A Billionaire Husband for the Rejected Bride
Sa loob ng apat na taon, wala nang ibang pinangarap si Elize Monteverde kundi ang maikasal sa kanyang nobyo na si Calvin Sarmiento. Subalit sa araw mismo ng kanilang kasal, hindi sumipot si Calvin sa simbahan dahil mas inuna nitong tulungan ang kababata nito na humingi rito ng saklolo.
Dahil labis na nasaktan, nagpasya si Elize na makipaghiwalay sa nobyo, magpakalayo-layo at muling makipagkasundo sa kanyang pamilya na nakasamaan niya ng loob mula nang piliin niya ang tawag ng pag-ibig kaysa sa pakiusap ng mga ito.
Sa muling pagbangon ni Elize, muli niyang bubuuin ang kanyang buhay at mga pangarap sa tulong ng mga taong tunay na nagmamahal sa kanya. At kung kailan inaakala ng dalaga na maayos na ang takbo ng kanyang buhay, saka niya makikilala si Rafael Dominic Del Fierro o Ralph, ang bilyonaryong kinatatakutan ng lahat dahil sa magaspang na pag-uugali nito.
They will share one drunken night together, prompting Ralph to offer her marriage the next day.
“K-kasal? Hindi ginagawang biro ang kasal, Mr. Del Fierro,” ani Elize, puno ng pagtutol ang tinig.
“And who told you I’m joking? I’m dead serious. Marry me, Ms. Monteverde.”
“P-pero bakit? It’s just a one-night-stand!”
Umangat ang gilid ng labi ni Ralph. “I only have one reason, your brother is my enemy. Now, you marry me or you will never ever go back to your family.”
Napasinghap si Elize, nanginig. Ano na naman ba iyong pagkakamaling nagawa niya?