hindi na napigilan ni Grace ang kanyang mga luha.

“Isang buwan na lang, makalalaya na ako. Araw-araw na kitang maaalagaan. Hindi ba't gusto ninyong bumalik tayo sa probinsya? Kapag gumaling kayo, uuwi tayo roon.”

“Oo…” mahinang sagot ng matanda.

Pagkatapos ay tiningnan siya nito nang may pagmamahal.

“Isama mo rin si Ethan. Gusto kong makita kayong dalawa na masaya. At balang araw, sana ay mabigyan ninyo ako ng isang magandang apo sa tuhod.”

Kahit alam ni Grace na malabong mangyari iyong, tumango siya.

“Opo, Lola. Sasama po si Ethan. Gusto rin naman niyang dalawin kayo, nagkaroon lang po siya ng business meeting.”

“Grace...”

“Wala akong pinagsisisihan sa buhay dahil naging apo kita. Napakabuti mong bata.”

“May kailangan akong sabihin sa iyo.”

Kinuha ng matanda ang Isang kala hating bilog a jade pendant mula sa ilalim ng unan at nilagay iyong sa palad ni Grace.

“Mia, ingatan mong mabuti ito.  Ito ang tunay mong —-”

Biglang bumukas ang p***o.

Pumasok si Ethan.

Napalingon agad si Grace, at sa kabila ng lahat, sumilay ang pag-asa sa kaniyang mukha.

“Lola, dumating si Ethan! Nandito na po siya!”

Ngunit hindi ang matanda ang agad na nilapitan ni Ethan. Balisa ang ekspresyon nito habang nakatingin kay Grace at abala itong nakikipag-usap sa isang taong nasa telepono.

Nang matapos ang tawag, agad siyang lumapit kay Grace.

“Come with me. Kailangan ka ni Sophia.”

Si Sophia ang childhood sweetheart ni Ethan—ang babaeng pinakamamahal nito mula pagkabata at ang babaeng hindi kailanman napalitan ng kahit sino sa puso nito.

Nawala ang ngiti sa mukha niya.

“Ano?”

“Naospital siya. Kailangan niya ng dugo.”

Napatingin si Grace sa lola niyang halos hindi na makadilat.

“Ethan, hindi ko puwedeng iwan si Lola. Kritikal ang kondisyon niya.”

“Rh-negative ang blood type ni Sophia. Wala silang mahanap na compatible donor sa ngayon.”

“Pero puwedeng tumawag sa blood bank!”

“Wala nang oras.”

Hinawakan ni Ethan ang kaniyang pulsuhan.

“Grace, you're the only compatible donor we have right now.”

Nang marinig niya iyon, tila may malamig na kamay na dumakot sa kaniyang puso.

Ilang ulit na siyang nagbigay ng dugo kay Sophia bago siya nakulong. Ngunit ngayon, ang babaeng nagbigay ng kaniyang testimonya laban sa kaniya ang dahilan kung bakit siya nakakulong.

At muli, siya na naman ang kailangang magsakripisyo.

“Please, Ethan.” Nagsimulang tumulo ang kaniyang mga luha. “Kahit ngayon lang. Hayaan mo muna akong manatili kay Lola.”

“Grace, don't be selfish.”

Parang may sampal na dumapo sa kaniyang mukha.

Selfish.

Dahil gusto niyang samahan ang babaeng nagpalaki sa kaniya?

“Ethan, hindi mo ba naiintindihan? Baka hindi ko na siya makitang muli!”

“Then you should understand how desperate I am to save Sophia.”

Mahigpit na hinawakan ni Ethan ang kaniyang kamay at hinila siya palabas.

“Lola!”

Nagpumiglas si Grace.

“Lola, babalik po ako! Pangako!”

Narinig niya ang mahinang pagtawag ng matanda sa likuran nila.

“Grace... ... ang pendant...”

Ngunit tuluyan nang sumara ang p***o.

Sa blood donation room, nanginginig si Grace habang nakahiga sa kama.

“Doctor, sigurado po ba kayong ligtas ito?” tanong niya nang makita ang dami ng kagamitang inihanda.

“Susuriin muna namin ang iyong kondisyon. Hindi kami kukuha ng dugo na lalampas sa ligtas na limitasyon.”

Ngunit sa labas ng silid, paulit-ulit na tinatanong ni Ethan kung sapat na ba ang dugong makukuha para kay Sophia.

Nang matapos ang proseso, nakaramdam si Grace ng matinding pagkahilo. Namutla siya at kinailangan pang alalayan ng nurse nang bumangon.

“Ma'am, kailangan ninyong magpahinga.”

“Hindi po puwede. Kailangan kong bumalik sa lola ko.”

Halos pasuray-suray siyang naglakad patungo sa silid ng matanda. Ngunit, pagbukas niya ng p***o, tumigil ang lahat ng tunog sa kaniyang paligid.

Tahimik ang silid. Wala na ang mga monitor na kanina'y patuloy na tumutunog. At nakatakip na ng puting kumot ang katawan ng kaniyang lola.

“Lola?”

Walang sumagot. Mabilis siyang lumapit sa kama at hinila ang kumot.

“Lola, nandito na ako!”

Hinawakan niya ang malamig na kamay ng matanda.

“Please, gumising po kayo. Bumalik na ako, Lola. Hindi na ako aalis!”

Bumigay ang mga tuhod ni Grace. Napaluhod siya sa tabi ng kama habang mahigpit na yakap ang kamay ng kaniyang lola.

Wala nang magpapahid ng kaniyang mga luha. Wala nang maghihintay sa kanya paglabas niya ng bilangguan. Nawala ang nag-iisang taong nagmahal sa kanya ng walang hinihinging kapalit.

“Grace.”

Narinig niya ang boses ni Ethan mula sa pintuan. Hindi siya lumingon.

“Ligtas na si Sophia,” sabi nito. “Salamat sa pagtulong mo.”

Dahan-dahang tumingala si Grace.

“Ethan... Wala na si Lola.”

Saglit na natahimik ang lalaki.

“I know. I'm sorry.”

“Sorry?”

Nanginginig ang kaniyang mga labi.

“Alam mo ba kung ano ang huling sinabi niya sa akin? Gusto niyang makasama tayo. Gusto niyang makita tayong masaya. Gusto niyang magkaroon tayo ng anak.”

Napatingin si Ethan sa relo niya.

“Grace, we can talk about this later.”

Parang tuluyan nang nabasag ang natitirang pag-asa sa puso niya.

Later.

Laging may ibang araw para kay Ethan. Ngunit para sa kaniyang lola, wala nang bukas. Biglang tumunog ang telepono ng lalaki.

“Sir, kailangan na pong bumalik ni Madam sa correctional facility,” sabi ng tumawag.

Narinig iyon ni Grace.

Kakamatay lamang ng kaniyang lola, ngunit kailangan na naman niyang sumunod sa mga patakaran.

Mahigpit niyang hawak ang isang kalahating bilog na jade pendant. Naalala niya ang huling sinabi ng kaniyang lola.

Ito ang tunay mong…

Ano ang ibig sabihin nito? Bakit itinago ng kanyang lola ang tungkol sa kaniyang pinagmulan?At bakit ganun na lamang kahalaga ang pendant?

“Grace, we need to go.”

Tumayo siya, pinunasan ang mga luha, at huling tiningnan ang katawan ng kaniyang lola.

Ang nag-iisang taong nagmahal sa kanya nang buong-buo ay wala na. At ang kanyang asawa? Ang tanging iniisip nito ay kung paano siya maibabalik sa kulungan.

Sa sandaling iyon, tuluyang namatay ang natitirang pag-asa sa puso ni Grace. Ngunit hindi alam ni Ethan na sa araw ding iyon, may isa pang bagay na namatay sa puso ng kanyang asawa.

Ang pagmamahal nito sa kanya.

Sa unang pagkakataon, naisip ni Grace na baka ang tunay na kalayaan ay hindi lamang ang makalabas ng kulungan—kundi ang makalaya sa lalaking patuloy na sumisira sa kaniya.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.

No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status