MAGWAN
Sa gabi ng kanilang unang wedding anniversary, nagbago ang ikot ng mundo ni Ysabella De Salcedo. Sa halip na ipagdiwang ang kaniyang lihim na pagbubuntis, pinalayas siya ng kaniyang cold at billionaire na asawa—si Lysander Montenegro—sa gitna ng malakas na ulan kasama ang mga peke at gawa-gawang ebidensya ng pagtataksil.
Dala ang basag na puso at ang matinding kagustuhang protektahan ang kaniyang dinadala, nagpasyang maglaho si Ysabella sa paningin ng mundo. Pinalabas niyang patay na siya upang tuluyang makatakas mula sa piling ng mga taong sumira sa kaniyang buhay.
Apat na taon ang nakalipas. Si Ysabella ay nagbalik na bilang si Bella Salcedo—isang matagumpay, palaban, at kilalang architectural designer, at mag-isang itinaguyod ang kaniyang cute at matatalinong kambal na sina Lucas at Luna.
Ngunit nang mag-cross ulit ang landas nila ni Lysander para sa isang billion-dollar business project, natuklasan ng billionaire CEO ang katotohanang matagal nang itinago sa kaniya.
Ngayong nakita na uli ng dating asawa ang kaniyang mga anak, kakayanin ba ni Ysabella na harangan ang lalaking desperado nang makuha silang muli? O mas lalo niyang ipapadama rito ang matinding pagsisisi para sa nakaraang pagkakamali nito?
154