Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Married to His Father, Claimed by the Son

Married to His Father, Claimed by the Son

"Welcome home, Xerxes." Iyan ang bating isinalubong ni Amara Mañago sa bagong dating na tagapagmana ng mga Castillejo. Pero imbes na yakap, isang nakakapaso at mapanuyang tingin ang natanggap niya. Dahil si Xerxes Castillejo—ang gwapo, rebelde, at bagong stepson niya—ay walang iba kundi ang ex-boyfriend na iniwan niya at dinurog ang puso tatlong taon na ang nakararaan. Napilitan si Amara na magpakasal sa ama ni Xerxes, ang bilyonaryong si Don Alfonso Castillejo, sa isang contract marriage para protektahan ang kumpanya at ang mana ni Xerxes mula sa mga gahaman nilang kamag-anak habang may sakit ang Don. Lihim ang kontrata. Sa mata ng mundo—at sa mata ni Xerxes—isa siyang gold digger na binebenta ang katawan para sa yaman. Desidido si Xerxes na gawing impyerno ang buhay ni Amara sa loob ng mansyon. Ang plano niya: akitin ito, paaminin na pera lang ang habol niya, at wasakin ito gaya ng ginawa nito sa kanya noon. Sa bawat gabing nagtatama ang kanilang landas sa madilim na pasilyo ng mansyon, tila isang laro ng apoy ang namamagitan sa kanila. "Kung kaya mong ibigay ang katawan mo sa isang matanda para sa pera," bulong ni Xerxes habang idinidiin si Amara sa pader, "Bakit hindi mo ibigay sa akin nang libre? Tutal... kabisado ko na ang bawat sulok nito." Hanggang kailan kayang panindigan ni Amara ang pagiging tapat na asawa ng ama, kung ang puso at katawan niya ay sumisigaw para sa anak nito?
Romance
10717 viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Her Playboy CEO (FILIPINO VERSION)

Her Playboy CEO (FILIPINO VERSION)

Josie frank
Naglalaro sila ng isang mapanganib na laro, naglilikot sa isang lugar kung saan madali silang mahuli ngunit sa tingin ko bahagi iyon ng kilig . Isang mainit na gulo. Isang mainit na boss. Isang napakaraming mainit na engkwentro na may pagnanasa na hindi mapaglabanan. Si Leslie ay parang walking ticking bomb hindi lang literal na "kapus-palad" ang ibig sabihin ng kanyang pangalan, ngunit iyon ang kuwento ng kanyang buhay. Pakiramdam niya lahat ng mahawakan niya ay biglang nagiging kalokohan. Lalo na pagkatapos ng hindi magandang pangyayari sa kanyang dating nobyo, lumipat siya sa studio na kanyang ibinahagi sa kanyang dating dahil sa panloloko na nangangahulugang bumalik siya sa bahay kasama ang kanyang teenager na parang mga magulang. Kaya naman kailangan niya ng bagong trabaho bilang personal assistant ni Damien Cameron Romano para makabangon muli. Ang tagapagtatag ng Boyce industries, Tatlong buwan sa trabahong ito at maaari na siyang lumipat at, sana ay magsimulang muli sa bagong tseke mula sa kanyang bagong trabaho. Sa papel, madali ang kanyang trabaho. Mag kape. Mag-book ng mga appointment. Panatilihing maayos ang lahat. Ngayon, wala na dahil hindi nagpapagaan ang kanyang amo sa kanyang seksing katawan at seksing mga mata. Imbes na tumutok sa trabaho niya ay walang tigil ang iniisip niya tungkol sa biglaang nakakapasong paso ng kanilang atraksyon sa isa't isa. Pero boss niya! Alam mo kung ano ang sinasabi nila tungkol sa paghahalo ng trabaho at kasiyahan: Hindi ito nagtatapos ng maayos.
Romance
108.9K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Proxy Bride

The Billionaire's Proxy Bride

Karen Apilado
"You're a virgin?!" sigaw ni Lysander Cuevas saka umalis sa ibabaw niya. Hinilamos nito ang palad sa mukha, trying to absorb everything that just happened. Trying to fully understand how could his wife be a virgin when she's supposed to be pregnant, the very reason of their forced marriage. "Papaano?" tanong ni Lysander at saka pinagmasdan siya na kumuha ng kumot upang takpan ang hubad na katawan. She trembled in fear as she finally looked up to him. "I'm Isabella, the twin sister of Gabriela, your bride." - Pinahid na lamang ni Isabella ang mga luha na lumalandas sa kanyang mga pisngi habang inaalala ang nangyari noong gabing iyon. After that confrontation ay agad na nagdesisyon ang asawa niyang si Lysander na palayasin siya sa mansyon. Ang malupit pa nito ay agad pinaasikaso ni Lysander ang mga papeles para sa legal nilang paghihiwalay, ngunit hindi niya iyon tinanggap. "Señorita Isabella, naghihintay na po ang sasakyan sa labas," sambit ng lalaking nasa likuran niya. It was her grandfathers' assistant. Tumango lamang siya dito, "susunod na ako, salamat." Muling lumingon si Isabella sa mansyon at doon ay namataan ang asawang si Lysander na nakatayo sa balcony at matalim ang tingin sa kanya. Hinihinntay niyang pigilan siya ni Lysander ngunit wala itong ginawa. Sa puntong iyon ay tuluyang tumalikod si Isabella at naglakad patungo sa naghihintay na sasakyan sa labas ng malaking gate. She's going home to the Herrera's. She looked at the facade of the mansion where she once lived. "Babalik ako." She whispered. - This is the story of Isabella Herrera-Cuevas, a castaway wife who made her way back to her rightful place, as Lysander Cuevas wife.
Romance
102.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
His Perfect Servant

His Perfect Servant

Prologue Hawak ang maliit na bag, nakatayo si Althea Santos, 20, sa harap ng marangyang tahanan ng pamilya Velasco. Para bang ibang mundo ang kaharap niya—malayo sa simpleng buhay sa probinsya. Kailangan niya ang trabahong ito, at ang pagiging kasambahay ng isang kilalang doktor ang tanging daan upang makatulong sa pamilya. Pagpasok niya sa sala, sinalubong siya ng bango ng mamahaling pabango at kinang ng chandelier. Ang bawat sulok ay parang larawan mula sa magasin, at halos hindi siya makapaniwala na dito siya maninirahan. “Ah, ikaw pala si Althea,” isang malalim na tinig ang umalingawngaw. Lumingon siya at napatigil. Isang matangkad, gwapo, at matipunong lalaki ang naroon—may malamig na tingin ngunit hindi maitatangging kaakit-akit. Si Dr. Adrian Velasco, 25, amo niya at isang respetadong doktor. “Y-yes, Sir,” sagot niya, pilit pinapakalma ang nanginginig na tinig. Ramdam niya ang mabilis na tibok ng puso, hindi lamang dahil sa kaba kundi sa paraan ng pagtitig ni Adrian—parang binabasa ang kanyang buong pagkatao. Lumapit ito, mabagal at tiyak ang bawat hakbang. “Welcome sa Velasco residence. Sana makapag-adjust ka nang mabuti.” Kasabay ng banayad na babala ang isang maliit na ngiti na nag-iwan ng init sa dibdib ni Althea. Sa sandaling iyon, naramdaman niya ang tensyon—isang halong respeto, kaba, at hindi maikakailang kilig. Alam niyang hindi magiging ordinaryo ang mga susunod na araw. Sa ilalim ng bubong na ito, magsisimula ang kwento ng damdamin na susubok sa kanya—mga lihim, selos, kilig, at sakit na magbabago sa kanyang puso magpakailanman. ---
Romance
1.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Señorito's Love: An Unforgettable Affair

Señorito's Love: An Unforgettable Affair

Hindi malilimutan ni Sofia Mendes ang ganap sa kanyang kabataan .Napahiya siya ng husto dahil sa pagmamahal lang ng isang tao . Minaliit at kinutya ang kanyang pagkatao bilang isang babae . Halos hindi niya makakalimutan ang gabing iyon na siyang simula ng kanyang bangungot.Ang buong akala niya mahal siya ni Zimon Morgan ang haciendero na tagapag mana ng Morgan kompany nag iisa lang itong anak ng mag asawang mala demonyo ang pag uugali . Pero bago pumunta sa ibang bansa si Zimon para layuan siya nagiwan muna ito ng mga salitang magiging dahilan para kamuhian niya ang katulad ni Zimon . ''' isa ka lang sa mga babaeng natikman ko Sofia ,ginamit lang kita dahil lalaki ako at madaling matukso sa tulad mong madaling makuha '' para siyang pinagsakluban ng langit at lupa pagkarinig sa mga salitang iniwan sa kanya ni Zimon . Iniwan siyang may tanong sa kanyang isipan . Nangako itong mamahalin siya kahit ang tingin ng mga magulang ng binata ay isa lamang siyang hamak na hampas lupa at mukhang pera. Napaniwala ni Zimon si Sofia sa matatamis na salita hanggang sa nakuha na niya ang kanyang gusto at bigla itong naglahong parang bula. Taon ang lumipas ng biglang nagpakita sa kanya si Zimon at alukin siya nitong bilang asawa . Ang kinamumuhian niyang lalaki ang siyang magiging asawa niya sa ngalan lamang ng papel. Tatanggapin kaya ni Sofia ang gusto ni Zimon o tanggihan? Paano kung si Zimon pala ang magiging dahilan para mapalapit siya sa taong pumatay sa buong pamilya na meron siya noon. Warning 18+ only may eksenang bawal sa mga 18 pababa .
Romance
108.9K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Married To The Mafia Boss

Married To The Mafia Boss

Matteo Montenegro is a 32 year old businessman. Isa siya sa pinaka kilala at maimpluwensyang tao pagdating sa larangan ng negosyo. At his age ay hindi na halos mabilang lahat ng mga negosyong naipatayo nito mapa loob o labas man ng bansa. "What?! Siya si Matteo Montenegro?" Agad naagaw ang aking atensyon sa kadarating lang na lalaki at saktong huminto ito sa aming harapan. Freya, my twin sister looked at the man with disgusts. "You've got to be kidding me, Mum! Ipapakasal nyo 'ko sa isang lumpo?!" Mabilis na tinakpan ni Mama ang bibig ng kambal ko sabay pinanlakihan niya ito ng mata. "Watch your mouth, Freya. Hindi kung sino-sinong lalaki lang 'yang kaharap mo." May halong diing saad ng aming ina tsaka ito muling humarap dun sa lalaki. "Pasensya na po kayo sa inasal ng anak ko, Mr. Montenegro, nagulat lamang po siya." Hindi umimik iyung lalaki at diretso lang ang tingin nito sa kawalan. Palihim ko naman itong pinasadahan ng tingin. He's dashingly handsome. From his deep, blue eyes, thick brows, pointed nose down to his firm jawline. Walang tapon. He's currently sitting on a wheelchair habang nasa likod naman niya ang isang matangkad na lalaki na naka all black attire, must be his bodyguard. It's obvious that he can't walk. "Wait, are you blind?" Ang diretsong tanong ng kambal ko habang naka kunot ang noo. Muli ay hindi naman umimik iyung lalaki kaya ang bodyguard na niya ang sumagot. "Yes, my boss is blind but-" "Oh, come on! Lumpo na ta's bulag pa? Ganyang klasi ng lalaki ang nais mong ipakasal sa'kin? What kind of a mother are-" "Enough, Freya!"
Mafia
10760 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Coffee, Love & Secrets

Coffee, Love & Secrets

Timotheo George Yves is a 27-year-old heir to a luxury hotel empire with a degree in Engineering. In his life, he can do whatever he wants… money is never a problem to him. Pero thrill is not there anymore at pakiramdam niya ay nakakulong siya sa expectations ng kanyang pamilya. To escape from his parents’ manipulative hands, he left the city and starts posing as "Timo," isang barista sa malayong lugar na sa tingin nya ay hindi na sya mahahanap ng kanyang mga magulang. Isang regular customer si Ashanti Veronica Sullivan sa cafe kung saan nagtatrabaho si Timo. Isang passionate na social worker si Ash na may layuning tulungan ang mga taong nasa baba katulad niya. Since Timo met Ash, he wondered what kind of person Ash is until he realized he became curious of her more. They become friends at kalaunan ay nahulog ang puso ni Timo kay Ash. Far from Timo’s expectation, his parents find out about his relationship with Ash at ang mga magulang niya ay hindi sang-ayon sa kanilang relasyon. They feared Ash will bring Tim to his downfall and will cause disgrace to their family. Lalong gumulo ang sitwasyon ng ang kanyang lolo ay nagdagdag ng clause sa kanyang will: Timo must marry a woman of "modest means" within six months para makuha ang kanyang mana. Timo’s parents force him to be with someone who is on their level, but he is against it. Timo doesn't have a choice, but to hide his true identity from Ash, risking their relationship. Samantala, muling nagbalik ang manipulative ex-fiancé ni Ash, si Keanu Florian Domingo, na nagbabantang ibunyag ang sikreto ni Timotheo. As the deadline nears, Timotheo must confront his family's prejudices at kailangan niyang pumili sa pagitan ng kanyang inheritance o kinabukasan kasama si Ash.
Romance
9.8269 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Paubaya

Paubaya

Synopsis Fiery Eilliesh Perin, a 20 year old woman was impregnated by her fling. At dahil hindi naman siya mayaman, bukod pa roon ay wala rin siyang pangtustos dito kung bubuhayin niya ang bata. Ulilang lubos, kaya naman buong pag sisisi niya nang malamang buntis siya. Iyon nga lang, ayaw iyon tanggapin ng Ama nito nang sabihin niya ang tungkol sa anak, dahilan upang mamroblema siya kung papaanong gagawin na pamumuhay lalo na't isang libo na lamang ang pera na natitira sa kanya. An idea came into her mind. Bakit hindi na lang kaya siya humanap ng Sugar Daddy, tutal ay uso naman daw. Sa tingin naman niya ay kaya raw niya ang pakikipag entertain ng matatanda, basta ba ay malaki ang pera na ibibigay. Iyon ang nasa isip niya habang tinatahak ang daan patungo sa malapit na Bar ng University na pinapasukan. Unexpectedly, she had a sudden strange encounter with a 24 year old businessman. Ang akala niyang ikapapahamak niya ay kasalungat ang nangyari. The man kissed her senselessly as soon as he met her. Kahit pa hindi niya kilala ang lalaki, at kahit pa nagulat siya sa nangyari, hindi iyon naging hadlang upang hindi ito gantihan ng halik pabalik. And that was when a light bulb appeared above her head. Tutal naman ay mayaman, mukhang fuck boy dahil nanghahalik bigla, bakit hindi na lang niya pikutin upang matulungan siya sa batang dinadala niya? And that was when she pretended that the baby inside her womb was Jacques Yttrium Sylvester's son. Pilit niyang pinaniwalang kanya ang batang dinadala, hanggang sa tanggapin sila nito at kupkupin. Until Yttrium fell inlove with her and with the baby inside her.
Romance
2.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Tempting My Dad’s Irresistible Best Friend (SSPG)

Tempting My Dad’s Irresistible Best Friend (SSPG)

Tempting My Dad’s Irresistible Best Friend (SSPG) “I’m your dad’s friend, your boss… but tonight, I only want you, baby girl.” *** Hindi inakala ni Engr. Andrea Ramirez na ang isang gabi na puno ng saya at kalibugan ay kayang baguhin ang buong mundo niya. Isa lang dapat itong walang kahulugang one-night stand—isang hamon mula sa kaniyang mga kaibigan, at pagkakataon para patunayan na hindi na siya bata sa mata ni Luca. Ngunit kinabukasan, ang estrangherong hindi niya matigil na iniisip… ay walang iba kundi si Luca Romanov. Her dad’s best friend. Her boss. Her protector. At ang lalaki na matagal na niyang hinahangaan—ang kaniyang lihim na paghanga na akala niyang hindi niya kailanman makakamtan. Si Luca ay kaakit-akit, puno ng kumpiyansa sa sarili, at tila walang balak magseryoso sa pag-ibig dahil halos ang trabaho na lamang ang pokus niya. Ngunit sa kabila ng propesyonalismong iyon, hindi maiwasang madama ni Andrea ang kakaibang tensyon sa pagitan nila—isang apoy na hindi niya kayang patayin. Alam ni Andrea na mali at delikado ang pagsasama ng trabaho at pagnanasa. Pero bawat tingin, bawat galaw, bawat salita ni Luca ay pumupukaw sa kaniya. Hindi niya maitatanggi ang nararamdaman, at sa bawat sandali, nahuhulog siya nang mas malalim sa lalaking matagal niyang pinapangarap. Wala siyang ibang plano kundi paibigin si Luca. Handa siyang ilagay sa panganib ang lahat—ang kaniyang reputasyon, ang kaniyang trabaho, at ang kaniyang puso—upang mahulog sa kaniya ang kaibigan ng kaniyang ama. Ngunit hanggang saan siya handang magtiis bago tuluyang masunog sa apoy ng kanilang ipinagbabawal na pagnanasa?
Romance
94 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Falling For The Billionaire

Falling For The Billionaire

“A marriage of convenience… turned into a love worth fighting for.” Isang kasal na hindi pinili, kundi ipinilit ng kapalaran. Para kay Vernice, ang kasal ay isang bagay na dapat nagmumula sa pagmamahal at hindi sa kasunduan. Ngunit biglang nagbago ang lahat nang mapilitan siyang pumayag sa isang arranged marriage—at ang lalaking nakatakda niyang pakasalan ay walang iba kundi si Caius, isang makapangyarihang negosyante na kilala sa kanyang malamig na ugali at walang interes sa pag-ibig. Sa simula, parang isang bangungot ang pagsasama nila. Ang buhay ng isang simpleng babae ay biglang naipit sa mundo ng karangyaan, intriga, at matinding pressure na dala ng pagiging asawa ng isang kilalang billionaire. Sa kanilang pagsasama, tila dalawang magkaibang mundo ang pinilit na pinagtatagpo—isang pusong naghahanap ng pagmamahal at isang pusong sanay nang magtago sa likod ng yaman at kapangyarihan. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, may mga simpleng bagay na unti-unting nagbabago. Ang mga tingin na dati ay malamig, naging mainit. Ang mga usapan na dati ay pormal at walang saysay, nagiging puno ng lambing at tawa. At ang kasal na dati’y walang emosyon, nagiging isang tahanan ng pag-ibig na hindi nila inasahan. Subalit hindi mawawala ang mga pagsubok—mga taong tututol, intriga ng lipunan, at takot na baka ang lahat ng ito ay pansamantala lamang. Ngunit sa kabila ng lahat, matutuklasan nilang hindi ang kasunduan ang magtatali sa kanila, kundi ang pusong natutong magmahal ng totoo. Isang kwento ng dalawang taong hindi pinili ang isa’t isa, pero pinili ng tadhana. Sa huli, mapapatunayan nilang minsan, ang pagmamahal ay dumarating sa pinaka–hindi inaasahang paraan.
Romance
10368 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
192021222324
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status